webnovel

Chapter 34- Pagbantay

Matapos takbuhan ni Emily si Kit sa Secret Garden at inaasahan niyang hindi ito makakapasok sa loob ng kanilang Classroom, kasalukuyang nakaupo si Emily sa kanyang upuan at panatag ang kanyang loob dahil sa hindi na siya masusundan pa ni Kit.

Sa kadahilanang nasarahan ito ng pinto ng kanilang Classroom, matapos pumasok ang kanilang guro na si Sir Joey.

Nagsimula sa pagchecheck ng attendance ang kanilang guro at umaasa si Emily na hindi na maririnig pa ang apelyido ni Kit ng biglang....

Sir Joey: "Kit Zacarias."

Itinaas ni Kit ang kanyang kanang kamay. Tsaka nagsalita ang kanilang guro.

Sir Joey: "Aba! Perfect attendance kayong lahat. Natutuwa naman ako at walang lumiban sa klase ko. Kung ganun, simulan na natin ang klase."

Nagulat si Emily sa sinabi ng kanilang guro at nang lumingon siya sa kanyang likod para kumpirmahin ang sinabi nito, nakita niya mismo si Kit na nakaupo sa sarili nitong upuan.

Nang makita naman si Kit ni Emily, nakasimangot pa rin ito na tumitig mula sa kanyang upuan ngunit bahagya siyang kumaway kay Emily.

Gulat, nagtataka, at hindi makapaniwala si Emily dahil sa nakita niyang nasa loob na ng kanilang Classroom si Kit at hindi maipaliwanag sa kanyang sarili kung paano ito nakapasok.

Emily (surprised): (Pa-Paano siya nakapasok dito sa room?! Kitang kita ng dalawang mata ko na hindi siya umabot sa pinto kanina! Jusko! Anong klaseng tao ba itong lalaking to?!)

Napaisip ng husto si Emily kung papaano nakapasok si Kit.

Hanggang sa naisip niyang tanungin si Nina, pagdating ng tanghali at pinili na muna niyang makinig sa Lecture ng kanilang guro.

Pagdating ng tanghali, nagsilabasan ang mga estudyante at agad nilapitan ni Emily si Nina para itanong rito kung napansin ba nitong pumasok si Kit.

Emily: "Nina! Sandali!"

Nina: "Bakit Emily?"

Emily: "May itatanong lang ako saglit."

Nina: "Ano ba yun?"

Bago itanong ni Emily kay Nina ang kanyang sasabihin, lumingon muna siya sa paligid para masigurong hindi nakabantay si Kit at nang mapansing wala ito sa paligid, agad nagsalita si Emily.

Emily: "Ni-Nina, Paano nakapasok si Kit sa Classroom?"

Nina: "Ha? Si Kit? Hindi ko din alam."

Emily: "A-Ano? Hindi mo alam kung paano siya nakapasok?"

Nina: "Eh hindi ko siya napansin kanina. Tsaka andiyan na pala si Kit sa likod mo."

Emily (shocked): "Huh?! A-Ano?!"

Paglingon ni Emily sa kanyang likod, nakita niya si Kit na nakatayo at nakatitig sa kanya.

Nainis naman si Emily ng makita si Kit at muli na naman siyang sinusundan.

Nina: "Emily, ba't di mo na lang itanong kay Kit kung paano siya nakapasok? Total, nandito na rin lang naman siya."

Napabuntong-hininga si Emily dahil pakiramdam niya, hindi siya lulubayan ni Kit kahit ano pa ang kanyang gawin.

Kaya ginawa na lang ni Emily ang mungkahi ni Nina.

Emily: "Kit, paano ka nakapasok sa loob ng Classroom kanina?"

Muling ginawa ni Kit ang nakagawian nitong pagtitig sa tao at sinagot ang tanong ni Emily.

Sa unang pagkakataon, namangha si Nina nang makita niyang nakikipag-usap si Kit.

Kit: "Ewan ko sayo, Emily."

Emily: "Anong ewan mo?! Sigurado ako na nahuli ka ng dating sa Classroom kanina?!"

Nakisali sa usapan si Nina dahil nausisa siya sa pinag-uusapan ng dalawa.

Nina: "Emily, anong pinag-uusapan niyo?"

Emily: "A-ano kasi, sigurado akong naiwan ko si Kit kanina at nagtataka ako kung paano siya nakapasok sa loob ng Classroom."

Nina: "Mukhang interisado na ako."

Emily: "Kaya sagutin mo ako, Kit. Paano ka nakapasok kanina?!"

Muli na namang tumitig si Kit sa nakagawian nitong reaksyon at matagal na hindi nagsalita.

Nainis na naman si Emily dahil sa tagal nitong sumagot.

Emily (annoyed): "Oy! Kit! Nagtatanong ako!"

Nina: "Huminahon ka nga, Emily. Ano bang ikinagagalit mo sa kanya?"

Emily: "Eh ang tagal niyang sumagot."

Hanggang sa nagsalita na si Kit at sinagot ang tanong ni Emily.

Kit: "Matalino ka sana, Emily. Kaso wala kang Common sense."

Emily: "A-Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo ha?!"

Kit: "Gusto mo malaman kung paano ako nakapasok? Simple lang naman."

Emily: "Paano?!"

Kit: "Sa bintana."

Emily (shocked): "Sa BINTANA?!"

Kit: "Oo. Sa bintana. Alam mo bang, katapat lang ng bintana ng Classroom natin yung Secret Garden? Tsaka, nag-abala ka pang tumakbo papunta sa School Corridor kung puwede ka naman dumaan sa bintana. Kaya nga nasabi kong wala kang Common Sense."

Nainis at nainsulto si Emily sa sinabi ni Kit. Ngunit hanga naman si Nina sa sinabi ni Kit.

Emily (irrirated): (Alam mo, Kit. Talagang napakasalbahe mo! Nagawa mo pang sabihin sa akin na wala akong Common Sense at sa harap pa ni Nina!!)

Nina: (Wow.... Ang taba ng utak mo. Pero mukhang naiinis na si Emily sa kanya.)

Dahil sa sobrang inis, napagdesisyonan ni Emily na iwan si Kit at pumunta na lang sa Canteen kasama si Nina.

Ngunit habang naglalakad, sumusunod naman si Kit sa kanilang dalawa ni Nina. Kaya pagalit na sinabihan ni Emily si Kit.

Emily: "Kit, Ano ba?! Huwag mo nga kaming sundan!"

Kit: "Kakain din ako sa Canteen. Bakit, isa lang ba ang Canteen dito?"

Nina: (Haha! Ang taba talaga ng utak.)

Emily: (Nakakainis ka rin!) "Sige! Sumama ka na nga sa amin!"

Wala nang nagawa si Emily sa sinabi ni Kit. Kaya hinayaan na lang niya itong sundan sila ni Nina sa Canteen.

Pagdating sa Canteen, umorder sina Nina at Emily ng pagkain at agad umupo sa kanilang kinakainang mesa.

Sumunod naman sila Althea, Daniel at Isaac at nakisabay silang kumain. Nakiupo naman sina Axel at Claire ngunit hindi nagpapansinan sina Emily at Claire.

Hanggang sa mapansin ng ibang mga kaibigan ni Emily si Kit na nakaupo sa isang silya na kumakain ng tanghalian sa likod ni Emily.

Althea: "Uhm...Guys. Napansin ko, bakit nasa likod ni Emily si Kit?"

Isaac: "Oo nga. Pansin ko nga rin."

Nina: "Hay....Napakahaba ng kuwento kung sasabibin ko pa ang mga importanteng detalye."

Althea: "Bakit Nina? Ano bang nangyari at bakit kasama natin si Kit?"

Nina: "Mahabang kwento, Alt. Pero, for short, sinusundan niya si Emily."

Nagtaka ang iba nilang mga kaibigan sa sinabi ni Nina at lalo pang dumami ang tanong sa kanilang isipan.

Althea: "Sinusundan ni Kit si Emily? Bakit?"

Nina: "Alt, sa chat ko na lang sasabihin."

Daniel: "Pero sa unang pagkakataon na nananghalian ako dito sa Canteen, ngayon ko lang nakita si Kit na kumain kasama ang ibang tao."

Isaac: "Oo nga eh. Tsaka madalas hindi mo siya nakikitang sumasabay sa ibang Estudyante."

Althea: "Nakakatuwang isipin na sumasabay siyang makikain sa atin."

Sa pagkakataong ito, natuwa ang mga kaibigan ni Emily dahil ito ang unang beses na makikain si Kit sa kanila sa Canteen.

Ngunit wala namang kumento si Emily sa sinabi ng kanyang mga kaibigan.

Matapos kumain ng pananghalian, agad bumalik sila Emily kasama ang kanyang mga kaibigan sa loob ng kanilang Classroom.

Pati na rin si Kit ay sumama rin at patuloy na binabantayan si Emily.

Ngunit, pagdating ng uwian, sabay umuwi sina Emily at Nina pauwi sa kanilang bahay nang mapansin nilang nakabuntot pa rin si Kit.

Hinayaan lang muna nila ito na sinundan sila hanggang sa makapasok sila sa kanilang bahay.

Pagpasok sa bahay, agad kumaripas ng takbo ang dalawa papunta sa kanilang kuwarto at sinilip sa bintana si Kit.

Laking gulat ni Emily ng makitang pumasok sa bakanteng lote si Kit, sumilong sa puno ng mangga na may hawak na binaucular at pinapanood sila mula rito.

Nagsisimula nang kilabutan si Emily matapos makita ang ginagawa nito.

Emily: "Ni-Nina, mu-mukhang sa nakikita ko, seryoso siya sa pagbabantay sa akin."

Nina: "Oo. Mukha nga. Pero obserbahan pa natin siya. Baka aalis din yan mamaya."

Emily: "Oo. Sana nga."

Ilang sandali pa, umalis din si Kit mula sa bakanteng lote at umuwi. Guminhawa naman ang pakiramdam ni Emily matapos umalis ni Kit.

Tsaka nagpalit ng damit pambahay sina Emily at Nina at tumulong sa gawaing bahay.

Kinagabihan, ikuwinento ni Nina sa Chat sa kanyang mga kaibigan kung bakit sinusundan ni Kit si Emily at naunawaan naman nila ito. Tsaka sila natulog ng maaga.

Kinabukasan, muli na namang sinundan si Emily ni Kit ngunit hinahayaan lang niya ito.

Kahit saan siya magpunta ay sinusundan pa rin siya, maliban sa loob ng CR ng mga Babae pero kapag lumabas siya sa CR muli na naman siyang sinusundan.

Hanggang sa tatlong araw na ang nakakalipas, sinusundan pa rin siya ni Kit na halos pag-usapan na sila ng iba pang mga estudyante.

Nagsisimula na rin maiirita si Emily sa sobrang pagbabantay ni Kit na halos pagtsismisan na silang magjowa ng kanilang mga kaklase.

Pagdating ng tanghali, napansin ng mga kaibigan nito na dismayado at tila pagod si Emily at nakasubsob ang mukha nito sa kanyang mga braso sa mesa dahil sa mga tsismis na kanyang naririnig at nakadagdag pa ang pambubuntot ni Kit, saan man siya magpunta.

Kaya nagtanong ang mga kaibigan ni Emily kung maayos pa ba ang kalagayan nito.

Althea: "Emily, okay ka lang? Parang napaparanoid ka na ata dyan?"

Emily: "Okay ako, Alt."

Isaac: "Sigurado ka?"

Emily: "Oo, Isaac."

Nina: "Emily, kausapin mo na kaya si Kit na lubayan ka na? Para naman hindi ka pinagtsitsismisan ng ibang estudyante."

Emily: "Ayaw niya."

Daniel: "Ayaw niya? Bakit ayaw niya?"

Emily: "Hindi ko din alam, Daniel. Para siyang anino na ayaw niyang mawala sa likod ko."

Althea: "Eh anong dapat nating gawin para lubayan ka ni Kit?"

Nang marinig ito ni Axel, agad siyang tumayo para puntahan si Kit na nakabantay sa likod ni Emily.

Ngunit nagtanong si Claire sa kung ano ang kanyang gagawin.

Claire: "Axel, anong gagawin mo?"

Axel: "Tuturuan ng leksyon yan si Kit."

Claire: "Ha? A-Ano?! Te-Teka?!"

Nilapitan ni Axel si Kit at galit niya itong sinabihan habang nakaupo ito sa isang silya.

Axel (irrirated): "Hoy!! Kit! Hindi ka na ba na-aawa kay Emily?! Hindi mo ba nakikitang Stressed na siya ng dahil sayo?!"

Tahimik lang si Kit na nakaupo at tinititigan si Axel.

Nang makita ni Emily na concern pa rin si Axel sa kanya dahil sa ginagawa ni Kit, tila nagsimula ulit na maging malapit ang kanyang loob kay Axel.

Maya't maya, naiiritang pinagsabihan ni Axel si Kit.

Axel: "Kit! Eto na ang huling pambubuntot mo kay Emily! Binabalaan kita! Kapa—! AHK!!"

Bago pa man matapos ni Axel sa kanyang sasabihin, binunot ni Kit ang kanyang Taser sa kanyang bulsa at kinuryente si Axel sa tagiliran tsaka ito bumulagta sa sahig.

Nagsitakbuhan mula sa Canteen ang mga Estudyanteng nakakita sa muling pangunguryente nito dahil sa takot na mapagbuntunan sila ni Kit at dahil na rin sa maling balita na ipinagkakalat ng dalawang Kambal.

Allan: "Guys!! Tumakbo na kayo!! Kinuryente ni Kit si Axel!! Nangunguryente na naman siya!!"

Allen: "Oo nga!! Tsaka gamit niya ngayon yung Battery ng kotse ni Madam Vice-Principal!! Siguradong matutusta kayo!! Motolite pa naman!"

Edward: "A-Ano?! Tinusta ni Kit si Axel?!"

Althea: "Hoy!! Kayong dalawa! Tumigil nga kayo sa pagkakalat ng maling balita!!"

Habang abala si Althea sa paninita sa dalawang Kambal, agad nilapitan nina Claire at Emily si Axel, pati na rin ang dalawang lalaki at si Nina.

Claire: "Axel?! Axel, okay ka lang?!"

Daniel: "Claire, mukha ba siyang okay sa itsura niyang iyan?! Nangingisay siya!

Nina: "Claire, mabuti pa dalhin na natin siya sa Clinic!"

Claire: "Sige, Nina. Please, guys! Pakitulungan ako."

Isaac: "Sige! Kami na ang bahala!"

Pinagtulungang binuhat nina Daniel at Isaac si Axel at dinala sa Clinic kasama sina Nina at Claire.

Galit naman pinagsabiban ni Emily si Kit sa kanyang ginawa.

Emily (mad): "Kit! Bakit mo ginawa yun?! Papatayin mo ba si Axel talaga ha?!"

Kit: "Hindi siya mamatay. Mawawalan lang siya ng malay."

Emily: "Pero nangingisay siya kanina!"

Kit: "Hindi siya mamatay. Tsaka nakikialam siya. Akala mo naman kung sinong bayani?"

Emily: "Hindi siya nagpapakabayani, Kit! At nag-aalala lang siya sa akin dahil sa sobrang pagbabantay mo!"

Tumahimik si Kit matapos magsalita ni Emily. Pero galit pa rin si Emily sa ginawang pangunguryente ni Kit kay Axel.

Maya't maya, nagtanong si Kit kay Emily.

Kit: "Bakit hindi kayo nagpapansinan?"

Emily (unamused): "Sino? Si Axel?! Tsaka pakialam mo?!"

Kit: "Pati yung babaeng kasama niya. Hindi mo din pinapansin."

Emily: "Anong pakialam mo, Kit?! Ang sabi mo lang, babantayan mo lang ako! Pero hindi kasama ang personal kong buhay sa babantayan mo!"

Sandaling tumahimik si Kit at tinitigan si Emily. At dumagdag pa ng sinabi si Kit.

Kit: "Kaibigan ang tingin pa rin nila sayo. Pero ayaw mo silang tanggapin bilang mga kaibigan."

Emily (irrirated): "Tsaka ano bang pakialam mo, Kit?! Wala kang pakialam kung hindi ko kakausapin sina Axel at Claire! At labas ka na din sa kung ano ang namamagitan sa amin?!"

Sa sobrang inis ni Emily dahil sa pag-ungkat ni Kit ng namamagitan sa kanilang tatlo nina Axel at Claire, hinablot nito ang kanyang bag at biglang umalis palabas sa Canteen. Sinundan naman siya ni Kit, pabalik sa kanilang Classroom.

Pagdating sa Classroom, sakto namang dumating si Nina, kasama sila Daniel, Isaac at Althea at ibinalitang nawalan lang ng malay si Axel at makakabalik bago magsimula ang kanilang klase sa hapon.

Tahimik namang dumaan si Claire at dumiretso papunta sa kanyang upuan.

Napanatag ang loob ni Emily ng malamang nasa maayos lang na kalagayan si Axel.

Ngunit lumingon si Emily at galit na tinitigan si Kit dahil sa ginawa nitong pangunguryente.

Ilang minuto pa ang lumipas bumalik si Axel sa Classroom at laking tuwa ng iba nilang kaklase na nasa maayos itong kalagayan.

Kagaya ng ginawa ni Emily, galit din na tinitigan ni Axel si Kit.

Ngunit binale-wala lang kay Kit ang pagtitig nito, hanggang sa dumating ang kanilang Subject Teacher para simulan ang kanilang klase sa hapon.

Pagkatapos ng klase, agad naglakad si Emily paalis ng Classroom para hindi siya buntutan ni Kit.

Paalis na rin sana si Kit para sundan si Emily, nang hinarangan siya ni Axel sa pinto kasama si Claire na nasa likod naman nito.

Axel: "Hanggang diyan ka na lang, Kit!"

Tinitigan lang ng nakasimangot ni Kit si Axel at iniwasan ito.

Tsaka niya sinubukang lumabas sa kanang bahagi ng pinto.

Ngunit agad siyang hinarangan ni Axel. Sinubukan naman ni Kit na umiiwas ngunit muli na naman siyang hinarangan ni Axel hanggang sa nagpatintero sila sa pinto.

Maya't maya, tumigil si Kit at inakala naman  ni Axel na sumuko na ito sa pagsunod kay Emily.

Axel (sarcastic): "Ano, Kit? Suko ka na? Hindi mo na maabutan si Emily!"

Kit: "...Axel.... Tumabi ka diyan."

Nagulat si Axel ng marinig nitong magsalita si Kit. At ganun din si Claire. Ngunit hindi nagpatinag si Axel sa sinabi ni Kit.

Axel (smirk): "Tumabi ako? Bakit? Anong gagawin mo kapag hindi ako tumabi?"

Sandaling hindi kumibo si Kit sa sinabi ni Axel.

Ngunit lumapit si Kit at bigla nitong hinablot ang Collar ng T-Shirt ni Axel gamit ang kanang kamay at tinitigan ang mukha nito, malapit sa mukha ni Axel.

Biglang kinilabutan si Axel ng makita nito sa unang pagkakataon ang nanlilisik nitong mga mata at ang galit na reaksyon ni Kit. Tsaka ito nagsalita.

Kit: "Alam mo bang ikaw ang may kasalanan kung bakit ko binabantayan si Emily? Kung hindi mo sana siyang sinaktan, hindi sana siya magtatangkang magpapakamatay doon sa School Roof top."

Nagulat si Axel ng malaman niyang pinagtangkaang tapusin ni Emily ang sarili nitong buhay, ayon sa sinabi ni Kit. Nagpatuloy pa sa pagsasalita si Kit.

Kit: "Axel.... Kung hindi ako nataon na nasa Roof top nang sa mga oras na iyon, dapat pinaglalamayan na sana si Emily sa mga oras na ito. Pero sa ngayon, wala akong tiwala sa sinabi niyang hindi na niya uulitin ang pagpapakamatay. Kaya naman, kapag hindi ko naabutan si Emily ngayon dahil sa panghaharang mo at nalaman kong nagpakamatay siya..."

Sandaling hindi kumibo si Kit. Ngunit lalong kinilabutan si Axel sa sumunod na sinabi ni Kit.

Kit (death stare): "...Dudurugin kita, Axel....Hahanapin kita, sisirain ko yung ang buhay mo, at ipapakain ko ang bangkay mo sa mga ibon... Kaya pakiusap ko lang sayo...Tumabi ka diyan sa pinto..."

Matapos sabihin ni Kit ang kanyang sinabi, agad din nitong binitawan ang Collar ng T-Shirt ni Axel.

Nakita ni Axel sa galit na mga mata ni Kit na hindi ito nag-bibiro at handa itong pumatay, sakaling may mangyaring masama kay Emily.

Kaya pinili na lang nito na tumabi mula sa pinto.

Nagtaka naman si Claire sa ginawa ni Axel.

Nang tumabi si Axel, agad naglakad si Kit palabas ng pinto. Ngunit may pahabol pang sinabi si Kit kay Axel.

Kit: "...Axel.. Isang bagay pa. Alam mo sa sarili mo na nasaktan mo si Emily. Kaya isa lang ang maipapayo ko lang sayo, ay yung makipagkaibigan ka na lang kay Emily."

Sabay umalis si Kit palabas ng eskwelahan. Lumapit naman ni Claire upang tanungin si Axel kung ano ang nangyari.

Claire (worried): "Axel? Anong nangyari? Ba't namumutla ka?"

Axel: "O-Okay lang ako, Claire. Ma-mabuti pang umuwi na rin tayo."

Matapos sabihan ni Axel si Claire, agad din silang umalis ng eskwelahan at umuwi sa kanilang mga bahay.

Habang naglalakad sina Axel at Claire, ipinaliwanag ni Axel kung paano magalit si Kit at pinili na lang nilang huwag itong pakialaman sa ginagawa nitong pagbabantay kay Emily.

Makalipas ang ilang minuto, matapos makauwi sila Emily at Nina galing eskwelahan, napanatag si Emily sa kanyang sarili dahil hindi na siya sinusundan pa ni Kit sa kanilang bahay.

Pero ang hindi niya alam, may pinaplano na namang kakaiba si Kit para siya ay bantayan.