Excited na excited na ako para bukas. Bukas na ang graduation namin at tuwang tuwang sina Mama at Papa dahil ga graduate ako. Akala yata ng mga magulang ko hindi ako makakapag tapos.
"Anak, ang saya saya ko talaga. Kasi buong akala ko gagantihan mo ako ng matindi tapos hindi ka ga graduate."
"Pa, kahit naman ginagantihan kita noon nasa isip ko na mag tatapos ako dahil kay Mama. Promise ko kaya sakaniya 'yon. Diba Ma?"
"Oo, Luis. Pinangako sa akin 'yon ng anak natin. Akala mo diyan ha."
"Bakit para sa Mama mo ang pag tatapos mo? Ako ang nagpa aral sa'yo."
"Pa, huwag ka na nga mag drama. Ang mahalaga ga graduate si Lucia." Singit ni Luke na ngayon ay kakadating lang.
Humiga siya sa may sofa at ipinatong niya ang ulo niya sa mga hita ko. My so sweet brother!
"Lucia, hilutin mo nga ulo ko. Ang sakit e."
"Bakit? Napano ka? Stress ka sa work?" Ipinatong ko ang mga kamay ko sa ulo niya at inumpisahan ko siyang hilutin. Kawawa naman ang kapatid ko. Wala na ngang lovelife tapos puro stress pa. TINH. /This is not healthy/
Hanapan ko kaya siya ng ka blind date?
"May gamot dito Luke. Uminom ka na ng gamot at baka lumalala pa 'yan at magka sakit ka. Saglit lang. Kukuha ako."
Tumayo si Mama at kumuha ng gamot sa may room.
"Anak, I know you're a busy man. Pero huwag mo naman sanang hayaan ang sarili mo. Tignan mo nga 'tong kapatid mo. Pa chill chill lang at tamang landi lang sa boyfriend niya. Ganon ka rin dapat."
"Wow Pa ha! Parang sinabi mo na rin na malandi ako?!"
"Ay hindi ba, anak? Hehe." Mabilis siyang tumayo sa upuan at tumakbo papunta sa taas.
Minsan iniisip ko kung tatay ko ba talaga si Papa? Hindi siya matured. Mygosh.
"Luke, here. Uminom ka na ng gamot. Kumain ka na ba?"
"I just had my dinner outside, Tita. Thank you."
Kinuha ni Luke ang gamot pati ang tubig kay Mama at ininom niya ito. Hinawakan ko ang leeg niya at medyo mainit siya.
"Ma, may lagnat yata siya e."
"Patingin nga."
Hinawakan ni Mama ang noo niya.
"Tsk. Umakyat ka na doon sa taas Luke at magpa hinga ka na. May sinat ka oh! Graduation bukas ng kapatid mo at dapat nandoon tayo lahat."
"I'll be fine tomorrow Tita. Don't worry. I'll go upstairs."
Tumayo si Luke mula sa sofa at umakyat na papuntang taas. This is the first time na makita ko siya ulit na nagkasakit. Malakas pa sa kalabaw 'yan e. Kaya madalang pa sa patak ng ulan 'yan kung dapuan ng sakit.
"At ikaw naman Lucia, matulog ka na. Maaga ka pa bukas."
Tumayo na rin ako at umakyat na sa taas. 9:00 am ang graduation namin bukas and I'm just so excited like helloooo. Tomorrow is my most awaiting day!
Pagka pasok ko ng kwarto ay sakto namang nag ring ang cellphone ko. I looked at the screen and it's Evan. Miss niya na siguro ako.
NGKT. /Napaka ganda ko talaga/
"Yes baby?"
"Baby, we're here sa bar nila Kennedy. They want to celebrate. Punta ka? Sunduin kita."
"Baka hindi na ako payagan ni Mama lumabas e. Pinapatulog na nga ako. Sino ba mga kasama niyo diyan?"
"Sila Kennedy, Kent. Lancie is here with Patricio. Pag sabihan mo ang kaibigan mo at baka mag wala dito."
"Bayaan mo siya. Ginusto niya 'yan e."
"So ano? You can't come?"
"Yes. I'm really sorry. Atsaka kasi si Luke may sakit. Ewan ko ba anong ginawa niya at may lagnat siya ngayon. I need to check him later. Baka lumala pa ang sakit niya."
"Kulang lang sa lovelife at eut 'yan." Tumawa siya sa kabilang linya kaya natawa na rin ako.
"Gago ka talaga. O siya sige. Just call me once you get home. Evan ha? Huwag masyadong iinom. Atsaka kapag may babaeng lumapit sa'yo alam mo na ang gagawin mo."
"Yes baby! You don't need to say that. I'm all yours. Okay? Hindi ako masyadong iinom."
"Okay. I love you. Uwi ka agad."
"Yes. I love you too. I'll call you once I get home. Bye."
Lumabas ako ng kwarto ko at naisipang puntahan sa kwarto si Luke. Nag aalala ako sakaniya dahil minsan lang magka sakit 'yan pero grabe. I remember last time na nagcollapsed pa siya dahil sa lagnat niya.
I knocked three times on his door pero walang sumasagot. Binuksan ko na ito at pumasok ako sa loob.
"Luke? Are you still okay?" I asked.
Nakahiga lang siya sa may kama niya at balot na balot siya ng kumot. I turned off his aircon at umupo ako sa may kama niya.
"Huy! Sumagot ka nga diyan. Baka mamaya namamatay ka na pala."
"I feel so cold."
"Paanong hindi ka lalamigin e hindi mo pinatay yung aircon! Dalhin na kaya kita sa hospital? Baka mamaya mapano ka nanaman pag aalalahanin mo pa ako."
"I'm still fine. Don't worry about me."
"Ano ba kasing ginawa mo?! Baka mamaya pinagod mo nanama nang husto ang sarili mo kaya nagkasakit ka. Matigas din ang ulo mo e. Graduation ko bukas uy! Hindi ka pwedeng magkasakit."
"I'll be fine tomorrow. Ang kulit."
"Fine fine tomoorrow ka diyan! Kapag ikaw hindi naging okay malilintikan ka sa akin."
"I'm your brother moron. Makapag salita ka ikaw ate?"
"Heh! Shut up. Kuha lang ako ng palanggana at tubig sa baba."
Lumabas ako ng kwarto niya at iniwan siya sa taas. I went in the kitchen para kumuha ng palanggana at towel. After kong kumuha ay nilagyan ko ng tubig na mainit ang palanggana at umakyat ulit pabalik sa taas para mapunasan siya.
Kumunot ang noo ko nang makita kong bukas ang kwarto ni Luke. Sinara ko to ah?
Dumiretso na ako sa loob at muntik ko nang maibato ang palanggana na hawak ko ng makita ko si Lancie sa may kama ni Luke at naka hawak si Luke sa kamay niya.
What the fuck is this?! Kumuha lang ako ng palanggana tapos may ganito nang ganap like emeghad ha! I'm so shookt!
"Hoy bakla! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya. Mukhang nagulat pa siya dahil nakita ko sila sa ganitong sitwasyon.
Sinubukan niyang alisin ang kamay niya sa pagkakahawak ni Luke pero hindi ito binibitawan ni Luke. Sinasabi ko na nga ba e. I feel something fishy na talaga dito. Inlove ba siya kay Lancie? Tangina. Masasaktan tong kapatid ko! Pikutin naba namin si Lancie? Idaan ko na ba sa dahas? Hayup. Kung ano ano nang naiisip ko.
"I-i just came here. Evan said he's sick."
"Ahh. Ganon ba? Oo e. May lagnat."
Ipinatong ko ang palanggana sa may table at nakatayo lang ako habang nakatingin sakanilang dalawa.
"Sige na bakla. Ako nang bahala sakaniya."
Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Luh? Jowa lang ang peg?
"Sigurado ka ba diyan?" Tanong ko sakaniya.
"Oo. Ako nang bahala."
Tumango tango nalang ako. Lumabas na ako ng kwarto at iniwan silang dalawa doon. May hindi talaga sila sinasabi sa akin. Ay bahala nga sila! Alam naman ni Luke kung gaano kamahal ni Lancie si Patricio. So dapat alam niya rin kung anong consequence ang pwede niyang makuha kung mahal niya nga si Lancie. Sumasakit ulo ko sakanila.
Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga. Matutulog na ako. Hindi naman siguro pababayaan ni Lancie ang kapatid ko.
Ang himbing na ng tulog ko nang magising ako sa ring ng cellphone ko. Kanina pa ito ring nang ring ngunit hindi ko sinasagot. Sino ba 'tong istorbong 'to?! Kinuha ko ang cellphone ko sa may side table ko at sinagot ang tawag.
"Hello?! Istorbo ka ha!" Singhal ko sa kabilang linya.
"What the fuck baby? Sorry." Dinig ko ang boses ni Evan na medyo may tama na.
"Ikaw pala. Pauwi ka na ba? Natutulog na ako e." Naka pikit pa rin ang mga mata ko habang kinakausap siya.
"Hindi. Papunta ako sa inyo ngayon. Damn it baby. Patricio is fucking mad."
Napamulat ako sa narinig ko.
"Bakit?"
"Is Lancie there? Paki sabi lumabas siya. On the way si Patricio diyan para sunduin siya. We're following him now."
"What? Bakit naman siya nagagalit?"
"Just talk to Lancie first. Baka mag wala pa 'yan diyan at maka istorbo pa kami. Nakakahiya sa parents mo. Hurry up baby."
"O sige sige."
Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Tumakbo ako papasok sa kwarto ni Luke at binuksan ko 'yon nang hindi na kumakatok. Naabutan ko silang natutulog habang magka tabi. Punyemas! Naka yakap pa si Luke sakaniya. Jusko! Ano ba naman 'to? Litong lito na talaga ko sa nangyayari sakanila. I immediately took my phone at pinicture-an ko sila habang natutulog. Gagu kayo ha.
Lumapit ako kay Lancie at tinapik tapik ko ang mukha niya.
"Bakla. Bakla. Gumising ka diyan bilisan mo. Haliparot kang babae ka."
Hindi pa rin siya nagigising at tinaboy niya lang ang kamay ko at niyakap si Luke. Letse! Napasabunot ako sa sarili kong buhok.
"Bakla! The fuck. Gumising ka nga diyan!" Sinampal sampal ko na siya para magising at salamat sa Diyos at nagtagumpay ako.
"Hmm? Bakit ba? Natutulog ako e."
"Tangina si Patricio papunta raw dito at susunduin ka. Tumayo ka na diyan!"
Naimulat niya nang wala sa oras ang mga mata niya. Dahan dahan niyang inalis ang kamay ni Luke na naka yakap sakaniya at dahan dahan din siyang tumayo mula sa kama.
"Bakla, hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyong tatlo. Pero tangina. Kapatid ko 'yang dinadamay niyo dito ha."
Hindi niya ako sinagot at inayos niya ang buhok niya. Kahit hindi niya sabihin I know there's something going on now between them. Lumabas kami ng kwarto at dahan dahan kong sinara ang pinto. I looked at my phone and for fuck's sake it's 2:45 am!
Nag ring nanaman ang cellphone ko and this time it's Dred. Sinagot ko ito.
"Lucia? Palabasin mona diyan si Lancie sa inyo. Malapit na kami ni Patricio." Bulong niya sa kabilang linya. Muntik ko na siyang hindi marinig. Piste!
"Bilisan natin bakla." Tumakbo na kami ni Lancie palabas ng gate.
Nang makalabas kami ay sakto namang may humintong kotse. Mabilis na lumabas doon si Patricio habang naka sunod sakaniya si Dred at Kennedy.
"Patricio." Tawag sakaniya ni Lancie.
Pulang pula ang mukha nito at halatang may tama na siya.
"Let's go home."
Hinawakan niya sa kamay si Lancie at kinaladkad. Nag pumiglas pa si Lancie at nainis ako sa way nang paghila niya. Kaibigan ko si Lancie at ayaw kong ginaganito siya ng lalaking 'to na wala namang ibang ginawa kung hindi ang saktan siya!
Inalis ko ang pagkaka hawak niya kay Lancie at galit siyang humarap sa akin.
"Sawa ka na ba sa buhay mo?" Tanong niya.
Punyeta 'to! Maka tanong sa akin nang ganyan akala mo kung sino. Sasapakin ko 'to.
"If you want my friend to go with you, huwag mong kaladkarin! Akala mo kung sino ka ah."
"Bakla." Awat sa akin ni Lancie.
"Bro, tama na. Lasing ka na. Pag usapan nalang natin 'to bukas." Awat ni Dred kay Patricio.
"Anong ginagawa mo dito sa bahay nila ha Lancie?! Ano? Kinita mo nanaman ang lalaki mo? Tangina."
Hindi sumagot si Lancie at naka yuko lamang ito. Naguguluhan ako sa nangyayari. Ano ba 'to?
"Ano?! Sumagot ka!" Sigaw ni Patricio. Halos mapa pikit ako sa sigaw niya. Talagang galit na galit siya.
"Patricio, kumalma ka nga." Bawal na rin ni Kennedy sakaniya.
Nagulat ako nang biglang sinuntok ni Patricio ang harapan ng kotse niya. Yumupi ito dahil sa lakas nang pagkaka suntok niya. Susmaryosep talaga oo!
"E ano naman kung nakipag kita ako sakaniya ha?! May paki alam ka ba?! Wala naman diba?! Wala kang paki alam! Kaya huwag kang magagalit diyan kung makipag kita man ako sakaniya o kahit sa kung sino pang lalaki na gusto kong kitain!"
May isang kotse nanaman ang huminto at marahil ay sina Evan na 'to. Hindi nga ako nagkamali dahil lumabas si Evan kasama si Kent. Mabilis silang lumapit sa amin.
"Bro, uwi ka na. Nakakahiya baka may makarinig pa sa atin dito. Madaling araw na." Inakbayan ni Evan si Patricio ngunit inalis niya rin ito.
"Sumama ka sa akin. Hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama." Matigas na sabi niya habang naka igting pa ang panga nito.
By the way he reacts, I think he has feelings for Lancie. Hindi naman siya mag rereact nang ganito kung wala diba?
"Sasama ka sa akin o kakaladkarin kita papasok ng kotse? Mamili ka."
"Bro, kaibigan ko 'yang inaano mo. Huwag kang gago." Bawal sakaniya ni Kennedy at halatang napipikon na rin ito.
"Bakla, aalis na ako. Sasama na ako sakaniya. Kita nalang tayo mamaya sa graduation. Sorry."
"Sasama ako sa'yo Lancie."
Nauna nang pumasok si Kennedy sa kotse ni Patricio at sumunod sakaniya si Patricio.
"Bakla, sorry talaga." Nangingilid ang luha ni Lancie.
Wala akong ideya kung anong nangyayari sakanila pero bakas sa mukha ni Lancie na parang nahihirapan siya na ewan. Tumango nalang ako sakaniya.
"It's okay. Just go with him."
Niyakap niya ako at tumakbo siya papasok sa kotse. Inistart na ni Patricio ang kotse niya atsaka sila umalis.
"Ano bang nangyayari sakanila?" Tanong ko kina Evan na naiwan dito.
"We don't know. Bigla nalang nagalit kanina si Patricio nang umalis si Lancie. At mas lalo siyang nagalit nang nalaman niyang dito siya pumunta sa inyo."
"Nasabi ko kasi kanina kay Lancie na hindi ka makakasama dahil may sakit si Luke at kailangan mo siyang alagaan." Sabi naman ni Evan.
"Umamin nga kayo sa akin. May namamagitan ba kay Lancie at sa kapatid ko?"
"Hindi namin alam. Alam nating lahat na si Patricio ang mahal niya."
Hay nako! Bahala nga sila diyan. Wala silang kinikwento sa akin kaya hindi ko alam kung ano na ba ang totoong score nila.
"Magsi uwi na kayo. May graduation pa tayong mamayang 9."
"Baby, I'll sleep here with you."
Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.
"Kayong dalawa? Kent?"
"Uwi kami Lucia. Tara na Dred. Uwi na tayo."
"Una na kami Lucia." Paalam sa akin ni Dred pero tinanguan ko lang siya at nag lakad nako papasok ng gate.
🌸 🌸 🌸
So this is it pansit! It's our graduation day. Umuwi kaninang umaga si Evan dahil kailangan niya pa mag ayos. Malamang sa malamang ay pare parehas silang mga puyat. Party pa more.
Hindi pa rin ako maka move on sa nangyari kanina sa labas ng bahay namin. Kamusta na kaya si Lancie? It's a good thing na sumama si Kennedy sakanila lalo na't mukhang galit na galit talaga si Patricio kanina. Luke doesn't know na may nangyaring ganon. When he asked me about Lancie kung nasaan ito ay nagpalusot nalang ako na umalis siya ng maaga. Lancie messaged me and said na huwag ko na raw ikwento kay Luke para hindi na lumala. Wala rin naman akong balak ikwento sakaniya ang nangyari dahil sa nakikita ko alam kong magagalit 'yon specially I can feel now na parang may something sakanila ni Lancie. At ayaw kong magalit si Luke. He's scary when he's mad.
Umupo na ako sa designated chair ko. Nasa kabilang banda sina Mama, Papa kasama si Luke. Hindi ko katabi sina Evan dahil nasa may bandang harapan sila. Magkakasama sila doon at ako lang ang nandito. Potek na 'yan. Medyo inaantok pa ako dahil hindi ko naman kakilala ang mga katabi ko.
I took my phone out and play some games. Bahala kayong mga nag sasalita diyan.
Nag umpisa naman na ang program at isa isa na nilang binigay ang mga certificates.
"Dela Rosa, Lucia Trinity."
Tumayo ako mula sa pagkaka upo ko at nag lakad pa akyat sa stage kasama si Papa at Mama. I heard my friends cheering at me at nginitian ko sila. Halata sa mga mukha nila na inaantok sila. After going to the stage ay bumalik na ako sa upuan ko.
"Fernandez, Lancie Fanrah. Magna Cum Laude."
"Hong, Dred. Cum Laude."
"Javier, Kent Anthony. Cum Laude."
"Palermo, Evan Angelo. Cum Laude."
"Sarmiento, Kennedy Zaki. Cum Laude."
Gusto kong maiyak habang tinatawag ang mga pangalan nila. Mga letse! Mga taksil. Napag iwanan ako.
"Baby, upo na ako diyan sa tabi mo." Napa tingala ako nang mag salita si Evan at pina alis niya ang katabi ko. Bastos na bata.
"Bastos ka talaga. Bakit mo pina alis? You're road."
"Congrats baby!" Niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan sa labi.
"Congrats din. Talino mo ha kahit manyak ka. Akala ko puro sex lang alam mo e."
"Grabe ka sa akin. My parents are there. After this program, let's eat outside together with our family."
"Sige. I'll tell them. Para ma meet na rin ni Mama parents mo."
"Ehem! May I have your attention please."
Tumigil kami ni Evan sa pag uusap nang may mag salita sa harap. Wait! Daddy ni Kai 'to ah? Anong meron? Wala sa program na mag sasalita siya.
"I just want to use this oppurtunity to announce my son's marriage to everyone. We decided after his graduation he'll marry someone who actually deserves him. Kai, anak? Come here."
Umingay naman ang crowd dahil sa sinabi ng Dad niya. Marahil ay gulat na gulat sila. Alam naming may ganitong magaganap but we didn't expect na i aannounce siya sa public sa mismong graduation day namin.
Umakyat si Kai sa stage habang hawak hawak ang kamay ng isang babae. I don't know the girl but she's pretty.
"Do you know her Evan?"
Magka hawak kamay si Kai at ang babae sa may gitna ng stage.
"Yes. As far as I remember her name is Anabelle? But I'm not sure. So they are really serious about this arrange marriage? I feel so sorry for Kai and for his girlfriend. Just look at his face. He looks so sad."
Tinitigan ko ang mukha ni Kai. Natural na sakaniya ang pagiging cold pero mas lumala yata ngayon. Para siyang walang buhay. Kawawa naman siya. Bakit kasi kailangan niyang sundin ang parents niya? Pwede naman siyang humindi? But hindi ko alam kung anong sitwasyon niya. Maybe he has reason or wala na siyang choice.
"So everyone, let's give them a round of applause! Congratulations."
Nag palakpakan ang mga studyante dito pati na rin ang ibang mga parents. I didn't manage to clap my hands dahil hindi naman kapalak palakpak ang announcement na 'to. Kai is not happy about this so why should I be happy about it too?
Napa tingin naman ako sa katabi ko nang marinig ko siyang humihikbi. What the hell? She's crying so hard while seriously looking in front. She's pretty. At kahit umiiyak siya ay hindi mo maaalis ang kagandahan sa kaniya.
"Miss, are you okay?" I asked. Inabutan ko siya ng panyo.
Tinanggap niya ito at pinunasan ang mukha niya.
"Ang sakit pala no? Yung taong gusto mong makasama, yung taong gusto mong pakasalan hindi nakalaan para sa'yo. Wala rin palang kwenta kahit mahal na mahal niyo ang isa't isa kung hindi niyo naman kayang ipaglaban ang inyong pagmamahalan." Nakangiti siya habang sinasabi ito pero patuloy pa rin ang pag agos ng luha niya.
Tumingin ako sa stage at nakatitig sa pwesto namin si Kai. Sinundan ko ang titig niya at sa katabi ko siya nakatingin. Oh my god! Don't tell me siya ito?
"Miss, ikaw ba? Ikaw ba ang girlfriend ni Ka-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang hinarap niya ako.
Inabot niya sa akin ang panyo ko at ngumiti siya ng mapakla.
"Ex girlfriend. I'm his ex girlfriend now because he broke up with me. Thank you Lucia. I know you two are friends. Tell him, I won't stop loving him and I won't get tired praying for their happiness." Muli ay tumulo nanaman ang luha niya.
Hala! Bigla naman akong na aawa sakaniya. Tangina! I can feel her pain through her words and I can clearly see it through her eyes!
"Thank you. Una na ako."
Tumayo siya sa upuan niya at tumakbo palabas ng hall. Tinignan ko ulit si Kai at sinusundan niya ng tingin ang babae. Bumaba siya ng stage at hinabol niya si ateng girl. Tinawag siya ng Dad niya ngunit hindi niya na ito pinansin pa.
"Hala Evan! Siya yung girlfriend ni Kai! Jusko! Kawawa naman."
"Wala e. Hindi siguro pinaglaban ni Kai sa pamilya niya."
"Bakit kaya? Mukhang mahal na mahal pa naman nila ang isa't isa."
"I don't know. We don't know their situation. Kasalanan lahat 'to ng tatay niya."
"Letse 'yun ha. Panira nang pag mamahalan!"
"Let's go baby. Tapos na ang program."
Tumayo na kami ni Evan at magkahawak kamay kami. Sinalubong kami ni Jayden at Bella. May dala dalang bulaklak si Jayden at inabot niya sa akin 'yon.
Lumapit din sina Luke, Mama at Papa sa amin.
"Congrats, Prinsesa ko!" Sabay yakap sa akin ni Luke. Thank goodness he looks fine now.
"Thanks my dear Kuya! Regalo ko ha."
"Oo mamaya."
"Congratulations Evan!" Bati naman ni Mama at Papa sakaniya. "Pasensya ka na sa regalo namin ha. Nag mamadali na kami kahapon e." Inabot ni Mama ang isang paper bag kay Evan.
"Thank you po. Nag abala pa po kayo. By the way Tito and Tita. She's Bella. My sister. And he's Jayden po. Bella's husband."
Wow! Maka husband akala mo talaga e kasal na. Pero sabagay asawa niya na rin naman 'yan dahil magkaka anak na sila.
"Nice to meet you Bella. Kilala na namin si Jayden because of Luke. I didn't know na kaibigan pala ni Luke ang asawa mo. What a small world."
We decided to take some pictures together. Jayden took a lot of photos of us. Sige photographer ka.
"Where's your Mom and Dad, Evan? I want to meet them. Hindi pa nila nakikilala ang asawa ko."
"Nasa labas po sila Tito. Hinihintay na po tayo doon. They want us to have lunch together."
"Oh really? That's good. Let's go then? Para hindi na sila mag hintay."
"Bru!!!" Napalingon ako nang marinig ko ang sigaw ni Kennedy. Potek! Bakit ko nakalimutan ang bestfriend ko? Grumaduate nga rin pala siya no?
"Uy bru!"
"Hindi pa tayo nag pipicture. Diba sabi mo bestfriend goals dapat tayo? Hi Tito at Tita!"
"Congrats Kennedy. Saan Mommy mo?"
"Nandoon po. Kausap ang parents ni Kent at Dred."
"Do you want to come with us? We're going to have dinner with Evan's family. Sumama ka na. Sama mo Mom mo."
"May pupuntahan pa po kami Tita. Punta nalang po kayo bukas sa amin. Bukas po ako mag cecelebrate."
"O siya sige. Kapag wala kaming lakad bukas ng Tito mo try naming dumaan sa inyo."
"Hala. Dadaan lang po kayo? Edi sana hindi na po kayo nag punta kung dadaanan niyo lang ako."
"Bru, bilisan mo na magselfie na tayo. Potek na 'yan."
Inabot ni Kennedy ang dslr niya kay Evan at pinicture-an niya kami nang napaka dami. Hindi pa man kami natatapos ay dumating na rin si Lancie at nakipag picture sa amin.
"Lucia."
Kailan ba matatapos ang mga taong tumatawag sa akin? I looked at my back and it's Dred. Bigla ko namang na alala ang pakiusap sa akin ni Carmela. I've been avoiding him since that day and I don't know kung nararamdaman niya bang iniiwasan ko siya.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Congrats."
"Congrats din, Hong." I hugged him back. Siguro naman ay hindi ito mamasamain ni Carmela. Simpleng congrats lang naman ito.
"Wow Dred! Congrats!" Lumapit si Mama sa amin at niyakap niya si Dred. Inilabas ni Mama ang cellphone niya at kinuhaan niya kami ng picture na dalawa.
Gusto ko sana siyang bawalin kaso hindi ko naman magawa.
"Let's go Ma? Baka naghihintay na parents ni Evan."
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Dred sa akin.
"We're going to eat lunch bro. With my fam and with her fam. Wanna come?"
"Ah no. It's okay. May pupuntahan din kami. Enjoy nalang kayo. Una na ako. Congrats ulit."
Tinalikuran niya na kami at naglakad palayo.
"O tara na!"
Lumabas na kami ng hall and I'm just so excited to have dinner with his family. Tapos kasama ko pa sina Mama, Papa at Luke. This will be one of my happiest and unforgettable day!