(Rymalene POV)
"Bakit naman natatakot na sa akin ang baby ko?" Nakaupo na si Rence sa tabi ko. Nakayukong kinakain ang pagkain na hinanda ng lola niya.
Umiling lamang siya sa akin. Nang makita ko ngang tumulo ang luha nito sa pisngi kahit nakayuko ito. Medyo gusto kong lumabas ang sungay ko ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kailangan ko ng mahabang pasensya dahil bata nga siya. Kapag nakuha ko ulit ang loob niya, susunod ulit ito sa akin.
Alam kong mabilis na nakuha ni Sena ang loob ni Rence, since nga malapit siya sa mga bata. Di na ako magtataka.
"Bakit iniiyakan mo si Mama?" Hinihimas ko ang likuran niya. "Ayaw mo na ba akong maging Mommy?"
Kaya napaangat ang paningin niya sa akin. Basang-basa nga ang pisngi niya ng luha. Umiling siya sa akin.
"Mommy ko parin kayo." Ngumiti ako sa kanya.
"Syempre. At baby parin kita." Napatango-tango siya. Binitiwan ang lunch box at niyakap ako.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com