webnovel

BACK TO INN

Kanina pa pabali-baliktad sa higaan si Veronica. Naka-balik na sila sa Inn na kasalakuyang pinag-titigilan nila. Tulog na rin ang dalawang kasama niya sa kabilang kwarto.

Isa lang ang nasa-isipan niya nang mga oras na iyon. Kung ang tinutukoy na lupain ng hari ng Drakaya ay dating pag-aari ng pamilya nito, then, bakit hindi nila sinubukan na angkinin ulit ang lugar?

"He said, is more lot dangerous than the Black Fog Mountain. How dangerous?" Sambit niya habang naka-titig sa kisame ng kanyang kwarto.

At isa pa, hindi ba at maraming mages ang palasyo? Hindi ba nilang kayang puskain ang nga halimaw doon?

"Ugh! Nakaka-inis! Pwede nya naman kasing sabihin sa akin kung ano ba talaga meron doon!" Nasipa ni Veronica ang kanyang kumot pababa sa kanyang paanan dahil sa inis.

Kanina, habang sinasabi ng hari ang tungkol sa lugar, kitang-kita sa mga mata nito ang lungkot at galit na hindi nito nakayanang itago. Kaya lalong tumaas ang kuryusidad ni Veronica sa nasabing lugar. At isa pa, hindi pa rin niya alam kung bakit ito galit sa mga katulad niyang Huluwa.

"Damn it! Pupuntahan ko ba o hindi?" Tanong niya sa sarili.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya tumagilid at ipinikit ang mga mata para matulog. Isa lang naman ang solusyon sa problema niya. Puntahan ang lugar at tuklasin kung ano ba talaga ang meron doon.

Samantala, sa loob ng palasyo.

Kanina pa naka-titig si Yohan sa papel na hawak-hawak. Mag-aalas-dyes na ng gabi pero gising pa rin siya. Iniisip kung tama ba na sinabi niya sa babae ang tungkol sa lugar na kung saan ay naka-tayo ang dating palasyo ng Drakaya.

"She has two powers. Very rare sa lahat ng Huluwa na nakilala ko. And that Blue man, hindi ko mabasa ang katauhan niya gamit ang magic item ng Mages tower." Sambit ni Yohan habang inilalapag ang papel.

Ngayon tuloy ay nag-iisip siya kung saan galing ang babae. Dahil lahat ng Huluwa na napadpad sa sa Terra Crevasse ay iisa lang ang taglay na kapangyarihan. Wala pang Huluwa na nag-karoon ng katulad sa babae.

"I still can't trust her especially, that man who always with her, has my enemy's blood." Naikuyom ni Yohan ang kamao.

Muli niyang sinulyapan ang papel na hawak niya kanina. Naka-sulat doon ang resulta ng kanyang isinagawang pag-susuri. That Rowel's blood is similar to his uncle's blood. So kung hindi siya nag-kakamali, Rowel is maybe his cousin.

"Damn!" Nahilamos ni Yohan ang dalawang palad sa mukha.

Ngayon, hindi niya alam kung kakampi ba talaga niya ang grupo ng babae o kaaway?

"If you don't stop annoying me, I will ruin your fucking face!"

Napa-flinch si Yohan ng ma-alala ang sinabing iyon ng babae.

"Ha! Hahaha! Ruin my handsome face huh? Let's see if how can you do it, especially now that I decided to annoy you more." Naka-taas ang sulok ng kanyang labi habang nag-sasalita.

Tumayo siya sa pagka-kaupo at lumabas ng silid papunta sa kanyang kwarto.

Next morning.

"Ahhh! I told you, that's my roasted peacock!" Ang sigaw ni Rowel ang nag-patigil kay Veronica sa pagbaba ng hagdanan.

"Peacock?! This is roasted turkey, you idiot!" Ganting sigaw din ni Ravi.

Napa-tingin si Veronica sa mga staffs ng Inn at nakikita niya ang pag-aalala sa mga mukha ng mga ito. Halatang gusto ng mga ito na awatin ang dalawa, subalit dahil sa Huluwa ang mga ito, takot ang mga staff na lumapit.

"Kapag hindi kayo tumigil na dalawa, sa labas ko kayo pakakainin." Malakas pero malamig na sambit ni Veronica sa dalawang natigilan.

Napa-sulyap din sa kanya ang mga tauhan ng Inn.

"Nika! Ako yung nag order ng roasted Peacock pero inaagaw ng indong na to!" Itinuro pa ni Rowel ang kaagawan.

"Peacock?! Are you crazy?! It's turkey! Tur-key!" Bulyaw din ni Ravi.

"Parehas lang yun! Malaki lang at mahaba ang buntot ng peacock!"

"The hell?! Kailan pa naging parehas ang turkey at peacock?!" Ibinaba ni Ravi ang hawak na roasted turkey at hinarap si Rowel.

Napa-buntong hininga si Veronica at humakbang palapit sa lamesa at kinuha ang bandihado na kinalalagyan ng pagkain na pinag-aagawan. Pagkatapos ay humarap sa staff ng Inn.

"What's this?" Tanong niya sa mga ito na nagpatahimik sa dalawa pansamantala.

Yumuko naman ang isang staff bago sumagot sa kanya.

"Miss, that is Sikriya, isang uri ng ibon na ang ulo ay sa ahas. Kaya hindi na namin isinali ang ulo sa pag-luto. Wag po kayong mag-aalala, safe po iyan kainin dahil yan ang pinaka-mahal na pagkain dito sa Inn."

Napa-kurap si Veronica at napa-lunok naman ang dalawa sa kanyang likuran.

"Magkano ang isang buong ganito?" Tanong niya.

"300 gold coins Miss." Sagot ng babae.

Parang naging mabigat sa pakiramdam ni Veronica ang hawak-hawak na bandihado ng pagkain. Dahan-dahan siyang lumingon sa dalawang lalake na ngayon ay sunod-sunod na napapalunok.

"Anong kinain ninyo kagabi?" Tanong niya dito.

Hindi sumagot ang mga ito kaya sa mga staff siya nag-tanong.

"What did they order last night?"

"2 pcs of roasted Sikriya Miss.."

Parang gustong mambatok ni Veronica ng mga sandaling yun. May pera pa ba sila?! Sa pagkain pa lang sa Inn at bayad sa Inn parang ubos na ang kanilang pera!

"I see.." Mahinang usal niya.

"Master.."

"Nika.."

Sabay na sambit ng dalawa na ngayon ay bahagya pang napa-atras. Hindi naman nila alam na ganito pala ka-mahal ang pagkain na ino-order nila. Hindi sinagot ni Veronica ang dalawa. Busy ang kanyang utak mag isip. Kung ganito ka-mahal ang roasted Sikriya, then it means, mahal din ang bintahan ng buhay na hayop diba?

"Where can we find this bird?" Tanong ni Veronica sa staff na napa-titig sa kanya.

"Miss, Ang Sikriya ay matatagpuan lamang sa kabundukan ng dating lumang palasyo ng Drakaya. Malapit sa Blood river na naka-ugnay sa Ruined Kingdom." Sagot ng babae.

"Blood River, Ruined Kingdom. Master, hindi ba't matatagpuan ang mga nasabing lugar sa lugar na binanggit ng hari kagabi?" Si Ravi ang nag-salita.

"The Cloud Mountain." Sambit naman ni Rowel.

"Yes, Sir.. Sa Cloud Mountain lang mahuhuli ang Sikriya." Tumatangong sambit ng staff ng Inn.

Nagka-tinginan ang tatlo bago sabay-sabay na napa-upo. Ang mga mata lang ang nag-uusap. Ilang sandali pa, nilingon ni Veronica ang mga staff.

"Kung sakaling mapasakamay namin ang Cloud Mountain, maari ba kaming mag-benta ng Sikriya sa inyo?" Naka-ngiting tanong ni Veronica sa staff na natigilan.

"Bakit may 'kung' pa? Binigay na nga sa iyo ng hari ang Cloud Mountain diba? Kailangan mo lang linisin para pwede mong tirhan." Sambit ni Rowel.

Napa-tango naman si Ravi bilang pag-sang-ayon.

Habang ang mga staff naman ay nag-katinginan din bago sumagot ang isa.

"Kung totoo pong sinabi yan ng Hari, wala po kaming ibang choice kundi ang hintayin ang balita ng inyong matagumpay na paglalakbay." Sagot ng staff na babae.

Napa-kibit balikat ang tatlo. Then that means, they will buy the product.

"Deal!" Magkakasabay na sagot ng tatlo.

Inihagis ni Veronica ang pouch na naglalaman ng mga gold coins na hawak nila. Pagkatapos ay binuhat naman ni Rowel ang bandihado ng pagkain. Si Ravi naman ay hinawakan silang dalawa at tsaka sila naka-ngiting nag-paalam.

Naiwan ang mga staff na napa-nganga na lamang.

Samantala, bumukas ang pintuan ng Inn at pumasok doon ang bisitang hindi inaasahan ng mga trabahador.

"Your Majesty!" Natatarantang sambit ng mga ito habang sabay-sabay na napa-yuko.

"Raise your heads. Nasaan ang mga bisita ninyo na dalawang lalake at isang babae? Kulay aqua blue ang buhok ng isang lalake." Tanong ni Yohan habang ang paningin ay gumagala sa loob ng Inn.

"Pardon us Your Highness, pero kaa-alis lang po ng mga bisita na binanggit ninyo."

"Kaa-alis? Wala akong nasalubong na luma..." Natigilan ang hari ng may ma-alala.

Ugali nga pala ng tatlo na bigla na lang mawawala sa paningin ng kaharap. Naramdaman ba ng babae na parating siya?

"Saan ang kanilang destinasyon?" Tanong ng hari.

"Sa Cloud Mountain, your Highness." Sagot ng staff na nagpa-tigil sa Hari.

Talagang pinuntahan ng tatlo ang Cloud Mountain na binanggit niya sa mga ito?!

"I see.." Sambit ni Yohan at mabilis na tumalikod.

Lumabas siya ng Inn at mabilis na pinalutang ang kanyang sword.

"Your Highness! Delikado ang pumunta sa Cloud Mountain kumpara sa Black Fog Mountain!" Awat ng isa sa mga knights niya.

"It's my responsibility kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya!" Sagot ni Yohan habang sumasakay sa kanyang ispada.

"But.. What if your parents killed you in there?!"