Ilang mga umaga ang dumaan at nagsimula na naman ang araw sa nakagawian ng eskwalahan ni Emily.
Ngunit sa pagkakataong ito, iba naman ang nangyari sa araw ng pagtratrabaho ni Lucile.
Pagkabukas ng Mall kung saan nagtratrabaho si Lucile bilang isang sales lady ng isang Brand ng sapatos.
Dumating din ang kanyang Baklang Boss na branch manager din ng Stall na kanyang pinagtratrabahuhan.
Lucile: "Good morning, Sir."
Boss: "Hello! Good morning din! Hay.....panibagong araw na naman para magtinda ng sapatos. Sana man lang, Lucile hindi ka nagsasawa sa trabahong ito."
Lucile: "Hindi naman po, Sir. Tsaka okay naman po ako sa trabahong binigay niyo. Basta nasasahuran po ako ng patas."
Boss: "Oo naman, Lucile. Kaya lang nag-aalala ako na baka nagsasawa ka na sa trabahong to. Tsaka naiinggit talaga ako sa katabi nating PULSE fashion na tindahan ng damit."
Lucile: "Bakit naman po, Sir? Anong mayroon po sa kanila na wala po sa atin?"
Boss: "Ano kasi.....Wala silang binabayarang mga utang at matagumpay ang kanilang business. Samantalang business branch natin, parang malapit ng malugi at maalis dito sa Mall."
Lucile: "Teka? Sinasabi niyo po bang baon sa utang ang kumpanya?!"
Nagulat si Lucile ng malaman niyang maraming utang ang kumpanya ng sapatos kung saan siya nagtratrabaho at nangangamba ang kanyang Boss na branch manager sa Mall na baka mawalan sila ng trabaho.
Maya't maya nagsidatingan na din ang mga ibang sales lady na kanilang kasama sa pagtratrabaho.
Boss: Okay, Guys! Simulan na natin ang trabaho ng hindi tayo malugi sa araw na ito. Do your best."
Agad inilabas ng mga Sales lady ang mga sapatos na kanilang ibebenta at pumunta naman sa Storage room si Lucile para ilabas ang mga bagong dating na sapatos na kanilang ibebenta.
Ngunit bago siya pumasok sa Storage room, pumunta muna siya saglit sa Manager's office para kausapin ang kanyang Boss.
Lucile: "Sir, matanong ko lang po kayo saglit."
Boss: "Ano yun, Lucile?"
Lucile: "Sir, kaya niyo po ba ako tinatanong kung nagsasawa na ba ako sa aking trabaho ay dahil, malapit na bang mawala itong Shop?"
Nang itanong ito ni Lucile sa kanyang Boss, tumango na lang ito bilang pagsang-ayon na malapit na ngang ipasara ang Shoe branch ng kanilang kumpanya dahil sa malaking utang ng mga may-ari.
Dismayado naman si Lucile ng malaman ang kahihinatnan ng trabaho na kanyang pinapasukan.
Ganun pa man, humingi ng tawad ang Boss ni Lucile dahil sa malapit ng magsara ang kanilang shoe shop.
Boss: "Girl, patawarin niyo sana ako at nang mga kasama mo sa trabaho. Pero wala din akong magagawa. Empleyado din ako gaya niyo at pare-pareho din tayong mawawalan ng trabaho."
Lucile: Boss, wala na po bang paraan yung may-ari na maisalba ang kumpanya?"
Boss: "Balita ko sa ibang Branch managers, nagsisimula ng magsara ang ilan sa mga Regional branches. Mukhang sa nakikita ko, Bankrupt na ang kumpanyang ito."
Nalungkot si Lucile ng marinig mula sa kanyang Boss na hindi na mapipigilan ang pagkalugi ng kumpanya kung saan siya nagtrabaho.
Ngunit pinayuhan siya ng kanyang Boss.
Boss: "Lucile, habang maaga pa, mag-apply ka na dyan sa kabila."
Lucile: "Ha? Boss ano pong sinasabi niyo? Ba't naman ako mag-aapply sa kabila?"
Boss: "Balita ko, ang laki ng binibigay na benepisyo diyan sa kabila. Balita ko pa, binibigyan nung may-ari ng kumpanya nila ang mga empleyado ng matitirahan. Tsaka kapag nakapasok ka sa PULSE company, hindi mo na proproblemahin pa ang makisama kay Ramon."
Pinag-isipan naman ni Lucile ang sinabi ng kanyang Boss.
At lingid sa kaalaman ng lahat, ang Boss ni Lucile ay kaklase ni Ramon noong nasa High School pa ang mga ito.
Ngunit, hindi sila magkasundo nito, dahil na rin sa alam ng Boss ni Lucile ang ugali ni Ramon. Maya't maya, sumagot si Lucile sa kanyang Boss.
Lucile: " Boss, pasensya na, pero nagdadalawang isip ako sa sinabi niyo pong payo."
Boss: "Okay lang, Dear. Take your time. Because there will be a right time. Sa ngayon, enjoyin na lang natin na time na magkakasama at may trabaho, bago pa malugi ng tuluyan ang lugar na ito."
Lucile: "Opo. Sige po Boss. Salamat po sa payo po."
Boss: "Okay lang. Your welcome."
Tsaka bumalik si Lucile sa Storage room para kunin ang bagong dating na mga sapatos.
Nang mailabas ni Lucile at inihelera ang mga sapatos, saktong 9 ng umaga, nagsi-dagsa ang mga mamimili.
Nakabenta pa ng ilang mga sapatos ang mga kasamahan ni Lucile bago ulit mawalan ng tao ang kanilang shop.
Makalipas ang isang oras, hindi inasahan ni Lucile ang sumunod na mga Customer.
Unang dumating si Ramon at tila naiinis pa ito ng makita si Lucile na nagtratrabaho sa Shoe shop.
Sandaling nag-ikot pa ito sa shop para tumingin ng mga Rubber shoes.
Maya't maya, isang babaeng nakasuot ng black slim dress, puying Floppy hat, at Itim na heels ang pumasok at sun glasses. Agad dumiretso sa Heels area ang babae para tumingin ng mabibiling sapatos.
Ilang sandali pa, tinawag ni Ramon si Lucile para tulungan siyang pumili ng sapatos.
Ramon: "Lucile! Halika! Pakitulungan mo nga ako saglit."
Lumapit naman si Lucile para tulungan si Ramon. Tsaka niya tinanong kung ano ang gusto ni Ramon na sapatos.
Lucile: "Sir. Ano pong maitutulong ko po sa inyo?"
Ramon: "Ayoko ng mga design ng sapatos dito. Wala na ba kayong ibang binebenta?"
Lucile: "Sir, Pasensya na po. Yan lang ang mayroon kami sa ngayon."
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang nagalit si Ramon kay Lucile na tila ba sinasadya nitong magalit upang ipahiya si Lucile.
Ramon: "Sabi sa poster sa labas, may Air Flow kayong sapatos dito?!! Bakit sinasabi mo ngayon na wala?!"
Lucile: "Sir, "out-of-stock" po kami ngayon ng Air Flow na sapatos. Kung okay lang po sa inyo, puwede naman po kayong bumalik next week para masabi po namin sa Main Branch na magpadala ng Stocks para sa Air Flow."
Ramon: "So, sinasabi mo na ikaw pa ang mas marunong magdesisyon kung kailan darating yung Air Flow na sapatos?!"
Lucile: "Hindi naman po sa ganun, Pero yun po ang-"
Ramon (annoyed): "Bastos mo ah! Ikaw pa ang mas marunong sa Customer!"
Nakatawag pansin sa mga dumaraan at sa mga Sales Lady ng Shoe shop ang malakas na boses ni Ramon.
Agad namang tinawag ng mga kasamahan ni Lucile ang kanilang Branch manager kung saan nakialam ito sa ginagawang pangpapahiya ni Ramon.
Boss: "Anong nangyayari dito? At Ramon? Anong ginagawa mo dito?!"
Ramon: "Hindi ba halata? Nandito ako para bumili ng sapatos! Tsaka, Boche, ikaw pala ang Manager dito!"
Boss: "Kung ako nga? Bakit? Anong maipaglilingkod ko sa arroganteng kagaya mo?"
Ramon: "Kung makapagsalita, akala mo naman kung sinong may kaya sa buhay. Branch manager ka lang naman sa isang paluging kumpanya."
Boss: "Di bale nang palugi, basta't marangal kaming nagtratrabaho dito. Napag-usapan din lang naman ang trabaho, balita ko mayabang ka na porket na-promote kang District Manager ng iyong kumpanya. Kaya ba may karapatan ka nang ipahiya ang empleyado ko sa harap ng maraming tao?"
Tahimik lang si Lucile na nakikinig sa bangayan ng kanyang Boss at si Ramon.
Ngunit natigilan ang Boss ni Lucile ng marinig ang sinabi ni Ramon.
Ramon: "Boché, ipaalala ko lang sayo, "Customers are always right!" at itong empleyado mo dito, basta na lang nagdesisyon at sinabing bumalik na lang ako next week para sa binibili kong Air Flow na sapatos. Ikaw bilang Branch Manager, tama ba na pangunahan ka ng iyong empleyado sa iyong idedesisyon?"
Boss: "Hindi. Pero kung wala namang Stock pwede niyang sabihin na-"
Ramon: "So sinasabi mong mas masusunod ang empleyado mo kaysa sayo?"
Boss: "Sabi ko naman sayo, hindi. Pero kung reasonable ang sinabi niyang-"
Ramon: "Kaya pala hanggang Branch manager ka na lang dahil sa hinahayaan mong maging bastos at walang respeto ang mga empleyado mo. Tsaka ipapaintindi ko pa sayo, Customers are always-!"
Bago pa man matapos ni Ramon ang kanyang sasabihing linya. Biglang lumapit at sumali sa bangayan ni Ramon at ang kanyang Boss, ang babaeng elegante ang pananamit tsaka nito tinanggal ang kanyang sun glasses.
Nagulat si Lucile ng makita ang mukha ng babaeng tumitingin lamang ng heels sa gilid.
Lucile: (Teka? Si Aling Amelia?! Wow.. Hindi ko man lang siya nakilala sa suot niya.)
Amelia: "WRONG! Mister!"
Ramon (shocked): "What?!"
Boss: "Opo, Madam! Wrong po siya."
Ramon: "At sino ka naman?! Ba't ka ba nakikialam dito?!"
Amelia: "I'm a fellow customer. Just like you, Mister Arrogante."
Ramon (irrirated): "Kung sino ka man na pakialamerang babae ka, hindi Arrogante ang surname ko!"
Amelia: "I don't care if you have a different last name or whatever. As long as your arrogant, I will call you, Arrogante."
Ramon: "Pakialam ko sa sinasabi mo pakialamera! Ang punto dito, kaming mga customers are-"
Amelia: "Not always right, Mister Arrogante. Especially sa mga kagaya mo. Lalo na't nang papahiya ka ng mga empleyado na hindi mo naman empleyado. Meaning, kasong Public Scandal yun. Then, kapag nagreklamo pa si iha sa mga pulis, Violence against Women and Children din yun. Another Kaso din yun para sayo dahil sa pagiging Unprofessional mo. Hindi ka ba nag-aalala na baka mawalan ka ng trabaho dahil sa ginagawa mong pagpapahiya sa babaeng ito?"
Napatigil sa pagdadahilan at pagpapahiya si Ramon matapos siyang kontrahin ng babaeng ngayon lang siya kinontra.
Namangha naman si Lucile at ang Branch Manager sa ginawa ng babae.
Maya't maya, nagsalita ng pagbabanta si Ramon sa babae dahil sa siya na ang napapahiya sa harap ng maraming tao.
Ramon (irrirated): "Alam mo, babaeng pakialamera. Kung ako sayo lumayo ka na lang dito sa usapan namin kung ayaw mo ding makasuhan. At hindi mo alam kung sino ang binabangga mo!"
Amelia (sarcastic tone): "Oh? Really, Mister Arrogante? Are you threatening me? Mukhang dagdag pa sa kaso mo yan pagbabanta mo. Also, your suit looks Familliar? Are you from Bugas Lending Corporation, perhaps?"
Nagulat si Ramon sa sinabi ng babae, matapos nitong sabihin ang pangalan ng kumpanya kung saan siya nagtratrabaho.
Tila kinabahan at naghinala ito ng mapansing may nalalaman tungkol sa kanyang pinagtratrabahuhang kumpanya ang naturang babae.
Kung kaya't, imbes na makipagbangayan pa si Ramon sa babae pinili na lang nitong umalis mula sa Shoe shop.
Ramon: "Okay. Fine. I was wrong. Total, tapos na din ang break time ko. Maiwan ko na muna kayo."
Nagmadaling umalis si Ramon mula sa Shoe shop. Tila nabunutan ng tinik ang mga empleyado at ang Branch manager matapos umalis ni Ramon.
Nagpasalamat naman ang Branch manager matapos silang tulungan ng Customer nilang babae.
Boss: "Ma'am, pasensya na po kayo sa nangyari. Mukhang naabala pa kayo dahil sa nangyari."
Amelia: "It's okay. My only concern kung bakit ako nakisali is because of the attitude of that man. Hindi dapat minamahal ang ganung uri ng tao. Anyway, are you okay, Dear?"
Lumapit at tinanong ng babae si Lucile upang kamustahin ang kalagayan nito. Natutuwa namang sumagot si Lucile ng kinamusta siya ng babae.
Lucile: "Ahh.... Ma'am, sorry po kanina. Tsaka okay lang po ako."
Amelia (worried): "Sigurado ka bang okay ka lang, Lucile?"
Lucile: "O-Opo, Ma'am. Okay lang po ako."
Boss: "Teka? Magkakilala kayo ni Ma'am?"
Lucile: "Opo, Boss."
Amelia: "Yes, Dear. We just recently meet each other at the Cemetery last week."
Boss: "Kung ganun po, Salamat po ulit sa tulong po ninyo. Bibigyan ko na po kayo ng 50% discount to all items."
Amelia: "No need for that, Mister Manager. I will buy the item to its original price. Speaking of price. Ano ang pinakamaganda at dekalidad na sapatos na mayroon kayo dito, Miss Lucile?"
Lucile: "Ha? Uhm.. Ma'am? Gusto niyo po na ako ang-"
Amelia: "Yes, Dear. Can you please assist me?"
Lucile: "Y-Yes Ma'am! This way po."
Dahil sa gusto ng babae na i-assist siya ni Lucile, ipinakita ni Lucile sa babae kung paano siya magtrabaho at inassist ang babae sa pamimili ng sapatos.
Ang hindi alam ni Lucile, pinagmamasdan siya ng mabuti ng naturang babae na tila kinikilatis si Lucile kung paano siya magtrabaho.
Maya't maya, nakapili na ang babae ng bibilhin nitong mga sapatos at nagulat ang Branch manager nang makitang binili ng babae ang mga nagmamahalang mga sapatos na hindi pa nabibili sa kanilang shop at inilagay ito sa Counter.
Cashier: "Ma'am, total of 20,000 pesos po lahat ng babayaran po ninyo. Sigurado na po ba kayo sa napili po ninyo? Pwede po namin kayong bigyan ng Discount."
Amelia: "Hindi na kailangan. Tsaka Miss Lucile."
Lucile: "Yes, Ma'am?"
Tinignan ng babae si Lucile mula ulo hanggang paa. Nagtataka naman si Lucile sa kakaibang pagtitig ng babae sa kanya. Hanggang sa nagsalita ang babae.
Amelia: "Miss Lucile, napaka-Professional mo at natutuwa ako sa iyong Assisting skills."
Lucile: "M-Maraming salamat po, Ma'am. Ikinagagalak ko pong makatulong."
Amelia: "Ako din, Miss Lucile. Sa nakikita ko, magkaroon ka lang ng Secretarial training, maari ka nang makapasok bilang Secretary sa isang Corporate company."
Lucile: "Opo. Sana nga po. Kasi pangarap ko din pong makapagtrabaho sa isang Kumpanya."
Amelia: "In right time, iha. Makakamit mo din ang pangarap mo."
Lucile: "Salamat po, Ma'am."
Amelia: "And one more thing."
Lucile: "Ano po yun, Ma'am?"
Amelia: "Puwedeng pakidagdag na rin sa bibilhin ko ang tatlong rubber shoes dun sa kanto?"
Lucile: "Sige po, Ma'am." (Rubber shoes? Para kanino kaya niya ito ibibigay?)
Nagtataka man si Lucile kung bakit binili ng babae ang tatlong rubber shoes na nakasabit sa kanto, agad niya itong kinuha at idinagdag sa counter.
Nang mailagay sa supot ang mga sapatos, binayaran ng babae ang tumataginting na 21,500 pesos na halaga ng mga sapatos.
Tsaka ito muling nagpasalamat kay Lucile at sa Branch manager.
Amelia: "Miss Lucile and the Branch manager, salamat sa pag-assist sa akin."
Boss: "Ma'am, hindi po dapat kayo ang nagpapasalamat. Kami po dapat ang nagpapasalamat po sa inyo."
Lucile: "Opo, Ma'am. Salamat po."
Amelia: "Then, thanks na lang ulit. Till next time, Guys."
At umalis mula sa Shoe shop ang naturang babae, dala ang ipinamili nitong mga sapatos. Pagka-alis ng babae, kinausap si Lucile ng kanyang Boss.
Boss: "Girl, uuwi ka pa ba sa bahay niyo after ng work?"
Lucile: "Boss, hindi ko alam. Tsaka nag-aalala nga ako baka gumanti si Ramon sa akin."
Boss: "Yun nga ang problema. Alam mo namang may sumpong yung Boyfriend mo."
Lucile: "Alam ko. Pero si Emily ang ina-aalala ko. Kapag hindi ako umuwi baka pagbuntunan niya ng galit ang kapatid ko. Tsaka malaki pa rin ang utang na loob ko kay Ramon sa pagpapa-aral kay Emily. Kaya hindi ako pwedeng hindi umuwi."
Napabuntong hininga na lang ang Boss ni Lucile matapos marinig ang kanyang sinabi.
Boss: "Kung ganun, Lucile. Mag-iingat ka."
Lucile: "Yes, Boss."
Boss: "Okay. Balik na ang sa trabaho."
Lucile: "Opo, Madame!"
Matapos ang konting pag-uusap, bumalik sa pagtratrabaho sila Lucile at ang kanyang Boss. Ngunit nag-aalala si Lucile sa kung anu ang mangyayari sa kanilang bahay pag-uwi nito, matapos mapahiya si Ramon sa maraming tao.
Ganun, pa man, nagpatuloy na lang siya sa kanyang trabaho at pansamantalang hindi inisip ang mangyayari.
Samantala, sa labas ng Mall, pumasok ang babaeng bumili ng sapatos sa loob ng isang Pula at magarang Ford Everest na naka-Park tsaka ito pinaharurot ng Driver. Habang pauwi sa kanyang bahay, kinausap siya ng Driver ng sasakyan.
????: "Ate, kamusta ang Shopping Spree?"
Amelia: "Okay naman."
Napansin ng Driver na tila naghihinayang sa isang bagay ang kanyang kapatid. Kaya tinanong niya ito.
????: "Is there something in your mind, Ate?"
Amelia: "Yes. It's about that Sales lady."
????: "Why, Ate? Is she pretty?"
Amelia (unamused): "Looks talaga ang basis mo sa paghahanap ng Secretary? Not the Skills?"
????: "Sorry, Ate. I also consider the Skills."
Amelia (annoyed): "She has the Potential to become your Secretary in your office. As the Director of the Aguire Aegis Industries. So stop Fooling around!! Genius!!"
????: "Sorry, Ate. Tsaka, ang hirap kayang maging pinaka-batang milyonaryo at the age of 25!"
Amelia (annoyed): "Hay..... Kaya nga don't play around like an Idiot!"
????: "Ate, mayroon pa naman si Kuya as the Chief Executive Officer. Kaya pwede pa akong mag-enjoy!!"
Nagsalita ang lalaking nasa Passenger Seat at pinagsabihan ang Driver.
????: "Alam mo, napaka-Genuis mo talaga! Mana talaga ang pamangkin ko sayo!"
Sinagot naman ng Driver ang sinabi ng lalaki.
????: "Kuya, mana din naman siya sa pagiging tahimik mo."
Sumabat naman ang lalaking nasa Passenger seat.
????: "Naging tahimik lang naman siya ng dahil sa-"
Amelia (mad): "BOTH OF YOU! SHUT UP!"
Biglang nagalit ang babae matapos marinig ang bangayan ng kanyang mga kapatid. Tumahimik naman ang dalawang lalaking bilang respeto sa babae. Maya't maya, nagsalita ang babae.
Amelia (realizing): "I'm sorry. Nabigla lang ako."
????: "We understand, Ate."
Naunawaan ng dalawang lalaki ang ibig iparating ng kasamang babae.
Ganun pa man, nagpatuloy sa biyahe ang mga ito pauwi sa kanilang bahay.