webnovel

Stay with me [Tagalog]

"If you truly love the person, you have to let them go if its already time for them to go, even if it hurts you so bad." I realized, indeed. Life is too short, it doesn't matter if you're young or old. We are all getting there. But being the one's who were left behind is the worst part.

MissHeiress · realistisch
Zu wenig Bewertungen
45 Chs

Chapter 33

Loey

Hindi maawat ang pagtawa ko habang nasa shuttle kasama ang members. On the way na kami sa hotel at katatapos lang ng concert namin sa L.A.

"Ang dami mong i-uuwi kay Irene Kuys, baka mag excess baggage ka niyan," kantiyaw ni Kyle kay Jayem.

Paano kasi, kanina sa fan service portion, imbes na mga stuffed toys at iba pang mga fan gifts ang hinagis nila, ay halos puro diapers at baby wipes ang nagsiliparan sa stage galing sa crowd.

"Takte, ipapadala ko na lang thru package," natatawa rin nitong sagot at saka bumaling sa akin.

"Tawa ka ngayon Loey, pag kayo nagkaanak ni Rose, hindi ka rin makakaligtas."

Dati rin kasi ay ginanyan din ng mga fans si Jaydee.

Napangisi lang ako. "Matagal pang mangyari 'yon, baka nga makabuntis pa muna si Blake bago ako," sagot ko naman. And seriously, if ever I will marry Rose and she became okay ay bawal parin yata siyang manganak. I felt sad a little bit, pero bakit ko ba naman naisip iyon? Dapat ay isipin ko muna ang napipinto niyang operasyon.

"Bakit nasali ako rito? I don't even have sex life bro," angal naman ni Blake.

"Maniwala! Sa babaero mong iyan?" si Dio naman iyon.

"Wala nga, ayokong magkasakit dude!" depensa ulit ni Blake.

"Kahit paghalik nga pare eh, pag na amoy ko na masangsang ang hininga pare ayoko na eh!" dagdag pa nito.

Patuloy na naman kami sa pagtawa. Mga loko talaga. Habang ang ibang boys naman ay tila pagod na yata kaya panay ngisi na lang.

Sa wakas ay nakarating na kami sa Hotel, nagsipag shower kami lahat at pagkatapos ay kumain at nagsipahinga naman ang iba. Sina Jayem at Jaydee ay nagsitawag sa mga kumader nila.

Habang ako naman ay nag scroll sa phone at akmang tatawag sana kay Rose nang mapansin ko ang message niya. It was 12 hours ago. And she said if I can come to Australia tomorrow dahil naka sched na raw ang operasyon niya sa makalawa.

Nataranta ako at ni dial ko ang number niya.

Subscriber cannot be reached.

"Bro bakit?" tanong ni Jaydee nang mapansing balisa ako.

"Rose called, she wanted me to come to Melbourne," I explained.

"How can I go to her? We still have to fly to Morocco for another tour." I sighed.

Tinapik naman ni Jaydee ang likuran ko at umakbay naman si Jayem.

"You don't have to worry about SDM, we don't actually need him anymore, I'm building my own company remember?" he said and smiled.

Oo nga pala, balak nga pala naming na hindi na mag renew ng contract sa SDM we are planning to transfer to KJM Entertainment na bubuuhin ni Jayem, of course still bearing the name of Peter pan dahil ipaglalaban ni Kuys ang rights ng group name namin.

Kinabukasan, I decided to book a flight papuntang Melbourne. Sila na lang daw ang bahalang magpaliwanag sa concert kung bakit wala ako roon. Ang mahalaga ay makita ko si Rose bago ang operasyon niya, for pete's sake. Hindi biro ang heart transplant, napaka risky nito kaya nararapat lang na samahan ko siya sa mahalagang laban niyang ito.

Habang nasa eroplano ako ay hindi maawat ang kaba ko. Hindi ako makatulog at siya ang iniisip ko lagi.

She sent me the address kalakip n'ong message niya kahapon and until now ay hindi ko parin siya nakaka-usap. Marahil ay naghahanda na ito. Excited akong Makita siya, kaya marami akong dalang gifts sa kanya. Flowers, dark chocolates at stuffed toys. Inaasar pa nga ako ng members eh dahil baka atakehin daw sa kilig si Rose sa dami ng dala ko para sa kanya.

 

Sa wakas ay nakalapag na kami sa Melbourne.

Mas tumindi ang kaba ko sa dibdib habang on the way ako sa address na ibinigay sa akin ni Rose.

Am I overreacting?

Matapos ang ilang minutong biyahe, finally ay nakarating na rin ako.

Pagkababa ko nag taxi ay humakbang ako papunta sa pintuan ng bahay.

I rang the doorbell and waited for a while.

After a few seconds, the door finally opened

Bumungad sa pinto ang babaeng sobrang miss ko na.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"I really missed you mahal."

Pero nagtataka ako dahil hindi manlang siya yumakap pabalik.

Humiwalay ako mula sa pagkayakap sa kanya at tinitigan ko siya sa mukha. "What's wrong?"

Hindi ko mabasa ang ekspresiyon ng mukha niya, parang balisa na hindi ko mawari.

Mayamaya pa ay giniya niya ako papasok sa loob ng bahay, sumunod naman ako at hindi ko inasahan ang nabungaran ko sa dining area nan aka-upo. Halos mabitawan ko ang dala-dala kong flowers, stuffed toy at chocolates nang Makita ko siya.

Is this real?

Am I really seeing Zoey?

A different Zoey?

A thin and pale Zoey?

"No. tell me you're not real." Nagngangalit ang ngipin kong sabi.

 

Hello. may group din po ako, pwede rin po kayo mag join. MISS HEIRESS STORIES OFFICIAL. Thankyou.

MissHeiresscreators' thoughts