webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
557 Chs

Chapter 11

Tinakpan ni Jenna Rose ang tainga. "Tama na. Tama na. Ayokong marinig."

"Paano kung maging member siya ng Stallion Riding Club?"

Nanlaki ang mata niya. "Ano? Magpoprotesta ako!"

"As if makakapag-protesta ka. Alam mo naman si Reid Alleje. Basta may pera at may pangalan at walang masamang reputasyon, tatanggapin niya bilang member ng riding club. Saka hindi malayong magustuhan ni JED na mag-join sa club. After all, karamihan ng eligible bachelors sa Pilipinas ay member ng riding club. And you must admit that JED is one of them. At isang malaking karangalan para sa Stallion Riding Club na maging isa siya sa members dito."

Stallion Riding Club was the haven of rich and popular men and their horses. It was a place where they can relax. It was even a workplace and home for some. At perfect iyon para sa isang bandang tulad ng Switch na sikat na sikat, di lamang sa Pilipinas kundi sa buong Asia. Nakakakanta kasi si JED sa iba't ibang lengguwahe katulad ng Chinese, Japanese at iba pa. Ngayon ay sinusubukan na rin ng banda na pasukin ang European at American market. Balita nga niya ay successful ang European tour nito. Hindi sa gusto niyang makibalita. Di lang niya maiwasang mabasa kapag nagbabasa siya ng diyaryo o kaya ay nagba-browse siya sa internet.

"Naku! Malaking disaster iyan. Malaki pa mandin ang puhunan ko para makapagtayo ng boutique sa riding club."

Dalawang taon din siyang naging apprentice ng isang sikat na fashion designer sa Paris matapos niyang manalo sa design competition na pinaglabanan ng iba't ibang young designers sa Asia. Pag-uwi niya ay nagtayo siya ng maliit na boutique at nagustuhan agad ng marami ang kakaiba niyang design. Nakapasok siya sa Stallion Riding Club. Her boutique catered to the companions, girlfriends and wives of the club members. Nag-iisa ang boutique niya sa riding club. At iba ang designs na ginagawa niya para sa riding club at iba pa ang inilalabas niya sa market. At the age of twenty-three, she was now one of the most sought after young designers in the country.

"Anong gagawin mo? Titiisin mo bang makita si JED dito? After all, he is so good looking to be loathsome. Pwede mo siyang pangarapin ulit."

"No way! Ayoko! Ayoko! Magpoprotesta ako! Magra-rally ako!"

"Naku! Gusto mo bang mawalan ng kabuhayan? Sa inyong dalawa ni JED, mas pipiliin siya ni Kuya Reid kaysa sa iyo. Alam mo naman na may pagka-woman hater ang lalaking iyon na di mo maintindihan. Kung saan siya kikita ng pera, doon siya. Ikaw lang ang kawawa sa huli."

Bumagsak ang balikat niya. "Oo nga pala. Wala nga pala siyang inisip kundi pera." Kapag ikinuwento niya ang talambuhay niya na may kinalaman sa pagpapa-kulong sa kanya ni JED, siya pa ang sisihin nito. Isa pa, isa iyong sekreto na itinago sa iba. Makakasira kasi sa reputasyon niya. "Ililipat ko na lang siguro ang boutique ko sa Antarctica kaysa makasama at makita ko siya dito sa riding club."

"Sino naman magiging kliyente mo doon?"

"Mga penguins malamang."

"Wala silang ipambabayad sa iyo."

"Eh, di bato." Ngumisi siya. "Di ba iyon ang gold nila? Napanood ko sa Happy Feet. Susme! Bakit naman ako pupunta sa Antarctica? Di naman magiging member ng riding club si Jason Erwin Dean. Pansin mo, wala tayong member na singer dito."

"Kung tatanungin mo ako, mas gusto ko nang maging member si JED ng riding club na ito."

"What?" bulalas niya at matalim itong tiningnan. "Are you my friend? Parang gusto mo yata akong mamatay sa inis."

"Kaysa naman mabingi ako sa kanta ng mga members dito." Tinakpan nito ng palad ang ibabaw ng ulo. "Sino na naman kayang sintunado ang boses na kakanta mamaya sa Lakeside Bistro? Kawawa na naman ang eardrums ko."

Tuwing Biyernes ng gabi ay isa sa mga members ng riding club ang magiging performer. Sa kasamaang palad, wala sa mga ito ang pasadong performer. Naging katuwaan na lang iyon ng mga club members.

"Ewan ko ba sa mga lalaking iyon. Naturingang mayayaman, may mga pera naman pang-voice lesson pero bakit di pa nag-take up."

"So are you coming tonight?"

"Of course. Magdadala pa ako ng kamatis para batuhin kung sinuman ang magpe-perform mamaya," pabiro niyang sabi. Pero mas gugustuhin na niyang masira ang eardrums kaysa marinig ang magandang boses ni JED na kumakanta sa Stallion Riding Club. That would be the end of her happy days.

To get a copy of my books, visit www.shopee.ph/sofiaphr or My Precious Treasures on Facebook.

Sofia_PHRcreators' thoughts