webnovel

Kabanata una

Kabanata una

"Zoe! how many times ba na sasabihin namin sa'yo na always kaming busy ng daddy mo?.You always ruin this damn dinner!"muling singhal sa akin ni mommy.

Mariin akong pumikit at pinag sisihan ang aking disesyon.Kinagat ko ang aking labi at maraan na kinuha ang baso sa gilid ng aking plato tsaka sumimsim rito.Kumirot ang aking puso dahil sa muling pag tanggi ng aking mga magulang sa aking pag ayaya na pumunta para manood ng performance namin para sa dancetroup sa susunod na linggo.

"Mom's right Zoe.Hindi naman importante 'yon."Singit ni ate Vea.Yeah I forgot! hindi nga pala ako importante.Dapat hindi ko pala kinakalimutan Ang bagay na 'yon dahil kung nag kataon...

"Kailan ba iyon?"Si daddy dahilan ng aking pagka gulat.This is true?,nag karoon sya ng interes sa akin?.I can't help it but to smiled wider as I answer Dad's question.

"Uh..Dad ngayong Friday po."Sagot ko na hindi parin naaalis ang ngiti sa labi.Mas nagdiwang ang kung ano sa aking kalooban nang tumango si daddy,hindi ko makita ang muka nya ng maayos dahil nakatungo sya nasa pagkain ang atensyon..

"I let nana Tinay to go with you."He said and look at me with his cold expression.Kinagat ko Ang aking labi nang marinig ang hagikhik ni ate Vea.Bumagsak ang aking mga balikat dahil sa sinabi ni daddy.

Dumako Ang aking mga mata kay nana Tinay na nasa tabi lamang ni daddy kung sakaling may iuutos man.Ngumiti sya sa akin at marahan na tumango.Ngumiti ako pabalik at binalik ang aking mga tingin sa pag kain.Namuo ang luha sa aking mga mata ngunit agad rin itong naglaho nang maalala na maski papaano ay may manonood sa akin na malapit sa aking puso.Wala na naman akong magagawa hindi ako importante sa kanila.

Natapos ang gabing iyon na puro tungkol sa trabaho ang pinag uusapan nila mommy at daddy,kung Hindi iyon ay tungkol kay ate Vea.

Maaga rin akong nakatulog dahil sa buong gabing pag iyak dahil sa nangyari.Marahil ay tama sila na hindi naman importante iyon.Mas importante nga naman Ang trabaho dahil kung wala non,wala akong kakainin.Kumirot ang aking puso dahil sa mga maiisip.

Dumating ang araw kung saan mag p-perform na kami at gaya nang gusto ni daddy si nana Tinay ang sumama sa akin..ulit.

"Oh,asan sila tita Marga?."Tanong sa akin ni Mimi at luminga linga.Bumutong hinga ako at umiling."H-Hindi sila makaka punta."Nanginig Ang aking boses.Namungay Ang kanyang mga mata at hinawaka. Ang aking mga pisnge.

"Don't worry.Andito naman ako para panoorin ka...si nana Tinay ba ang pinasama sa'yo?"marahan nyang tanong.Tumango ako.Bumuntong hininga naman sya at inalis ang pag kakahawak sa aking pisnge.

"'Wag ka ng sad! I'm here naman e!"

"Hindi naman ako sad e!.Sige na mag sisimula na!"natatawang sabi ko at tinulak sya palabas ng backstage.Hindi ako sad kasi super sad ako.Come on Zoe! hindi ka pa ba nasanay ah?,simula nang mamulat ako sa mundo na 'to kulang na ako sa aruga ani nga nila.Kulang sa atensyon,kulang sa pag-mamahal oh sige hindi talaga minahal.

"Please welcome the Klassy Kats!"sigaw ng mc dahilan ng sigawan ng nasa labas at hudyat na nang paglabas namin.Maybe this is for me,nag hahanap ako ng atensyon galing sa aking mga mahal na magulang at hindi nila nabibigay 'yon kaya sa iba nalang ako humihingi.

Nakita ko ang sumisigaw kong kaibigan at si nana Tinay sa isa sa mga audience na malapad naman na naka ngiti sa akin.Ngumiti ako pabalik at pumwesto na sa gitna.Pito kami at puro mga babae.

Nag simula ang kanta at panibagong sigawan at palakpakan ang aming narinig.

Sa bawat beat ay sumasabay ang aking katawan at sa bawat galaw ay pinapakita ko ang lahat ng aking nadarama.Kung gaano ako kalungkot at kung gaano rin ako kasaya dahil nandito ako at nakakakuha ng atensyon at pag mamahal...nga lang sa ibang tao at hindi sa mga taong gusto kong bigyan ako ng atensyon.

I saw Kailor Grey watching me seriously.Bigla akong nakaramdam ng kaba at hindi ko alam kung bakit!.This is first time.Dahil ba nanonood sya?,ano naman diba?.Ano naman problem doon?. He's just Kailor Grey but nothing else.

I saw his jaw clinched when his eyes slowly drifting in what I am wearing now.'Wag nyang sasabihin na patitigilin nya kami dahil hindi kami sumunod sa alituntunin ng unbersidad na ito.Kuno..

I am wearing a oversized white T-shirt na may nakatatak na Klassy at red dolphin shorts again. Actually this is comfortable.And a black fila shoes matching a stripes over knee high socks.Iba-iba kami ng suot pero hindi naman nalalayo ang kulay.

Nanatiling naka tiim bagang ang lalake at mariin ang titig sa akin.Galit ba sya?,hindi naman siguro.Ganyan lang siguro sya tumingin.Ako ang unang nag iwas ng mga mata at mas lalong ginalingan ang pag sayaw.

Nang matapos kami ay isang masigabong palakpakan ang natanggap namin na syang naka pag pasaya ng aking kalooban.

Nang nasa backstage na kami ay sige ang papuri na natatamo ko mula sa mga kagrupo ko dahil daw ako ang may gawa ng choreography namin.

"Grabe ilang taon ka palang Zoe?.Fifteen? fourteen?.Galing mong gumawa ng choreography natin!."Puri sa akin ni ate Jasmine isa sa mga grade eleven na ka dancetroupe ko.

"Fifteen palang ate.Don't thank me,hindi naman gaganda iyon kung hindi magagaling ang sumayaw."

"Weh? pahamble pa eh?"biro nya dahilan ng pag tawa namin.

"Galing galing talaga ng kaibigan ko!"si Mimi nang kami nanaman ang nag wagi.Mas masaya sana ako kung alam nila mommy and daddy 'to.Mas masaya sana kung sila rin ay nanood sa akin.

Ngumiti ako sa kabila ng aking nararamdaman.

"Nana Tinay oh!.Hindi naman sya happy!"

sumbong ni Mimi nang mapansin na hilaw lang ang aking mga ngiti.She really know me.

"Nako ija!,'wag ng malungkot at nandito naman kaming dalawa oh!"Ani nana Tinay at hinapit ako para mayakap.I smiled then nodded my head.Nana Tinay's right,hindi na dapat ako nag hahanap pa ng iba kung sila naman ay nandito na.

"Jusko! tagal naman ata ni Mario!"Takang sabi ni nana Tinay nang mapansin na kanina pa kami nag hihintay dito sa labas.

Nag tagal pa kami ng ilang minuto hanggang sa dumating na ang sariling sundo ni Mimi at kaming dalawa nalang ang naiwan ni Nana Tinay.Pero hindi na rin naman kami nag tagal kasi dumating na si Kuya Mario.

"Tagal mo ata Mario?,"si nana Tinay nang maka pasok na kami sa loob ng sasakyan.

"Nako,nana.Nag pahatid pa si Vea at may party daw na pupuntahan..."aniya dahilan para mag katinginan kami ni nana.Marahan syang bumuntong hininga.

"Ganon ba.Sige na dalian mo na at hindi pa kumakain itong si Autumn.Nauna na ba sila mag haponan?."

"Oho,nana.Nauna na."

Tahimik na ang buong mansion,walang nag bago.Ganito naman palagi.

Naisipan na namin kumain ni nana Tinay kasabay rin ang ilang mga kasambahay.

Hindi sila pinapayagan ni mommy na sumabay sa tuwing kakain kami.

"Buti nalang hindi pa kami kumakain.May kasabay ka.. "Tahimik na sabi ni Ate Rosaline habang sumusubo ng pagkain.

Natigil ako sa aking pagkain nang maisip ko kung bakit nga ba hindi nila ako hinintay.

Siguro ay talagang natagalan lang kami kaya ganon,nakakahiya naman kasi kung hihintayin pa nila ako diba?.

Bahagyang kumirot ang aking puso sa 'di malamang dahila.Ganito lang siguro ako.

Nang matapos kaming kumain ay nag paalam na ako sa kanila para makapag pahinga na rin ako.Masyaso akong napagod sa araw na ito.Imosyonal man o pisikal.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising maski wala naman akong pasok ngayon.Naka sanayan na.Pag bangon ko pa lamang ay naligo na agad ako at nag bihis ng white oversized t-shirt,sa pang ibaba ko naman ay isang maiksing cotton shorts.Naka lugay lamang ang aking buhok dahil basa pa ito.

Nang pababa ako ay nakita ko na nag hahanda na sina nana Tinay ng aming breakfast,naroon narin si mommy and daddy tsaka si ate Vea na bagong gising pa lamang.

"Goodmorning mommy..daddy.Ate Vea."Sabi ko at umupo na sa harap ni ate.Gaya parin naman ng dati,wala silang tugon maski tango lamang.

Nang mag-lagay si nana Tinay ng tubig sa aking baso ay nginitian ko ito at binati rin.At least si nana Tinay ay may tugon.Sa hapag ay tanging ingay lamang ng aming mga kutsara at tinidor ang naririnig dahil masyado silang seryoso sa pagkain.

Nabasag lamang ang katahimikan nang mag salita si ate Vea.

"By the way mom.Pupunta ang mga classmates ko dito for projects..tsaka naisipan rin namin na maligo sa pool."Aniya at tumingin sa akin.

"Ah,ate wala naman akong kaibigan o classmates na pupunta dito..."saad 'ko nang mapansin kung ano ang ibig sabihin ng tingin nya.Tumango sya at bahagyang umismid sa akin.

Napayuko na lamang ako at pinagpatuloy ang aking pag kain.

"Oh.Okay.Anong oras ang dating nila?"si mommy na buo ang atensyon kay ate.

"Uh,mayamaya nandito na sila mom,"

"Just make sure,Vea.Bawal ang party dito sa loob ng mansion ha."

Hindi na lamang ako nakinig sa kanilang usapan gayon din naman si daddy.Hanggang sa matapos ang aming breakfast naabutan ko ang daddy na inaayos ang kanyang relo nakatayo at mukang hiniintay ang mommy.

Tumakbo ako paakyat para magtungo sa aking kwarto para kuhain ang aking trophy na nakuha ko galing sa pagkakapanalo namin last night.

Nang makuha 'ko ito ay agad akong bumalik kung nasaan si daddy.

"Pagkakataon 'ko na 'to.."pagkakausap ko sa aking sarili habang papalapit sa daddy.

Nang makalapit ako ay agad napabaling sa akin ang mga mata ni daddy na abala sa kanyang relo at sumunod naman sa aking hawak.

"Dad..look what I've got."Nanginig ang aking boses nang magsalita ako.Kahit anong gawin ko ay hindi mapalitan ang lamig na nakabalot sa mga mata ng aking ama.He's always like that.

"A trophy.."he hissed.

"You know that dancing is my passion, right dad?" sabi ko gamit sa isang nanginginig na boses.Bumaba ang tingin ko sa aking hawak at muling inangat sa seryosong ekspresyon ng daddy.

Bahagyang kumirot ang aking puso dahil sa nararamdaman na lamig mula sa aking ama.

Hanggang kailan sya magiging ganito?,hanggang kailan ako mangungulila sa isang pag mamahal ng ama..ng magulang?.

"Yes I know."

Marahan akong ngumiti at tumango."Kahit na..gan'yan ka daddy.Alam ko naman na mahal mo talaga ako at totoong nay pake ka sa akin.I don't let this pain kill me...."ani ko at kinagat ang labi.

"Pinakita ko lang sa'yo 'to kasi gusto ko makita mo na unti-unti kong natututunan ang mga bagay na gusto ko.Gaya ng sabi mo dati,na gagaling lamang ang isang tao pag minahal at inaral nya ang isang bagay."Patuloy 'ko na hindi na nakayanan ang nag babadyang mga luha.

He just remained serious.I smiled bitterly.

"Keep that."

'Yun lamang ang sinabi nya sa kabila ng mga pinagsasabi ko.Grabe,nag drama ako sa harap ni daddy.

Hindi rin nag tagal ay tumulak na sila paalis ni mommy.Kaya kami nalang nila ate Vea at mga kasambahay ang nandito.

Sa pool kung saan may apat na sun lounge ay pinili kong manatili.Mahangin dito ngayon kaya ayos na ito,pag mainit kasi ay namumula ang balat ko kaya hindi pwede.

Bahagya akong naka higa sa isang lounge,naka tupi ang isang paa 'ko habang hawak ko ang binabasang libro.

Mukang nand'yan na ata ang mga classmates ni ate,ang ingay na kasi sa loob.Pinagpatuloy 'ko qng aking pagbabasa.Hanggang sa umabot na ng isang oras ang aking pagbabasa.Tumayo ako at napagisipan nang punasok sa loob.

Nang bubuksan 'ko na ang sliding door papasok sa aming sala qy sakto rin na palapit na ang grupo nila ate,siguro ay maliligo na sila sa pool.Binuksan 'ko na ang sliding door,kita 'ko ang pag tuon ng buong atensyon ng mga classmates ni ate sa akin.

"Oh my god! Zoe!"halos mapatalon ako sa sigaw na iyon galing sa isa sa nga kasama ni ate Vea.

Awkward akong kumaway at ngumiti sa kanila.Samantalang kita ko ang pag irap ni ate tsaka humalukipkip.

"I only see you on stage!.I didn't know na ganito ka pala kaganda pag malapitan!"

aniya nang tuluyan syang makalapit sa akin.

"Uh,thankyou.."pormal kong sabi at bahagayang sumulyap sa kanyang likuran.

Muli ay nakita ko ang pag irap ni ate dahil sa sinabi ng kaibigan.Hindi ko makilala ang babae na ito pero mukang kilalang kilala nya ako.

"God!,hindi ka ba nag pakulay ng hair? or something?.ash brown talaga ang kulay nyan?."Tanong nito,bahagya akong umiling.

"Hindi.."simpleng sagot ko.

"Oh god!ash brown talaga?! tapos ang wavy at ang haba pa ng buhok mo.May mas maganda pa pala kay Vea.."aniya at humagikhik.

"Ganda lang ng buhok..mas maganda na agad sa akin?"iritado naman na sagot ni ate at marahas na tinanggal ang pag kakahalukipkip tsaka nag lakad palapit sa amin.

"Ikaw Zoe.."sumenyas ito na umalis na ako.Napayuko naman ako nang mapagtanto na masyado na akong nakakaabala sa kanila.

"Sorry.."nasabi 'ko nalamang.Ngumiti ako sa kaibigan ni ate,hindi 'ko talaga sya kilala e.

"By the way Zoe,I'm Fatima your ate's classmates and bestfriend at the sama time."Pagpapakilala ng babae.Tumango na lamang ako at ngumiti.At least nag pakilala na sya.

Tumingin ako kay ate.Naka halukipkip sya at nakataas ang kilay,mukang hinihintay ang pag-alis ko.Nataranta naman ako kaya agad na akong nagpatuloy sa aking paglalakad.

Natigil lang ako nang marinig ang sinabe ni Fatima kaibigan ni ate.

"Tagal naman ata ni Kailor?.Anong ginagawa non sa banyo?,"

"My god Fatima!.He said he's going to pee!.Ano bang nasa isip mo?!"Ani ate na halos hindi maka paniwala.Nangunot ang noo ko.

He's here?

"Wala naman akong ibang iniisip ah!,"dipensa naman nito.

He's here probably,ka groupmate sya ni ate sa kung ano man ang pinagkakaabalahan nila ngayon.They're six actually.Si ate,si Fatima at ang isa pang babae na hindi masyadong nag sasalita tsaka and dalawang lalake na seryoso lamang na nag aantay.And of course Kailor Grey.

Nang makita ko kung sino ang paparating ay halos mapako ako sa aking kinatatayuan.Halos hindi ako kumurap nang pag masdan 'ko syang lumapit kina ate.

Agad akong nag iwas ng mata nang lumipad ang kanyang paningin sa akin.Nagmadali na akong nag lakad patungo sa aming hagdan paakyat sa aking kwarto.Grabe talaga.Bakit ba ganito nararamdaman 'ko sa tuwing nand'yan sya?!,what's wrong with me?.

Padarang akong bumagsak sa aking kama.

Baka siguro ganon lang talaga ang presensya nya?,na kahit na sino ay maaring kabahan.He's intimidating kaya!.

But,hey! he's tall and he is handsome as hell!.