Habang naglalakad ako pauwi biglang tumunog ang phone ko, kaya kinuha ko ito sa bulsa at tinignan kung sino ang natawag. Nakaramdam ako ng kaba nang mabasa ko kung sino ang natawag.
[Mama]
"Hello, ma bakit po kayo napatawag?"
[Nakauwi kana ba?]
"Pauwi pa lang po ako, bakit po?"
[Ah sige, tawagan mo ko pagnaka-uwi ka na ha? Kailangan ko kausapin ang lola mo.]
"Ahh okay sige po."
[O sya sige na ibababa kona 'to, mag-ingat ka pauwi ha? Loveu.]
"Okay po, ingat din po kayo."
[Call Ended]
Bakit ganon? Di ko man lang masagot ng 'iloveyoutoo' si mama? Gusto ko sabihin pero hindi ko mabuka yung bibig ko...Ewan ko ba pero natatakot ako na may halong galit?. O 'di kaya naman eh hindi lang talaga ako sanay ng nagsasabi non sa kanya.
***
"La, andito na po ako." Bungad ko pagpasok ng bahay.
"Andito kana pala apo, kamusta araw mo? Marami ba kayong ginawa sa school?"
"Okay lang naman po la, wala naman po kami masyadong ginawa."
"Ano po? Tara na? Para makauwi po tayo ng maaga."
"Hindi kana magbibihis?"
"Hindi na po, bakit la panget ba ko sa suot ko?"
"Huh sinong panget? Hindi ah ang ganda ganda mo kaya, syempre mana ka sa'kin eh."
"Ehh si lola talaga HAHAHA, sige tara na po, baka matraffic pa tayo."
"O sya sige na."
***
Hating gabi na nang maka-uwi kami ni lola, nag-aya kasi si Tita na dumeretso sa kanila para daw doon na magdinner. Wala naman akong magawa kundi sumunod dahil mag-aaway lang kami kung hindi kami pupunta.
Pagdating namin sa bahay pumunta na agad ako sa kwarto ko para mag shower.
Ilang minuto ang lumipas ay natapos na ako at akma na sanang hihiga nang biglang tumunog ang phone ko, at sinagot ang tawag.
[Cassy]
[Hi girlyyy, tulog kana ba? Na-istorbo ba kita?]
"Pahiga pa lang ako, bakit?"
[Ayain sana kita sa Saturday, birthday ng pinsan ko dun sa resort nila tito gaganapin ang party. Di daw pwede si Ella eh may lakad daw sila ng fam niya sa araw na 'yon, tapos si John susunduin niya daw si tita sa airport.]
[Wala kasi akong kasama, kaya sinabihan kita wala ka naman sigurong gagawin diba?...]
"Wala naman, sige sama ako. What time ba?"
[YAAYYY!! Daanan nalang kita jan sa inyo mga 3:00p.m. kasi 3:50 daw start]
"Agahan natin konti, daan tayo mall bibili ako pangregalo. Nakakahiya naman kung wala akong dala kahit isa."
[Kahit wag na, malaki na 'yon.]
"Eh tumigil ka nga, nakakahiya kaya."
[Masyado kang mabait anteh, baka lumampas ka sa langit niyan. O sige bahala ka sabi mo eh.]
"Yun lang ba?"
[Yup! Sige na goodnight sorry sa storbo. Loveu mwaps!]
"Hmm sige goodnight, Bye."
[Call Ended]
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Cassy ay nahiga na agad ako dahil kailangan ko pa gumising ng maaga bukas. May gagawin kasi kaming project sa school kaya dapat agahan ko ang pagpunta doon.
***
(7:00a.m.) Pagkagising ko ay dumeretso na ako sa banyo para maligo, ilang minuto pa ay natapos na ako at nakapagbihis na rin. Pagtapos ay lumabas na ako ng kwarto at dimeretso sa kusina, saktong pagdating ko roon ay naghahanda na si lola ng breakfast.
"Goodmorning la."
"Goodmorning, oh ba't ang aga mo magising ngayon? Diba alas diyes pa ang pasok mo? Anong oras na ba alas siyete pa lang ah."
"May tatapusin pa po kasi kaming project la bukas na po kasi pasahan non eh, kaya kailangan ko po pumasok ng maaga."
"Ah ganun ba?, o sya maupo ka kumain ka na para may laman yang tiyan mo pagpumasok ka. Halika."
Pagtapos ko kumain ay kaagad na ako nagpaalam kay lola dahil nagchat na sa'kin ang mga kagrupo ko na naroon na daw sila sa school.
30mins bago ako nakarating sa school dahil dumaan ako saglit sa mall para bumili ng mga kakailanganin para sa project na gagawin namin.
Habang naglalakad ako sa hallway papuntang gym dahil dun namin tatapusin ang project namin, may naririnig akong usap-usapang may bago daw na studyante dito sa school namin. Ngunit, hindi ko na lamang iyon pinansin dahil kanina pa ako inaantay ng mga kagrupo ko sa gym kaya nagmadali na ako maglakad at hindi na lang pinansin ang mga bulungan.
"Sanchez, dito!" Tawag sa'kin ng kagrupo ko pagpasok ko sa gym. Marami kasing tao ngayon sa gym dahil nagpapractice ang ibang studyanteng lalake para sa gaganaping Basketball Tournament.
"Sorry natagalan ako, medjo mahaba kasi ang pila sa mall eh." Sabay abot ng mga dala ko sa kanila.
At sinumulan na naming gawin ang project namin.
***
9:20 kami natapos gumawa ng project, kaya dumeretso na agad ako sa room para magayos-ayos.
Malapit na ako sa entrance ng room namin nang may tumawag sa pangalan ko.
"Stephanie!"
At hindi ko na kailangan pang tignan kung sino siya. Sa totoo lang naiirita na ako kay Carl kasi ilang beses ko na siya pinagsabihan na tumigil na siya sa panliligaw sa'kin dahil wala siyang pag-asa, pero napakakulit niya ayaw niyang makinig sa'kin at pinapagpatuloy parin ang panliligaw niya.
Hindi ko nalang siya pinansin kaya dumeretso lang ako sa paglalakad at hindi siya nilingon. Pero, napatigil ako nang biglang may humawak sa braso ko.
"Stephanie! Wait lang naman oh." Naghahabol hiningang sabi ni Carl.
Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko, nakuha naman niya siguro ang ibig kong sabihin kaya tinanggal niya agad ang pagkakahawak sa braso ko. Sa lahat kasi ng ayoko eh hinahawakan ako ng lalake, close ko man o hindi. Ayaw na ayaw kong hinahawakan ako ng walang permiso.
"Sorry, ah...may gagawin ka ba mamayang lunch time?...Sabay tayo maglunch?"
"Uh...Hindi pa ako sure kung may gagawin ako mamaya eh..."
"Ahh...ganun ba? Eh kung pwede sabihan mo ako mamaya kung free ka ha?"
"Okay." Tipid kong sagot.
Pagkapasok ko ay dumeretso na ako sa pwesto ko para magready.
"Girly!!!!!" Sigaw ni Ella palapit sa desk ko.
"Hmm?"
"Alam mo na ba yung chismis?"
"Na ano?"
"May bago tayong kaklse! Ampogi daw girl tapos macho daw!!"
"Oh tapos?"
"Eto pa S-I-N-G-L-E daw!"