Kinagabihan, pagkatapos kumain ng hapunan nina Emily at Nina.
Matutulog na sana ang dalawa nang mapansin nila sa bintana ang isang liwanang na gawa ng apoy mula sa katapat na bakanteng lote.
Nagtaka ang dalawa sa kung ano o sino ang may gawa ng apoy sa kabila.
Emily: "Nina? Bakit may apoy dun sa kabila? Akala ko ba, walang nakatira sa loteng iyan?"
Nina: "Hi-Hindi ko din alam. Pero para makasiguro natin kung sino ang sirang ulo ang gumagawa ng apoy diyan, mabuti pang ilawan natin gamit ang Flashlight."
Agad kinuha nina Emily at Nina ang Flashlight na gamit sa paghahanap ng palaka ng tatay ni Nina.
Nang mailawan ang lokasyon ng apoy, nagulat ang dalawa sa kanilang nakita.
Nina: "Teka muna.... Si Kit ba yung nasa tabi ng apoy?!!"
Emily: "A-Ano?! Nagbibiro ka ba?!"
Nang malaman ng dalawa na si Kit ang may gawa ng apoy, kumaripas ng takbo si Emily at pumunta sa kabilang lote para pagsabihan si Kit. Sumunod naman si Nina.
Pagdating sa lote, nadatnan nilang nagtayo ito ng tent, nakalatag ang higaan sa loob kasama ang isang bag na hinala nila ay mga damit ni Kit at nakaupo ito sa isang maliit na bangko, katabi ng puno ng mangga at abala sa pag-iihaw ng manok.
Tila naisip ng dalawang babae na nag-Camping na mismo si Kit sa tapat ng kanilang bahay.
At naisip din ni Emily na nasa ibang level na ng pagbabantay si Kit na halos tumira na ito, malapit sa kanyang tinitirahang bahay.
Dahil sa mga nakitang dalang gamit ni Kit, napakamot na lang sa ulo si Emily.
Nang makita naman ni Kit ang dalawang babae, inalok niya ng iniihaw niyang manok ang mga ito.
Kit: "Oh? Nandito pala kayo. Gusto niyong kumain? Saluhan niyo ako. Kaso hindi pa luto yung manok."
Emily: "Kit! Ano ba naman yan?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"
Kit: "Nag-Cacamping."
Emily: "Alam naming nag-CaCamping ka at nakikita namin!! Ang gusto kong malaman ay kung bakit ka nandito?!"
Kit: "Binabantayan ka."
Lalo pang napakamot ng ulo at nainis si Emily sa sobrang pagbabantay ni Kit.
Hanggang sa tuluyan nang napikon si Emily kay Kit.
Emily (anger): "Kit! Ba't hindi ka na lang umuwi sa bahay niyo at doon ka matulog?!! Ilang beses ko ba sasabihin sayo na nangako akong hindi na ako magpapakamatay, hindi ba?!! Ano pa bang gusto mo?!!"
Nina: "Emily, huminahon ka. Baka marinig ka nina tatay at nanay."
Emily (frustrated in anger): "Nina, paano ako hihinahon?! Halos tatlong araw niya na akong binabantayan!! Tapos pinagtsitsismisan pa kaming magJowa ni Kit sa School!! Pakiramdam ko, lahat ng tao sa paligid, nakatingin sa akin nang dahil sa kanya!! Kaya pwede ba, Kit?! Umuwi ka na!! Lubayan mo na lang ako!!"
Halos mapaiyak si Emily sa galit dahil sa sobrang pagbabantay ni Kit.
Hindi naman umiimik si Nina matapos niyang makita na umiyak si Emily.
Habang umiiyak, tila naging mabigat ang mga saloobin ni Kit nang makitang tumutulo ang mga luha ni Emily sa kanyang mga mata.
Pinagmasdan ni Kit ang malungkot na reaksyon ni Emily at tsaka ito nagsalita.
Kit: "Sige, hindi na kita susundan magmula bukas."
Nang marinig ito ni Emily, bigla niyang pinunasan ang kanyang mga luha at tinanong ulit si Kit kung lulubayan na ba siya nito.
Emily: "Ki-Kit, Ta-Talaga?! Hindi mo na ako susundan magmula bukas?!"
Tumango si Kit, bilang pagsang-ayon. Natuwa naman sina Emily at Nina matapos marinig ang sinabi ni Kit.
Emily: "Hay! Buti naman, Kit! Naisip mo din na lubayan ako!"
Kit: "Oo na. Tsaka matulog na kayo. May pasok pa tayo bukas."
Nina: "Eh paano ka naman, Kit? Hindi ka ba matutulog sa bahay niyo?"
Kit: "Bukas, pagkatapos ng klase akong uuwi. Tsaka nakapagtayo na ako ng Tent dito. Sayang naman kung hindi ko lulubusin ang pag-Cacamping."
Nina: (Kit, nagpapalusot ka pa. Ayaw mo lang talaga lubayan si Emily.) "Kung ganon, babalik na kami sa bahay para matulog."
Kit: "Ghe. Good night."
Sabay kaway ni Kit habang pinagmamasdan ang niluluto nitong manok.
Agad namang bumalik sina Emily at Nina sa loob ng kanilang bahay, tsaka sila bumalik sa kanilang kwarto para matulog.
Pero bago matulog ang dalawa, sandali muna nilang binuksan ng bahagya ang kanilang bintana at sinilip kung ano ang ginagawa ni Kit.
Nina: "Sira ulo ba talaga siya. Akalain mo, naisip niyang mag-Camping sa tapat ng bahay namin."
Emily: "Oo nga eh. Tsaka kasalukuyan pa rin siyang nagluluto ng Lechon Manok."
Maya't maya, umabot sa kanilang bahay ang amoy ng nilulutong Lechon Manok ni Kit.
Nina: "Ang bango naman nun. Ano kaya pinapahid niya sa manok?
Emily: "Hindi ko din alam. Pero infairness, marunong siyang magluto."
Nina (teasing): "Lulutuan ka kaya niya ng manok sakaling maging Boyfriend mo siya?"
Nagulat si Emily sa sinabi ni Nina at namula ang kanyang mukha. Pero masungit niyang sinagot ang tanong ni Nina.
Emily (unamused): "Nina! Ayokong maging Boyfriend si Kit! Napakasalbahe niya! At hindi siya gentleman na gaya sa mga boys!"
Napatitig ng nakasimangot si Nina kay Emily dahil sa napansin niyang taliwas sa sinabi ni Emily ang reaksyon ng kanyang mukha. Naiinis na pinagsabihan ni Emily si Nina.
Emily (irrirated): "Nina! Itigil mo nga yan! Huwag mo ngang gayahin si Kit!"
Nina: "Sigurado ka ba sa sagot mo?"
Emily: "Oo! At ayoko sa kanya!"
Nina: (Nag-dedeny ka pa, Emily. Kabaliktaran ng sinabi mo, ang pamumula ng mukha mo.) "Hay...Kung ganun, matulog na tayo. Pabayaan na lang natin si Kit."
Emily: "Oo. Mabuti pa nga."
Isinara ni Nina ang bahagyang bukas na bintana ng kanilang kuwarto at natulog sila ni Emily sa kanilang kama.
Habang si Kit, naghahapunan pa lang matapos maluto ang kanyang Lechon Manok.
Eksaktong 2 AM ng madaling araw, nang maalinpungatan si Emily at napansing napakalamig ng simoy ng hangin.
Nakita din niyang napakahimbing ng tulog ni Nina at imposible din itong magising dahil sa sobrang lamig ng klima.
Kaya naisip niyang magtimpla ng maiinom na gatas.
Ngunit, pagbangon ni Emily, nakita niyang nakasindi pa rin ang bonfire ni Kit sa bintana.
Hinala ni Emily, nilalamig marahil na si Kit dahil sa sobrang lamig ng simoy ng hangin at sinusubukang magpainit, gamit ang bonfire.
Para makasiguro si Emily sa kanyang hinala, bahagya niyang binuksan ang kanilang bintana at sumilip rito.
Gaya ng kanyang hinala, nilalamig nga ito at tila nakalimutang dalhin ang sariling kumot.
Emily: (Grabe ka naman, Kit. Akala ko pa naman, umuwi ka na sa bahay niyo. Ano pa bang ginagawa mo dIyan sa labas?)
Naawa si Emily sa sitwasyong kinahaharap ni Kit.
Kaya kinuha ni Emily ang extra niyang kumot sa drawer tsaka siya bumaba sa kusina para magtimpla ng gatas.
Pero imbes na magtimpla siya ng gatas para sa kanyang sarili, naisip niyang timplahan din si Kit.
Matapos makapagtimpla ng gatas sa dalawang mug, isinuot ni Emily ang kanyang jacket at lumabas ng bahay, dala ang dalawang mainit na mug na may lamang gatas at ang kanyang kumot.
Pagdating sa bakanteng lote kung saan nag-Cacamping si Kit, nadatnan niyang nakaupo sa tabi ng bonfire na nakakrus ang pareho nitong mga braso.
At pilit na iniiglip ang kanyang sarili, ngunit nilalamig pa rin si Kit sa tuwing umiihip ang malamig na simoy ng hangin.
Kaya agad kinausap ni Emily si Kit at ibinigay ang mug ng gatas na kanyang hawak.
Emily: "Hay...Naku, Kit. Ang tigas ng ulo mo. Yan tuloy napala mo."
Kit: "K-K-Kung nandito ka lang para mang-insulto, ma-mabuti pa, bu-bumalik ka na lang sa bahay niyo."
Emily: "Ewan ko sayo. Eto, kunin mo."
Agad kinuha ni Kit ang ini-abot na mug ng gatas mula sa kamay ni Emily. Tsaka agad ding ininom ni Kit.
Emily: "Oy! Hinay-hinay ka lang. Mapapaso ang dila mo niyan."
Bahagyang napaso ang dila ni Kit dahil sa mainit na gatas na ibinigay ni Emily. Ngunit pinilit na lang niya itong inumin.
Kahit papaano, hindi gaanong naubos ni Kit ang gatas na kanyang iniinom.
Matapos makainom ng konti sa mug, nagtanong si Kit kay Emily.
Kit: "Akala ko ba, galit ka sa akin?"
Emily (disappointed): "Hindi ako galit. Naiinis lang ako sayo dahil sa pangbubuntot mo sa akin. Pero dahil sa nakaka-awa ang hitsura mo ngayon, naisip kong bigyan ka ng mainit na maiinom. Tsaka kunin mo na rin itong kumot ko. Ibalik mo na lang pagkatapos mo gamitin."
Kinuha ni Kit ang inalok na pink na kumot ni Emily, tsaka ibinalot sa kanyang buong katawan.
Hindi man gaano kakapal ang kumot ni Emily, nagpapasalamat na lang si Kit sa pagpapahiram nito ng kumot.
Kit: "Salamat."
Emily: "Oo na. Tsaka bakit ka pa nandito, Kit? Akala ko ba, hindi mo na ako babantayan?"
Sandaling hindi kumibo si Kit. Kalaunan ay sinabi niya rin ang kanyang dahilan kung bakit hindi pa ito umuuwi.
Kit: "Balita ko sa TV may magaganap na Meteor Shower ngayung gabi."
Emily (shocked): "Huh? Meteor shower?"
Kit: "Oo. Kaya hindi muna ako umuwi. Gusto kong makakita ng aktwal na Shooting Star. Sabi nila, matutupad ang anumang hihilingin mo kapag may nakita kang isa."
Tila nagkaroon ng interest si Emily sa sinabi ni Kit na matutupad ang kahit na anong kahilingan nito kapag nakakita ng Shooting star. Kaya nagtanong pa siya tungkol sa ikwinento ni Kit.
Emily: "So, naniniwala ka sa pamahiin na yan kapag nakakita ka ng Shooting star ay matutupad ang iyong kahilingan?"
Kit: "Wala namang masama kung susubukan kong humiling sa Shooting Star, hindi ba? Tsaka...."
Emily: "Tsaka ano?"
Muli na namang hindi kumibo si Kit. Ngunit nagsalita rin siya ng maisip ang kanyang sasabibin.
Kit: "Gusto ko na rin matapos itong pagkakaroon ng ganitong sakit. Isang beses sa isang araw, lagi akong inaatake ng Asthma. Ang masama pa, walang pinipiling oras ang pag-atake ng aking sakit. Kaya nagbabaka-sakali ako na sana matupad ang hiling kong mawala na ang sakit kong ito."
Natigilan si Emily at hindi rin siya kumibo matapos marinig ang sinabi ni Kit.
Naisip ni Emily na marahil ay napakahirap ng sitwasyon ni Kit, dahil naging desperado ito na gumaling mula sa kanyang Asthma at halos umasa ito sa isang simpleng pamahiin. Maya't maya, nagtanong si Kit kay Emily.
Kit: "Emily, sakaling makakita ka ng Shooting star, anong hihilingin mo?"
Emily: "Huh? A-Ako? Uhm...Ano..."
Tahimik na hinintay ni Kit ang sagot ni Emily. Ngunit nahihiya itong sabihin ang kanyang pangarap at baka pagtawanan siya ni Kit.
Kit: "Wala kang pangarap?"
Emily: "Siyempre! May pangarap din ako at wala ka na dun!!"
Kit: "Okay. Sabi mo."
Matapos inumin at ubusin ang gatas sa kanyang mug, lumipat si Kit sa damuhan kung saan tanaw niya ang mga bituin sa langit tsaka ito humiga.
Naiinis naman si Emily ng makitang ginamit ni Kit ang kanyang kumot bilang Picnic mat.
Emily: "Kit, kumot yan!! Hindi isang Picnic mat! Ba't mo naman inilatag yan sa damo?!"
Kit: "Lalabahan ko din lang naman, pag-uwi ko sa bahay."
Emily: "Siguraduhin mo lang!"
Kit: "Kung samahan mo kaya akong maghanap ng Shooting Star? Wala naman masama kung susubukan mo ding humiling."
Natigilan at nagdadalawang-isip si Emily sa sinabi ni Kit na kasalukuyang nakahiga at naghahanap ng shooting star sa kalangitan.
Pero wala namang masama na subukan ang humiling sa Shooting Star, kaya lumapit na din si Emily sa kumot na ginawang picnic mat at humiga siya, katabi si Kit.
Namangha naman si Emily matapos makita ang kalangitan na punong-puno ng mga bituin.
Emily (surprised): "W-Wow! A-Andaming ng mga stars!"
Kit: "Ang ganda, hindi ba?"
Emily: "Oo."
Kit: "Star Gazing ang ginagawa mo, kapag pinagmamasdan mo lang ang mga bituin. Ito ang dahilan kaya gusto kong mag-Camping malapit sa mga bukirin, kasi mas malinaw at mas matatanaw mo ang mga bituin sa langit, tuwing gabi."
Emily: "Ayaw mo ba sa dagat? Wala din gaanong nakaharang na mga puno dun. Ba't hindi ka doon nag-Camping?"
Kit: "Malakas ang ihip ng hangin sa dagat kapag gabi. Lalo lang akong lalamigin doon."
Emily: "Ganun ba.."
Bumalik sa pagtanaw si Emily sa kalangitan na halos hindi na ito makapagsalita dahil sa ganda at dami ng natatanaw niyang mga bituin sa langit.
Ngunit patuloy sa paghahanap ng Shooting star si Kit at umaasa siyang makakakita na siya ng isa para makahiling rito.
Hanggang sa may makitang Shooting star ang dalawa.
Emily at Kit: "Ayun!"
Halos sabay na itinuro ng dalawa ang lokasyon ng Shooting star.
Nagkatamaan ang pareho nilang kanang kamay at daliri at sabay din nagtinginan ang dalawa sa isa't isa.
Nailang si Emily matapos magkatamaan ang kanilang kamay at inilingon sa kalangitan ang namumula niyang mukha mula kay Kit.
Ngunit napansin din ni Emily ang hindi pagtitig ng nakasimamgot ni Kit na hindi gaya sa nakagawian nito.
Sa halip, nakita niya ang napakainosente at tulalang reaksyon ni Kit. Maya't maya, nagsalita si Kit.
Kit: "Emily, humiling ka na."
Emily: "Huh? Ako? Pero nakita mo rin yung Shooting Star hindi ba?"
Kit: "Oo. Pero ikaw ang unang nakakita. Tsaka nahuli kong naituro yung Shooting Star."
Emily: "Pero, paano naman yung hiling mo?"
Kit: "Makakakita pa naman ako mamaya. Kaya humiling ka na."
Emily: "Oh.....Si-Sige."
Matapos sabihan ni Kit na humiling si Emily. Agad ipinikit ni Emily ang kanyang mga mata at hiniling ang kanyang pangarap.
Emily: (Si-Siguro nga, parang imposible na ito mangyari dahil may kanya-kanyang ng mga Girlfriend ang mga Crush ko. Pero hinihiling ko na sana maisayaw ako sa Prom ng taong nagmamahal ng tunay sa akin. Tsaka hinihiling ko din na sana maisip pa ako ni Ate bilang kapatid at makasama siya sa iisang bubong na tulad ng dati, bago mamatay ang magulang namin. At panghuli, sana guminhawa na rin ang buhay namin ni Ate.)
Matapos humiling, iminulat ni Emily ang kanyang mga mata at muling tumingala sa langit.
Nang biglang may makita siyang isang sobrang napakaliwanag na Shooting star, mula sa Upper East na kanyang natatanaw, papuntang lower West sa lokasyon saan matatagpuan ang dagat.
Nagulat si Emily sa kanyang nakita at agad sinabihan si Kit.
Emily: "Ki-Kit! Nakita mo ba yun?"
Kit: "Yung alin?"
Emily: "Yung sobrang liwanag na Shooting star!"
Kit: "Pagkatapos mo humiling?"
Emily: "Oo!"
Biglang hindi kumibo si Kit matapos sabihin ni Emily ang nakita nitong napakaliwanag na Shooting star at naalala ni Kit kung ano ang ibig sabihin ng nakita ni Emily.
Kit: "Ang swerte mo naman, Emily."
Emily: "Ha? Bakit?"
Kit: "Ang sabi nila, kapag nakakita ka ulit ng Shooting Star pagkatapos mong humiling, matutupad ang iyong kahilingan."
Emily: "Ta-Talaga?"
Kit: "Sabi nung mga matatanda."
Emily: (Posibleng pang matupad ang hiniling ko? Pero kung iisipin, tanging ang hiling kong magkaroon ng Boyfriend na makakasayaw sa Prom ang alanganin ng matupad. Kung mangyayari man yun, sino namang lalaki sa School ang magsasayaw sa akin? Sandali...Huwag mong sabihing si....)
Biglang namula ang mukha ni Emily ng maisip na ang lalaking kanyang katabi ang maaring magsayaw sa kanya pagdating ng kanilang Prom.
Emily: (Hindi! Imposible! Salbahe si Kit at hindi din siya gentleman. Tsaka kung minsan, bayolente din siya sa ibang tao at bigla na lang nangungureyte! Kaya imposibleng mangyari na siya ang mismong magsasayaw sa akin!)
Napansin naman ni Kit ang biglang pananahimik ni Emily, kaya kinausap niya ito.
Kit: "Emily, anong iniisip mo? Bigla kang na tameme dyan."
Emily: "Ah...Wala! Nagulat lang ako sa sinabi mo. Hehehe!"
Kit: "He-He-He.. ka diyan."
Emily: "So, uhm... may nakita ka na bang Shooting Star kanina?"
Kit: "Huwag kang mag-alala. May nakita ako kanina habang nakapikit ka. Tsaka puwede ka naman humiling kahit hindi ka pumipikit."
Emily (unamused): "Bakit?! Masama bang pumikit habang humiling?!"
Kit: "Hindi."
Emily: "Hindi naman pala."
Muli na namang hindi nagkibuan ang dalawa habang pinagmamasdan ang kalangitan na puno ng mga bituin.
Maya't maya, napahikab si Emily dahil sa sobrang antok.
Kaya inabisuhan siya ni Kit na bumalik sa bahay ni Nina.
Kit: "Emily, mabuti pa siguro kung bumalik ka na sa bahay niyo."
Emily: "Oo. <...aahh-haaah.. > Mabuti pa nga."
Kit: "Inaantok ka na."
Emily: "Oo na nga eh."
Kit: "Good night. Kita na lang tayo bukas."
Emily: "Si-Shige.."
Dahil sa sobrang antok, agad bumangon si Emily mula sa kumot niyang ginawang picnic mat at kinuha ang dalawang mug. Tsaka siya bumalik sa bahay ni Nina.
Pagka-alis ni Emily, bumangon din si Kit at kinuha ang kumot.
Tsaka niya binuhusan ng tubig ang kanyang Bonfire at pumasok sa loob ng kanyang Tent para matulog.
Pagpasok naman ni Emily sa bahay, agad niyang hinugasan ang ginamit na mug at ibinalik sa lalagyan ng mga baso.
Tsaka siya bumalik sa kuwarto ni Nina at tumabi sa pagtulog.
Habang hinihintay na makatulog si Emily, iniisip niyang sana ay magkatotoo ang sinabing pamahiin ni Kit at umaasa siyang bukas pagising niya ay magkaroon na ng pagbabago sa kanyang buhay.