webnovel

THE SEARCH: Beryl

Due to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and homeless people like her are not welcomed. Status is important in the kingdom of Eufrata. Paupers can't even step into the palace. Bad luck or as it is, the Kingdom is looking for the precious stones. So in order to get out safely and save her fellow paupers, she needs to escape. But she only have two options; Sneak out and be killed by the sentries or join the team and look for the stones. She's stuck in a dangerous struggle and grievous mission. She needs to choose. She lives no Queen nor a princess, she doesn't belong to any royalties. She isn't great as the echelons, she ain't elite either. She doesn't live a normal life, she is not just a normal girl. Because she belongs to the lowest group in kingdom. She is a pauper. But she is extraordinary. Her perception is supernatural, and she is more than that. Will she be able to survive in a breathtaking atmosphere between elites and paupers? Is there a chance for a hopeless romantic between a pauper and an elite? How is she going to survive if she finds out that her capabilities are more than of what she expected? Will she survive when THE SEARCH begins?

MyName_IsNoOne · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
53 Chs

19

CHAPTER NINETEEN

Muli akong naglakad at walang lakas na nagpahila kay Corinthians. "Anong problema mo?" Takang tanong ni Corinthians ng mapansin ang inaasta ko.

"W-wala akong gamit." nagdadalawang isip pa ako nang sabihin ko iyon, ngunit wala namang silbi kung hindi ako magsasalita ng aking pangangailangan.

Sandaling napahinto si Corinthians at tiningnan ang aking kabuuan.

They are all wearing black suits, sigurado akong bullet proof ang mga ito dahil sa matigas nitong anyo. They are wearing boots with 3 inches wide heels, pang protekta sa kanilang mga paa. Mahaba at itim ang kanilang pambaba na nakapasok sa kanilang boots, at makakapal ang mga iyon upang hindi basta-bastang magalusan.

At heto ako, isang dukhang nakapaa, naka puting damit at malaking short, may benda pa sa paa. Nakakahiya, tangina. As in sobrang nakakahiya.

"W-well.." mukhang pati si Corinthians ay hindi alam ang gagawin.

"Anong problema niyo? Tara na?" Iritadong saad ni Nathalia, mukhang hindi niya gusto ang presensya ko. At hindi niya naman talaga gusto ang naririto ako.

Suhestiyon niya lamang na isali ako bilang pain.

"Eh kasi wala siyang damit, tingnan mo naman oh! Wala siyang gamit!" ani Corinthians. Mukhang nakuha naman agad ito ni Nathalia at halatang namroblema na rin.

"Problema ka talaga." mahinang saad ni Nathalia at saka muling naglakad. "Halika, sa sasakyan may dala akong damit. Magkakasya naman ang mga iyon sayo." dagdag niya at nauna nang pumasok sa loob ng isang malaking truck.

Nahihiya akong sumunod. Ni minsan ay hindi ako nahiya kanila Laura at Marcus, ngunit kasama ang mga ranggong ito pakiramdam ko'y nararapat lang sa akin ang mahiya.

"Tara na!" ani Corinthians at muli akong hinila papuntang sasakyan.

Mabilis kaming pumasok sa sasakyan, magagalit na naman daw kasi ang Prinsipe kung babagal bagal kami. Kaya naman kahit naka paa ay halos takbuhin ko na ang pasilyo ng palasyo para lamang magmadali.

"Oh eto, suotin mo ang mga iyan. Maghahanap pa ako ng ibang gamit dito." wika ni Nathalia habang hinahalukay ang kanyang mga gamit.

"I'll also look at my things, baka may mga gamit pa ako. Magagalit na kasi si Zavan kapag bumalik pa tayo. Ang mga gamit kong dala ay para sa akin din lang, pero pwede ko namang ipahiram sayo." ani Corinthians at nagsimula na ring maghalungkat sa kanyang malaking maleta.

Nakatayo lamang ako sa loob ng truck habang naghihintay ng kanilang ibibigay. Nakakatawang isipin, kahit saang parte isa lamang talagang akong dukha na nanghihingi ng mga bagay na hindi akin.

"Okay na ba kayo diyan? Aalis na tayo." tinig iyon ni Chrysler sa driver's seat.

"Okay na!" sigaw ni Corinthians.

"Kasama niyo ba iyong babae? Nandyan na ba?" Tanong muli ni Chrysler na ako ang tinutukoy. Napatingin sa akin ang dalawang babae.

"Oo, nandito na!" muling sigaw ni Corinthians at ibinalik ang tuon sa paghahanap ng gamit pati na rin si Nathalia. Halos matumba ako ng biglang umandar ang sasakyan. Mabuti na lamang at malakas ang aking pagkakatayo at hindi ako basta-bastang nabuwal.

"Pfft. You can sit now witch!" wika ni Nathalia, nakuha muna akong pagtawanan bago ako pinagsabihang umupo.

Sa maduming lapag ay walang arte akong umupo. Hindi nga nag iinarte ang dalawang ranggong nakasalampak sa maduming lapag, ako pa kayang isang dukha?

"Here. Use this shirt, mukhang kakasya rin sa iyo ang mga boots na ito. Magbihis ka na, bukas na bukas pagka ayos natin ng mga gamit maghahanap agad tayo." wika ni Nathalia habang inaabot sa akin ang kanyang mga gamit. Sa una'y gusto ko lamang itong titigan ngunit agad ko rin naman itong inabot.

"Eto. I'm sure it will be useful to you, marami iyang bulsa. Huwag kang mag-alala dahil walang butas iyan." saad ni Corinthians at ibinigay sa akin ang itim at makapal na pang ibaba.

Hinintay ko silang tumalikod, ngunit nagkamali ako dahil wala ata silang balak gawin iyon. Napabuntong hininga ako.

"Pwede ba kayong tumalikod?"

Mukhang pareho pa silang nagulat, ngunit wala lang naman silang ibang nagawa kundi ang tumalikod na lamang.

"Ang arte mo ha. Hindi ka nga nagpapakilala sa amin, kingina I can't believe this! I'm with a stranger, kampanteng kampante akong kasama ka ni hindi nga pala kita kilala!" ani Corinthians.

Sinimulan kong hubarin ang mga damit ko at isinuot ang puting t-shirt na ibinigay sa akin ni Nathalia. Mukha iyong sando dahil wala itong manggas. Mabuti na lamang at maputi ang kili-kili ko, mahirap na at mga ranggo ang kasama ko. Nahubog tuloy ang aking dibdib at kurba ng aking katawan dahil sumakto iyon sa size ko.

Sunod kong hinubad ang aking short at isinuot ang ibinigay sa aking pantalon ni Corinthians. Mabuti na lamang at hindi nagkakalayo ang aming mga katawan kaya't nagkasya rin ito sa akin. Ang itim na pantalon na suot ko ay maayos sa pakiramdam mukhang magiging komportable ako sa mga gagawin ko, 6 pocket pants ito. Sakto lang sa mahaba kong legs.

"Wow!"

Napahinto ako sa pagdadamit. Huli na rin ng mapansin kong pinagmamasdan nila akong magbihis!

Leche?

Namilog ang aking mga mata at wala sa sariling itinapon sa kanilang nga mukha ang hinubad kong damit.

"What the?" bakas sa kanila ang gulat dahil sa ginawa ko. Ngunit kalauna'y tumawa si Corinthians dahil siguro sa iniasta ko.

Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o magagalit.

"Witch! You have such a very nice body, nahiya ka pa! At itinapon mo pa talaga sa mukha ko itong shirt mo ha!" natatawang saad ni Corinthians at itinapon ito sa akin pabalik. Tila namula ako dahil unti-unti kong naintindihan kung ano ang ginawa ko. "Badass. Keep it, I have shorts too!" ani Nathalia at itinapon sa akin ang short ko na agad ko namang nasalo.

Pinagtawanan nila ako hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong natawa na rin.

Sa kalagitnaan ng aming pagtawa ay sabay sabay kaming natahimik.

"Crazy..." ani Nathalia at napahagikhik. Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa pagsusuot ng itim na boots. Pakiramdam ko'y sasabak ako sa isang maaksyon na pelikula dahil sa aking suot.

White fitted shirt without sleeves, black 6 pocket pants, and black boots with 3 inches wide heels.

Alam kong simple lamang ang suot ko sa kanila, ngunit nasisiguro ko ring hindi ako magpapahuli.

"Bitch, do you even know what will you do?" sumeryoso na si Nathalia. Umiling ako bilang pagtugon. "Alam kong hindi ka lang naman magpapakilala. Dumako na tayo sa trabaho, balang araw sa bibig mo rin mismo magmumula ang pangalan mo. Nasisiguro ko 'yun."

Natahimik ako, napakaraming bagay na ang pinagdaanan ko. Napakaraming tao na ang dumaan sa buhay ko. Ngunit wala pang sinuman ang nakakaalam sa totoo kong pangalan.

Maging si lola ay ibang pangalan ang itinatawag sa akin. Ngunit ayon din naman sa kanya ay iyon lang naman ang aking pangalan.

"Alam mo na ba ang tungkol sa Eklips? Sa mga maharlika? Sa mga batong hiyas?" sunod sunod na tanong ni Nathalia, ngunit sa lahat ng ito'y pag iling ang sagot ko.

Ibig sabihin ay hindi ko alam. Nathalia sighed in frustration.

"Ikaw nga ang magpaliwanag sa isang to. Hindi ko alam kung saan ka sa Eufrata matatagpuan, napakatapang mo pero napakainosente mo. Alam mo ang sakit mo sa ulo!" inis na saad ni Nathalia.

Sa oras na ito'y unti-unti na lamang akong nasasanay sa ugali nila. At alam kong ganoon din sila, kinakailangan naming masanay sa ugali ng isa't isa.

"Okay! Ako na nga ang magpapaliwanag, leche ang dami mong arte." wika ni Corinthians at inirapan si Nathalia.

Corinthians heave a deep sigh bago tuluyang ipinaliwanag sa akin ang napakaraming bagay.

"Una, kinakailangan mong makilala ang mga maharlika...

Ang kasalukuyan nating hari na si Haring Zildon ang may kagustuhan na ngayong Eklips ganapin ang paghahanap sa labindalawang batong hiyas at iba pang mamahaling bato upang malaman na kung sino ang papalit sa kanyang trono. Well, supposedly the first born must take the throne but sadly babae ang unang anak ng Hari at Reyna si Prinsesa Savannah, kaya naman kinakailangan magtagisan ng dalawang Prinsipe ng kani-kanilang galing upang makuha ang trono sa pamamagitan ng paghahanap ng mga mamahaling bato.

Queen Rubylita did not agree with what the King wants. Ayaw niya sanang gamitin ang dalawang Prinsipe sa paghahanap at baka mapahamak pa ang mga ito, ngunit dahil kinakailangang mahanap ang mga bato ay napapayag na lang siya. Princess Savannah is in deep coma, nakahiga lamang ito sa kanyang silid at matagal nang walang malay. Ang sabi ng mga manggagamot sa palasyo ay ang batong hiyas lamang ang makakapag-pagising sa Prinsesa ng tuluyan. Kaya naman agad-agad na nabuo ang desisyon ng mag-asawang Maharlika na isama ang dalawang Prinsipe upang maging madali ang paghahanap sa mga batong hiyas.

Prince Zandrus was the second born. Mas mature na itong mag-isip kumpara sa kasama nating Prinsipe, at katulad natin ay maghahanap din sila sa mga oras na ito kasama ang kanyang mga ranggo. Well, I don't know where place did they go first. Wala kasing pakialaman ang mga ranggo sa kapwa nila ranggo, maliban nalang kung grupo na ang pag-uusapan syempre kanya-kanyang pulong.

Prince Zavan, the youngest prince is also determined to take the throne. Kung determinado ang naunang Prinsipe, si Zavan ay determinado na at pursigido pa. Kami ang napili niyang mga ranggo upang samahan siya sa kanyang paglalakbay. At ayon, hindi ko alam kung anong nangyari at napasama ka.

We need more people para mas lalong mapadali ang paghahanap, ngunit tila walang nangyari noong pumunta ang mga opisyal sa mga Distrito. Wala silang nadala sa palasyo. Kaya kami na lang ang maghahanap, kasama ka."

Pagkatapos ng mahabang paliwanag ay huminto si Corinthians upang magpahinga.

Habang ako'y patuloy na tinatanggap ang lahat ng kanyang sinabi. Kung tutuusin ay hindi ko ito lubusang maintindihan, ngunit pinipilit kong intindihin ang lahat.

May sakit ang Prinsesa sa mga oras na ito at kinakailangan niya ang mga bato upang tuluyang magising. Kaya pala agaran ang pag anunsyo sa ikalawang Distrito, iyon pala ang dahilan.

"Akala ko nga upang mas lalong mapatibay ang Kaharian ng Eufarata, isa lang pala iyon sa tatlong dahilan. Maliban sa layong pagpapatibay ng kaharian, naroon na rin ang pagpapagamot sa Prinsesa, at pagpipili kung sino ang susunod na magiging hari." muling saad ni Corinthians. Halata mong nag-eenjoy din siya habang nagkukwento kaya naman pinag-iigihan kong makinig upang mas maintindihan ang lahat.

I never thought I could experience something like this, ang hinangad ko lang noon ay maiangat ang buhay namin. Nakalimutan ko na ang pangarap kong tumira o makatapak man lamang sa palasyo. Ngunit heto at nakikipag-kwentuhan pa ako sa mga ranggo.

"Triple kill." biglang singit ni Nathalia. "Sigurado akong bukas na bukas pagsikat ng araw magsisimula nang maghanap ang kabilang grupo, kinakailangan nating magsikap upang maging Hari si Zavan at matupad ang isa nating kahilingan." ani Nathalia.

Kahilingan.

"Papaano kapag dalawang bato ang nakuha mo? Dalawang kahilingan din ba ang maari mong hingin?" tanong ko.

Kumunot ang noo ng dalawa, mayroon bang mali sa tanong ko?

"Bitch, it will be very hard to find one. Ni hindi pa nga ako nakakakita ng batong hiyas sa totoong buhay, makahanap pa kaya. But well, if ever makadalawa ka maaaring dalawang kahilingan rin ang nais mong hingin na matupad. Pinaghirapan mo iyon eh." Wika ni Nathalia atsaka humikab.

I'm learning a lot in this long ride.

"Saan ba matatagpuan ang mga bato? Paano ba iyon mahahanap?" tanong ko. Ngayon talaga ay desidido na ako. Hindi na biro itong pinasok ko, oras na siguro upang hilingin na maiaahon ang unang distrito at nang makabalik na rin ako sa lola ko.

"May mapa ako dito. Halos isinaulo ko na ang bawat detalye dito, maari mong pag-aralan." ani Corinthians atsaka iniabot sa'kin ang isang malaking mapa na maingat na naka-rolyo.

"MAAGA TAYO BUKAS! MAGSITULOG NA KAYO!"

Kingina yun ah!

Lahat kami ay nagulat ng biglang sumigaw si Chrysler sa driver's seat.

"Aba gago ang isang iyon ah!" reklamo ni Nathalia habang nakahawak ang kamay sa dibdib dahil sa gulat.

"Tarantado talagang gunggong na Chrysler na yan! Nananadya eh, nais manggulat!" inis na saad ni Corinthians atsaka ginawang unan ang kanyang bag.

"Chrysler's right, we better sleep. So much adventure tomorrow." ani Nathalia.

Napakarami kong tanong. Ngunit ayoko na silang istorbohin pa, hahayaan ko nalang silang matulog at pag-aaralan ko ang lahat hanggang mag umaga.

"Goodnight witches!" ani Corinthians sa gitna ng kanyang paghikab.

"Tsk. Night." tugon ni Nathalia at nagsimula na ring mag-ayos ng kanyang sarili upang matulog.

In the middle of nowhere, tanging ilaw lamang ng buwan ang nagsilbi kong liwanag upang pag-aralan ang binuksan kong mapa.

I sighed, I can do this. I need to do this.