webnovel

Simula

simula 

Mabilis ang pintig ng aking puso habang pinupunasan ang sariling pawis.Pang apat na practice na namin ito,hindi parin nila kuha ng husto!?.This is frustrating!. Naka tukod ang aking mga siko sa aking tuhod habang pinupunasan ang aking pawis.

 Nakaupo sa bleachers ng aming paaralan gayon din ang ilan kong mga ka myembro. Nag angat ako ng tingin nang maaninag ko ang anino ng isa sa mga ka myembro ko. 

 "Zoe,pasensya na.It's too hard for us or maybe it's just for me."Mahinang sabi nito.Bumuntong hininga ako gaya ng naka sanayan ko sa tuwing ganito sila.

 "That's okay,Indie.Mahirap naman talaga ang ilang steps pero 'yun talaga ang kailangan e."Saad ko at tumayo na. Hindi nila kayang i-practice ang sayaw ng tatlong araw kaya,sige.Mag ppractice kami ng limang araw.

Pumalakpak ako para kuhain ang kanilang atensyon.Agad naman silang bumaling sa akin. "Guys.Kung hindi natin kayang i-practice ng tatlo o dalawang araw,sige.Dalawang araw pa.Tutal ay sa susunod na linggo pa naman ang labang natin kaya ayos lang 'yon.You all can get rest."Saad ko dahila ng kanilang mahinang pagdiriwang.

Ngumiti rin ako at tinalikuran na sila upang mag ligpit na ng aking mga gamit. Nang matapos na ako sa aking pag liligpit ay as sinuot ko ang aking color black hoodie at ang aking black ring baseball cap.Nag muka tuloy akong walang suot na short dahil sa haba ng hoodie,this is a color black din na dolphin short.

 Kasabay kong lumabas ng court ang aking mga ka dancetroupe.Ang iba ay hindi pa nakaka move on sa inanunsyo 'ko at ang iba naman ay may mga sariling usapan. 

Nag hiwalay nalang kami ng dadaanan ng nasa bandang hallway na kami ng school. "Bye Zoe.Thanks sa mga pasensya mo!" Masayang sabi sa akin ni Indie.Tumango na lamang ako at ngumiti sa kanya. Ano pa ba ang magagawa 'ko?.Nahihirapan sila at ako hindi kaya kailangan kong intindihin ang mga nararamdaman ng mga ka myembro ko.

 Inayos ko ang pag-kakasabit ng aking bag sa aking isang balikat at tinahak na ang kabilang hallway kung saan ay hihintayin ko ang aking ate. 

 Isang kalabog ang aking narinig sa di kalayuan dahilan para mapa atras ako ng bahagya.Banda iyon sa aming faculty room. Sumiliip ako doon at nakita kong may tao doon!.

Sa ganitong oras ay wala dapat na pagala-gala dahil oras ng klase.Maliban nalang kung excuse katulad namin.

 Sa faculty room pa talaga huh?. 'Di ko na sana papansinin nang marinig ko ang pamilyar na boses sa akin.

 "Fuck you're so hot Vea!"tila gigil na bulong galing doon.Naistatwa ako nang marinig ang pangalan ng aking kapatid!. Alama kong hindi lang si ate ang may pangalan na Vea pero kasi...

alam kong kilala si ate bilang isang matinik na binibini ng paaralan kaya baka... 

 "Don't try it Deib."Malambing na sabi ni ate nga?!. Bumagsak ang aking mga balikat.

Mukang hindi ko masasabihan si ate na hintayin ako mamayang uwian.So it means..mag lalakad ako mamayang pauwi?. Ayaw ng ate na bigla-bigla nalang akong susulpot lalo na daw kung ganitong may ka gantuhan sya.

 Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at unti-unting umalis roon. Dahil excuse naman ako ngayong araw ay nag tunggo ako sa cafeteria para bumili ng aking makakain.Doon ko na inubos ang aking oras hanggang sa matapos ang isang araw ng escuela.

 "Zoe!"halos mapatalon ako nang marinig ko ang matinis na boses na iyon!. Nanlaki ang mata ko nang tumako sya patungo sa akin habang naka bukas ang mga braso.Nang makalapit na sya sa akin ay agad itong dumamba sa akin dahilan ng aming pag kakatumba.

 "Mimi!"yamot na sabi ko habang inaalis ang aking pag kakadagan.

 Dito nya pa napili na mag ginanto sa dami ng estudyante dito!.Nasa labas kami ngayon ng campus marami pa ang estudyante dahil pinipili pa nilang mag stay.

 Mariin akong napapikit dahil nakita ko ang mga matang nakamasid sa amin ngayon.

 "Zoe namiss kita!"

"Hindi kita miss!"gigil na sabi ko habang pinapag pagan ang aking sarili.Ngumuso ito dahilan para mag muka syang manok sa paningin ko. 

 Kung sakali man na sabihan ko syang ganon ay walang maniniwala.She's so cute! muka kasi syang manika.Her cute bangs make her more adorable.

Maria Desirée Salome Altamirano or Mimi for short is my best fried since  elementary days.Bunso syang anak ng kilalang isa sa senator sa Pilipinas.She had anything,she can buy anything she wants,she can do whatever she wants to do.Buo at masaya ang pamilya nya,may kuya na sobrang iniingatan sya ,may mga magulang rin syang sobrang mahal sya.Unlike mine.. 

"Sorry na.Kasi naman I miss you.You're too busy kasi this past few days."Naka nguso na parin na sabi nya.Umirap ako at inayos ang aking bag.

"Mimi,you can properly say it naman e.Hindi mo na kailangan na tumakbo at dumangan sa akin."Mahinahon na sabi ko ngunit nanatili ang matalim na tingin sa kanya.She pouted.

Bumuntong hininga na lamang ako.

Natigil kami nang marinig ang bulong-bulungan ng ilang estudyate at ang unti-unting pag alis ng mga ito.

"Oras na ng uwi bakit nandito pa kayo?."Isang baritono na boses mula sa likod ang nag salita dahilan narin ng aking pag kakagulat.

"Uh...pauwi narin kami ngayon kuya Kai.Hinintay ko lang si Zoe,"si Mimi ang sumagot.Marahil ay kakilala nya?.

Humarap na ako sa aking likuran at doon ko nakita ang isang Kailor Grey na laging kasali sa Dean's lister.He's look like nerd but hell,isa sya sa mga pinag aagawan ng mga babae sa campus.

Kasama nya ang ilan sa mga SSG officers,tatlo sila actually.Seryoso lamang syang tumango  kay Mimi at bumaling sa akin.Agad akong kinabahan nang makita ang iritasyon sa kanyang mga mata nang makita kung ano ang suot ko ngayon.

"Why are you wearing like that?.May alituntunin na sinusunod ang unibersidad na ito hindi ba?,ano ka pupunta sa party?."Aniya na nanatili ang mga mata sa aking maliit na shorts.Uminit ang aking pisnge nang marinig ang tawa ng dalawa nyang mga kasama.Teka ano ba ang masama sa suot 'ko,kaya nga short diba kasi maikli?.

Nilibot ko ang aking paningin nang makita na iilan na lamang ang kapwa estudyante ay nakahinga ng maluwag.Hindi nya naman siguro alam na kasali ako sa dance troup kaya gan'yan ang reaksyon nya.Hindi ko sya masisisi..

"Kasali ako sa dancetroupe."Sabi ko at kinagat ang aking labi.Naramdaman ko ang pagkapit sa aking braso ng mga kamay ni Mimi.

"Sapat na ba 'yon na dahilan?.Anong grade mo na ba?-"

"Uh..kuya grade nine din sya katulad ko."Sabat ni Mimi.

"Grade nine.."he hissed.

"Sa susunod na makita kita...ayoko na gan'yan ang suot mo.Sasayaw ka man o hindi.Umuwi na kayo."Saad nya na nakapag pakunot sa aking noo.Hindi iyon paalala dahil utos iyon.

Nilagpasan nya kami.Sumunod naman ang tingin ni Mimi sa kanila samantalang ako ay nantiling naka kunot ang noo.

Gano'n ba talaga sya?