webnovel

Chapter 44- Fishing Day

Makalipas ang dalawang araw na pagbobonding ng magkapatid na sila Lucile at Emily, muli na namang pumasok si Lucile sa kanyang trabaho at naiwan naman si Emily nang mag-isa sa kanilang bagong tirahan. Dahil sa nag-iisa lang si Emily sa loob ng bahay, nagsisimula nang mabagot at mag-iisip kung paano gugugulin ang kanyang Christmas Vacation habang nakadapa sa sofa at nakasubsob ang kanyang mukha sa unan, sa loob ng kanilang Sala.

Emily: "Haay...Amboring naman pala dito sa bahay kung mag-isa ka lang. Dapat siguro sumabay na lang ako kay Ate at binisita ko si Nina sa bahay nila."

Kit: "Lumabas ka kasi. Para makilala mo naman yung ibang mga kapit-bahay natin."

Nang marinig ni Emily ang boses ni Kit, hindi na ito nagulat dahil na rin sa alam niyang kapit-bahay niya ito at alam niyang madalas sumusulpot si Kit na parang kabute sa loob ng kanilang bahay. Alam din ni Emily na nakaupo si Kit sa dulo ng sofa dahil naramdaman niyang umupo ito sa tabi ng kanyang mga paa.

Emily: "Kit, dumaan ka na naman ba sa bintana? Talagang paborito mo ang talaga ang dumaan dun."

Kit: "Nasasanay ka na ba sa akin? Mabuti naman kung ganon."

Emily: "Siyempre, basta ka na lang kasi sumusulpot nang hindi nagpapaalan sa amin ni Ate. Ano pala ipinunta mo dito?"

Kit: "Naboboring ka. Kaya pumunta ako dito."

Emily: "So, pumunta ka lang dito para kausapin ako? Nakakaboring pa rin."

Kit: "Kung ganun, tumayo ka na dyan. Lalabas tayo."

Nang marinig ni Emily ang sinabi ni Kit, dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakadapa sa sofa at umupo katabi si Kit, tsaka niya ito tinanong.

Emily: "Saan naman tayo pupunta?"

Kit: "Sa dagat."

Emily: "At ano naman ang gagawin natin doon?"

Kit: "Fishing."

Emily: "Tayong dalawa?"

Kit: "Kasama natin yung ilang mga kapit-bahay."

Tila nagkaroon ng interest si Emily matapos siyang imbitahan ni Kit na mangisda sa dagat kasama ang ilan sa kanilang mga kapit-bahay. Ngunit, may isang bagay pang inaalala si Emily, sakaling sumama siya sa pangingisda.

Emily: "Kit, gusto ko sanang sumama sa pangingisda ninyo sa dagat. Kaso mukhang tirik na ang araw at ayoko din namang umitim."

Kit: "Gaya ng inaasahan."

Emily: "A-Anong ibig mong sabihin?"

Nagtaka si Emily sa sinabi ni Kit. Hanggang sa nagulat ito nang makita niyang naglabas ng dalawang plastik na bote ng Sunblock si Kit mula sa kanyang bulsa.

Kit: "Emily, Hubad."

Emily: "A-Ano ka?! Sineswerte?! Hindi ko ipapakita ang katawan ko sayo!"

Napatitig ng nakasimangot si Kit matapos siyang sabihan ni Emily na hindi nito ipapakita ang kanyang katawan para malagyan ng Sunblock. Kaya naglabas na naman ng dalawang bote na kulay itim si Kit at ipinakita kay Emily.

Kit: "Kung ayaw mo ng Sunblock, marahil magbago ang isip mo dito sa Tire block."

Emily: "Ano na naman ang gagawin mo dyan sa Tire block?!"

Kit: "Ipapahid sayo. Sa pagkaka-alala ko, isang buwan pa ang aabutin bago matanggal ang kulay itim sa balat. Kaya kung ibubuhos ko ito sayo ngayon, magiging maitim ang iyong balat hanggang sa araw ng Prom. Kaya kung ako sayo-"

Emily: "Okay! Maglalagay na ako ng Sunblock!" (Grabe ka Kit! Pagbantaan mo pa talaga ang balat ko! Para mapilitan akong sumama sa pangingisda mo!)

Napilitang magpahid ng Sunblock si Emily dahil sa banta ni Kit na ibubuhos ang dala nitong Tire block kapag hindi siya naglagay sa katawan ng Sunblock at ayaw din niya ng instant na maitim na balat, mula sa araw na ito hanggang sa araw ng kanilang Prom. Ngunit humingi ng mga kundisyon si Emily kay Kit.

Emily: "Kit, gaya ng gusto mo, maglalagay ako ng Sunblock! Pero, maglalagay ako sa loob ng banyo at huwag kang maninilip!"

Kit: "Huwag kang mag-alala. Hindi ako maninilip."

Emily: "Siguraduhin mo lang!"

Sabay hablot ni Emily sa dalang Sunblock ni Kit at agad naglakad papasok sa loob ng kanilang banyo para ipahid ito sa kanyang katawan. Habang hinihintay si Emily na matapos sa pagpapahid ng Sunblock, umupo ng naka-Yoga pose si Kit sa sofa, tsaka nito ipinikit ang kanyang mga mata para mag-meditate.

Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin sa pagpapahid ng Sunblock si Emily, ngunit napangiwe na lang siya nang makitang nakabaliktad na nakatayo si Kit, gamit ang kanyang mga braso.

Emily: "Kit, tapos na akong magpahid ng Sunblock. Tsaka, a-anong ginagawa mo?"

Umupo naman ng normal si Kit, matapos marinig na tapos nang maglagay ng Sunblock si Emily sa kanyang katawan.

Kit: "Sakto. Ready na rin ako."

Sabay mabagal na tumayo si Kit mula sa sofa at iniunat ang kanyang kamay sa ere. Tsaka nag-stretching ng kanyang katawan.

Kit: "Umalis na tayo."

Emily: "Kit, ano bang ginagawa mo kanina?"

Kit: "Naghahanda."

Emily: Naghahanda? As in, hinahanda mo ang sarili mo para sa pangingisda?"

Kit: "Umalis na nga tayo. Ang dami mo pang tanong."

Tsaka naglakad si Kit palabas ng bahay ni Emily.

Emily: (Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. Nagmamadali ba siya?)

Sinundan naman siya ni Emily, palabas ng kanyang bahay at ikinandado ang pinto.

Pagdating sa labas, nagulat na lang si Emily nang makitang nakasakay si Kit sa Bike na may side-car. Sa side-car, dala nito ang gamit sa pangingisda tulad na lang ng dalawang Fishing rod, isang lata ng mga uod bilang pain, dalawang sumbrerong buli o Balanggot bilang proteksyon sa init ng araw, at isang malaking timba bilang lalagyan ng mga mahuhuling isda.

Emily: "Kit? Uod ba yan nasa lata?"

Kit: "Oo."

Emily: "Ewww! Para saan mo gagamitin ang mga yan?!"

Kit: "Ipapakain ko sayo kapag hindi ka pa sumakay sa Bike. Kaya halika na at umalis na tayo!"

Tsaka pinaandar paalis ni Kit ang Bike pagkasakay ni Emily, dala ang mga gamit sa pangingisda. Nagsisimula namang magtaka si Emily dahil pinilit siya ni Kit na mangisda at nagmamadali din itong umalis, papunta sa dagat.

Habang nagmamaneho si Kit, napansin ni Emily na hindi pala ganon kalayo ang dagat mula sa kanilang tinitirahan at sa kanyang tantsa, labing limang minuto ang kanilang gugugulin sakaling sila ay naglakad. Pero dahil sa may mga dala silang gamit sa pangingisda at nakasakay sa bisekleta, inabot lamang ng limang minuto ang kanilang biyahe.

Pagdating sa dagat, ihininto ni Kit ang kanyang bisekleta malapit sa isang Shed, tsaka sila naglakad ni Emily papunta sa pampang, dala ang kanilang mga gamit. Pagdating nila sa pampang, laking gulat ni Emily nang makita ang mga tao na nagkakandaugaga sa isang lubid at pilit itong hinihila papunta sa pampang. Ang iba naman ay hindi magkamayaw sa pagtutulak ng kanilang mga bangka papunta sa laot. Dahil sa mga nakikitang hindi maipaliwanag na pagkakagulo ng mga tao sa pampang, tinanong ni Emily si Kit kung ano ang nangyayari.

Emily: "Kit? Bakit ang daming tao dito sa pampang?! Anong nangyayari?!"

Kit: "Fishing season."

Emily: "Fishing season?! Pero bakit?! Anong mayroon?!"

Kit: "Madaming isda."

Emily: "Anong uri ng isda?!"

Kit: "Makikita mo din."

Sabay hinawakan ni Kit ang kanang kamay ni Emily, tsaka niya ito hinila palayo sa mga tao. Naguguluhan naman si Emily kung bakit ganun na lang, kung magkagulo ang mga tao sa panghuhuli ng isda at napansin din niyang karamihan sa mga ito ay kanilang mga kapit-bahay.

Pagkalayo nina Emily at Kit mula sa mga tao, pumunta ang dalawa sa isang malapit na bangka, tsaka inilagay ang kanilang mga gamit. Sa tabi naman ng kanilang bangka, naghahanda na rin ang maglolo sa pangingisda.

Mang Saroy: "Oh? Kit? Manghuhuli ka rin ba nung mga isdang tumatalon?"

Kit: "Opo."

Emily: "Isdang tumatalon?"

Allan: "Oo, Emily! Marami sila ngayon! Kaya hinahanda na namin yung lambat!"

Allen: "Oo nga! At hindi lang sila! Sigurado din na magsisilabasan yung mga malalaking isda!"

Mang Saroy: "Kaya nga, kumilos na kayo dyan at huwag na kayong makisabat sa usapan ng iba!"

Allen: "Aye! Aye!"

Allan: "Yes! Kapitan!"

Tsaka tinulak ng Kambal ang kanilang bangka papunta sa dagat.

Mang Saroy: "Kit, mauuna na kami. Tsaka, Iha. Mag-enjoy ka din sa panghuhuli mo ha? Masaya dito kapag hulihan ng isda."

Emily: "Opo. Salamat po."

Sabay alis naman ng matanda at sumakay sa kanyang banka para paandarin ito kasama ang Kambal. Pagkalayo ng Bangka ni Saroy, naihanda na rin ni Kit ang sasakyan nilang bangka.

Kit: "Emily, sumakay ka na sa bangka. Papalaot na rin tayo."

Emily: "Huh? Sigurado ka ba? Itutulak mo ng mag-isa ang bangka?"

Kit: "Oo. At baka mawala pa yung nilagay mong Sunblock sa katawan mo. Kaya sumakay ka na."

Emily: "Sigurado ka? Baka kailangan mo pa ng tulong sa pagtutulak ng bangka."

Kit: "Sumakay ka na nga! Pwede?!"

Emily: "O-Okay. Sasakay na." (Grabe naman. Masama bang mag-alala sayo at baka hindi mo maitulak itong bangka?)

Pagkasakay ni Emily, agad itinulak ni Kit ang kanilang bangka papunta sa tubig. Namangha naman si Emily dahil nagawa ni Kit na maitulak hanggang sa tubig ang kanilang bangka. Nang maitulak ni Kit ang bangka hanggang sa parte ng dagat, kung saan abot ang kanyang baywang, agad siyang sumakay sa bangka at pinaandar ang makina, tsaka niya ito minaneho papunta sa laot. Bagamat, kinakabahan si Emily na baka bumaliktad at tumaob ang kanilang sinasakyan, natutuwa naman siya dahil ito ang unang beses na mararanasan niyang sumakay at pumunta sa gitna ng dagat.

Pagdating sa gitna, agad pinatay ni Kit ang makina ng bangka at ihinanda ang kanilang pamingwit para manghuli ng isda. Habang abala sa paghahanda ng pamingwit si Kit, natutuwa naman si Emily nang makita niya ang mga naggagandahang kulay ng mga Corals sa ilalim ng malinaw na tubig.

Emily: "Kit, ang gaganda ng Corals sa ilalim ng tubig. Parang gusto kong tignan ng malapitan."

Kit: "Huwag kang magpapadala sa linaw ng tubig dito. Sa pagkaka-alala ko, mga 15 to 20 feet ang lalim ng tubig rito."

Emily: "Ha?! Ganun kalalim ang tubig rito?!"

Kit: "Oo. Kaya nga hindi ako nagdala ng lambat dahil ayokong sumisid."

Emily: "Ayaw mong sumisid? Bakit naman?"

Kit: "Nahihirapan akong lumangoy at alam mo na kung bakit."

Nang sabihin ito ni Kit, naalala ni Emily na may problema ito sa Baga, bunga ng kanyang Asthma. Kaya hindi na siya nagtanong pa kay Kit.

Emily: "O-Okay. Nauunawaan ko."

Kit: "Kung ganun, mamingwit na tayo."

Sabay abot ni Kit ng Fishing rod kay Emily. Ngunit may isa pa itong problema.

Emily: "Uhh....Kit. Hindi ko alam kung paano gamitin yan pamingwit."

Kit: "Simple lang ang paggamit niyan. Hawakan mo na itong pamingwit at ipapakita ko sayo."

Matapos kunin ni Emily ang kanyang pamingwit, agad ipinakita ni Kit kung paano gamitin ang hawak nitong pamingwit. Habang nakaupo sa bangka, iniangat ni Kit ng dalawa niyang kamay ang hawak na pamingwit, tsaka ito buong lakas na iwinasiwas patayo ang Fishing rod, kung saan tumilapon sa malayo ang pain. Sinubukan naman ni Emily ang itunuro ni Kit, matapos niya itong makita.

Emily: "Kung ganun, kailangan ko lang na iwasiwas ng patayo ang pamingwit para tumilapon sa malayo yung pain?"

Kit: "Oo. Pero ilayo mo yung kalawit na may pain para hindi ito sumabit sa suot mong damit."

Emily: "Sige. Susubukan ko."

Gaya ng ginawa ni Kit kanina, ginaya ni Emily ang pagwasiwas nito sa kanyang pamingwit. Ngunit hindi gaya ng pagwasiwas ni Kit, tumilapon lang sa di kalayuan ang pain ng pamingwit. Gayun pa man, pinuri na lang din ni Kit ang ginawang pagwasiwas ni Emily.

Emily: "Ay....hindi umabot sa lokasyon ng pain mo."

Kit: "Okay lang yan. Ang importante makahuli tayo ng isda. Tsaka ang gagawin na lang natin, maghintay ng isda na kakagat sa-!"

Emily: "Kit! May nabingwit ata ako!"

Kit: "Ang bilis naman."

Nang makita ni Kit ang mabilis na pag-ikot ng Reel sa pamingwit ni Emily, agad niya itong sinabihan.

Kit: "Emily, ikutin mo pabalik yung Reel."

Emily: "Reel?! Anong Reel?!"

Kit: "Yan hawakan na umiikot na may tali. Ikutin mo pabalik para mahuli mo yung isda."

Emily: "Sige."

Sinunod naman ni Emily ang sinabi ni Kit na ikutin pabalik ang Reel. Na-excite at tuwang-tuwa si Emily dahil ito ang unang beses na makakahuli siya ng isda sa sarili niyang mga kamay. Habang unti-unting lumalapit ang kanyang nahuli, kinakabahan din si Emily sa kung anong uri ng isda ang kanyang nabingwit at ilang sandali pa, nai-ahon niya mula sa tubig ang kanyang nahuli. Ngunit nadismaya naman si Emily matapos makita ang kanyang nabingwit at napasimangot din si Kit sa kanyang nahuli.

Kit: "Wow. Beginner's luck. Nakahuli ka ng green na Salawal."

Emily: "Anong Beginner's luck?! Eh hindi naman isda itong nabingwit ko! Kundi Salawal nang kung sino!"

Kit: "Atleast may nabingwit ka. Man-made nga lang."

Emily: "Grrrr! Sino ba kasi ang nagtapon niyan dito sa dagat?!"

Kit: "Siyempre, mga tao din. Mga pabaya nga lang sa kalikasan. Tsaka, hindi ka naman agad makakahuli ng isda sa unang subok lang. Kaya mamingwit ka lang ng mamingwit at malay mo, sa pangalawang pagkakataon, makahuli ka na ng isda."

Emily: "Kung sabagay, tama ka. Tsaka nakaka-excite pala sa pakiramdam kapag may isdang humila sa pamingwit."

Kit: "Kung ganon, humuli ka na ulit. Ano pang silbi na nagdala ako ng sangkatutak na mga pain."

Emily: "Oo na. Mamimingwit ulit ako, pero pasuyo naman ako sa paglalagay ng pain. Nadidiri kasi ako sa mga uod."

Kit: "Ewan ko talaga sa inyong mga babae. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nandidiri kayo dyan sa mga uod."

Emily: "Kit, sige na. Pasuyo ako sa pain, please.."

Kit: "Hay....Oo na. Ako na ang maglalagay ng pain. Basta't habaan mo lang yung pasensya mo sa paghuli ng isda."

Emily: "Yehey! Salamat, Kit! Hayaan mo, huhuli ako ng malaking isda, para sayo."

Kit: "Wala akong sinabi na humuli ka ng malaking isda. Ang sinabi ko lang, habaan mo ang pasensya mo at baka magreklamo ka na naman sa mabibingwit mo."

Emily: "Oo na. Basta, manghuhuli ako ng malaking isda."

Dahil natutuwa si Emily sa kanyang bagong karanasan sa pamimingwit ng isda, nagpatuloy sila ni Kit sa pamimingwit at nakahuli naman siya ng isdang Tulingan sa pangalawang beses nitong pamimingwit.

Habang nag-eenjoy si Emily sa bago niyang karanasan, abala naman sa pagsisid sa ilalim ng dagat ang Kambal at nakabantay naman sa bangka ang kanilang Lolo na si Saroy. Maya't maya, napadaan sa kanilang tabi si Selmo na sakay din ng bangka.

Mang Selmo: "Oy! Saroy! Nakahuli ka na ba ng mga isdang lawin?"

Mang Saroy: "Hindi pa, Selmo. Bakit mo nga pala naitanong?"

Mang Selmo: "Nakapagtataka? Hindi ba dapat nagsisitalunan na mula sa tubig yung mga isda?"

Mang Saroy: "Oo nga noh. Dapat nga sa mga oras na ito, nagtatalunan na yung mga-"

Hanggang sa biglang may tumalon na isda mula sa tubig at nasalo ng bangka nila Saroy at Selmo ang ilan sa mga ito. Matutuwa na sana si Saroy, nang may isang isdang lawin ang biglang tumalon diretso sa bibig ni Saroy at nasubo ang ulo nito. Agad naman itong ibinuga palabas sa kanyang bibig.

Mang Saroy: "Puweh! Pasalamat kang isda ka at uulamin kita mamaya!"

Mang Selmo: "Wooh!! Ang daming isdang-lawin! Ang Swerte ko talaga kapag ikaw ang kasama ko, Saroy!"

Mang Saroy: "Oo! At minamalas ako kapag ikaw ang nakakasama ko! Dun ka nga sa malayo!"

Mang Selmo: "Sige! Kita na lang tayo mamaya!"

Sabay alis ni Selmo palayo sa bangka ni Saroy. Umahon naman ang Kambal matapos ang ilang minutong pagsisid sa ilalim ng dagat.

Allen: "Lolo! Eto na po yung talabang ibebenta niyo po sa palengke!"

Allan: "Lo! Nakahuli po ako ng Salmon!

Mang Saroy: "Sige, ilagay niyo na yan dito sa bangka at umahon na rin kayo."

Tsaka inilagay ng kambal ang mga nakuha nilang mga lamang dagat sa loob ng kanilang bangka, sabay umahon sa tubig ang dalawa. Ngunit nagtaka ang kanilang Lolo sa isang bagay.

Mang Saroy: "Allan, anong nangyari sayo? Bakit wala kang suot na salawal?"

Allan: "Eh ano po kasi... Bigla pong may kung anong bagay na humila sa salawal ko kanina habang sumisisid po ako. Kaya tinanggal ko na lang po."

Mang Saroy: "Apo, tama lang ang ginawa mo. Mahirap nang makipagbunong-braso sa bagay na hindi mo alam. Malay mo, kalawit yun mula sa isang bapor. Kaya mabuti rin na tinanggal mo ang iyong salawal, kaysa sa hilain ka ng bagay na manglulunod sayo."

Allan: "Ah ganun po ba? Eh di sa susunod, tatanggalin ko na lang po yung panatalon ko kapag may humila sa akin sa School."

Allen: Oo nga!"

Mang Saroy: "Hay! Jusko! Ba't pa ba ako nagkaroon ng mga inutil na apo?!"

Allen: "Oo nga!"

Napakamot ng ulo si Saroy dahil na rin sa kakitidan ng utak ng kanyang mga apo. At dahil sa nakahuli na rin ng sapat na isda ang maglolo para ibenta sa palengke, agad pinaandar ni Saroy ang kanyang bangka pabalik sa pampang. Nang biglang may isang bangka na sobrang bilis ang andar at papalapit sa bangkang sinasakyan ng maglolo.

Allan: "Lolo! May papalapit na bangka!"

Allen: "Oo nga!"

Mang Saroy: "Pambihira! Yung tatlong kumag na naman!"

Allen: "Oo nga!"

Habang mabilis na lumalapit ang bangka nang tatlong lasenggo sa bangka ng maglolo, sinisigawan naman nila si Saroy na itabi ang kanyang bangka.

Mang Impong: "Temyong! Bitawan mo na ang pamingwit!! Pumailalim na yung nahuli mong dambuhalang isda sa bangka ni Saroy!"

Mang Temyong: "Saroy! Tumabi kayo dyan!!"

Mang Eliasar: "Huli na! Babangga tayo!"

Mang Temyong: "Saroy! Tabi dyan! TABI!!"

Nang makita ng maglolo na babangga sa kanilang bangka ang sobrang bilis na bangka ng mga lasenggo, pinili na lang nilang tumalon sa tubig para makaligtas.

Allan: "LOLO! ABANDON SHEEP!

Allen: "Oo nga!"

Mang Saroy: "Mga apo!! Talon na sa tubig!

Dahil sa mabilis na pagbulusok ng bangka nang tatlong lasenggo at bunga na rin ng malakas na paghila ng dambuhalang isda na nabingwit ni Temyong, nagbanggaan ang bangka ng mga ito. Sa lakas ng pagbangga, nahati sa dalawa ang bangka ni Saroy at tumilapon pa ng patayo ang bangka nung tatlong lasenggo, tsaka ito bumaksak ng nakataob sa tubig.

Sakto namang nakatalon sa tubig ang maglolo at himala namang nakaligtas mula sa pagkakatilapon ang tatlo matapos nilang bumangga sa bangka. Ngunit nakawala naman ang nabingwit ni Temyong na isda matapos nitong mabitawan ang kanyang pamingwit.

Nagalit naman ng husto si Saroy matapos makita ang kanyang nasirang bangka.

Mang Saroy: "Mga walang hiya kayo! Tignan niyo ang nagyari sa bangka ko!"

Mang Temyong: "Malay ba naming papailalim sa bangka mo yung nahuli namin!"

Mang Eliasar: "Tsaka sayang din yung nabingwit ni Temyong! Ang laki pa naman!"

Mang Impong: "Oo nga! Masarap pa namang gawing pulutan iyon!"

Mang Saroy: "Wala akong pakialam sa nakawala niyong pulutan! Ang pakialam ko lang, anong uri ng isda ang nahuli niyo at kung bakit nagawa pa nun hilain ang sinasakyan niyong bangka?!!"

Mang Eliasar: "Ano pa ba ang sa tingin mo ang isda na aaligid dito sa dagat kapag panahon ng panghuhuli ng tambakol ha?! Siyempre! Eh di Pating!"

Napakamot na lang ng ulo si Saroy matapos sabihin ni Temyong na isang malaking Pating ang kanilang nahuli. Kahit na sinisisi ni Temyong sa nahuli nitong Pating ang pagkakabangga ng kanilang mga bangka, sinisisi naman ni Saroy ang tatlo dahil sa kalokohan ng mga ito.

Allan: "Lolo! Huwag kayong mag-alala. Mayroon pa naman yung mga nahuli nating isda."

Allen: "Oo nga. Buti na lang binalutan namin ni Utol ng lambat yung lalagyan ng mga nahuli naming isda."

Mang Saroy: "Kung ganon, lumangoy na tayo at makisakay na lang sa ibang bangka."

Mang Impong: "Aalis na kayo?! Hindi niyo man lang ba kami tutulungan na baliktarin yung tumaob naming bangka?!"

Mang Saroy: "Matapos nang perwisyong ginawa niyo kanina, tutulungan pa namin kayo?! Pwes, bahala kayo sa mga buhay niyo!"

Tsaka lumangoy at tinawag ng maglolo ang isang papauwi ng bangka para makisakay. Naiwan naman ang tatlong lasenggo na lumalangoy at ibinabalik ang kanilang tumaob na bangka sa tamang pwesto.

Natsambahan naman ng maglolo sina Kit at Emily na pabalik na sa pampang dahil nakahuli ang dalawa ng apat na naglalakihang mga Tambakol at kuntento na ang dalawa sa kanilang nahuli. Ngunit nagtaka naman ang dalawa matapos makita ang mga maglolo na lumalangoy papunta sa kanila ng bangka.

Kit: "Mang Saroy, ba't kayo lumalangoy? Tsaka asan na yung bangka ninyo?"

Mang Saroy: "Eh iho, nasira yung bangka namin."

Emily: "Nasira? Paano po nasira?"

Mang Saroy: "Iha, nahati lang naman sa dalawa dahil sa kagagawan ng tatlong inutil na kapit-bahay. Kit, maari ba kaming makisakay sa inyo pabalik sa pampang? Total, nakahuli na kami ng sapat para sa ibebentang isda sa palengke."

Kit: "Sige po, Mang Saroy. Umahon na po kayo dito sa bangka. Emily, umusod ka na lang dito sa kinatatayuan ko, para may maupuan sila Mang Saroy."

Emily: "Okay."

Umusod naman si Emily, malapit sa kinatatayuan ni Kit at umahon sa tubig ang maglolo, dala ang kanilang mga huli. Ngunit napapikit at nagtakip ng mukha si Emily nang makita niyang walang salawal si Allan.

Emily: "Allan! Ang bastos mo talaga! Bakit wala kang salawal?!"

Allan: "Pasensya ka na, Emily. May humila kasi sa salawal ko kanina habang sumisisid sa ilalim ng dagat"

Kit: "May humila sa salawal mo?"

Allan: "Oo, Kit."

Tila nagkaroon ng ideya si Kit na aksidenteng nabingwit ni Emily ang kanyang salawal matapos sabihin ni Allan na ito ay nahila habang sumisisid sa ilalim ng dagat. Kaya agad hinanap ni Kit sa timba na may mga huling isda, ang salawal na nabingwit ni Emily, tsaka niya ito ipinakita kay Allan.

Kit: "Allan. Eto ba yung salawal mo?"

Allan: "Oo! Akin yan! Tsaka saan niyo to nahanap?!"

Kit: "Nabingwit ni Emily kanina."

Allan: "Uy! Emily! Salamat ha! Buti nabingwit mo yung salawal ko! Paborito ko pa naman ito."

Emily: "Allan! Isuot mo na nga iyan! Nakakadiri kang tignan!"

Agad naman isinuot ni Allan ang naibalik niyang salawal, tsaka umupo sa gilid ng bangka.

Allan: "Yan!! Okay na."

Kit: "Alis na rin tayo. Magkaka-sun burn na ako kapag nagtagal pa tayo dito."

Mang Saroy: "Oo, Iho. Mabuti pa nga."

Tsaka pinaandar ni Kit ang makina ng kanilang bangka at bumalik sila sa pampang kasama ang maglolo.

Pagdating sa pampang, tinulungan ng maglolo si Kit na ibalik sa buhangin ang bangka. Tsaka naman bumaba si Emily, pagkatapos maibalik ang bangka sa dati nitong kinalalagyan. Kinuha naman ng maglolo ang kanilang mga huli at nagpasalamat kila Kit at Emily sa pakikisakay ng mga ito, tsaka sila nagtawag ng tricycle papuntang palengke.

Sina Kit at Emily naman, binalikan ang iniwan nilang bisekleta na may side-car at inilagay rito ang kanilang mga nahuling isda. Tsaka sila umalis pabalik sa kanilang lugar.

Pagdating nina Kit at Emily sa harap ng kanilang mga bahay, agad tinanong ni Kit si Emily sa kung ano ang gagawin sa kanilang nahuli.

Kit: "Emily, anong gusto mong gawin sa nahuli nating isda?"

Emily: "Eh....ikaw? Ano bang plano mong gawin sa isda?"

Kit: "Plano kong paghatian yung nahuli nating isda. Dalawa sa akin. Dalawa din sayo kasama yung nag-iisang Tulingan na iyong nahuli."

Emily: "Sige. Pero hindi ako marunong maglinis ng isda."

Kit: "Eh di daan ka muna sa bahay. Ipalinis natin kay Lola yung mga nahuli natin."

Emily: "O-Okay lang ba sa Lola mo?"

Kit: "Oo. Akong bahala."

Emily: Sa-Sabi mo yan ha."

Sumama sa bahay ni Kit si Emily matapos mapagdesisyonan na hatiin ang kanilang nahuling isda at ipalinis din ito sa kanyang lola. Pagdating sa bahay, napansin ni Emily na hindi gaanong kalakihan, simple, malinis at walang gaanong dekorasyon na bahay, pati na rin sa loob nito. Pagpasok sa loob, pinaupo muna ni Kit si Emily sa Sofa ng kanilang Sala.

Kit: "Emily, sakto. Nasa kusina si Lola. Ipapasabay ko sa kanyang linisan yung mga isda. Maghintay ka muna dyan sa Sala habang nililinisan ni Lola yung mga isda."

Emily: "Sige. Salamat Kit."

Tsaka pumunta sa Kusina si Kit para ipalinis ang mga isda. Habang hinihintay na matapos sa paglilinis ng isda ang lola ni Kit, natuon ang atensyon ni Emily sa naka-display na mga Picture frame sa Sala at pinagmamasdan ang mga ito.

Emily: (Siguro, tatay ni Kit itong lalaking may kargang bata at si Kit siguro itong cute na bata. Ang saya naman ng pamilya nila sa picture.)

Hanggang sa may napagtanto si Emily mula sa mga pinagmamasdan niyang mga litrato.

Emily: (Ang saya ni Kit sa mga litratong ito, pero ni minsan, hindi ko pa siya nakitang ngumiti at madalas lang siyang nakasimangot. Siguro, sobra siyang nalungkot noong namatay ang kanyang tatay. Kung may magagawa sana ako para makita kong nakangiti si Kit, kahit isang beses lang.)

Maya't maya, lumabas si Kit mula sa Kusina at tinawag si Emily.

Kit: "Emily. Halika daw muna dito sa Kusina, sabi ni Lola."

Emily: "Huh? A-Anong mayroon?"

Kit: "Basta. Halika daw dito sa Kusina."

Nagtataka man si Emily sa kung ano ang dahilan kung bakit siya pinapapunta ng Lola ni Kit sa Kusina, pinili na lang niyang sumunod sa sinabi ni Kit. Pagdating sa Kusina, nagulat na lang si Emily nang makita niyang may nakahanda ng pananghalian sa mesa.

Lola Delia: "Iha! Halika! Saluhan mo muna kami ni Kit sa pananghalian namin."

Emily: "Uhm...Salamat po. Pero nakakahiya naman po."

Lola Delia: "Iha.. Huwag mong tanggihan ang grasya. Masama yan. Halika! Huwag ka nang mahiya. Tikman mo yung nahuling isda ni Kit."

Dahil hinikayat si Emily nang Lola ni Kit na saluhan sila sa kanilang panang-halian, hindi na siya nakatanggi at tinanggap na lang ang alok na pananghalian, tsaka siya umupo sa tabi ni Kit.

Inihain naman ni Lola Delia ang niluto nitong sinigang na Tambakol na siyang nagustuhan din ni Emily.

Emily: "Lola, ang sarap po ng niluto niyo pong sinigang. Tama lang po ang asim at alat."

Lola Delia: "Hoho! Salamat, Iha. Masarap talaga ang Tambakol, lalo na kung sariwa at bagong huli. Kaya nga hindi magkamayaw ang mga tao dito kapag panahon ng pamumulutong ng mga Tambakol dahil gusto nilang matikman ang masarap na lasa nung isda."

Emily: "Kaya po pala napakadami pong tao sa dagat kanina. Lahat sila, nag-uunahan na makahuli ng isdang Tambakol."

Lola Delia: "Oo, Iha. Tsaka ganyan talaga ang mga tao dito sa komunidad na ito. Pero kahit magulo sa lugar na ito, masaya naman dito."

Emily: "Opo. Masaya nga po dito."

Nagpatuloy sa pagkain ng pananghalian sila Emily, Kit at si Lola Delia, nang bigla itong may naalala.

Lola Delia: "Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan. Iha? Gusto mo bang sumama sa Outing namin ni Kit pagkatapos ng Pasko?"

Emily: "Outing? Saan naman po?"

Lola Delia: "Sa Vacation house namin sa Dagupdup. Pwede kang magsama ng inyong mga kaibigan kung gusto niyo."

Emily: "Pwede po kaming magsama ni Kit ng mga kabigan?"

Lola Delia: "Oo, Iha. Basta't pinapayagan sila ng kanilang mga magulang. Tsaka huwag kayong mag-alala sa mga gastusin. Ako na ang bahala. Kaya iha, sasama ka na ba?"

Pinag-isipan ni Emily ang inaalok ng Lola ni Kit na bakasyon sa kanilang Vacation house at tila nahihikayat siya ng mga sinabi ni Lola Delia. Hanggang sa pumayag si Emily dahil sa nahikayat siya sa sinabi nitong libreng gastusin.

Emily: "Lola Delia, sasama po ako sa plano po ninyong Outing. Mukhang masaya po sa inyo pong Vacation house."

Lola Delia: "Aba'y...buti naman at pumayag ka din. Magiging masaya dun, Iha. Pero dalawang araw, pagkatapos ng Pasko ang alis natin. Mahaba-haba pa ang inyong oras para makapaghanda at makapagtawag ng isasama niyong mga kaibigan."

Emily: "Opo. At nagpapasalamat na rin po ako ng maaga dahil inimbitahan niyo po ako at ng mga kaibigan ko na sumama po sa inyong Outing."

Lola Delia: "Wala anuman, Iha. Ako pa nga dapat ang magpasalamat sayo dahil hindi na kami mag-a-outing ni Kit ng kaming dalawa lang. Basta pag-usapan niyo na ng mga kaibigan niyo kung saan kayo magkikita at doon ko na kayo susunduin sa sususnod na linggo."

Emily: "Opo. Salamat po."

Tsaka bumalik sa pagkain ng pananghalian ang tatlo. Pagkatapos mananghalian, agad tinulungan ni Kit ang kanyang lola sa pagliligpit at sa paghuhugas ng mga kinainan nilang mga plato at kubyertos. Naghintay naman si Emily sa Sala habang hinihintay na matapos ang maglola. Nang matapos ang maglola, ibinigay ni Kit kay Emily ang nalinisang isda na kanyang nahuli sa dagat at balot ng supot.

Kit: "Emily, eto na yung nahuli mong isda kanina."

Emily: "Salamat, Kit. Tsaka nag-enjoy ako kanina sa panghuhuli natin ng isda."

Kit: "Walang anuman."

Emily: "Uuwi na ako sa bahay. Manonood pa kasi ako ng drama."

Kit: "Ingat sa pag-uwi."

Emily: "Oo. Salamat, Kit."

Sabay naglakad si Emily sa pinto ng bahay ni Kit, tsaka siya kumaway rito. Kumaway naman ng nakasimangot si Kit.

Paglabas ng bahay ni Kit at habang naglalakad papasok sa loob ng kanilang bahay, tila nararamdaman nito na nagiging mabuti ang kanyang pakikitungo at nagsisimula na din maging malapit ang kanyang loob kay Kit.

Gayun pa man, pagdating ni Emily sa kanyang bahay, agad niyang inilagay sa refrigerator ang nahuli niyang isda. Tsaka niya ichinat sa Chatbox ang kanyang mga kaibigan para tanungin kung gusto ba nilang sumama sa magaganap na Outing ni Kit.