webnovel

Chapter 4

Maingay. Napaka-ingay ng paligid, magmula sa malayong parte ng Lost City hanggang sa mga buildings na malapit lang sa kinaroroonan namin. Mga sigaw ng mga tulad naming examinee at mga tunog na nanggagaling at nililikha ng mga cryopus ang maririnig.

Pagsabog dito, barilan doon, hindi ko alam kung saan titingin dahil sa lahat ng dako ay may maririnig kang malalakas na tunog. Kakaiba ang gabing ito kesa sa kagabi. Mas maraming naglabasang cryopus kaya naglabasan rin ang mga examinee para pumatay, upang makapasa sila pagkatapos ng exam.

Gustuhin ko mang sumabak sa labanan ay hindi ko rin magagawa dahil sa kasamaang palad, ngayong araw pa talaga ako nabalian ng buto sa kamay. Medyo nagpapasalamat nalang ako dahil hindi kanang kamay ko ang nadali, kaya nakakahawak pa naman ako ng mana whip.

Gusto ko ring pumatay ng mga cryopus pero mas mahalaga ngayon na mabuhay kami ni Smiley, kesa lumaban kami ngunit mapapahamak naman sa huli. Ayaw kong mapahamak kami pareho dahil lang sa kagustuhan kong pumatay ng cryopus.

BANGGGGG

Isang malakas na pagsabog ang narinig namin ni Smiley sa likurang bahagi ng building, maya-maya pa ay sinundan iyon ng sigaw ng babae na parang nagmamakaawa. Napadako ang tingin ko kay Smiley, takot na takot siya. Kahit nakakahiya ay hinawakan ko siya sa balikat at inilapit sa akin, mabuti ay nasa kanan ko siya kaya hindi ko na kailangan pang lumipat ng pwesto para gawin 'yon.

Naramdaman ko ang panginginig niya, napakapit siya sa sira-sira kong coat at isiniksik niya ang kaniyang mukha sa dibdib ko. Nagulat naman ako dahil sa ginawa niya pero kinalma ko ang sarili ko.

"I-i-i-im... afraid," mahina niyang sambit. Mahina ko siyang tinapik-tapik sa balikat.

"Don't worry, you'll be fine as long as I'm here," wika ko. Ilang minuto matapos ang pagsabog na narinig namin sa likuran ng building ay mga padyak pataas sa kinaroroonan namin naman ang maririnig.

"Damn it..." bulong ko sa sarili ko. Mukhang mapapalaban na naman kami ngayon. Kung minamalas ka nga naman. Mukhang nakasunod sa akin ngayon si kamalasan, dahil lahat na lang ng uri ng kamalasan ay dumarating sa'kin. Worst is nadadamay pa si Smiley sa kamalasang dala ko.

Pareho kaming nagpipigil ng hininga ni Smiley ng marinig namin ang yabag na papalapit na ang cryopus sa pinagtataguan namin, which is sa loob ng isang malawak na cabinet. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nasagi ng tuhod ko ang pintuan ng cabinet kaya bahagya iyong bumukas.

Fuc*!

Sa pamamagitan ng espasyo sa gitna ng dalawang pinto ay makikita ang labas ng cabinet. Madilim ngunit sa isang banda ng madilim na room ay may liwanag na kulay asul na nanggagaling sa katawan ng isang...tigre.

"Heleus Blue," rinig kong bulong ni Smiley. Nawala rin bigla ang panginginig ng katawan niya. Tumayo siya ng maayos, binuksan ang nakaawang na pinto ng cabinet at naglakad palabas.

"Smiley, what are you-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

Tumakbo papalapit kay Smiley ang tigre at nahiga ito ng parang pusa sa paanan niya. Nag-kneel si Smiley at hinawakan ang tigre, umakto ito na akala mo ay amo niya ang babaeng nasa harapan niya. Muling tumayo ang tigre at ipinatong ang malaking paa nito sa balikat ni Smiley at dinilaan ang mukha kaya nahulog sa sahig ang Visor Glasses niya.

"Did you miss me, Heleus?" tanong ni Smiley dito. Literal na napanganga ako ng bigla itong tumango na akala mo'y naiintindihan niya ang sinabi ni Smiley.

"W-what's the meaning of this?" tanong ko, ayaw ko pa sanang sumabat pero 'di ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo si Smiley, sa tabi niya ay naupo naman ang tigreng nagliliwanag ang balahibo.

"T-this is Heleus Blue, I found him last night...b-but I lost him the time you saved me...from the Green Cryopus," sagot ni Smiley.

"How did you tame it?" sunod kong tanong. Nailipat ang tingin ko sa tigre na nahiga sa sahig at nagpaikot-ikot, para siyang naglalarong pusa. Well, kasama naman talaga ang mga tigers sa Cat Family, kasama ang mga lions.

"T-the guy back then told us...to kill every creature we encounter in this City...but since I don't know how to fight, I didn't kill him...instead I checked his injuries, he didn't attack me after I did it," sagot niya, tumingin rin siya kay Heleus Blue. "He followed me everywhere last night, but he suddenly disappeared when the Green Cryopus started chasing me. He also attacks every human he encounters, except for me...and you," dagdag niya pa at ibinalik sa akin ang tingin niya.

Kaya mo naman pa lang magsalita ng diretso eh...

"So, you mean Heleus Blue is the one who attacked that girl at the back of this building?" tanong ko. Pansin ko lang, wala na akong ibang ginawa kundi magtanong ng magtanong sa kaniya. Baka naiirita na siya sa akin.

"P-probably. W-we don't need to worry from now on, since Heleus Blue found us. H-he can surely protect us," wika niya.

"He's a cryopus then? Can I touch him?" tanong ko kay Smiley ng makalapit ako kay Heleus Blue na nakapa-ikot sa sahig at nakapikit ang mata. Tumango naman si Smiley bilang tugon.

Nag-kneel ako at dahan-dahang ipinatong ang kanan kong kamay sa balahibo ni Heleus Blue. Woah! Ang lambot ng balahibo niya, parang balahibo talaga ng pusa. Nanatiling nakapikit si Heleus Blue. Napangiti naman ako.

Napansin ko lang, halos lahat ng na- encounter namin na cryopus ay nahahati sa dalawang uri ang katawan nito, parang hybrid. Pero si Heleus Blue lang ang kakaiba, purong tiger lang siya.

"Heleus Blue is different from any other cryopus, isn't?" nakangiting sambit ko kay Smiley na nag-kneel din at hinahawakan rin ang balahibo ni Heleus Blue. Tumingin siya sa akin ng may pagtataka.

"W-what do you mean?" tanong niya.

"See, He's the only one that isn't hybrid," sagot ko naman. Umiling siya bigla ng ilang ulit. Hinawi niya ang mga balahibo ni Heleus Blue na nasa bandang tiyan at doon ko nakita ang isang napaka- cute na pakpak ng dragon na nakikita ko lang sa mga fantasy movies.

"Half tiger and Half dragon, huh? Interesting," masigla kong saad. Dahil sa biglaang pagdating ni Heleus Blue ay hindi ko naramdaman ang kirot sa kaliwang kamay ko, and that's good.

"Can he really protect us? How if one day, he'll attack us?" tanong ko sa kaniya.

"I-I doubt," sagot naman niya. Mukhang tiwalang-tiwala talaga siya na napaamo niya na si Heleus Blue, at wala ng gagawing masama sa amin. Sana, sana nga tama siya.

"Oh yah, Do you think his wings will soon grow bigger?"

Tumango lang siya bilang sagot. Marami pa akong gustong tanungin pero baka naiirita na siya sa dami ng tanong ko. So, pagkatapos ng exam...iiwan na namin si Heleus Blue dito sa Lost City? Haysst, sana lang pwede namin siyang dalhin sa ANU or Ability Nurturing University. Magmakaawa kaya ako para pumayag sila na madala namin si Heleus sa campus?

Iniisip ko pa lang na maiiwan si Heleus dito next week ay nalulungkot na ako para kay Smiley. Mukhang napamahal na siya dito, at sa tingin ko ay gusto niya ring dalhin si Heleus sa campus...kung papasa kami.

Tuloy pa rin ang mga ingay sa labas ngunit hindi na namin 'yon binigyang pansin, mas mahalaga sa'min ngayon ay buhay at ligtas kami, at meron na rin kaming kakamping blue cryopus.

"I'm just wandering, can Heleus Blue detect drop chests? I mean...can he smell them?" biglang tanong ko na naman. Kahit pinigilan ko ang sarili kong 'wag nang tanong ng tanong ay kusa pa ring lumabas 'yon sa bibig ko. Hayyst

"I t-think so, just before I was chased by the green cryopus...Heleus Blue keeps on sniffing around, seems like he smelled something," sagot naman niya na walang bahid ng pagkairita.

"Oh. Then tomorrow early-morning, I'll walk with Heleus Blue to look for drops," saad ko. Tumayo ako at kumuha ng dalawang cup noodles, binigay ko kay Smiley ang isa at akin naman ang isa pa. Binuksan ko ang lead gamit ang aking bibig at kinain ang pasta sa loob.

"I'll come with you tomorrow," tugon niya.

"You sure? It's quite dangerous outside," sambit ko na may halong pag-aalala sa boses.

"A-am I a...burden to you?" nahihiya na may halong lungkot niyang tanong.

Bahagya akong nagulat dahil sa tanong niya. Oh no, iba ata ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko kanina. "Of course not, I didn't mean it that way. You're not a burden to me...in fact, it's good that you are here with me," agad kong tugon. Nakita kong lihim siyang napangiti.

"I'll join you in looking for drops tomorrow," nakangiti niyang saad. Ngumiti rin ako pabalik. Tumingin ako sa labas sa pamamagitan ng malaking butas sa pader, mula sa iba't ibang parte ng Lost City ay makikita ang usok na nagmula sa mga pagsabog.

Bakit ibang iba ang gabing ito kesa sa kagabi? Ganito rin kaya bukas? Biglaan rin kaya ang pagdami ng cryopus? Marami na naman bang mamatay bukas ng dahil lang sa test na ito, na hindi ko alam kung anong koneksyon sa Engineering na course na kinuha ko?

Dahil sa mga tanong na ito sa utak ko ay nabuo na naman ang mas marami pang katanungan.

Ano ba talaga ang school na ito? Normal ba ito tulad ng ibang mga school? Bakit may mga cryopus sa lugar na ito, pero sa totoong mundo naman ay wala? Anong mundo ang naghihintay sa amin kung makapasa man kami?

~•~

Tulad ng nangyari noong unang madaling araw namin dito ay dumaan ulit ang dropship pagkapatak ng alas quatro. Maaga kaming gumising ni Smiley para abangan ang pagdaan no'n. Agad kaming naghanda at lumabas ng building kasama si Heleus para mag chest hunting.

Naalala ko na naman ang babaeng 'yon. 'Yong babaeng bigla akong inatake at pinag sisipa ng ilang beses para lang pala kunin sa'kin ang compound bow na nasa loob ng drop chest. Sana sinabi niya na lang na gusto niya 'yon, nang ibinigay ko sana agad at hindi na nagkaroon pa ng sakitan. Pero kahit anong 'sana' ko, wala na akong magagawa dahil nangyari na.

Tahimik kaming naglalakad ni Smiley, side-by-side. Si Heleus Blue ang nasa harapan namin na panay ang pag-sniff sa paligid. Malamang hinahanap niya ang amoy ng drop chest.

"U-uhmm, kapatid mo si Jaihanna, diba?" tanong ni Smiley, hindi siya nakatingin sa'kin dahil nakay Heleus Blue ang atensyon niya. Siya naman ang naunang nagsalita sa'min ngayon, hindi tulad ng nakasanayan na laging ako ang unang nag-o-open ng topic.

"Yeah, she's my twin sister," sagot ko, liningon ko lang siya saglit pero ibinalik ko rin agad ang atensyon kay Heleus Blue na pumasok sa isang masikip na daan. Pinauna ko si Smiley at ako ang nasa hulihan.

"Twin sister? But...you don't look alike at any angle," wika niya. Bahagya akong natawa.

"HAHA, sorry for laughing. Well, we're twins but we're not identical," tugon ko.

"Alam ko, ang ibig kong sabihin ay...'yong itsura niyo ay walang pagkakaparehas, as in 0% na magkamukha. And your attitudes are the exact opposite of hers," saad niya.

Nakalagpas na kami sa masikip na lugar kaya sumabay ulit ako sa paglalakad sa tabi ni Smiley. "Hmm, you're right. We're the exact opposite but we're still twins," 'yon na lang ang isinagot ko.

"Ah right, now I remember. What's the name of that girl again? The girl be-"

"Xhianne. Her name's Xhianne Garcia. Zhaile's friend," sagot niya kahit ,di ko pa natatapos ang sinasabi ko.

"Zhaile? Your friend?" tanong ko. Naalala kong sinabi niya- I mean, hinulaan ko lang at tumango siya- na kaibigan raw ng kaibigan niya si Xhianne girl, kaya kakilala niya ito.

Tumango siya. Matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin ay liningon niya ako, napatingin rin ako sa kaniya dahil mukhang may gusto siyang sabihin.

"It's already the second time you asked me about Xhianne. Are you perhaps... interested in her?" tanong niya. Kung kumakain lang siguro ako ngayon ay kanina pa ako nabulunan dahil sa tanong niyang iyon.

The h*ck?! Interested? To whom? To that Xhianne girl?! Yuck, no way! Never!

"Of course not!" bulalas ko. "See this?" tanong ko sa kaniya habang nakaturo ang daliri ko sa kanang pisngi ko na may malaking pasa, na hanggang ngayon ay masakit pa rin tuwing masasagi. Tumango siya ng makita ang napakalaking pasa. "She's the reason why I got this. She kicked me in my face, and also in my body. Aish! That girl," nanggigigil na dagdag ko.

Na-picture ko sa utak ko ang mukha niya kaya agad kong iwinaksi 'yon sa pag-iisip ko. Baka madagdagan lalo ang pagkagigil ko sa babaeng 'yon kapag mananatili siya dito sa utak ko.

"I-I see, does it hurt?" tanong niya, akmang tutusukin niya ng daliri niya ang pisngi ko kaya agad kong inilayo ang mukha ko. "O-oh...I-I'm sorry," natatarantang saad niya at agad na binawi ang kamay na muntikan ng mapalapit sa mukha ko.

"Ah no no. I'm sorry, it's just that... it still hurts," saad ko. Sabay kaming napahinto sa paglalakad ng huminto rin si Heleus Blue sa paglalakad, nakatingin siya sa taas ng building na nasa bandang kaliwa namin. Napatingin rin kami ni Smiley sa direksyong tinitignan niya, pero wala namang kahit anong nandoon.

"Heleus, what's wrong?" tanong ko kay Heleus, akala ko naman kung sasagot siya sa tanong ko. Hinaplos ko ang balahibo niya, nakita kong nagsilabasan ang mga kuko sa mga paa niya kaya napabalikwas ako ng atras. "W-woah, easy."

Inayos ko ang Visor Glasses na suot ko dahil muntik ng mahulog ng magulat ako. Hindi naman sa akin nakatingin si Heleus, nanatili siyang nakatingala sa taas ng building. Something's there...

Pinindot ko ang maliit na button sa gilid ng Visor para ma-activate ang Night-Vision. In-zoom ko rin para makita ko ng maayos kung ano ang nandoon.

Katulad ng tinutuluyan namin ngayon, sa pinakataas na floor ng building na tinitignan ko ngayon ay sira rin ang wall nito. Doon ay nakita ko ang isang anino ng tao na may hawak na compound bow, ng i-zoom ko pa ng kaunti ay isang babaeng mahaba ang buhok at braided ang isang parte ng kaniyang buhok ang nakita ko.

"Xhianne..." I muttered.

Nakatutok ang pana kay Heleus at handa niya ng bitawan ang palaso. Dali- dali kong pinindot ulit ang button para ma-deactivate ang Night-Vision pati ang pagkaka-zoom ng lense.

Hinila ko gamit ang kanan kong kamay si Smiley at agad na sumakay sa likod ni Heleus. Sana lang kaya niya kaming buhatin. Nasa harapan ko nakasakay si Smiley at ako naman ang nasa likod.

"Heleus, run!" sigaw ko pero hindi gumalaw si Heleus, nakatingin pa rin siya sa direksyon ni Xhianne. "Heleus Blue!" sigaw ko ulit pero wala pa ring epekto. Kapag hindi pa kami nakaalis sa susunod na limang segundo ay paniguradong tatama na kay Heleus ang palaso, and worst baka pati si Smiley ay matamaan ng palaso.

This is the only choice I had...

Pikit mata kong hinila ng malakas ang buntot ni Heleus.

ROARRRR

Mabilis pa sa kisapmata na patalon-talong tumakbo si Heleus palayo, kung hindi nakahawak sa kamay ko si Smiley ay malamang nahulog na ako. Dahil sa bilis ng pagtakbo ni Heleus na sinabayan niya ng pagtalon ay nagagalaw ang kaliwang braso ko kaya hindi ko mapigilang mapadaing dahil sa sakit. Salamat nalang dahil maingay si Heleus kaya hindi narinig ni Smiley ang mga pagdaing ko.

Tumingin ako sa direksyon ni Xhianne, hindi kalayuan, may bagay na nagliwanag dahil sa repleksyon ng araw na nakasilip na, kasabay ng malamig na hangin ay ang paglapit ng palaso sa amin.

"Incoming!" bulalas ko at sa pangalawang pagkakataon ay hinila kong muli ang buntot ni Heleus, nagtatalon na naman siya at lumipat ng daan, at sa kamuntik-muntikan na naman ay malapit na akong mahulog. Pasalamat kay Smiley dahil mabilis niyang hiniwakan ang kwelyo ng coat ko at hinila palapit sa kaniya.

"H-h...g me," wika niya. Dahil sa tunog na nanggagaling sa hangin na sumasalubong sa amin ay hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.

"What?!" malakas kong tanong para siguradong maririnig niya ako.

"I-I said, h-h-hug me...so you won't fall!" sagot niya, mas malakas ang pagkakabigkas niya no'n kesa sa kanina kaya naintindihan ko na.

"Okay," Pinulupot ko sa bewang niya ang kanan kong kamay. Pagkatapos kong gawin 'yon ay naramdaman ko ang biglang pagtaas ng magkabilang balikat ni Smiley at hindi normal ang paghinga niya.

"Are you okay? It seems like you're uncomfortable," wika ko. Dahil nakayakap ako sa kaniya ay malapit ang bibig ko sa tenga niya kaya hindi ko na nilakasan ang pagkakasabi no'n dahil baka masira ko pa eardrums niya. Mas naging uneven ang paghinga niya kaya nag-alala ako.

"Smiley?"

"I-i-i-im fine...dont worry a-about me," pautal-utal niyang sagot. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Akala ko kanina ay nahigpitan ko masyado ang pagkakayakap sa kaniya kaya hindi siya masyadong makahinga. But since, sinabi niyang okay lang siya, wala ng problema do'n.

Malayo-layo rin ang itinakbo ni Heleus Blue bago siya huminto sa harap ng isang drop chest na nakatago sa madilim na kalye ng Lost City. Nauna na akong bumaba at inalalayan si Smiley sa pagbaba. "T-thanks," wika niya. Nginitian ko siya bilang tugon.

Ako ang naunang lumapit sa chest, sumunod naman sa akin si Smiley na namumula. Binuksan ko ang chest, gano'n pa rin ang laman, walang pagbabago. 5 bottles ng mineral water, 5 packs ng biscuit, 5 cup noodles and...

"Here, you can have this," saad ko sabay abot sa kaniya ng Mana Rifle na kasama ng mga foods sa loob ng chest. Nagulat si Smiley at binigyan ako ng nagtatakang ekspresyon.

"B-but you're the one who got it first...y-you should have it," tugon niya habang umiiling sa akin. Hindi niya rin kinuha ang ibinibigay kong rifle sa kaniya.

Ngumiti lang ako. "I would like to have it but...I can't use it since I only had one arm now," wika ko kasabay ng pilit na ngiti. Kulay black ang baril, na may taint na glowing blue. Hindi masyadong malaki ang rifle at hindi rin naman maliit, sakto lang ang size nito. And surprisingly, napakagaan niya. I want it to be mine, but unfortunately, I will not be able to use it.

"I-im so-"

"I told you it's not your fault. And, if you really are sorry... accept this. This is yours," putol ko sa sasabihin niya. Napako ang tingin niya sa akin ng ilang segundo bago pumikit at nakangiting tinanggap ang Mana Rifle.

"T-then, I'll use this to pr-pro-protect you," wika niya. Mas lumawak ang ngiti sa aking labi dahil sa sinabi niya.

"But, protecting yourself comes first," sambit ko. Napangiti kaming dalawa sa isa't isa. Tumayo na kami, dala dala ang mga laman ng chest at sumakay na kami sa likod ni Heleus at inutusan siyang bumalik na sa base namin.

~•~

Who would have thought that a cryopus, that is supposed to be killed by us, will become very handy?

Right now, we're still not going back to our temporary base. Heleus kept on sniffing around, me and Smiley followed him wherever he went. I don't know the exact time, but if I were to guess, I think it's around 8 to 9 am already.

We already found two drop chests, at the first chest we got a mana rifle and I gave it to Smiley since I can't use it. At the second chest, we got something like a claw, 2 big red claws. We didn't know how it was used, so we decided to let Heleus Blue wear it. Well, it fits him.

We are looking for one more chest 'coz I'm the only one without a weapon. Kung hindi sana kinuha ni Xhianne ang compound bow na nakuha ko, sana meron na akong armas ngayon.

"A-Are you okay, J-J-Jaiho?" biglang tanong ni Smiley na nasa harapan ko pala, hindi ko namalayan na huminto na pala kami sa paglalakad.

"Huh? Why'd you ask?" nagtataka kong tanong.

"Kanina ka pa kasi nakatunganga...akala ko, kung napano ka na," tugon naman niya. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi niyang 'kanina pa ako nakatunganga'. Awkward akong napatawa at napahawak sa leeg ko.

"I'm sorry, I was just thinking what kind of weapon we'll find that will suit me," sagot ko.

"Then, open this chest to find out," saad niya at iginaya ang kamay sa chest na dinidilaan ni Heleus Blue. Tiningnan ko ang paligid at ngayon lang napansin na wala pala kami sa labas, kundi nasa loob kami ng isang building. Ang drop chest na nahanap ni Heleus Blue ay nakatago sa isang cabinet.

So, ang chest na ito ay hindi katulad ng iba na hinuhulog ng mga drop ships. Katulad ito ng drop na nahanap namin ni Hanna, pagkalapag namin dito sa Lost City.

Tumango ako kay Smiley at lumapit sa chest, dahan-dahan ko iyong binuksan habang iniisip kung anong weapon ang nasa loob. Sana weapon na pwede kong gamitin ng one-handed. Tulad rin ng mga naunang chests na nahanap namin ay may 5 bottles ng mineral water, 5 cup noodles, and pinagkaiba lang ay may 3 boxes of chocolate cereals ito.

Nang matanggal ko na ang mga lamang pagkain ay inilabas ko rin ang suitcase na nasa ilalim. May nakasulat na MOONLIGHT. Tumingin ako kay Smiley na nakatingin rin pala sa akin bago ko binuksan ang case.

Isang black gauntlet na may red and blue linings ang bumungad sa amin. May tatlo siyang maliliit na red buttons sa bandang wrist. Sa may bandang palad naman ay may hugis triangle na nag-iilaw ng kulay pula. Sa likuran ng gauntlet ay may maliit na bilog doon.

"How to use this?" nagtataka kong tanong habang hawak-hawak ko sa kanang kamay ang black gauntlet.

"It looks like the gauntlet of Thanos in Avengers: Infinity War," manghang saad ni Smiley. Umupo siya sa tabi ko, kinuha sa akin ang gauntlet at hinawakan niya ang kanan kong kamay. Akala ko kung anong gagawin niya kaya nagulat ako, ngunit isinuot niya lang pala ang gauntlet sa kamay ko dahil nga naman mahihirapan ako sa pagsuot gamit ang iisang kamay lang.

"There you go, it looks cool on you," nakangiti niyang saad habang pinagmamasdan ako.

"Really? Thanks," sagot ko naman. "Now, how do this work?" mahina kong tanong sa sarili ko. Itinutok ko sa mesang nasa harapan ko ang gauntlet na parang hinihintay na lumabas ang powers ko, or pwede ring baka mapagalaw ko ang mesa sa pamamagitan ng telekinesis. Kidding, as if those powers exist.

Mas lumapit pa si Smiley sa akin kaya shoulder to shoulder na kami ngayon. Pinindot niya ang unang button sa may wrist ko. Biglang may naglabasang mga bala sa kulay red na triangle sa palad ko. Pareho kaming nagulat, pati si Heleus ay biglang napatayo sa gulat. Agad na pinindot ulit ni Smiley ang unang button.

"Phew. That's cool!" mangha kong wika. Kahit nagulat, ay namangha naman ako. Hindi ko na kailangan ng mana rifle dahil meron na akong gauntlet, na hindi naman baril pero nag-a-act bilang baril.

"Can you try the second button, please," baling ko kay Smiley. Tumango naman siya at pinindot ang pangalawang button. Ang maliit na bilog sa likod ng gauntlet ay biglang nag-ilaw at may lumabas na hologram. Inilapit ko ang kamay ko at binasa ang nakasulat doon.

Ang ipinapakita ng hologram ay may maliliit na boxes na bakante, sa itaas na bahagi naman ay nakasulat ang salitang 'inventory'.

"Woah. So I can store things in this gauntlet? HAHAHA, but how?" tanong ko na naman. Medyo napaisip si Smiley, maya maya ay hinila niya ang tacet dagger sa may sapatos ko.

"Try holding this," saad niya. Ginawa ko naman ang inuutos niya, hinawakan ko ang dagger ng ilang segundo pero walang nangyayari. Pinindot ni Smiley ang second button pero nag-exit ang hologram. Pinindot niya ulit 'yon ng isa pang beses kaya lumabas ulit ang hologram. In-press niya 'yon ng dalawang beses pero walang nangyari. Sunod ay ni-long press niya, biglang nawala ang tacet dagger na hawak ko.

"Huh? Where'd it go?" nagtataka kong tanong. Tiningnan ko ang palad ko pero wala naman doon ang dagger. Tumingin rin ako sa sahig dahil baka nahulog pero wala rin. Oh no, I lost it...

"It's here," sambit ni Smiley na nakaturo ang daliri sa hologram. Nagtataka akong tumingin sa hologram, at do'n ko nakita ang tacet dagger ko sa unang box. Pinindot ni Smiley ang dagger sa hologram, ilang segundo lang ang lumipas ay nasa kamay ko na ulit ang dagger.

"Wow, that's cool!" manghang wika ni Smiley. Ni-long press niya ulit ang pangalawang button kaya muling nawala ang dagger. Kinuha niya naman ang mana whip sa tagiliran ko at pinahawak niya iyon sa'kin, ginawa niya rin ang ginawa niya kanina. Isinunod niya ang mana rifle niya at ang whip pati na rin tacet dagger niya ay inilagay niya na sa inventory ko.

"Now, you don't have to carry heavy weapons. As long as we have this, our life in this city will be much easier than before," saad ko. Nakangiting tumango si Smiley.

"How about this?" tanong niya. Inilayo ko kamay ko sa mukha namin, pinindot ni Smiley ang third button. Sa bilog kung saan lumabas ang hologram kanina ay doon rin lumabas ang Plasma Shield na kulay red.

"This...this gauntlet is amazing! I already have the attack, the defense and the storage!" bulalas ko. Tumayo ako dahil sa pagkamangha at 'di ko napigilan ang tumalon-talon.

Ngunit nahinto ako sa pagtalon ng maramdaman ko ang pagsakit ng kaliwang kamay ko dahil nagalaw. Mahina akong napadaing dahil sa sobrang sakit, napangiwi pa ako para lang 'wag mapalakas ang daing ko. At 'yon, naalala ko na naman ang kalagayan ko na isang kamay na nga lang pala ang meron ako, at hindi ko magagamit ang gauntlet na ito kung wala si Smiley.

Lumapit ako kay Smiley na nakangiting nakatingin sa akin. "Smiley, can you stay by my side?" seryosong tanong ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya ng bahagya dahil mukhang 'di niya agad na-gets. Maya-maya ay nanlaki ang mata niya at bigla siyang namula, agad siyang nag-iwas ng tingin at parang kinabahan.

"Smiley? What's wrong?" nag-aalala kong tanong sa kaniya. Paulit-ulit lang siyang umiling. Hmm? Anong nangyari sa kaniya? Tinanong ko lang naman siya kung...wait! Don't tell me mali ang pagkakaintindi niya?!

"Smiley, I think you misunderstood it. What I meant is, if you can fight alongside me coz I need your help to activate the abilities of this gauntlet," saad ko ng marealize kung bakit siya nagkagano'n.

Dahan-dahan niyang ibinalik ang paningin niya sa akin. Mukhang hindi na rin siya kinakabahan pero namumula pa rin siya. "O-oh, g-ganun ba? O-okay I-I'll fight alongside y-you," utal-utal niyang sagot.

Inilapit ko ang kamay ko sa kaniya para pindutin niya ang third button dahil naka-activate pa rin pala ang plasma shield ng gauntlet na ito.

"So, shall we head back?" tanong ko matapos kong ilagay ang mga nakuhang pagkain sa bag na nakasabit sa leeg ni Heleus. Tumango naman si Smiley, nauna na siyang sumakay sa likod ni Heleus at sumunod rin ako. Hindi ko na kailangan pang hilahin ang buntot ni Heleus bago siya gumalaw, dahil kusa na siyang tumatakbo pagkasakay namin.

Medyo malayo rin ang narating namin, siguro ay may 7 kilometers ang layo namin ngayon sa base. Kasalanan ito ni Xhianne, kung hindi niya sinubukang patayin si Heleus ay 'di sana kami mapapalayo. Pero thanks to her pa rin, dahil sa ginawa niya ay malayo ang napuntahan namin kaya nahanap rin namin ang gauntlet na ito.

Moonlight, huh?

"I'll name it as Moonlight, then." bulong ko sa sarili ko.

"Are you saying something?" malakas na tanong ni Smiley para marinig ko. Malakas pa rin kase ang hampas ng hangin na kasalubong namin.

"Ah sorry, I said I'll name this gauntlet as Moonlight," sagot ko, nilakasan ko rin para marinig niya, pero hindi naman 'yong masyadong malakas na nakakasakit na ng tenga.

"Really? That's a cool name? But, why will you name it as Moonlight?" tanong naman ni Smiley. Malakas pa rin ang pagkakatanong niya. Kapag patuloy siya sa pagsigaw-sigaw, baka mapaos siya. Nag-lean forward ako, at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya, para hindi na namin kailangan magsigawan habang nag-uusap. Naramdaman ko ang bahagyang pagtaas ng dalawang balikat niya, tulad rin kanina no'ng tinatakasan namin si Xhianne.

"The suitcase where we got this gauntlet has a word written in it, the word is Moonlight. So, I decided to name it after the suitcase," sagot ko, hindi na pasigaw dahil magkalapit naman na ang mukha namin.

"I-i-is that s-so? H-HAHA, t-that' s a n-n-nice pick," she answered, stuttering.

"HAHA, yeah thanks."

"W-w-why are you t-t-thanking me?" nagtataka niyang tanong, pero hindi masyadong bakas ang pagtataka sa boses niya dahil nag-stutter pa rin siya. Hindi ko alam kung bakit siya nag-stutter pero bahala na.

"Thanks for everything. Thanks for helping me out, thanks for hunting chests with me. Thanks for bringing Heleus. I just want to thank you for staying with me," seryoso kong sagot. "I can't imagine myself right now, if you didn't help me out," dagdag ko pa.

"Y-y-you dont n-need to t-th-thank me...but, y-y-your welcome," nauutal niyang sagot. Napangiti naman ako. Matapos ang ilang segundong katahimikan ay nakaramdam ako ng pagkaantok.

Inaantok agad ako kahit mga alas nuwebe palang. Dati-dati naman hindi ako antukin, ewan ko lang kung bakit madalas akong inaantok ngayon. Siguro pagod lang talaga ang katawan ko?

Dahil inaantok ako at nakapatong ang ulo ko sa kanang balikat ni Smiley ay napag-desisyunan kong matulog na lang muna habang malayo pa kami sa base.

I just hope that nothing will happen, while I'm asleep...