webnovel

Stay with me [Tagalog]

"If you truly love the person, you have to let them go if its already time for them to go, even if it hurts you so bad." I realized, indeed. Life is too short, it doesn't matter if you're young or old. We are all getting there. But being the one's who were left behind is the worst part.

MissHeiress · Realistic
Not enough ratings
45 Chs

Chapter 34

Rose

 

"Ano 'to? Prank? All this time buhay ka?!" Bulalas ni Loey nang makumpirma niyang si Zoey nga ang nasa harapan niya.

Nanginginig na napapa-iling si Zoey habang sinasalubong ang galit ni Loey. Napabaling naman si Zoey sa'kin.

"Rose ano 'to? 'diba naki-usap ako sa'yo?" marahan nitong sabi habang nag-uunahang magbagsakan ang mgaluha mula sa mga mata niya, maging ako man ay naluluha na rin. "I'm sorry Zoey, but he has to know the truth."

Naputol ang pagsasalita ko nang biglang kumalampag ang ingay ng flower vase na inihagis ni Loey dahil sa sobrang galit.

"Aaaaaarrrrrghhhh!!!!" sigaw niya.

Pinagsusuntok pa nito ang pader.

"Loey, stop it! This is still my house!" sigaw naman ng kararating lang na si tita Jamilla or should I say tita Doris na mommy ni Zoey.

"I can pay for this freaking crap! Even all of you!" sigaw niya.

"How could you both fool me tita?" anito na umiiyak na, medyo kumalma siya compared kanina.

Hindi naman makasagot si Tita Doris.

"How could you all made me stupid all this time?" tanong niyang muli.

"A-anak, halika muna sa kwarto, makakasama sa iyo kung makikinig ka sa usapan nila," sabi naman ni Yaya Shirley habang nakahawak sa mga balikat ko.

Nakinig naman ako kay Yaya at pumunta muna kami sa kwarto at hinayaang makapag-usap ang tatlo.

Hindi ko maiwasang mag overthink. Partly nakokonsensiya ako kay Zoey, she pleaded na huwag kong sabihin kay Loey ang totoo, pero partly, ayoko namang magtago kay Loey.

Nang Makita ko ang galit nito ay napa-isip ako kung tama baa ng nagawa kong ito.

Ano na kaya ang mangyayari pagkatapos nito? Kapag ba narinig ni Loey ang dahilan ni Zoey, mapapatawad niya ba ito? Ano kaya ang nararamdaman ni Loey? May natitira pa kayang pagmamahal sa puso niya para kay Zoey? Paano na ako?

At talaga Rose? Naisip mo pa ang ganyan sa ganitong mga pagkakataon?

Tatlong magkakasunod na malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. At hindi maalis ang pangamba sa puso ko.

Paano kong mahal pa nga ni Loey si Zoey. Should I give up? Or should I keep on chasing pavements?

"Huwag mo na munang isipin iyon anak," untag ni Yaya Shirley sa akin nang mapansin ang pagkabalisa ko.

"Mahal ka ni Loey, magtiwala ka sa kanya."

Sana nga. Pero hindi ko maiwasang isipin si Zoey kawawa naman siya. At nasasaktan ako para sa kanya.

Nanatili ako sa kwarto nakatulog na nga ako at hapon na nagising, actually ginising na lang ako ni Yaya dahil hindi ako nakapag lunch.

"Ya, kamusta ho sa labas?" pag-uusisa ko kay Yaya na animo'y may giyerang naganap sa labas.

"Nagka-usap na sila, napagpasyahan ni Loey na manatili rito para sa kapakanan mo kahit mabigat parin ang loob niya sa mag-ina."

Tumango ako kay Yaya bilang tugon.

"Pinuntahan ka pala niya kanina rito," pahabol na sabi ni Yaya na ikinalukso ng puso ko.

Mahal ako ni Loey. I have to keep it in mind, at hindi magbabago iyon kahit pa nagkita ulit sila ni Zoey.

"Saan po siya ngayon Ya?" tanong ko kay Yaya.

"Sa kwarto ni Maam Doris, doon muna siya matutulog ngayong gabi. Si maam Doris naman doon sa kwarto ni Zoey."

Tumango ako. Tatlo lang kasi ang kwarto ng bahay nila, kay Tita Doris, kay Zoey at isang guest room kung saan ay magkasama kami ni Yaya. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto para kausapin si Loey.

Tinungo ko ang kwarto ni Tita Doris, kinatok koi yon pero wala namang nagbubukas. 6P.M. pa lang naman kaya imposibleng tulog na siya.

Napatungo naman ako sa banda ng gazebo ngunit bago pa man ako tuluyang nakapunta roon ay tanaw ko na mula sa sliding glass door ang gazebo.

There I saw Loey and Zoey talking to each other.

They were looking at each other while Zoey is shedding tears.

And Loey too.

May kung anong kumurot sa puso ko habang pinagmamasdan ko ang tanawing iyon.

At kinakain akong muli na paninibugho sa puso ko.

At mas lalong bumugso ang nararamdaman ko nang Makita ko ang sumunod na pangyayari.

I saw with my very own eyes how Zoey slowly draw near to Loey and kissed him.

At wala manlang pag-iwas sa side ni Loey nang ginawa nito iyon.

Nag-uunahang bumagsak ang mga butyl ng luha mula sa mga mata ko at bigla na namang kumirot ang puso ko.

My fragile heart, are you giving up this time?