webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Book&Literature
Not enough ratings
48 Chs

chapter 41

Did Keira text or call you?"

Napailing agad sa akin si Nancy at binitawan niya yung hawak niyang ballpen sabay titig sa akin.

"Why? Do you have a problem Thiara?"

Break time na kasi namin at buong umaga ay walang Keira ay nagpakita sa amin. Nag-aalala na ako, nasaan na kaya yung babaeng yun?

"May dapat ka kasing malaman Nancy…" At binulong ko sa kanya ang bagay na nalaman ko kahapon.

Nanlaki yung mata niya tapos humugot siya ng malalim ng hininga bago nagtanong na…

"Iniisip mo ba na baka…" Tumango na ako bago pa niya matapos yung dapat niyang itanong. "But I think that's imposible Thiara. Alam natin na more than 10 years ng secretary ng Tito mo si Miss Elizabeth at isa pa baka naman nag-absent lang si Keira dahil masama ang pakiramdam or something just came up." Lumapit siya sa akin at hinawakan yung kamay ko. "Wag ka ng mag-aalala at mag-isip ng kung anu-ano, susulpot din siya mamaya, tignan mo." At nagwink siya bilang assurance sa akin.

Sana nga… Sana nga sumulpot mamaya si Keira…

Pero hanggang uwian wala ni anino ni Keira ang nagpakita sa amin. May plano na kami ni Nancy na pupuntahan namin siya at ng papauwi na sana kami ay tinawag siya ni Miss Orticio ay may pahabol na ipapagawa sa kanya para mapalitan yung mga absences niya.

"Sandali lang eto Thiara, magsasagot lang ako ng namiss kong activities mga 30 minutes lang tapos go na tayo kina Keira."

Nag-isip ako sandali at napatingin sa kanya. "Sige kahit one hour pa kitang hihintayin okay lang mas mahalaga makahabol ka. Doon muna ako sa locker area at mag-aayos muna ako ng gamit ha."

Tumango siya at napagkasunduan namin doon na lang kami magkikita. Tumakbo na siya papunta sa room namin kung saan naghihintay si Miss Orticio. Ako naman naglakad papunta sa locker area.

Aaminin ko eto ang pinaka-remote area sa buong review center. Maganda magtambay dito tuwing umaga pero pagpapagabi na tulad ngayon, nakakatakot dito.

Natapos na akong mag-ayos ng mga gamit ko sa locker at isasara ko na sana iyo ng biglang may tumapik sa balikat ko.

"Keira!" Nagulat ako sa ginawa niya at muntik ko na siyang mahampas. "What are you doing here?"

"Kanina pa kita hinahanap…"

"Ha? Bakit? Teka nga anong nangyari sa iyo buong araw at absent ka?"

"Tungkol nga dun yung sasabihin ko sa iyo." Napakamot siya ng ulo at napangiti sa akin.

"Mangako ka muna na ililibre mo ko sa sasabihin ko." Ha? "Akala ko ba bukal sa loob na mag-"

Pinahinto na niya ako bago ko pa matapos yung dapat kong sabihin. Tumango-tango siya at nagtaas pa ng kamay sa harapan ko. Ano bang nangyayari dito kay Keira?

"Sige na binabawi ko na yung sinabi ko kanina siguro yung thank you okay na. Matutuwa ka sa ibabalita ko…"

Napatitig ako sa kanya, hindi kaya nakadruga etong si Keira? Mukha kasing high na high siya at ang energy niya ibang level!

"Wait lang, okay ka lang ba Keira?" Tumango siya at napangunot noo pang tumingin sa akin. "Ano ba gusto mo bang sabihin ko sa iyo yung nakalap kung balita o hindi?"

Ano ba naman eto! Excited naman siya masyado. "Sige na ready na ako, sabihin mo na."

"Di ba nga sumabay ako kahapon umuwi kay Elizabeth so nagkwentuhan muna kami tungkol sa kanya at tsaka ako nagtanong tungkol kay Mr. Foreigner. Anak ng tinola, ibang klase pala siya kung magbibigay ng confidential information! Hinamon ba naman sa paramihan uminom ng alak dun sa isang sing-along bar sa may Abanao Street? Ako naman si tanga, napa-oo at napasubo ako sa hamon niya. Kilala nyo ako ni Nancy na isang bote lang tumba na pero kagabi wag ka nakalimang bote ako ng red horse para lang mapadaldal ko yan si Elizabeth tungkol kay Mr. Foreigner at…"

Huminto siya at ngumiti sa akin. Eto may bitin moment pang nalalaman! "Wag mo na akong paghintayin, ano nang nangyari?"

"Eh di nagsalita din siya tungkol sa kanya." Huminga ako ng malalim, be ready Thiara…

"Si Mr. Foreigner which is hindi niya talaga binigay yung real name kung hindi nick name lang na which is Josh ay kumpirmado na magiging classmate natin bukas and take note kagragraduate lang niya ng psychology."

So Josh pala yung pangalan ni Mr. Foreigner at magiging classmate namin siya bukas? Napangiti ako at bahagyang nakaramdam ako ng excitement sa sinabi ni Keira. Bukas malalaman ko na kung siya nga yun… Kung siya yung secret admirer ko.

Napatingin ako kay Keira at hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Salamat Keira…"

"Walang anuman yun Thiara, wala lang yun noh! Sige na kailangan ko ng umuwi agad."

"Ha? Bakit?"

"Tumakas lang ako sa bahay, si Ermats hinintay ako kagabi at nagwala nung dumating ako kaninang madaling-araw na lasing kaya eto grounded. Bukas pa niya ako papayagang pumasok at umalis ng bahay kaso kinailangan ko ng talagang sabihin yun sa iyo para di ka na mag-alala. Pasensiya na kung hindi ko kayo natext or natawagan man lang pati kasi yung cellphone ko kasama." At nag-wink na lang si Keira sa akin bilang assurance na wag na akong mag-alala sa kanya at wag ko ng sisihin yung sarili ko kung bakit siya grounded.

Nagpaalam na siya agad at mabilis na tumakbo papalabas ng review center. Napatingin ako sa loob ng locker ko at sinipat ko muna kung may nakalimutan ako at wala naman, isasara ko na talaga siya ng biglang may pumasok na kung anu man sa loob.

Napatingin ako sa bagay na kapapasok pa lang sa locker ko at mabilis akong napatingin sa likuran ko at sa buong paligid.

Parang sumasayaw yung mga puno at halaman sa lakas ng hangin. Nagmasid ako ng mabuti pero wala akong nakita ni anino at wala akong narinig ng anu man ingay.

Huminga ako ng malalim at kinuha yung bagay na bigla na lang lumanding sa loob ng locker ko.

Isang eroplanong gawa sa papel!

Binuksan ko agad yun at hindi nga ako nagkamali, galing nga sa kanya!

Sometimes the heart sees what is invisible to the eye.

Napapikit ako at marahang sinara yung locker ko sabay sandal. "Alam kong nasa paligid ka lang… Pwede bang magpakilala ka na?" Hangin lang ang sumagot sa akin.

"Sige kung ayaw mong magpakilala ay magpakita ka na lang." Minulat ko ang mga mata ko at matamang tumingin sa paligid.

"Thiara..." Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko. "Akala ko iniwan mo na ako, buti na lang inabutan pa kita."

Bahagyang tinupi ko yung papel at pagkatapos nun ay nilagay ko siya sa bulsa ko.

"Ano ka ba Nancy, siyempre hihintayin talaga kita, ano tara na?"

"May problema eh…"

"Ha? Ano?"

"Hindi na tayo magkakasabay, mukhang may pag-uusapan ata kayo ng Tito mo dahil pinatatawag ka niya sa akin."

"Ha?"

"Pumunta ka daw ngayon sa office niya as in asap."

Bago pa ako makasagot ay mabilis akong tinulak ni Nancy palayo sa locker area at papunta sa corridor.

Napatango siya at nagpaalam siya sa akin bago ko mabilis na pinuntahan ang opisina ni Tito na nasa pinakadulo ng ground floor.

Kakatok na sana ako sa pintuan kaso narinig kong tinawag ni Tito ang pangalan ko mula sa loob.

"Are you going home?"

"Hindi pa po Tito… Pinatatawag nyo daw po ako..."

"May ibibigay kasi ako sa iyo…" At lumapit siya sa table niya at may kinuhang red envelope.

Nanlaki yung mata ko pagkaabot na pagkaabot sa akin ni Tito.

Bumilis yung tibok ng puso ko at bago pa ako makapagtanong ay nagsalita si Tito.

"May nagkamaling maglagay sa lamesa ko niyan at mukhang importanteng mabasa mo na yan Thiara dahil emergency ata yan."

Nagtaka ako sa sinabi ni Tito at mabilis naman niyang tinuro yung likuran banda ng envelope. Tinignan ko yung agad pagkalabas na pagkalabas ko ng opisina ni Tito.