(Rymalene POV)
"Sa ngayon, focus muna tayo kay Daddy Sean. Kapag di natin siya madala sa mga plano ko, atakihin na natin yung dahilan kung bakit mawawala siya sa ating buhay."
Napatango si Rence. Naghihintay ito sa sasabihin ko. Tumingin ako sa isang terrace. Saka sinundan niya ang titig ko.
Sa tingin ko, di naman siya mamatay, since nga naka-alerto ang tauhan na sumusunod sa kanya. Dahil sila ang patay kay Sean kapag may masamang nangyari kay Rence. Saka di naman sementado ang babagsakan niya.
Nasisigurado ko, hindi mawawala sa kamay ko kaagad ang baraha kong to.
Muli kong hinimas ang buhok ni Rence. Alam kong susundin niya ako. Kailangan.
"Rence, pasensya na. Natatakot din ako. Ngunit alam ko hindi ka mahihindian ng Daddy mo sa gagawin mo. Saka sinabi ko naman sayo na kailangan yung intense diba?"
"Kahit ano yan Mommy. Gagawin ko."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com