webnovel

Chapter 5

Date & Time Check:

August 05, 2020 @07:34 pm

It's already our third night in this so-called Lost City. The situation right now is much worse than the situation last night. I was just wondering, the first night was not this worse, but last night and this night is on a different level. This is just my opinion, but I think, each night we spend in this city, the situation worsens until only a few of us survive.

Don't they feel pity, I mean those guys who let us take this exam? Every night, a bunch of examinees might die. Every day and night, every examinee's lives are in grave danger. Don't they feel guilty about that?

We enrolled ourselves in a university that we thought was normal. But when we came here, a new world appeared before us. Futuristic technologies, gears and weapons, so-called cryopus, these things should only be inside a game. But, why are these things in our world?

We should be sitting inside a classroom, learning things, eating happily inside the cafeteria, hanging out with friends and dating our opposite sex. We should be normal college students, but why are we in this situation? Why are we fighting these unknown creatures? Why... Why are we here in the first place?

"Y-you...what are you thinking about?" tanong ni Smiley, sabay upo sa tabi ko, nakaharap kami sa hagdan na pataas sa floor na tinutuluyan namin. Para kapag may pataas na cryopus ay malaman agad namin.

"Just thinking about the reason why we are in this situation. Where, in the first place, we just enrolled in a university called Ability Nurturing University," sagot ko. Humarap ako sa kaniya bago nagtanong. "How about you? Are you thinking about something?" tanong ko rin sa kaniya.

"Uhmm... I'm thinking the same thing," sagot niya, hinarap niya rin ako at ngumiti...ngumiti siya ng pilit. "Also, I'm wondering about my parents and my older sister," dagdag niya pa.

"That's only normal, you're probably worried about them, right?"

"N-no..." nakayukong sagot niya. Muli niyang inilipat ang tingin sa hagdan na nasa harap namin.

Ano daw? Hindi siya worried sa kanila pero iniisip niya sila ngayon? Oh, baka naman 'no' ang sagot niya dahil wala namang dahilan para mag-alala siya sa pamilya, di ba?

"D-do you miss your parents?" tanong niya, bago pa ako makapagsalita. Nang marinig ko ang tanong niyang iyon ay bigla nalang nanginig ang katawan ko. Nagulat ako dahil sa biglang panginginig ko. Weird right? I mean, Im shivering because of an unknown reason, isn't that weird? Or... creepy? Or maybe I'm really not shivering, maybe I'm just cold.

"J-jaiho, a-a-are you o-okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Smiley. Tiningnan ko ang kanan kong kamay kung saan nakasuot ang gauntlet, at doon ko nakitang nanginginig talaga ako, pati ang legs ko ay nanginginig rin. Hinarap ko si Smiley, halatang-halata ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

"I-im fine," sagot ko at pilit na itinago ang panginginig. Tatayo na sana ako para hindi na siya magtanong pero natigilan ako ng hilahin niya ang laylayan ng coat ko at pinaupong muli. Ihinarap niya ako sa kaniya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"I know you're not fine. Why...why are you s-shivering?" tanong niya at tumitig sa mata ko. Inilipat ko ng direksyon ang mukha ko upang hindi kami mag-eye to eye. Hinawakan niya ako sa pisngi at iniharap muli sa kaniya. "W-why are you shivering?" pag-uulit niya sa tanong niya kanina.

"I said Im fi- I-I don't know, I just suddenly s-shivered," sagot ko, ibinaba ko ang tingin ko dahil hindi ko matagalan ang tingin niya.

"In fear?" tanong niya ulit. Umiling ako bilang sagot. Hindi ko alam, hindi ko alam ang sagot sa tanong niya. Bigla nalang ako nanginig no'ng tanungin niya ako tungkol sa parents. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot, o dahil sa ibang dahilan.

It's been 11 years no'ng huli kong maramdaman to. Nakalimutan ko na ang pakiramdam na ito dahil sa tagal ng panahon. 2009 no'n, no'ng huli akong manginig ng dahil sa salitang parents.

"A-am I the... reason...why y-you're... shivering?" tanong niya ng bitawan niya na ang pisngi at balikat ko.

"Oh no no no. That's not it. I'm just cold, that's all," sambit ko. Tinapik-tapik ko siya sa balikat bago tumayo at humarap sa malaking butas sa pader.

Tulad ng kagabi, makikita rin mula dito ang mga pagsabog at usok na nanggagaling sa mga nasusunog na gamit. Rinig rin mula sa malayong lugar ang mga sigawan at iba't ibang klase ng ingay. Medyo tahimik sa lugar namin kaya masasabi kong walang malapit na examinee sa amin. Ang problema lang namin ngayon ay kung sakaling sugurin kami dito ng mga cryopus, and much worst kung mga blue cryopus pa!

Napatingin ako sa tuhod ko na hanggang ngayon ay nangangatog pa rin. Pati ang kamay ko, nilalamig rin ako kahit hindi naman masyadong malamig.

Pinagmasdan kong mabuti ang sarili ko. Sira-sirang damit, nangingitim ang ibang parte ng balat ko dahil nasunog, ang kaliwa kong kamay naman ay durog, pati 'yong ribs ko na hanggang ngayon ay sumasakit pa rin dahil sa green cryopus, at isama pa ang putok kong labi at basag na ilong. 3 nights and 2 days palang kami dito, pero grabe na ang nangyari sa'kin.

Paano pa kaya 'yong 1 week na itatagal ng exam na ito? Baka di na ako maka-survive? O, kung makaka-survive man ako, mataas ang porsyento na hindi ako papasa. Pwede rin na madamay pa si Smiley at hindi rin makapasa nang dahil sa'kin.

Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko ay naalala ko si Jaihanna. Nasaan kaya siya? Kasama niya kaya ngayon si Kelvin? Ayos lang ba ang lagay niya? Wala ba siyang sugat o pasa? Nakakakain ba siya?

Ang dami ko na namang tanong, na alam kong hindi ko masasagot hangga't hindi ko siya nahahanap. Sana lang mahanap agad namin siya, o kaya naman ay siya ang makahanap sa amin. Ako ang lalaki sa aming dalawa kaya dapat pinoprotektahan ko siya, pero paano ko siya mapo- protektahan kung hindi ko naman alam kung nasaan siya?

Napaka walang-kwenta kong kapatid. Kahit noong bata pa lang kami ay hindi ko man lang siya napu-protektahan sa kahit na ano. Maski sa aso ay 'di ko siya kayang ipagtanggol, pati sa mga nangbu-bully sa kaniya noon. Simula bata hanggang ngayon na malaki na kami ay wala pa akong nagagawa para ipagtanggol man lang siya.

Sa katunayan, baliktad pa nga ang nangyayari eh. Siya ang nagpu-protekta at nagtatanggol sa akin. Parang mas lalaki pa siya kesa sa'kin, nakakahiya pero 'yon ang totoo.

Nabalik ako sa reyalid ng lumapit sa akin si Heleus Blue at umupo sa tabi ko. Wow! Halos kasing taas niya lang ako kapag umupo siya!

"Hi Heleus, how are you?" tanong ko sabay haplos sa malambot niyang balahibo na nag-go-glow. Lumingon sa akin si Heleus pero panandalian lang iyon, dahil inilipat niya rin agad ang tingin kay Smiley na nasa likuran namin, nakaupo pa rin malapit sa hagdan at nakayuko na parang may binubulong sa sarili.

Tumayo si Heleus at akmang maglalakad palapit kay Smiley ngunit huminto siya. Nagsilabasan ang mga kuko niya at muling lumingon sa malaking butas sa pader. Nakatingin siya sa baba ng building namin, sinundan ko rin ng tingin ang kung ano mang tinitignan niya ngunit wala naman akong makita.

He's probably sensing something. Is it an examinee or a cryopus?

Wala pang limang segundo simula ng maalarma si Heleus Blue ay may mga nagliparang drop ships sa himpapawid, mababa lang ang paglipad ng mga ito, siguro ay kulang-kulang 20 drop ships. Naghiwa- hiwalay sila ng ruta. Ang ship na natira sa may lugar namin ay huminto sa tuktok ng building na kaharap namin.

Bumukas ang pinto no'n at isang lalaking naka suot ng uniporme ang bumungad, matipuno siya at nakakatakot ang aura, kahit malayo siya sa'kin ay ramdam ko ang kakaibang aura na ini- emit niya. May dalawang espada sa likuran niya, dual-dweller siguro siya.

Why are they here? It's still the 3rd night, are they going to announce that the examination is already done? If that's the reason why they are here, then that's good, but if not...

"Good eve examinees, We are here to announce that a vlorant had entered the City"

"Vlorant?" patanong na ulit ni Smiley na nasa tabi ko na pala. 'Di ko namalayan ang pagdating niya dahil nasa lalaking nagsasalita ang atensyon ko.

"Do you know what a vlorant is?" tanong ko sa kaniya. Hinarap niya ako ay umiling. "This is the first time I've heard about it," sagot niya. Muli naming ibinalik ang tingin sa lalaki nang ipagpatuloy niya ang pagsasalita.

"To those wondering what a vlorant is... vlorants are alien creatures that have the ability to hide themselves through invisibility."

Nanatili kaming nakikinig sa kaniya. In-explain niya na ang mga vlorants ay aliens- which I didn't believe- na nag-i-invisible. Iba-iba daw ang anyo nito, pero malalaman na vlorant iyon kapag may nakitang red veins na umiilaw sa katawan nito. Para daw mapatay namin ito ay kailangan naming sirain ang core nito na nasa loob ng katawan niya, na nag-e-emit ng red light.

"Since this vlorant is inside the examination area, we aren't allowed to pry on the situation. That is all, good luck a-"

"Ahhh!" hindi ko na pinakinggan ang mga sumunod na sasabihin ng lalaki dahil bigla nalang natumba sa sahig si Smiley. Nakahiga siya sa sahig at puno ng agony ang mukha niya.

"W-what happened?" nag-aalala kong tanong at lalapitan sana siya para tulungang tumayo ng bigla nalang akong tumapis palabas sa malaking butas ng pader, ramdam ko na lang ang sarili kong bumabagsak pababa.

"The h*eckkkk!" hindi ko mapigilang 'wag sumigaw. Sino ba naman ang hindi mapapasigaw kapag nakita mo ang sarili mong nahuhulog mula 3rd floor ng isang building, diba?

Mabuti na lang ay tumalon rin si Heleus para saluhin ako, bumagsak ako sa malambot niyang katawan na napapalibutan ng balahibo. Parehas kaming umayos ng tayo, sumakay ako sa likod niya kasabay ng napakataas niyang pagtalon. Akalain mo, kinaya niyang tumalon mula baba hanggang 3rd floor?

Nang makabalik na kami sa third floor, nakita namin si Smiley na nakalutang sa ere at mukhang kinakapos ng hininga. Parang may nakahawak sa kaniya sa leeg.

Is it a vlorant?

Kinapa ko ang bandang tagiliran ko para kunin ang mana whip, pero naalala kong nasa loob pala ng inventory ng gauntlet ang mga armas namin. Napa-iling ako at napalunok. There's no other choice, I need to save her, I gotta do this.

Patakbo akong lumapit sa kinaroroonan ni Smiley, at buong lakas na sumuntok sa hangin sa harapan niya- well, hindi naman talaga hangin dahil ramdam kong may nasuntok ako. Natumba si Smiley sa sahig kaya agad ko siyang inalalayan. Naghahabol siya ng hininga habang nakahawak sa sarili niyang leeg, na nagkaroon ng pasa na nangingitim.

"W-watch out!" bulalas niya, nakatingin siya sa likuran ko at nakaturo. Bigla kong iwinasiwas ang kanang kamay ko sa likuran, tulad kanina ay wala akong makita ngunit ramdam ko na may tinamaan na naman akong vlorant.

"Where is it? Why can't I see it?" tanong ko habang palinga-linga sa likuran ko. No'ng sumigaw ng watch out si Smiley kanina, alam kong nakita niya 'yong vlorant, pero bakit pagtalikod ko wala naman akong makita?

"Incoming, at your 2 o'clock!" bulalas ni Smiley na nasa likuran ko ngayon at nakakapit sa coat ko. Tumingin ako sa bandang kanan ko at doon sunod na sumuntok pero wala akong tinamaan, bagkus ay may humawak sa braso ko at hinila ako palapit sa hindi ko makitang nilalang. "What the- Argh!"

Isang suntok sa sikmura ang natamo ko, hinawakan nito ang buhok ko at iginaya pababa. "Arayyy!" napasigaw ako ng bigla akong tinuhod ng vlorant.

Put*! Ano bang itsura ng vlorant na ito? Mukhang tao ba ito kaya nanununtok at nanunuhod? May utak ba ito kaya nailagan niya ang suntok ko kanina? And lastly, why the h*ck can't I see it?

Natanggal ang coat na nakapulupot sa leeg ko at sa kaliwa kong kamay kaya lumaylay iyon. Bawat galaw na gawin ko ay napapasigaw ako sa sakit.

"Jaiho! Behind you!" sigaw ni Smiley. Bago pa ako makaharap sa likuran ko ay nasipa ako sa likod kaya bumagsak ako sa sahig, kaharap ko ang sahig. Ang mas masakit, ay malakas ang naging impact ng pagbagsak ko kaya pati kaliwang kamay ko ay tumama sa sahig. "P*nyemas!"

Wala pang ilang segundo ay hinila ako nito sa coat at itinapon pataas. "Argh! A-ayoko na!" Tumama ang likod ko sa ceiling at muling bumagsak sa sahig.

Pu*a. Gusto kong maiyak dahil sa kalagayan ko ngayon. Bali na nga ang kaliwang kamay ko at kawawa ang itsura ko, tapos dadagdag pa ito na balak atang durog-durugin ang katawan ko.

Bakit laging ako nalang? Gano'n na ba talaga ako kamalas?

Pinunasan ko ang umaagos na luha sa pisngi ko at pinilit na tumayo. Nakita ko ang akmang paglapit ni Smiley sa akin, ngunit natigil siya. Nanlalaki ang mata na nakatingin sya sa harapan niya na parang may nakitang multo. No! It's not multo, it is the vlorant!

"No!" pinilit ko ang sarili ko na tumakbo papalapit kay Smiley, ngunit nakakailang hakbang palang ako ng biglang sumugod si Heleus sa vlorant na nasa harapan ni Smiley. Hindi ko alam ang nangyari dahil ang nakita ko lang ay parang may sinakmal si Heleus sa ere, at in-pin down niya sa malamig na sahig.

"Grawrrrr!"

Itinuloy ko ang pagtakbo ko hanggang sa makalapit kay Smiley. "Are you...okay? Are you injured? Are you hurt? Are you not fe-"

"Why...why do you always...w-worry about me? W-where in fact... y-you're the...injured one," putol niya sa sunod-sunod kong tanong.

Why? Why am I worried about her, where in fact I'm the injured one? Right! Why am I not worrying about myself? That's the question I've always asked myself ever since I was seven years old. I asked myself almost a thousand times, but until now, I still can't get an answer from myself.

Why? Why am I not worried about myself?

"C-can you see the vlorant? Why can't I?" tanong ko, iniwasang sagutin ang tanong niya dahil hindi ko naman alam ang isasagot. Maglalakad sana ako palapit kay Heleus na nakapatong (ata) sa vlorant na sumugod sa amin, pero hinawakan ako ni Smiley sa kanan kong kamay at pinaupo ako sa harap niya.

Hinawakan niya ang laylayan ng kaniyang pantalon at pumunit doon ng tela hanggang sa taas ng tuhod niya. Napanganga ako sa gulat dahil sa ginawa niya.

"H-hey...what are you..."

Inilibot niya ang paningin niya sa kabuuan ng floor, naglakad siya palapit sa upuang gawa sa kahoy at pumulot ng apat na piraso ng stick. Kasing haba 'yon ng braso ko at kasing taba ng dalawang daliri. Bumalik siya sa harap ko hawak-hawak 'yon.

Umupo siya sa harap ko, hinawakan ang kaliwang kamay ko at ipinatong 'yon sa hita niya, bahagya akong napadaing. "S-sorry."

Inilagay niya ang apat na stick sa paligid ng braso ko at itinali 'yon para kumapit sa braso ko. Pumunit pa siya ng tela sa kabila laylayan ng kaniyang pantalon na hanggang taas rin ng tuhod, kaya mukha na siyang nakasuot ng napakaiksing short pants. Itinali niya rin 'yon.

"This will help your bone heal quicker, and prevent it from worsening," wika niya. Pinakiramdaman ko ang kaliwa kong kamay, medyo nabawasan ang sakit dahil sa stick na nakaalalay. Sinubukan kong i-open-close ang kamao ko pero walang response, hindi gumagalaw.

"Thanks. Anyways, why can't I see that vlorant?" tanong ko sa kaniya at itinuro ang hindi ko makitang nilalang na pinatungan ng malaking katawan ni Heleus.

"It's because you are wearing...your Visor Glasses. I think invisibility only affects those who wear glasses," sagot niya.

"W-what? So, I need to take off my...glasses when encountering vlorants?" tanong ko. Tumango siya.

Paano yan? Puro blurred ang makikita ko kapag tinanggal ko ang suot ko na Visor Glasses o kaya' yong normal glasses. Makikita ko nga ang mga vlorants pero mahihirapan rin ako sa pakikipaglaban dahil malabo-- napaka labo ng paningin ko kapag walang suot na glasses.

"Is...is your eyesight really bad without glasses?" tanong niya habang nakatingin sa mata ko.

"Uhmm...well. I...uhmmm...seems like blind without glasses...hehe," nahihiya kong sagot. Hinawakan ni Smiley ang kanang kamay ko at inilapit sa kaniya, pinindot niya ang 2nd button sa gauntlet ko at in-press ang tacet dagger. Nang mapunta ang tacet dagger niya sa kamay ko ay kinuha niya iyon.

Tumayo siya at tumalikod sa'kin, kaya hindi ko makita ang reaksyon niya.

"T-then...I'll be your eyes," wika niya bago naglakad palapit kay Heleus. Sinundan ko siya ng tingin habang nagtataka kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya.

She'll be my eyes?

Lumuhod siya malapit kay Heleus. Tinanggal ko ang Visor Glasses ko at tiningnan kung anong mangyayari. Blurred. Napaka blurred ng paligid.

Kahit hindi ko maaninag ng maayos ay kita ko na may nakahimlay sa sahig- vlorant, inaapakan siya ni Heleus para 'di makatakas. May mga red lines akong naaaninag. Tumayo ako at mabagal na naglakad palapit dahil hindi ko masyadong makita ang daan.

Nang tuluyan ng makalapit ay nakita kong lumingon sa gawi ko ang anino ng isang babae, si Smiley. Ibinalik ko ang tingin ko sa vlorant, parang anino ng tao ang itsura nito - though hindi ako sigurado dahil nga blurred ang paningin ko. May pabilog na kulay pula malapit sa paanan ko at iyon ang sinaksak ni Smiley gamit ang bagay na hawak niya.

"TITTTTTTTTTTTTTT!"

Napatakip ako ng tenga dahil sa nakakabinging tunog na ginawa ng vlorant. Ilang segundo rin ang itinagal no'n bago nawala ang tunog. Isinuot ko na ulit ang Visor Glasses ko, naging clear nang muli ang paligid.

"It's finally dead?" tanong ko kay Smiley, nakangiti siyang tumango. Hindi ko na ulit makita ang vlorant sa sahig. Lumuhod ako at sinubukan kong kapain kung nando'n pa ba ang katawan ng vlorant, pero wala na akong makapa.

"It turned to ashes," wika ni Smiley. "Oh. Thank you about this, by the way," tugon ko at itinaas ng bahagya ang kaliwa kong braso. Dahil sa inilagay niya na mga sticks ay nabawasan ang sakit na nararamdaman ko tuwing magagalaw ang braso ko.

"Y-you...you don't need to t-thank me," wika niya. Nginitian ko siya at ipinatong ko ang aking kamay sa ulo niya at bahagyang ginulo ang buhok niya. Nanlaki ang mata niya dahil sa ginawa ko, hindi niya siguro in-expect 'yon.

"About the thing you said a while ago... from now on until the future, you will be my eyes...okay?" wika ko. Nagtama ang paningin namin, ilang segundo lang ang itinagal no'n dahil nag-iwas siya ng tingin.

"O-oum," mahina niyang sagot. Binawi ko na ang kamay ko na nasa ulo niya at lumingon kay Heleus. "Hey buddy, thanks for saving us," wika ko dito at hinaplos-haplos ang balahibo niya. Mukha namang nagustuhan niya ang ginawa ko dahil nahiga siya at nagpa ikot-ikot sa sahig. Bahagya akong natawa.

Kita ko sa peripherals ko si Smiley. Nakangiti siya habang nakahawak sa parte ng buhok niya na hinawakan ko kanina. Mas lumawak ang ngiti ko sa hindi malamang dahilan.

Tumayo ako at kinuha ang dalawang box ng cereals na nakuha namin kaninang umaga. Bumalik ako sa kinauupuan ni Smiley at inabot sa kaniya ang isa, kinuha niya naman 'yon at nagpasalamat.

Naupo ako sa tabi niya at tumingin sa labas habang kumakain. Tumingin ako sa himpapawid para tignan kung may mga nagliliparan pang drop ship, pero wala na. Jeez, 'di man lang kami tinulungan no'ng nag-announce kanina...

"Ah, may I ask how old are you?" open ko ng topic sa katabi ko. Nakatingala siya sa kalangitan habang kumakain.

"I'm sixteen, why'd you ask?" tanong niya, 'di niya ako nilingon pero nakita kong tiningnan niya ko sa gilid ng mata niya.

"Nothing...just asking. Wait, you're still sixteen?! But, you enrolled here for college?" gulat at nagtatakang tanong ko. Finally, lumingon na rin siya sa akin.

"It's because...I didn't attend kindergarten, when I finished pre-school I moved to grade 2 already,"sagot niya.

"Really? I thought it's not possible," sambit ko naman. Bumungisngis siya ng bahagya.

"I-It is possible," tugon niya.

"Oh, I see," wika ko at ipinagpatuloy na ang pagkain. Nang parehas kaming matapos at na sigurado na naming walang pagala-galang cryopus malapit sa building kung nasaan kami ay nagdesisyon na kaming matulog, kailangan na naman naming maghanap ng drop chest bukas para may makain.

"G-good night J-Jaiho," sambit ni Smiley. Do'n siya nahiga malapit kay Heleus, ginawa niyang unan ang katawan ni Heleus na nagustuhan naman nito. Malapit lang pwesto ko sa kanila.

"Yeah, good night," tugon ko at nahiga na. Napadako ang tingin ko sa braso ko na nilagyan ng sticks ni Smiley kanina, napangiti ako bago tuluyang pumikit at natulog.

~•~

Clank! Clank!

Nagulantang ako at napabalikwas ng gising dahil sa tunog na nanggagaling sa babang floor ng building. Tunog 'yon ng mga bakal na kinalat namin ni Smiley sa baba para malaman namin kung may pataas. Agad kong isinuot ang Visor Glasses na nasa tabi ko lang.

"W-what could it be?" pabulong na tanong ni Smiley ng lumapit siya sa akin. Malamang ay nagising rin siya dahil do'n. Maya-maya pa ay nakarinig kami ng mga footsteps pataas. Nagkatinginan kami ni Smiley.

Hinawakan niya ang kanan kong kamay at pinindot ang 2nd button sa suot kong gauntlet. Inilabas niya ang manarifle niya at ang mana whip ko. Dahan-dahan kaming tumayo, nagtago ako sa likod ng isang pillar sa bandang kaliwa at sa kanan naman si Smiley, parehas naming hawak ang armas namin.

Si Heleus naman ay nakatayo 'di kalayuan kay Smiley, nakalabas ang mga matutulis niyang kuko at ang matatalim niyang pangil.

Madilim pa sa labas, siguro ay madaling araw palang. Sino naman kaya ang magla-lakwatsa ng ganitong oras?

"This...he...ace," bulong ng isang tinig na paakyat na sa floor namin. Hindi ko masyadong marinig kaya di ko naintindihan.

"Sigu...a...na...to...n?" bulong pabalik ng kasama niya. Siguro ay dalawang tao 'tong mga 'to.

"Grawrrr!"

"Ahhhhh!"

Eksaktong pagkataas ng dalawang tao ay agad silang inatake ni Heleus. Rinig namin ni Smiley ang malakas na thud at daing ng dalawang boses...isang lalaki at isang babae.

"It's a cryopus!" bulalas ng babae. 'Di pa rin kami lumalabas ni Smiley sa pinagtataguan namin. Nagkatinginan lang kami at sinenyasan ko siya na 'wag muna kaming magpakita.

"Put*! Di ko maabot espada ko!" bulalas rin ng lalaki. Wait a second...these voice, they're familiar.

"Heleus, no!" hinto ko kay Heleus ng akma niyang kakagatin sa kamay ang nakahandusay na lalaki sa lapag-which is Kelvin. Kasama niya si Hanna na nakahandusay rin.

"J-Jaiho? Is...is that you?" gulat na tanong ni Hanna ng makita ako. Dali-dali siyang tumayo at tumakbo palapit sa'kin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"O-oh my...Oh my gosh! What the hell happened to you?! Why...why are you full of bruises? Your uniform...y-your skin, your...left arm," wika niya. "Hey Jaiho, tell me what happened? Huh? Maayos na maayos ka pa no'ng last kitang nakita ah! How come you ended up like this?!" parang galit niya pang dagdag.

"Well-"

"I-i-i-i'm at fault...I-I'm very sorry...Jaihanna," sabat ni Smiley na lumabas na rin ng pinagtaguan niya. Biglang napalingon sa gawi niya si Hanna bago ibinalik sa akin ang atensyon, nagtataka at gulat ang itsura.

"You.. y-you're with her all this time?!" galit niyang tanong. Agad kong tinakpan ang kanan kong tenga dahil sa tono niyang mapanigaw.

"Uhmm...yeah?" sagot ko, napahawak ako sa leeg at awkward na ngumiti. "Anyways, how are you? Are you not hurt? Are you fine? Did you eat w-"

"Stop worrying about me, worry about yourself dummy!" inis na putol niya sa sinasabi ko. Tinalikuran niya ako pero 'di sya naglakad palayo. As in, tumalikod lang sya.

"Hanna, what's wrong with you? Is it because I'm injured? Well, there's no need to worry, Im perf-"

"You call that perfectly fine?!" inis niyang tanong. Hinarap niya ako, salubong na salubong ang kilay niya. Galit na galit talaga ang itsura niya, kulang na lang umusok ang tenga at ilong niya dahil sa galit eh. Pero may bakas pa rin ng pag-aalala sa mukha niya, mga 4% ng pag-aalala.

"Let me guess, you played hero again didn't you?! That's what you've got!" inis- I mean galit niyang sambit sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Pasimple akong tumingin sa gawi ni Kelvin, nakita kong nakaupo siya at gulat ang reaksyon habang pinapanood kami. Sa tabi niya ay si Heleus na nakaupo rin at nakatingin sa amin.

"Uhmmm...D-dont s-s-shout at him," wika ni Smiley, pumagitna siya sa aming dalawa at ihinarang ang dalawang kamay na animo'y pinoprotektahan ako.

No no no, Smiley. Alis ka diyan, demonyita 'yang nasa harapan mo...

"You! It's your fault why he's like that right?! I'm going to make you pay for that!" galit na baling niya kay Smiley na ikinabigla ni Smiley, maski ako ay nabigla. Really, what's with her? 'Di naman siya ganito dati ah...

Nanlaki ang mata ko ng hugutin ni Hanna ang espada niya at itinutok 'yon kay Smiley. "M-martel, sobra na ata ya-"

"Yo shut the f*ck up!" sigaw ni Hanna kay Kelvin na aktong papagitna sa kanila. Dahil sa gulat ay napaatras si Kelvin.

"Hanna, stop it," sambit ko pero 'di niya ako pinansin. Ihinagis niya ang isa pang espada na nasa likod niya papunta kay Smiley. Buti ay nasalo 'yon ni Smiley kaya hindi 'yon tumama sa mukha niya.

"Draw that sword and fight me."

"B-but..."

"Now!"

Nagulat si Smiley sa sigaw ni Hanna kaya wala siyang nagawa kundi hugutin ang cyan blue na espada. Inilapag niya sa sahig ang casing at hinawakan gamit ang dalawang kamay ang espada. Kita ko ang panginginig niya kahit nakatalikod siya sa akin.

Bigla nalang sinugod ni Hanna si Smiley at iwinasiwas ang espada, buti ay naiharang ni Smiley ang espada na hawak niya. Mas idiniin ni Hanna ang pagtulak sa espada ni Smiley, nanginginig ang kamay ni Smiley kaya umaatras papuntang mukha niya ang sariling espada.

Itinaas ni Hanna ang espada at mas malakas at buong pwersa niyang iwinasiwas 'yon, pero tulad rin kanina ay sinangga lang ni Smiley. Paulit-ulit na iwinasiwas ni Hanna ang espada at patuloy naman sa pag depensa si Smiley.

"Stop it, both of you!" suway ko pero walang nakikinig. Mas malakas pa kase ang tunog ng espada nila na nagtatama kesa sa boses ko.

Natuod ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood sila. Gusto ko silang pigilan pero pa'no? Hindi sila nakikinig sa'kin. Base sa itsura ni Kelvin ay hindi niya rin alam kung anong gagawin.

"Don't just block all my attacks, attack me with all you've got!" rinig kong inis na wika ni Hanna habang hinahampas ng paulit-ulit ang espada na pinangsasangga ni Smiley.

Ito lang talaga ang ayaw ko kay Hanna, 'di sya marunong makinig ng explanation. Ganito na siya simula pa lang dati, kaya 'di mapagsabihan nila mom at dad.

"Stop it already!" mas malakas kong sambit pero 'di pa rin huminto si Hanna. Tuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Hanggang sa huminto siya panandalian dahil mukhang napagod, pero ng akmang susugod na naman siya ay narinig ko ang mahinang paghikbi ni Smiley kaya 'di ko na napigilan sarili ko.

"I SAID ENOUGH!" malakas kong sigaw, napahinto si Hanna at gulat na napalingon sa akin. Kita ko rin sa peripherals ko na muntik matumba si Kelvin dahil sa gulat. Napaupo si Smiley sa sahig na parang nanghihina, habang mahinang humihikbi.

Nilapitan ko siya at hinagod-hagod sa likod. "Shhh it's alright, it's alright."

"What? You're on her side even though she's the reason why you're all injured?" bakas ang inis sa tono ng pananalita ni Hanna. Nagtaas ako ng tingin sa kaniya, gusto ko siyang pagalitan dahil hindi man lang muna siya humingi ng explanation bago nag outburst, pero 'di ko kaya. 'Di ko siya kayang pagalitan at pagsabihan.

"It's not her fault, just like what you've said, I always play hero. I got all these injuries because I love playing the hero," malumanay kong sagot. Patuloy pa rin ako sa paghagod sa likod ni Smiley, buti na lang ay tumigil na siya sa paghikbi, pinunasan niya ang luha niya at nanatiling nakatingin sa sahig.

"Even though that's the case, it's still her fault."

"I said, it's not her fault. Please, believe me, okay. It's not her fault, it's mine," sambit ko.

"Y-you... you're still covering her up?"

"I'm not covering her up, I'm just telling the truth Jaihanna Mikaela Martel," tugon ko. Magsasalita pa sana siya pero 'di niya na tinuloy. Alam niyang kapag sinabi ko na ang buong pangalan niya ay medyo naiinis na ako.

"O-okay, if you say so then I'll believe. I just can't help but worry," wika niya makalipas ang ilang segundo. Pinulot niya ang casing ng espada niya na pink sa sahig at isinabit 'yon sa likod niya. Pinulot niya rin ang espada na cyan blue ang kulay at ibinigay 'yon sa'kin.

"That's yours. It's my payback," wika niya lang bago naglakad pababa ng building, susundan ko sana siya pero nauna ng sumunod si Kelvin sa kaniya.

Napatingin ako sa espada na binigay niya. Cyan blue ang kulay no'n na may white linings sa talim nito.

What does she mean by that's yours and it's my payback?