webnovel

Troubles

Shanaia Aira's Point of View

HABANG kumakanta si Gelo at Gwyneth sa stage ng noontime show na pinapanuod ko sa tv, naririnig ko na nagsisigawan ang mga fans nila na nanonood sa loob ng studio. Napakarami talaga nilang fans, kaya kung sakaling dumugin nila ako, wala akong panama sa kanila.

Kahit hindi pa tapos ang programa ay pinatay ko na yung tv. Nakakayamot kasing tingnan si Gwyneth on screen. Grabe kung makadikit siya kay Gelo, sobrang touchy pa. Para talagang ipinapakita niya on national television na kanya si Gelo at sila talaga.

Naisip ko si Gwyneth. Bakit kaya ganoon siya kabaliw kay Gelo? Kahit na ipinaparamdam na ni Gelo sa kanya na wala siyang pagtingin sa kanya, hindi pa rin siya sumusuko. Dahil sa sobrang pagkagusto niya kay Gelo, nagagawa niyang manakit ng kapwa niya. Tulad na lang ng ginawa niya sa akin. Ang ganoong klase ng pag-ibig ay hindi tunay na pag-ibig, ito ay isa ng obsession.

Ang pag-ibig ay mapagtiis at hindi ikinalulugod ang gawang masama. Hindi ganoon si Gwyneth, manapay kabaligtaran siya ng depenisyong iyon.

Kaya hindi rin maganda kung i-publicize namin ni Gelo ang kasal namin, dahil maraming alam na paraan si Gwyneth para mapigilan kami. And I don't want our wedding to be ruined by her, baka hindi ko na talaga siya mapatawad.

Bandang hapon nung umuwi si Gelo, tinupad niya yung sinabi niya kanina na maaga siyang uuwi.

" Hi baby! How's your day?" tanong niya pagpasok pa lang niya ng room namin. Nasa kama naman ako at nagbabasa ng medical book ko. Ayoko rin naman kasing makalimutan yung mga pinag-aralan ko nung nakaraang taon.

" I'm fine pero medyo nakakainip lang dito sa bahay. " sagot ko. He approach me then kiss me on the lips and it demands answer, so I kissed him back.

" Baby, I missed you so much." bulong nya matapos ang makapugtong hiningang halik.

" Ows? Kasama mo yung love of your life kanina ah. Paano mo akong na-miss? " biro ko sa kanya. Ang sama ng tingin sa akin. Talagang mortal sin para sa kanya kapag inasar mo siya kay Gwyneth.

" Baby, hindi magandang biro yan. You know how I loathe that woman. Kundi lang dahil sa promo ng movie, I wouldn't choose to be with her. " wala na sa mood na wika niya.

" Sorry bhi. Ginaya ko lang yung intro nung host kanina sa show. Hindi ko na nga rin tinapos yung program kasi nayayamot ako sa arte ni Gwyneth. Kung makadikit sayo, wagas! At parang gusto niyang ipagsigawan on national tv na kayo talaga by her actions."

" Wala naman akong magawa kapag sa harap ng television, mahirap ng mahusgahan ako ng tao. Nakikisama lang ako dahil kailangan sa trabaho. I can't wait for all of this to be over, I really want to break free from our love team."

" Hindi ka ba maapektuhan kapag nawala na ang love team nyo? I mean, sobrang dami ng fans ninyong dalawa, syempre pag nabuwag ang love team ninyo, mahahati ang fans. " tanong ko.

" It's okay. Mas gusto ko ang walang ka-loveteam, kaya ko naman mag-solo. Masyadong maraming ine-expect ang fans sa mga love team, gusto nila for real palagi. There are many projects that tita Jellyn got for me. Mostly endorsements and tv projects. I'm fine with that, mabubuhay pa rin naman kita kahit hindi muna ako gumawa ng movie. "

" Oo naman bhi, hindi naman ako high maintenance kaya hindi mo kailangang kumayod ng todo. "

" Syempre naman baby, gusto ko maibigay ko sayo ang lahat ng gusto at kailangan mo. " sabi niya. Sus, pakilig naman tong lalaking ito.

" Bhi I don't need anything because I have enough. You are more than enough for me, baby boy. " banat ko. Akala mo ikaw lang ang may kayang magpakilig?

" Uy, kinilig ako dun ah. Ang cheesy yata ng misis ko ngayon. Tara baby, bathroom tayo. " hinila nya ako patayo at pilit dinadala sa bathroom.

" Wait lang naman bhi. " tinampal ko sya sa braso. Makahila naman kasi.

" Kakaligo ko lang. At kapag sumama ako sayo dyan sa bathroom aabutin tayo ng gabi kasi haharutin mo na naman ako. At ako naman si soft girl na isa't kalahating marupok din, bibigay syempre. Sino ba naman ang makaka-resist sa isang Gelo Montero di ba?" natatawa siya sa akin na napapailing pero hindi siya nagsalita. Sa halip, hinubad nya isa-isa ang damit niya sa harap ko mismo.

Nanlalaki ang mata ko sa gulat. Jusko naman kasi brief lang ang itinira niya. Alam naman niya na kahinaan ko yung six pack abs nya. Tapos hinila na kaagad ako sa loob ng bathroom na hindi man lang ako nakapag-protesta.

Tiningnan nya ako sa mga mata nung nasa loob kami ng bathroom. A ghost of a smile was on his lips.

" Bhi, ano ba ang gagawin natin dito?" tanong ko. Fully cloth pa kasi ako samantalang siya briefs lang. Mga trip kasi minsan nitong Montero na to.

" Pikit ka baby. Wag kang didilat, okay?" utos nya. Pumikit naman ako tapos iginiya nya ako paupo dun sa toilet bowl.

" Hoy bhi, anong trip mo ha?"

"Relax ka lang baby."

" Ang dami mong alam Angelo!"

" Hahaha.. wait lang baby ilalabas ko lang yung matigas." sabi niya. Narinig ko na binuksan nya yung shower.

Matigas???

" Okay. Hawakan mo itong matigas." nasalat ko yung matigas na medyo mahaba. Napadilat na ang mata ko saka ko sya hinampas.

" Bwisit ka bhi akala ko kung ano ng matigas yang pinapahawak mo!" naiinis kong turan tapos tawa naman siya ng tawa.

" Bakit ano ba ang iniisip mong matigas? Ikaw ha baby, nagiging green minded ka na." pang-aasar pa nya sa akin.

" Tse! Dalian mo na at tumalikod ka na para mahiluran na kita nitong bato. Wala ka na talagang ginawa kundi pag-tripan ako." litanya ko habang hinihiluran ko yung likod niya ng batong hawak ko. Yung bato na matigas at mahaba. Sus! Bakit pa parang bastos sa pandinig ang word na ginamit ko?

Nakakainis naman kasi itong asawa ko, napaka-pilyo. Nahahawa na nga yata ako sa kanya.

Matapos ko siyang hiluran ay nagtuloy na siya sa paliligo niya kaya lumabas na ako ng bathroom.

Nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto ko.

" Ma'am Aira!"

" Yes ate Pipay?"

" Ma'am pinapatanong po ni boss Adrian kung nandyan na raw ba si sir Gelo?" tanong nya sa labas ng pinto. Tumayo ako at binuksan ko yung pinto.

" Si daddy, nandyan na?" tanong ko na nakakunot ang noo. Ang aga pa kasi, hindi ganito yung oras ng uwi ni dad.

" Oo ma'am, hinahanap si sir Gelo. Nandun din kasi si sir Archie. "

"Ha? Ano kayang meron?" wala sa loob na tanong ko. Para kasing may bumundol na konting kaba sa dibdib ko.

" Hindi ko rin alam ma'am. Mukhang may problema si boss. Hindi sila mapakali ni sir Archie dun sa sala." sa narinig ay mabilis kong kinatok si Gelo na nasa loob pa ng bathroom.

" Bhi, hurry up!"

Bumukas naman agad ang pinto ng bathroom at iniluwa nun si Gelo na nakabalot na ng towel ang ibabang bahagi ng katawan.

" What's wrong? " tanong nya.

" Gusto ka raw makausap nila dad." tugon ko at marahan ko na siyang itinulak papunta sa walk in closet ko.

_______________

HINDI ako mapakali habang hinihintay ko ang pagbabalik ni Gelo mula sa mini office ni dad na nasa ibaba ng bahay. Ano kaya ang pinag-uusapan nila at tila maselan dahil hindi nila ako isinali? Isa itong closed door meeting.Tanging si Gelo, daddy, kuya Andrew at daddy Archie lang ang nandoon.

Nung bumaba ako kasama ni Gelo kanina, nakita ko kung gaano kaseryoso si dad ng sabihin niya sa akin na sila lang daw muna ang mag-uusap usap.

May mabigat nga kayang problema?

Halos umabot ng isang oras nung balikan ako ni Gelo sa room namin. Ramdam ko kaagad na may mali dahil sobrang tahimik nya. Naupo siya sa kama saka tumingin sa kawalan.

" Bhi, what's wrong? Is there any problem?" tanong ko. Nag-aalala na ako sa ikinikilos niya.

Malungkot siyang tumingin sa akin bago bumuntung-hininga ng malalim.

" M-may problema sila daddy sa negosyo nila, at nanganganib din na maisara ito kapag hindi nila napatunayan na inosente sila sa ibinibintang sa kanila."

" Ha? Anong kinalaman mo dun? Bakit ikaw lang ang kinausap at hindi ako kasali?"

" It has something to do with senator Faelnar. Hindi nila ito makita para kausapin. They need my help to talk to him through Gwyneth. "

Napatda ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit parang kinabahan ako. Pakiramdam ko mayroong hindi magandang mangyayari.

Kung ano man yon, ipagsasa-Diyos ko muna ang lahat...