webnovel

PALACE PRISON

Napa-taas ang kilay ni Verona nang makita ang Hari ng Drakaya na namumulot na rin ng sungay, pangil at ibang parte ng halimaw na pwedeng ibenta sa pagawaan ng mga sandata. Gusto man niyang pigilan ang lalake ay hindi na niya ginawa, sapagkat kailangan din nilang mag-madali.

"Nika, ano na nga yung pina-pakuha ng may-ari ng pagawaan? Puso ng ano na nga?" Si Rowel ang nag-tatanong.

"Acorn." Tipid na sagot ni Veronica habang pinuputol ang sungay ng isang halimaw na parang wolf pero hindi naman.

"Master, sa Black Fog mountain lang makikita ang Acorn." Si Ravi naman ang nag-salita.

"Then, lets go back there after natin ihatid ang hari sa kanyang Palasyo." Sagot naman ni Veronica na sa mga oras na iyon at abala na sa pag-tatali ng mga nakuha niya.

Kailangan nilang maka-ipon ng pera para maka-bili sila ng sariling bahay na maaari nilang tirhan. Hindi pwedeng habam-buhay na lang silang gagala sa lugar ng Drakaya. At isa pa, kailangan niyang tuklasin ang daan pabalik sa orihinal niyang mundo.

"Babalik ulit kayo sa Black Fog Mountain?" Biglang nag-salita ang hari na nag-patigil sa tatlo.

"Yes, Your Highness. My master is our boss, so kapag sinabi niya na pupunta, of course pupunta kami." Tumatango pang sagot ni Ravi.

"Fog Mountain is dangerous. Hindi lang mga uri ng halimaw ang naka-tira doon." Seryosong salaysay ng lalake.

Padabog na ibinagsak ni Veronica ang bitbit na mga materials at naka-halukipkip na humarap sa lalakeng nag-salita.

"Mawalang galang na po ano, Sa pagkaka-tanda ko, ikaw mismo ang nag-suggest sa amin na pumunta sa Black Fog Mountain. And now you're telling us that it is dangerous?" May halong inis na tanong ni Veronica.

Napa-taas naman ang dalawang kilay ng lalakeng kaharap bago siya sinagot.

"Miss, as far as I remember, you're the one who asked me if I can kill you, I answered no. But if you really wanted to die, you can go there. Who would have thought that you really want to die?" Pabalagbag na sagot sa kanya ng hari na nag-patameme sa kanya.

Oo nga naman, siya nga pala ang naghanap ng kanyang kamatayan. Hindi tuloy siya maka-sagot.

"By the way, if you really want to go back there, take me with you..."

"No. The three of us are all fine. Ayaw namin na maging responsibilidad ka. You're the king of this empire, stay where you are. " Seryosong sambit ni Veronica habang pinupulot ang ibinagsak na materials.

Naningkit ang mga mata ng lalake pero hindi na ito nakipag-talo pa. May punto naman talaga ang babae, his kingdom needs him. At isa pa, hindi siya sigurado kung kakampi ba ang tatlo o hindi. Pero teka lang..

"Where is the little guy who attacked me that day?" Kunot noong tanong ni Yohan.

Impossible naman na namatay ang bata sa Black Fog Mountain, alam niya sa sarili niya na malakas ang bata.

"Why are you looking for me?" Tanong ni Ravi na naka-tilt ang ulo.

Napa-lingon dito si Yohan habang gulat at pag-tataka ang naka-rehistro sa kanyang mukha.

"Ikaw yung batang yun?" Itunuro niya pa ito.

Hindi sumagot ang lalakeng halos kasing taas lang niya, pero paano nangyari na lumaki ito nang ganun ka-bilis?

"Enough with the interrogation, let's go." Awat ni Veronica sa nabubuong tension sa pagitan ng dalawa.

Hindi naman kailangang mag-paliwanag pa sa hari si Ravi dahil unang-una, Ravi is the one and only God of the whole Terra Crevasse. Sa madaling salita, pag-aari niya ang buong kalupaan.

"Yes Master." Sagot ni Ravi tsaka siya kinabig sa beywang. Si Rowel naman ay hinawakan ni Veronica.

"Your Highness, I think you should hold Rowel's hand." Naka-ngiting turan ni Veronica.

Naningkit naman ang mata at kumunot ang noo ng hari subalit hindi ito tumanggi pa. Nag-aalangan man, hinawakan nga niya ang kamay ni Rowel at sa kanyang pag-kagulat, pag mulat niya ng kanyang mga mata, nasa harapan na sila ng pagawaan ng mga sandata.

"Mr! We're here again! Oh by the way, sa susunod na namin ihahatid dito yung hinihiling mo, kailangan pa kasi namin ihatid sa Palasyo itong kasama namin." Masayang pag-bati ni Veronica sa gulat na gulat na may-ari ng pagawaan.

Namilog pa ang mga mata nito ng mapagsino ang kanyang tinutukoy. Mabilis itong tumayo ng tuwid at tsaka yumukod upang mag-bigay galang sa kinikilalang Hari. Nang marinig nito ang sinabi ng hari na raise up, nahihiyang ibinalik ng lalake ang atensyon sa kanya.

"Here's your money Miss. Ano pala itatawag ko sayo?" Tanong ng lalake na bigla rin napa-tigil.

"Nika.." Naka-ngiting sagot ni Veronica.

Hindi niya pinansin ang pagka-tigil ng lalake dahil busy na siyang tingnan ang perang hawak. Nilingon niya si Rowel at Ravi.

"Well, palagay ko makaka-bili na talaga tayo ng sarili nating lupa at bahay dito sa Drakaya." Inihagis niya pataas ang pouch na naglalaman ng mga gintong coins at sinalo din niya ng bumagsak.

"Cool!" Napa-palakpak naman si Rowel habang tumatango.

Ang hari naman tahimik lang na nakikinig. Ilang sandali pa, binaybay na nila ang daan patungo sa Palasyo. May iilang sundalo pa silang nasa-lubong na halatang nagulat pero hindi na rin nag-tanong. Pag-sapit nila sa malaking gate ng Palasyo, hinarang sila ng mga taga-bantay, subalit bigla rin natigil nang makita ng mga ito ang hari na kasama nila.

"Your Majesty.." Naka-yuko na pag-bati ng taga-bantay.

"Take your position." Ma-otoridad na utos ng hari.

Mabilis namang sumunod ang pinag-sabihan at bumalik sa pwesto.

Samantala, lihim naman na nag-mamasid si Veronica sa kanyang dinaraanan. Nung una siyang mag-kamalay sa Palasyo, nasa loob siya ng kwarto at wala siyang ideya kung anong hitsura ng loob at labas ng palasyo dahil na rin sa hindi sila dumaan sa tamang daanan ng umalis.

"Beautiful.." Mahinang banggit ni Veronica.

Ang kanilang dinaraanan ay mga malalaking flat na bato ng pinag-dikit-dikit. Sa gilid ng daan ay may mga punong malalaki na hindi niya alam ang tawag. May mga bulaklak rin na ngayon niya lang nakita.

"It was lot more beautiful before." Tugon ng hari na narinig pala siya.

Napa-tingin si Veronica sa Palasyo na naka-tayo sa di-kalayuan. Nung nasa mundong ibabaw pa siya, sa TV at picture lang niya nakikita ang Palasyo. Ngayon, naka-tayo siya sa harapan mismo ng Palasyo, together with the king.

"My King!" Napa-lingon si Veronica sa tumatawag sa hari.

Ito yung lalake na naka-suot ng salamin nung imulat niya ang mga mata nung mag-kamalay siya. Naka-suot pa rin ito ng salamin at nagulat pa nang makita silang tatlo na naka-sunod sa hari.

"My king? W-why are you.."

"I asked them to accompany me back here. They caught the assassin who tried to attack me." Mabilis na sagot ng lalake habang inaabot sa lalakeng sumalubong ang espada na bitbit nito.

"Again?! AMBERS na naman ba?" Sa halip na gulat, mas makikita ang galit sa mata ng lalake.

"En. Anyway, asked the head maid to prepare a room for our.."

"Excuse me. Sumama kami dito dahil ang sabi mo hindi mo kaya buhatin itong lalakeng gustong pumatay sayo." Putol ni Veronica sa sinasabi ng hari.

Umiwas naman ito ng tingin sa lalakeng kaharap na ngayon ay naka-kunot na ang noo.

"Ahh.. Well, I think, my king is actually worried about you guys, bakit hindi na lang kayo mag-palipas ng gabi dito?" Naka-ngiting sabi ng butler.

Natandaan na ni Veronica, Butler nga pala ng hari ang lalake. At ngayon na bumalik din sa alaala niya ang unang ingkwentro nila ng hari, lalo lang naging positibo ang desisyon niya hindi sila mag-tatagal sa Palasyo.

"Nope! I'm sorry. Anyway your Highness, saan namin pwedeng ilagay yung assasin?" Seryosong tanong ni Veronica.

Sa kanyang tabi, inilabas na ni Ravi ang wala paring malay na lalake, duda na tuloy siya kung buhay pa ba o patay na ang lalake. Si Rowel ang nag-check.

"Buhay pa." Kumpirma nito sa kanya.

Naka-hinga si Veronica ng maluwag at muling tumingin sa hari.

"Haseen, bring the prisoner to underground prison and interrogate him." Utos ng Hari sa kung sino man.

Subalit nang biglang lumitaw sa tabi nito ang isang lalake na naka-suot ng fitted Black long sleeve at jogging pants, tsaka niya lang napag-tanto na may nag-mamasid pala dito. Shadow bodyguards, for sure.

"Yes Your Highness." Tugon ng lalakeng tinawag na haseen.

Napansin ni Veronica ang tattoo sa may leeg ng lalake. It's a dragon tattoo actually. Napa-sulyap siya kay Ravi na nagkibit balikat lang sa kanya.

"Let's go inside.. I'll ask my chef to cook for us and..."

"No thanks, I'm sorry your Highness, marami pa kaming gustong gawin. You see, we are planning to buy our own place to stay. But if you want, you can suggest a place for us." Siya na ang walang galang na nilalang sa balat ng kalupaan ng Tiera Crevasse. But once she got hurt, she will never forget it until that person who hurt her apologize!

"But.." Yohan really wanted to insist.

"Sir, I'm not stupid enough to enter the place where I have been beaten that I almost lost my life." Seryosong sagot ni Veronica.

Natigilan naman ang hari at tsaka lihim na nai-kuyom ang mga palad.

"There's a place in Tiera Crevasse that has no owner because of the monsters." Ilang sandali pa ay sabi ni Yohan.

"Your Highness! That place is more dangerous than the Black Fog Mountain!" The butler exclaimed.

"I saw your power, kaya sigurado akong makukuha mo ang buong lugar na iyon. If you succeeded, then I will give it to you.. Dahil dating pag-aari ng Drakaya ang lugar na iyon." Mahabang salaysay ng Hari na naka-titig pa kay Veronica na lihim na napa-lunok.