115 May Sasabit

Nang mapansin ni Jaime na hindi maalala ni Kate si Mel, agad itong lumapit at buong lambing na tinawag ang anak.

"Kate, anak, ako ang Daddy mo! May masakit ba sa'yo?"

Puno ito ng pagaalala at pagmamahal.

Pero...

Laking gulat ng lahat na kusang umiwas si Elise.

Maging si Elise ay hindi maintindihan kung bakit kahit na sincere ang ipinapakita ni Jaime na pag aalala sa kanya, hindi nya kayang lumapit sa taong nagsasabing Daddy nya.

Ewan nya pero pakiramdam nya, kailangan nyang magingat sa taong ito.

"Jaime ano ba? Huwag mong takutin ang bata!"

Suway ni Nadine.

"Nagaalala lang naman ako sa kanya! At isa pa, masyado ko lang syang namiss! Masama bang lapitan sya? Gusto ko lang din naman syang mayakap! Pwede ba anak?"

Pakiusap ni Jaime kay Elise.

"Kate, pwede bang pagbigyan mo ang Daddy mo? Namiss ka talaga nya ng sobra!"

Nakikiusap na rin si Nadine.

Batid nya kung gaano kalaki ang apekto kay Jaime ng ibalita sa kanyang patay na ang anak. Naospital ito ng ilang araw.

Kaya nung malaman nila kay Eunice na may posibilidad na buhay pa ito, hindi maitago ni Jaime ang nararamdamang saya. Naiyak pa ito sa sobrang saya.

Inantay nila ang tugon ni Elise.

Nalilito naman si Elise, ayaw nyang lapitan o madikit man lang sa lalaki pero naaawa sya sa pakiusap ng babaeng Mommy daw nya.

Na pepressure sya at sa sobrang pressure nya, napatingin sya kay Mel na parang nanghihingi ng sagot.

Buong pagmamahal na ngumiti si Mel at saka tumango na parang sinasabing,

'Huwag kang magalala, andito lang ako!'

Ewan nya pero parang narelax sya ng makita ang mga ngiting iyon ni Mel.

Tumango si Elise at hindi na napigilan ni Jaime na akapin ang anak.

Namiss nya 'to! Matagal na matagal na panahon na ng huli nyang maakap si Kate, hindi nya tuloy mapigilan na maluha.

Subalit panandalian lang ang tagpong yun. Agad na kumawala si Elise at patakbong lumapit kay Mel at inakap ito.

Ewan nya pero nakaramdam sya ng takot para kay Mel dahil sa lalaking Daddy daw nya.

"Okey lang ako WifeyLabs, okey lang ako!"

Alo ni Mel kay Kate na tila naintindihan ang ikinikilos nya.

Nahimasmasan si Elise sa tugon ni Mel.

At si Jaime, bitin na bitin naman sa nangyari.

Napabuntung hininga na ang ito para iwaksi ang nararamdaman.

"Uhm, Melabs anong sabi ng duktor? Kamusta daw si Kate at ang baby nyo?"

Tanong ni Nadine.

"Okey naman daw po sya at ang mga baby, huwag po kayong magaalala."

"Babies? You mean twin yang nasa tyan ni Elise? No wonder ganyan sya kalaki! Gosh I thought kabuwanan mo na!"

Bulalas ni Ethan na ikinagulat nilang lahat.

Magkasama sila sa iisang silid pero hindi man lang sya napapansin ng mg ito.

"At sino ka naman?"

Tanong ni Jaime.

"Ako po si Ethan Sir, ako po ang nakasama at nagbantay kay Elise nitong mga nagdaang buwan!"

"Oh, ikaw pala!"

"Paano kayo namuhay ng ilang buwan sa isla?"

Usisa ni Nadine.

At ikinuwento ni Ethan ang mga nangyari.

"Na comatose ka?"

"Paanong .... ?"

"Hindi ko rin po alam pero nakatulong po ata ang mga gamot na dala nya!"

'Gosh!'

Hindi makapaniwala si Mel. Si Kate ang gumawa ng gamot na yun. Katunayan gawa ito sa tubig mula sa talon kaya likido ito.

Ang ikinabigla ni Mel, bakit parang prepared si Kate?

'Bakit parang alam ni WifeyLabs na may mangyayaring masama sa kanya?'

Hindi maisatinig ni Mel ito dahil naruon ang mga magulang ni Kate pero may kutob na si Nadine na nasaksihan na ang milagrong nagagawa ng talon.

"Kung gayon dapat pala akong magpasalamat sa'yo iho!"

Nakangiting nilapitan ni Jaime di Ethan at kinamayan.

"Kung may amnesia sya, kailangan natin syang maiuwi agad sa bahay! Kailangan nya tayo! Kaya paglabas nya ng ospital, iuuwi natin sya sa bahay natin!"

Buong ngiting sabi ni Jaime.

"Hindi!"

Napatingin sila kay Mel na tumutol sa gusto ni Jaime.

"Pasensya na Sir, pero asawa ko sya, duon sya uuwi sa bahay namin!"

"Bakit maalagaan mo ba sya? Sa lagay mong yan?"

Iritadong tanong ni Jaime.

"Sir, hindi naman po alagain ang asawa ko, may amnesia lang po sya. At isa pa po, kilala nyo si Kate My WifeyLabs, ayaw nya ng inaalagaan ay tinatrato syang parang bata."

Matapang na sagot ni Mel na ikinainis ni Jaime.

"May katwiran sya Jaime!"

Sabi ni Nadine.

"Ayoko! Hindi ako makakapag! Tayo ang magulang nya kaya natural lang na dapat tayo ang tumingin sa kanya! Paano sya maalagaan ng baldadong yan? Baka sa huli si Kate pa ang mag alaga sa kanya!"

Singhal ni Jaime na gigil na gigil at dinuro pa si Mel na parang gusto nitong saktan.

"Tama na po! Tama na po! Sasama na po ako sa inyo pero huwag nyo po syang sasaktan!"

Umiiyak na pagmamakaawa ni Elise. Hinarang pa nito ang katawan nya kay Mel para maprotektahan sya.

"Jaime tama na! Tumigil ka na!"

Natahimik si Jaime sa naging reaksyon ni Kate.

'Wala naman akong planong saktan si Mel, pero bakit ganito magisip si Kate. Ganito ba talaga kasama ang tingin sa akin ng anak ko at kahit na may amnesia sya ilag pa rin sya sa akin at tinging nya isa akong kaaway?'

Nilapitan ni Nadine si Elise.

"Kate anak, huwag kang magaalala hindi sasaktan ng Daddy mo si Melabs, pangako ko yan sa'yo! Kung gusto mong sumama kay Melabs, okey lang, asawa mo sya. Alam kong maalagaan ka nya kahit ganyang may kapansanan pa sya!"

"Pero galit po sya kay Melabs, baka saktan nya po si Melabs kapag hindi po ako sumama sa kanya!"

Tiningnan ng matalim ni Nadine si Jaime.

"Hindi! Hindi sya magagalit! Diba Jaime?"

"O-Oo, okey lang kung sasama ka sa kanya, Kate, hindi ako magagalit. Promise! Nabigla lang ako kanina."

Paliwanag ni Jaime kahit na namumula ito dahil pinipigilan ang nararamdamang inis.

"Talaga po?"

"Oo anak!"

Pinilit ngumiti ni Jaime.

"Melabs payag na silang duon ako tumuloy sa bahay mo!"

"WifeyLabs, bahay natin!"

"Alin bang bahay ang tinutukoy mo Mel?"

Yun pong sa Bulakan na bahay ko! Yun po ang dating bahay ni AJ Dude ko na binili ko para sa amin ni Kate MyWifeyLabs!"

"Akala ko iuuwi mo na sya sa Sinag."

"Hindi pa po muna, baka po delikado kay WifeyLabs na magbyahe ng malayo sa kalagayan nya. At saka, alam ko naman pong namiss nyo po sya Mommy pretty. Pag sure na po natin na okey sya at ang mga babies, saka po kami babalik ng Sinag!"

"Salamat Melabs!"

Buong sayang sabi ni Nadine.

'Mabait talaga itong si Mel! Alam nya at pinapahalagayan ang damdamin ng mga malalapit kay Kate!'

"Melabs, pwede ba akong magrequest?"

"HubbyLabs!"

"Ha?"

"Tawagin mo akong HUBBYLABS! Yan ang tawag mo sa akin, pagkatapos nating makasal. Ikaw ang WifeyLabs ko at ako naman Ng HubbyLabs mo!"

"H-HubbyLabs!"

"Yes Kate MyWifeyLabs, anong request mo? Pangako kahit ano pa yan pipilitin kong gawin!"

"Eh, kasi ... pwede ba nating isama si Ethan sa bahay mo?"

Napataas ang kilay ni Mel.

Pumalakpak naman ang tenga ni Ethan.

"Bakit? Wala ka bang bahay?"

Napataas ang kilay ni Mel

Lintek na 'to, sasabit pa!'

"Wala Melabs, kaya ampunin mo na ko! Hehe!"

"Anong Melabs ka dyan?"

Ethan: "????"

"Sige na HubbyLabs, payag ka na pleeeaaase!"

"Sige na nga!"

Kahit na naiinis ito at nagseselos, pumayag na rin sya sa pakiusap ni Kate.

avataravatar
Next chapter