webnovel

Chapter 12

ISANG acoustic band ang tumutugtog nang pumasok sa Lakeside Bistro si Jenna Rose. Weekend kaya puno ang lugar ng mga members. Kumpleto rin ang mga regular na members ng riding club. Lahat kasi ay excited kung sino ang magiging tampulan ng tukso sa mga daraiting na araw.

Iyon lang din ang oras niya para mag-relax dahil tambak na naman ang trabaho niya kinabukasan. May imi-meet kasi siyang kliyente sa Manila. Si Kelly na dati niyang schoolmate sa fashion school ang namamahala doon.

Kinawayan siya ni Illyze. "Jen, come here!"

"Hello!" bati niya sa mga kasama nila sa table. Naroon ang nobyo nitong si Romanov. Si Rolf at ang kaibigan nitong si Reichen na siyang kapatid ng may-ari ng Stallion Riding Club ay pareho ring may ka-date.

Inakbayan ni Rolf ang katabing babae. " Yan, Jenna. Nakita mo na may ka-date ako. Sabihin mo sa Ate Jenevie mo kapag tinanong ako."

"Hindi naman ako tinatanong ni Ate tungkol sa iyo," kaswal niyang sabi at um-order ng frutas sangria. Limang taon nang break ang ate niya at si Rolf.

"Sabihin mo pa rin," giit ni Rolf.

"Magagalit iyon lalo sa akin kapag binanggit ko ang pangalan mo."

Humalakhak ito. "Sabi na nga ba't patay na patay pa rin sa akin ang ate mo. Basta sabihin mo na may ka-date ako para mamatay siya sa selos."

"Oo na," sagot niya para matapos na lang ang problema. Hindi niya alam kung bakit pa kailangang mag-inisan ng dalawa samantalang halata naman na in love pa rin ang mga ito sa isa't isa.

"Sige. Pwede ka nang bumalik kay Reichen," pagtataboy ni Rolf sa babae.

Humilig ang babae sa dibdib ni Rolf. "Di, ba ikaw ang ka-date ko?"

"Hindi. Tapos na ang date natin."

Kinalabit siya ni Illyze. "Pasensiya na. May sayad talaga ang kuya ko."

"Naku! Sanay na ako sa kanya." Parang kapatid na rin niya si Rolf kahit pa nga hiwalay na ito at ang ate niya.

"Bakit kaya hindi pa ina-announce kung sino ang performer ngayong gabi?" tanong ni Reichen habang nakaunat ang dalawang kamay sa sandalan ng couch. "Baka si Kuya Reid ang kakanta ngayon. Malas natin kapag nagkataon. Alam ba ninyong muntik na siyang itakwil ng lolo namin matapos siyang marinig kumanta?"

"Ibig sabihin pangit ang boses ni Reid?" tanong ni Romanov.

"Sinong nagsabing pangit ang boses ko?"

Muntik nang gumulong ang puso niya sa sahig sa sobrang gulat nang makitang nasa likuran lang ni Romanov si Reid at matalim ang tingin sa kanila. Reid Alleje was the Lord of Stallion Riding Club. At oras na may nasabing di maganda dito, mananagot ang may sala.

"Si Reichen," sabay-sabay nilang sagot sabay turo sa salarin.

Naniningkit na tiningnan ni Reid ang kapatid. "Ikaw? Pag-usapan natin mamaya kung ilang buwan ang penalty mo. Mga kalahating taon ka sigurong hindi pwedeng magsama ng ka-date dito sa riding club."

Napaupo nang tuwid si Reichen. "T-Teka, Kuya. Joke lang iyon."

"At seryoso naman ako sa penalty ko," walang kangiti-ngiting sabi ni Reid.

"Anong inirereklamo mo? Your voice isn't that great, Reid. At alam ko rin ang kwento na muntik ka nang itakwil bilang Alleje dahil sa boses mo," kantiyaw ni Tamara, ang resident veterinarian ng riding club.

Dito nabaling ang galit ni Reid. "Ah! Pangit pala ang boses ko. You're fired!"

"Oh! That sounds heaven!" anang si Tamara na parang nakahinga nang maluwag. "Bye, guys! I am out of here!"

"S-Sandali! Hindi ka pwedeng umalis," wika ni Reid at hinabol ito.

"How sweet," she said dryly. "Ako lang ang walang ka-date."

Ibinaling na lang niya ang atensiyon sa dim na ilaw sa stage. Magsisimula na ang show. She heard a strum of guitar. Hindi pamilyar sa kanya ang piyesa. Noon lang niya narinig pero mukhang masarap pakinggan.

"This sounds promising," Reichen commented. "Kaso baka hanggang intro lang iyan. Sayang naman kung hanggang intro lang."

"You are in the middle of the crowd and you caught my eye. My world simply drowned when you gaze at me."

Lumabas ang isang lalaki sa stage. Subalit dahil madilim ay hanggang aninag lang siya. "T-That song is familiar. And that voice as well."

"And I thought that angels sing when you smiled at me," pagpapatuloy nito.

Napatayo siya sa kinauupuan kasabay ang malakas na kaba ng dibdib. "That's JED! Si JED ang kumakanta!" bulalas niya.

"Member ba siya dito?" tanong ni Romanov.

"I don't know. Sana sinabi na ni Kuya Reid sa akin," wika ni Reichen. "Baka naman kaboses lang niya."

"Hindi ako pwedeng magkamali!" giit niya. Narinig na niya ang kantang iyon. Di lang niya matandaan kung saan. "Pero sana nga kaboses lang niya."

"What's in you girl that makes my heart tick? The look in your eyes, there's love that I can't miss. You make my knees weak."

Nagsigawan ang mga kababaihan sa loob ng bistro nang bumukas ang spotlight at tumutok sa singer. Si JED nga ang kumakanta. It was really him. Gusto niyang tumakbo nang mabilis, palabas sa lugar na iyon habang ang ibang kababaihan ay nagpapakamatay sa kasisigaw makita lang nito. Pero di niya maigalaw ang paa. Napako na lang siya sa kinatatayuan habang nakatitig dito.

At a distance, their eyes met. Pakiramdam niya ay naglaho ang mga tao sa paligid nilang dalawa, Katulad nang gabing iyon sa concert. He was holding a rose as he walked towards her. Sa pagkakataong ito ay triple na ang bilis sa kaba ng dibdib niya. "Coz you are the girl who makes my heart sing."

Naihagis niya pabalik dito ang rose. "Go away!" sigaw niya at saka siya nagtatatakbong lumabas ng bistro. Narinig niyang may tumawag sa pangalan niya pero di niya pinansin. Umuugong ang tainga niya hanggang makarating siya sa kotse niya at pinaharurot iyon pabalik ng boutique niya.

Tinampal-tampal niya ang pisngi. "This is a nightmare. This place is a nightmare. I want to wake up." Napaungol siya. "Katapusan ko na."

Sino dito ang pupunta sa Manila International Book Fair? Please visit Precious Hearts Romances booth para sa latest novel ko na Valle dela Luna Rojo: Destined by Blood. May Stallion books po doon na pwede n'yong mabili at iba ko pang books under PHR and Reb Fiction.

I will be there on September 15, 1PM for a book signing. See you there!

Sofia_PHRcreators' thoughts
Next chapter