webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Bücher und Literatur
Zu wenig Bewertungen
48 Chs

chapter 42

Open this immediately as soon as you receive this.

Binuksan ko agad at huminga ako ng malalim bago ko unti-unti kong kinuha yung papel.

Thiara, ihanda mo na ang sarili mo mukhang eto na…

Napatitig ako sa papel at napakurap ng ilang beses bago ko na-absorb ang nakasulat dun.

You will finally meet me… I am waiting for you exactly 6 pm at the roof top.

Napatingin ako sa wrist watch, five minutes to go mag-aalas sais na! Oh my gulay apat na floor ang kailangan ko bago makarating dun.

God please sana maabutan ko siya… At mabilis akong tumakbo papakyat ng hagdan na may iisang hiling.

Makilala ko na sana siya…

Living in my own world,

Didn't understand,

That anything can happen,

when you take a chance.

I never believed in,

What I couldn't see,

I never opened my heart (oh,oh),

to all the possibilities.

Both:

I know, that something has changed,

Never felt this way,

And right here tonight,

Chorus:

This could be the start,

Of something new,

It feels so right,

To be here with you, ohh,

And now,

Looking in your eyes,

I feel in my heart,

The start of something new…

-High school Musical

Nakarating na rin ako sa wakas…

Sobrang hinihingal ako at halos naghahabol na ako ng hininga sa pagmamadali kong tumakbo. Napahigpit ako ng kapit dun sa rails ng hagdanan bago ako huminga na malalim at marahang binuksan yung pintuan.

1… 2…3…

Napatulala ako… As expected hindi ko siya naabutan.

Napatingin ako sa relo ko. 6:10 na at ang masaklap ay wala na siya. Napatingin ako ulit sa buong rooftop.

Walang tao... Ako lang at ang buwan at mga bituin lang sa langit.

Ang bagal mo kasi Thiara... Disappointed man ay naglakad na ako pabalik sa pintuan at malungkot na napatingin sa sahig.

Napakurap ako sa nakita ko. Hindi ko eto napansin kanina ha! Napahinto ako sa paglalakad at kinuha yung cellphone ko sa pocket para tignan talaga kong tama ba yung nakikita ko or nagmamalik- mata lang ako.

Hindi ka nga naduduling lang Thiara, meron nga.

Sa sahig kasi ay may nakadikit na arrow na parang may tinuturo, sinundan ko siya at nakarating ako sa dulo. May banner pala na nakalagay dun!

Binasa ko yung banner at ang nakalagay ay…

"For every puzzle there is a message…

Puzzle? Anong puzzle yung sinasabi niya? Napaisip ako bigla at ang unang pumasok sa utak ko ay yung mga… LETTERS!

Hindi ko alam pero talagang eto na siguro yung araw na yun dahil dala-dala ko lahat ng messages na binigay niya. Kinuha ko yung maliit na box sa loob ng bag ko ay kinalat ko siya sa paanan ko. Binasa ko siya ulit at wala naman akong mahinuha na may kaugnayan sa puzzle.

Nakakainis na siya! Sobra niya na akong pinahihirapan!

Napatingin ako ulit sa banner at dun ko lang napansin na may kasunod pa pala yung binasa ko.

Look up the sky and you will see the message of the puzzle…"

Napatingin ako sa langit at eksaktong may biglang pumutok.

Napahawak ako sa bibig ko… FIREWORKS! Ang ganda ng fireworks display!

Napangiti ako at may bigla akong naalala. Hindi kaya… Hindi kaya si…

Napahinto ako sa pagmumuni-muni dahil nakarinig ako ng yabag at mukhang papalapit sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko na halos nararamdaman ko na gusto ng makawala sa dibdib ko.

Ready yourself Thiara… Eto na ang matagal mo nang hinihintay…

Unti-unti akong napatingin sa likuran ko.

Nanlaki ang mga mata ko at bago pa ako makapagsalita ay inuunahan na niya ako.

Ngumiti siya at sabay tanggal ng shades at cap, tinitigan niya ako sabay tawag na…

"Thiam…"

Living in my own world,

Didn't understand,

That anything can happen,

when you take a chance.

I never believed in,

What I couldn't see,

I never opened my heart (oh,oh),

to all the possibilities.

Both:

I know, that something has changed,

Never felt this way,

And right here tonight,

Chorus:

This could be the start,

Of something new,

It feels so right,

To be here with you, ohh,

And now,

Looking in your eyes,

I feel in my heart,

The start of something new…

-High school Musical

"Paanong…" Totoo ba eto? Si Keanne? Siya yung… Hindi mukhang imposible ata yun…

"Sabihin mong hindi ka nanloloko..."

Ngumiti siya tapos napakamot ng ulo sabay seryosong napatingin sa akin. "Are you kidding Thiam, I'm not joking!"

Siya nga! Si Keanne nga ang kaharap mo Thiam pero paano nangyari yun?

Napatitig ako sa kanya, nag-iba na ang hitsura niya. Sobrang kinis na nung mukha niya at lalo pa siyang pumuti at ang pinakanagbago ay…

"Nakakalakad ka na!" At hindi ko napigilan yung excitement at tuwa na naramdaman ko. Sa wakas nakakalakad na siya. "Paano nangyari yun?" Eto talagang bibig ko hindi ko mapigilan, ano ba ngayon mo na nga lang nakita si Keanne tapos tanong ka ng tanong sa kanya eh kung mabwisit yan?

"It's a long story Thiam…" Halata sa mukha niya na ayaw niyang pag-usapan yun, bakit naman kaya? Aminin mo Thiara mas naging gwapo si Keanne ngayon!

"Oo na gwapo ka n-" Opps!

"What are you are talking about Thiam?"

Ano ba naman yan Thiam! Stupid mouth! "Ah… Keanne isang tanong, isang sagot, ikaw ba yun-"

"I am the secret admirer/supplier/Mr. Foreigner."

Teka tatanungin ko palang sana yun ha! Paano niya nalaman yun? Hindi kaya nabasa niya yung nasa utak ko?

"Paano mo nalaman yung…"

"Tawag nyo sa akin? Of course, walls have ears." At ngumiti siya ng parang naasar at may nilabas na white rose sa pocket niya.

Unti-unti siyang lumapit sa akin pero may halos tatalong hakbang pa tapos pinakita niya yung palm niya.

"Ha?"

Ano ba Thiam! Hindi mo ba nakikita, ibibigay sa iyo ni Keanne yung rose! Oo na teka lang wag ka naman magalit diyan!

Binuksan ko yung palm ko at napatingin ako kay Keanne.

"You still the Thiam I know, stupid."

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Ano na naman bang nagawa ko?

"How did I become stupid? Dahil ba hindi ko nahulaan agad na ikaw yung secret admirer ko?" Nakakainis siya ang yabang pa rin niya!

"You still the talkative girl I knew."

Isa pa, magagalit na ako. Sobra na siya hanggang ngayon nilalait pa rin niya ako. Bakit ganun? Kung siya yung secret admirer ko bakit parang hindi ko maramdaman yung "LOVE" na ipinahihiwatig at ipinadadama nung mga messages?

Ewan ko pero nararamdaman ko na yung luha sa mga mata ko.

"Are you crying now Thiam?"

Napatitig ako sa kanya, bakit ang sama-sama pa rin niya sa akin? "What did I do Keanne that you treat me li-"

Lumapit siya sa akin at bago ko pa natapos yung sasabihin ko ay niyakap niya ako.

"Shhh…" Hinawakan niya yung mukha ko tapos ngumiti siya bago marahang bumulong sa tenga ko ng hindi ko inaasahan na manggaling sa isang "KEANNE!"

"I miss you so much Thiam. I'm sorry if I always hurt you. I will not let you be alone again."

Pilit ako bumibitiw sa mahigpit niyang pagkakayagap pero hindi niya ako pinapayagan lalo niyang hinihigpitan yung yakap niya sa akin. Baka panaginip lang eto...

"This is not a dream Thiam, from this day I will always be at your side…"

And all of a sudden he kisses my lips!

(M)So I'll be your friend

And I'll be your (MF) lover

Cause, I know in our hearts we agree

(M)We don't have to be one(MF) or the other, Oh no

We could be both to each other

(F)Yes, it's a chance that we're taking

And somebody's heart may be breaking

(M)But we can't stop what's inside us

Our love for each other will guide us

-Gloria Loring

"Hoy Thiara! Bakit kanina ka pa tulala diyan? May sakit ka ba? Bakit namumugto ata yung mata mo?"

Napatingin ako ng unti-unti kina Keira at pilit na ngumiti. Namumugto? Hindi ko alam kung bakit ako napaiyak kagabi…

"Thiam…" Binitawan ako ni Keanne at natapos na yung "first kiss" we've shared… What?

Napatitig sa akin si Keanne tapos pinunasan niya yung luha ko sa pamamagitan ng daliri niya.

"Childish…" Tapos niyakap niya ako at hinayaan niya akong umiiyak sa malapad niyang dibdib.

"I' m sorry…" Napatitig ako sa mukha niya at pagkatapos ay ngumiti siya. "Next time I will tell you if I will do that again…" Tapos nag-wink siya sa akin at ako hindi ko alam kung gusto kong sampalin yung sarili ko para malaman ko kung nanaginip ba ako o gusto kong sampalin mismo si Keanne para malaman ko kung siya nga yung nasa harapan ko.