webnovel

The President Daughter

Cindy_Pangyarihan · Urban
Zu wenig Bewertungen
11 Chs

CHAPTER 4

"She's good right?" Nakaupo na kami ngayon dito sa pwesto nila Boss Aki, at binibida niya pa ako sa mga kaibigan niya. Pero wala don ang pansin ko hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sakin si Ranz. Ano bang meron dito sa lalakeng to at kung makatingin wagas. "Lagi ko siyang tinatanong kung gusto niyang maging permanent singer dito sa Bar Pero lagi rin siyang tumatanggi." Rinig kong sabi pa ni Boss Aki, umiwas na ko ng tingin kay Ranz dahil hindi ko na kayang tagalan ang tingin niyang ganon.

"Alam mo namang maraming trabaho tong si Zey Boss, Baka hindi niya na kayang i-handle. Nagtataka nga ako dito kay Zey, sa sobrang daming trabaho hindi pa bumili ng bagong Auto. Eh yung sasakyan nito isang tadyak ko lang yata bibigay na." Natatawang sabi ni Vince na umakbay pa sakin.

"Ulul! Nabangga nga yon hindi man lang nag Karoon ng damage eh!" Nakangising pagyayabang ko pa.

"Alam mo kung bakit?" Tanong pa ni Vince na tinaasan ko lang ng kilay. "Kasi... Wala ng Pag lagyan yung damage HAHAHAHA!" Inis na siniko ko siya dahil sa pagkalabas lakas na tawa niya. Napaigik pa siya sa sakit at napabitaw ang braso niyang nakaakbay sakin.

"Bakit nga ba hindi ka bumili ng bagong sasakyan Zey?" Tanong din ni Boss Aki, napatingin pa ko kay Ranz na alam Kong nakikinig rin kahit tumutungga ng alak.

"Hindi ko kayang palitan yon Boss, tsaka hindi ko ugaling gumastos ng pera para lang sa sasakyan marami akong binubuhay na pamilya Boss." Nakangisi pang sabi ko.

"Damn! Marami ka ng Anak Zey?" Inis na binatukan ko si Maynard sa walang kakwenta-kwentang sinabi niya. "Aray!"

"ULUL!" Madiing mura ko pa sa kanya.

"Pag pasensyahan niyo na tong mga kaibigan ko, ganito lang talaga sila kakukulit." Napatingin pa kami kay Choi dahil bigla na siyang tumayo. "Boss, balik na po kami sa back stage may dalawang set pa po kami." Magalang pang paalam ni Choi, kaya tumayo na rin ako.

"Choi ngayon palang sumasaya oh! Bakit ang KJ mo?" Reklamo pa ni Vince.

"Go ahead." Natatawa pang sabi ni Boss Aki.

Hinatak pa ni Choi si Vince at kita ko pa   sa gilid ng mata ko ng tignan na naman ako ni Ranz.

"Zey..." Napatingin pa ko kay Choi ng bigla niya kong tawagin. Nandito na kami sa back stage at naghahanda sa pangalawang set. "Napansin mo... Grabe makatingin sayo yung kaibigan ni Boss."

"Oo nga. Napansin ko rin yon Zey yung Anak ni Mayor Samaniego." Pilit ang tawang napailing nalang ako.

"B-Baka lasing lang kayo." Pagdadahilan ko pa. Napansin rin pala nila yon.

"Hindi pa naman ako masyadong nakakainom. Sigurado ako eh! Grabe ka niya tignan." Siguradong sabi pa ni Choi.

"B-Baka i-imagination niyo lang yon." Pangungumbunsi ko pa sa kanila. What the fuck! Imagination? Saan galing yon? "T-Tara-tara set na natin." Nagpatiuna na ko palabas ng back stage at napahawak pa sa dibdib ko sa sobrang kaba. Bakit ba kailangan ko mag sinungaling sa kanila. Tss!

Paglabas namin nagsimula na namang maghiyawan ang mga tao. Inabot pa sakin ni Chase ang papel na may request song kasama ang apat na lilibuhing pera. Binasa ko muna bago inabot ko kila Vince ang papel.

Nagsimula na ulit Silang tumugtog at yun na naman ang titig ni Ranz, naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko umiwas ako ng tingin para makapag focus sa Pag kanta.

Ginawa ko Naman lahat

Sumugal ako kahit Alam Kong talo

Iginugol ko lahat ng oras ko sayo

Para maramdaman mo lang na ganyan Kita kamahal

Pero pang Wala Lang sayo

Ang lahat ng mga paghihirap ko.

Sanay Di Nalang Kita nakilala

Sanay Di Nalang Kita nakasama

Sinaktan mo Lang ako

Hindi ko maiwasang hindi tignan si Ranz at kita ko na ngayon sa mata niya ang lungkot.

Sanay Di Nalang Kita minahal

Di na Sana ngising sa magandang panaginip

Kung madaratnan ko lang

Ang umagang kay sakit

Di na sana niyakap

Ang kuwari mong pagtingin

Para di ako nasugatan

Sa ginawa mong patalim

Pero parang ayos lang sayo ang lahat

Kahit na ako'y sugatan

Sanay Di Nalang Kita nakilala

Sanay Di Nalang Kita nakasama

Swerte ng babaeng mahal niya. Sana naging ako nalang yon. WHAT THE FUCK! Saan galing yon? Alam ko crush lang to eh!

Sinaktan mo Lang ako

Sanay Di Nalang Kita minahal

Huminto ako sa Pag kanta at si Choi ang tumula.

Nung una kitang makilala halos napakasaya ko

Halos di maipinta ang mga ngiti sa labi ko

Halos sabay tayong nag gugoodmorning sa isat isa

Yung tipong sabay tayong nagaalala

At tanong na kumain kana ba at asan ka

Yung lambing na di na tayo mapaghihiwalay

Kaso lahat ng yon ay akala ko lang pala

Dumating ang umaga na nagbago kang bigla

Yung lambing, pagmamahal tuluyan na ngang nawala

Nasan na yung dating,

Yung dating ikaw na kapag kasama ko Yung puso koy humihiyaw

Mahal Miss na Miss na kita

Kailan kaba babalik

Miss ko na ang yung yakap at tamis ng yong halik

Pero kung usapan pagbabalik

Mukang malabo na

Dahil lahat ng pagkukulang ko

WALA E

Kahi malayo kita ko sa mata ni Ranz ang pumatak niyang luha. Ako ang nag iwas ng tingin dahil hindi ko kayang tignan, at alam ko simula ng gabing to hindi ko siya kayang makita na nasasaktan.

NAPUNAN NA NG IBA

Nang ibuka ko ang bibig ko para sa huling lyrics ng kanta naramdaman ko ring pumatak ang luha sa mata ko sa hindi alam na kadahilanan.

Sanay Di Nalang Kita nakilala

Sanay Di Nalang Kita nakasama

Sinaktan mo Lang ako

Sanay Di Nalang Kita minahal

"Mauna na ko ha! Grabe yung mga tao ngayon ang ha-hyper hahahaha! Napagod yung katawang lupa ko don ah!" Paalam ko pa sa kanilang tatlo. Kinawayan pa nila ako.

"Damn! Bro umayos ka ang bigat mo." Papasok na ko ng sasakyan ko ng marinig ko ang boses ni Boss Aki.

"Shit! Tawagan ko na ba si Tito?" Napatingin pa ko sa gawi nila at nanlaki ang mata ng makitang bitbit nila sa magkabilang braso si Ranz na mukhang lasing na lasing at wala ng malay.

"Boss." Agaw pansin ko pa sa kanila napatingin ako kay Rqnz na pilit pang binubuka ang mata niya.

"Oh Zey pauwi ka na... Damn! Bro bakit ang likot mo." Natawa pa ko sa sinabi ni Boss Aki.

"Yes Boss. Mukhang hirap na hirap na kayo sa kanya ah?!" Turo ko pa kay Ranz, na sa gulat ko ay inaabot ako.

"Sofia..." Pikit matang sabi pa ni Ranz.

"Bro she's not Sofia." Aminado ako may naramdaman akong kirot sa dibdib ko ng akalain niyang ako yung ex girlfriend niya. "Sige na Zey, ingat sa pag dadrive."

"Ah... Boss, gusto niyo ako na mag hatid sa kanya." Pagpiprisinta ko pa. Gulat at bakas ang pagtataka na napatingin pa si Boss Aki sakin at yung kaibigan nila. "Ah... h-hehehe! Sorry Boss, Driver po ako ni Sir Ranz." Pag amin ko pa. Tinitigan pa ko nilang dalawa na parang tinitimbang kung totoo ang sinasabi ko. "Pero kung ayaw nyo naman okay lang din naman."

"No! Its okay. Just frive safely." Sabi pa ng isang kaibigan nila. Sinakay na ni nila si Ranz sa sasakyan nito at binigay sakin ang susi.

Nang kaming dalawa nalang tinitigan ko pa siya sa mukha. Mapungay ang mata, matangos na ilong, mapupulang labi. Bakit nagawa ka pang iwan ng ex girlfriend mo?

Kinabitan ko pa siya ng seatbelt at gulat ako ng bigla niya akong yakapin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko, amoy ko pa ang mamahalin niyang pabango na nahaluaan na ng alak.

"S-Sofia." Inis na tinanggal ako ang braso niyang nakayakap sakin ang inistart ang sasakyan.

"Sinabi ngang hindi ako si Sofia, Ang kulit din ng lahi mo." Pagkausap ko pa sa kanya kahit alam kong hindi naman siya sasagot.

Mabilis akong nagmaneho at ng marating namin ang bahay nila ay agad kong pinarada ang sasakyan niya at tinulungan pa siyang bumaba.

"Shit! Wala na bang gising dito? Bakit ba kasi ang laki ng katawan mo?!" Isinampay ko pa ang braso niya sa balikat ko at gegewang gewang kaming pumasok aa loob at umakyat sa taas. "Saan ba dito ang kwarto mo? Tss! Pambihira naging taga hatid naman ako ng lasing ngayon."

"Who are you? Bakit hawak mo si Ranz?"

"Ay Palaka! Nakakagulat ka naman Niña." Nanlaki ang mata ni Niña ng makita niya ako.

"Ate Zoey!"

"Yes Baby, its me Ate Zoey." Alangang nginitian ko pa siya ng makitang parang takang-taka siya kung bakit kasama ko ang kuya niya.

"Bakit kayo magkasama ni Ranz Ate Zoey?"

"Kasi Baby, nakita ko siya tapos lasing na lasing siya kaya tinulungan ko siya kasi hindi niya na kayang mag drive." Pagpapaliwanag ko pa na tumango tango naman siya. Wala namang halong kasinungalingan yon diba?! Tss! "Ah... Baby, Saan ang kwarto ng kuya mo?"

"There po." Turo niya pa sa pangalawang kwarto sa left side. "Follow me Ate Zoey." Sabi pa niya. Binuksan niya ang kwarto ng kuya niya at bumungad sakin ang mala condo unit na kwarto sa sobrang laki. Hanep! Kwarto lang ba to?!

Pinasok ko na si Ranz sa kwarto at maingat na inihiga siya pero ang hindi ko inaasahan ay sa paghiga niya hinatak niya ang braso ko kaya nag landing ako sa ibabaw niya at nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang labi niya sa labi ko. Biglang bumulis ang tibok ng puso at parang huminto ang oras. Nakita ko pa na dahan-dahang dinilat ni Ranz ang mata niya kaya dali-dali akong umalis sa ibabaw niya at napaupo sa lapag ng kwarto niya napahawak pa pa ko sa labi ko at wala sa sariling yumuko para di niya ko makita.

"Hihihihihi!" Napatingin ako sa gilid ko at nakitang nakatayo don si Niña. Umiling pa ko sa kanya at sinenyasan siyang wag maingay. "He's sleeping na Ate Zoey." Nakahinga ako ng maluwag at dali-daling tumayo hinawakan ko pa sa kamay si Niña at hinila palabas at sinarado ang  pinto ng walang ingay.

"Baby..." Huminga pa ko ng malalim at tinignan siya sa mata. "Promise mo sakin na secret lang natin lahat ng nakita mo ngayong gabi ha!"

"But why?" Nakanguso pang tanong niya.

"Basta Baby. Pag ginawa mo yon tuturuan kita mag drive when you reach fifteen years old."

"Yey! Okay Ate Zoey, Promise." Nakipag pinky promise pa siya sakin.

"Oh paano Baby, uuwi na si Ate Zoey ah!" Paalam ko pa na tinanguan niya pa ako at sa gulat ko ay hinalikan niya pa ko sa pisnge at kumaway sakin.

Pagkalabas ko ng bahay ng mga Samaniego ay napabuntong hininga nalang ako. Maglalakad pa tuloy ako pabalik ng URBN. Pero parang nawala ang pagod ko ng maalala ko yung dampi ng labi ni Ranz sa labi ko.

Napahawak pa ko sa dibdib ko. Crush pa rin ba O mahal ko na si Ranz? Hindi ko siya kayang makitang umiyak ibig bang sabihin non love na? Ganito ba yung Love?!

"Zey." Napatingin ako kay Chase ng marinig ko ang boses niya. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako dito sa URBN. Ganon kalaki epekto sakin ni Ranz.

"Chase may tanong ako." Lumapit pa ko sa sasakyan ko at umupo sa hood nito at nag sindi ng  sigarilyo.

"Kung itatanong mo kung single ako... Sorry pero may Girlfriend ako." Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan ng suntok.

"Seryoso kasi." Seryoso pang sabi ko. "Ano bang feeling ng in love?"

"Ha? Seryoso ka Zey? Hindi mo alam ang in love? Sa ganda mong yan ba hindi ka pa nag kakaboyfriend?"

"Tss! Sagutin mo nalang." Inis na sabi ko pa at humithit sa sigarilyo ko.

"Corny pero yung pag nakita mo siya bumibilis yung tibok ng puso mo, parang tumitigil yung mundo mo, yung pag nakita mo siyang nakangiti mapapangiti ka rin, ganon din pag nakita ko siyang malungkot, malulungkot ka din, hindi mo kayang mawala siya, kinikilig ka sa simpleng sabagay na sinasabi niya." Hindi ko alam pero yung mga sinabi niya karamihan don naramdaman ko na kay Ranz.

"Hm! Kadiri ka Chase! Kalalake mong tao kinikilig ka." Kunwaring nandidiri na sabi ko pa pumasok ako sa driver seat ng sasakyan ko at inistart yon.

"Hoy Zey, Siraulong to! Nagtatanong tanong eh." Natatawang pinaandar ko na ang sasakyan ko.

In love na nga yata ako kay Ranz. What the hell!