webnovel

Formality

Shanaia Aira's Point of View

LAHAT sila namamanghang nakatingin sa akin na para bang tinubuan ako ng isa pang ulo.

" H-hindi po ba pwede dun daddy Archie?" medyo nauutal na tanong ko pa. Kasi yung reaksyon nila feeling ko hindi sila sang-ayon sa gusto ko.

" No, hindi naman sa ganon, its just that nagulat lang kami dahil hindi pangkaraniwan na may isang artista na nagpakasal sa isang farm. But if that's what you want, that's fine with us." tugon ni tito Archie, then nung tiningnan ko silang lahat, tumatango sila bilang pag-sang-ayon na rin.

Nagkatinginan kami ni Gelo, napangiti kami pareho na para bang iisa ang iniisip namin, its pretty weird and it is quite unusual for a wedding to be held on a farm.

" Matanong ko lang, bakit hindi pa ninyo i-announce publicly na ikakasal na kayo tutal wala ng problema si Gelo sa contract niya? Para matigil na rin si Gwyneth sa panggugulo sa inyo." tanong na rin ni tito Archie.

" Dad alam nyo naman po na ayaw ni Aira ng mga intriga sa showbiz or yung industriya mismo ang ayaw niya, at alam naman ninyo ang reason kung bakit. At isa pa umiiwas mismo kami na malaman nga ni Gwyneth dahil baka gumawa na naman siya ng paraan para mapigilan kami. At ang mga fans na sobra ang pagka-ayaw kay Aira para sa akin, baka lalo lang nilang i bash ang asawa ko. Ayos lang naman sa amin kung saan kami ikakasal basta sikreto lang ito sa publiko para wala ng hassle. Anyway, it's just a formality. Aira's already my wife... legally. " sagot ni Gelo sa ama.

" Alright, I understand now. So, it's settled then. "

" Yes dad and thank you. "

" No problem my son. Nandito kaming lahat para sumuporta sa inyo. " turan ni tito Archie.

Pinag-usapan na namin ang buong detalye ng kasal. Napagpasyahan na sa araw na nakapagitan sa birthday namin ni Gelo ang petsa ng kasal and that's two months from now. Dito nga sa farm gagawin and to be officiated by our church pastor.

Ang best man ni Gelo ay si Clyde at ang maid of honor ko naman ay si Venice. Kasama rin sa mga grooms men sina Neiel at Andrei at yung dalawang kapatid ni Gelo na nakakabata ang mga bridesmaid. Ang kinuha naming flower girl ay yung isang pinsan ni Gelo, hindi na kasi pwede si Dindin dahil malaki na siya. Yung anak naman ni ate Arienne na si Arjo ang ring bearer. Powder blue ang motiff namin dahil parehong blue ang favorite namin ni Gelo.

Nang matapos ang usapan tungkol sa kasal namin ay nagpahanda na si mommy ng hapunan. Kapag ganitong kumpleto kami at naririto ang pamilya ni Gelo, maraming putaheng hinahanda si mommy, akala mo fiesta palagi.

Halos hatinggabi na nasa amin pa rin ang mga Montero. Nag-inuman pa kasi ang mga kalalakihan. Nagpaalam na ako kay Gelo na mauuna na sa room namin dahil inaantok na ako. Sinabi niyang susunod na lang siya dahil mag-uusap pa raw sila nila daddy.

Naramdaman ko ang pagpasok niya sa room namin. Pumasok kaagad siya sa bathroom at naligo. Dahil sa sobrang antok hindi ko na namalayan ang paglabas niya ng bathroom dahil hinila na ang diwa ko sa mahimbing na pagtulog.

" Good morning baby!" narinig kong bati ni Gelo. Idinilat ko ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang pigura ng asawa ko na nakatapis lang ng towel sa bewang.

Nagmamadali akong bumangon at natatarantang pumunta sa bathroom para maligo. Gosh, bakit ako tinanghali ng gising? Ngayon na yung unang araw ng dubbing nila, hindi ko man lang siya naasikaso kanina.

" Bhi, sorry tinanghali ako ng gising. Mabilis lang ako, ipaghahanda kita ng breakfast mo." yun lang at mabilis na akong pumasok sa bathroom. Naiwan siyang nakatayo dun at nagtataka. Hindi ko na pinansin ang reaksyon nya dahil nagmamadali na ako.

Mabilis lang akong naligo kasi malamig yung tubig. Nang lumabas ako, nakabihis na si Gelo. Pero nagtaka ako kung bakit ganon ang suot niya.

" Bhi, bakit naka-pajama ka? Hindi ba may trabaho ka ngayon? Ngayon yun dubbing ninyo di ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Napansin ko na parang nagpipigil sya ng tawa. Ano na naman ba ang ginawa ko at parang pinagtatawanan ako ng mokong na to?

" Yeah, today nga yon pero mamaya pa. " tipid na sagot niya.

" Mamaya? di ba umaga yon? " sabi ko tapos bigla na lang syang tumawa.

" Uy bhi, anong nangyayari sayo? Bakit ka tumatawa?"

" Ikaw baby, anong nangyayari sayo?

" Huh!? " nagtatakang sambit ko.

Inakbayan niya ako saka iginiya papunta sa kama.

" Wait lang magluluto pa ako. " pigil ko sa kanya.

" Mamaya ka na magluto. Matulog na tayo, inaantok na ako." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Wait. What?

" Hahaha. Baby it's only 2am,kakaalis lang ng pamilya ko. Ano nangyari sayo?"

Pulang-pula ako sa hiya. Meaning nakaidlip lang pala ako nung pumasok sya sa bathroom at hindi ako nakatulog talaga? Kaya pala ang lamig nung tubig kanina ng maligo ako kasi madaling araw pa lang. Jusko naman, nakakahiya sa asawa ko. Daig ko pa ang may alzheimer's disease nito. Kaloka.

" Ahh nakakainis ka naman bhi, bakit hindi mo sinabi agad? Nag-good morning ka kasi akala ko tuloy tanghali na." maktol ko. Kandahaba pa nguso ko.

" I'm sorry. I was surprised at how suddenly you got up, and I couldn't even stand in awe. I thought, nanaginip ka nga eh. " paliwanag niya.

" Waahh, anong nangyari sa akin. Para akong tanga. " asar na asar ako sa sarili ko. Nahiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.

" Uy baby, basa pa yang buhok mo."

"Ihhh,matulog ka na bhi, may trabaho ka pa mamaya."

" Wala, bukas pa. Tumawag si tita Jellyn kanina, may problema daw sa studio, kaya bukas na lang yung dubbing." naramdaman ko na lumundo yung kama sa may gilid ko.

Tumayo ako at pumunta sa vanity mirror ko at inumpisahang i-blower ang buhok ko. Hindi ko siya pinapansin. Nahihiya nga kasi ako.

Nakikita ko sya sa salamin na nakatingin sa akin. Nakatagilid siya ng higa habang pinapanood ako sa ginagawa.

Nang matapos ako ay saka pa lang ako tumabi ng higa sa kanya. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

" Nakakainis. Para akong tanga talaga kanina." nayayamot pa rin ako, hindi ako maka move on.

" Okay lang yan baby. Ako lang naman to. Hindi mo kailangang mainis kapag nangyayari yung ganon. Nakakatuwa ka nga eh."

" O kitam, natatawa ka sa katangahan ko. " akusa ko sa kanya.

" Hoy wala akong sinabing natatawa ako. Sinabi ko natutuwa, magkaiba yon."

" Sige na nga. Matulog na tayo. " untag ko sa kanya.

" Mamaya na baby. Exercise muna tayo. " may pilyong ngiti na wika nya. Hindi pa ako nakaka-react man lang nung bigla nya akong kubabawan at para akong saging na binalatan at kung saan-saan hinagis ang mga saplot ko sa katawan. Pinaghahalikan nya ako at pinanggigilan. Tawa ako ng tawa kasi naman nakikiliti talaga ako.

Gusto ko sanang sumigaw ng "wag po, wag po" pero huli na ang lahat dahil nadala na naman kasi nya sa ikapitong langit ang katawang lupa ko.

___________

THE DAYS passed by faster than usual. Before I knew it, tapos na nila Gelo yung dubbing nila sa movie and they are about to start their movie promotion. As usual tv guestings, mall tour and presscon ang pagkakaabalahan nila. Final na yung premiere night at theatre tour on the first day of showing.

Kung busy sya nung dubbing, mas busy sya sa promotion. Kung nagkakasabay kami sa breakfast and dinner nung nagda-dubbing sila, malamang ngayong magpo-promote sila, malabo ng mangyari ang ganon. Katulad noon, nakakatulugan ko na ang pagdating niya dahil halos madaling araw na siya kung umuwi.

Kinabukasan may tv guesting sila sa isang noontime show para mag promote ng movie nila. Medyo tanghali ng konti ang alis ni Gelo kaya naman nagkasabay pa kami sa breakfast.

" Baby kung ayaw mo kaming makita dun sa noontime show na pinapanood mo, huwag ka na lang muna manood ngayon." sabi niya sa pagitan ng pagsubo.

" Hindi bhi, okay lang. Kung hindi ko haharapin ngayon yung takot ko, kailan pa?" sabi ko. Alam ko na nag-aalala lang siya sa akin. Kapag kasi nakikita ko si Gwyneth, bumabalik lang yung alaala, nung mawala ang baby namin.

" Sure ka ha?" paniniyak pa niya.

" Yeah. I'll be fine. "

Nagpaalam na siya nung matapos siyang kumain.Sinabihan ako na maaga daw syang uuwi dahil yung noontime show lang daw muna ang pupuntahan nila ngayon at bukas na magiging hectic ang schedule nila dahil may mall tour sila.

Nung sumapit ang tanghali, nasa room na ako at mag-isang nanonood ng tv. Matapos ang commercial break, pinakilala na nung mga hosts ang guest nila.

" Ladies and gentlemen let's all welcome our guests for today, the hottest loveteam of Philippine cinema, Gelo Montero and the love of his life, Gwyneth Faelnar." palakpakan ang mga tao sa studio, yung iba naghihiyawan pa sa sobrang kilig sa dalawa.

Pumasok sila sa stage na kumakanta. Hindi nakatakas sa paningin ko yung sobrang pagdikit ni Gwyneth ng katawan niya kay Gelo.

Nakakainis. Masyado naman niyang isinasabuhay yung sinabi ng host na love of his life.

Ilusyunada!