Nagsimula na naman ang araw sa isang boring at nakakabagot na Lessons ng mga Subject Teachers ng 10-A. At gaya ng nakagawian, naghihintay lang ng Lunch break ang mga estudyante. Hanggang sa tumunog ang bell at nagbunyi ang karamihan dahil makakapagpahinga na mula sa nakakabagot na lessons ang mga estudyante.
Madalas na rin magkasama sina Emily at Axel, gayun din si Nina kay Isaac at Althea kay Daniel. At sabay silang pumupunta sa Canteen. Napapadalas na rin magkasama sina Ruby at Edward sa tuwing pupunta ito sa Library. Ngunit, bumabalik sa dati ang ugali ni Ruby kapag lumalabas ito mula sa naturang lugar.
Sa ngayon, abala sa pagkain ng pananghalian ang grupo ni Emily. Ngunit may mga tao na hindi pa rin nagbabago tulad nina Allan at Allen na patuloy pa rin sa plano nilang paninilip kay Claire.
Bago pa man sumuot sa ilalim ng mesa ang dalawa, agad sinipa nina Daniel at Althea ang Kambal tsaka nila hinawakan ang kamay ng mga ito sa kanilang likod at pinadapa sa sahig.
Daniel: "Ano sa tingin niyo ang gagawin niyo dyan sa ilalim ng mesa?"
Allen: "Aba! Pareng Daniel, andyan ka pala."
Allan: "Oo nga. Akala namin ibang tao lang."
Althea: "Ibang tao lang? O nagkukunwari lang kayong walang nakita?"
Allan: "Ang totoo, wala talaga kaming nakita. Di ba Tol?"
Allen: "Oo nga!"
Sumali naman sa usapan sila Nina, Emily, Claire, Isaac at Axel pagkatapos nilang ubusin ang kanilang pagkain.
Nina: "Hay.....Naku! Kilala na namin kayo! Alam lang naman namin susuot kayo sa ilalim ng mesa at sisilipan si Claire. Hindi pa ba kayo nadadala sa ginagawa ninyo?"
Allan: "Hindi."
Allen: "Oo nga."
Althea: "Ihagis ko na ba sa bintana itong dalawang to?!"
Emily: "Huwag Alt! Baka mabasag yung bintana!"
Claire: "Kung isumbong na lang natin sila ulit kay Sir Joey?"
Isaac: "Hindi din magandang ideya yan, Claire. Pagpapalinis lang naman sa banyo ang laging parusa ni Sir sa dalawang iyan."
Daniel: "Eh anong gusto niyong gawin sa dalawang to? Isabit sa puno?"
Axel: "Kung ipakuryente na lang natin sila kay Kit?"
Daniel: "Malabo din yan, Tol. Hindi kukuryentehin ni Kit ang dalawang yan. Pinapabayaan pa nga niya yan na magkalat ng kasamaan sa daan yan."
Althea: "Kung ganun, isabit na lang natin sila sa puno?"
Nina: "Guyz! Hindi magandang idea na isabit sila sa puno. Kapag nakita sila ni Ma'am Vice-Principal, pagalitan pa tayong lahat sa Section natin."
Claire: "Eh di anong gagawin natin sa kanila?"
Nag-iisip ang magkakaibigan kung anu ang nararapat gawin para tigilan na ng Kambal ang plano nilang paninilip kay Claire. Hanggang sa naubusan na sila ng ideya.
Daniel: "Guys, wala na akong maisip na ideya."
Emily: "Oo. Ako nga rin."
Nina: "Kung gumawa na lang tayo ng Rocket at ipadala natin sila sa Space?"
Althea: "Nina, hindi ito Science project. Tsaka wala namang totoong Rocket dito sa School."
Allan: "Kung magmakaawa na lang kami tapos patawarin niyo kami?"
Allen: "Oo nga! Magandang ideya yun, Tol!"
Daniel: "Ano kayo? Sineswerte?!"
Althea: "Kung akala ninyong makakalusot kayo dahil lang sa pagmamaka-awa, nagkakamali kayo!"
Hanggang sa hindi inaasahan, biglang dumating sa Canteen ang Vice-Principal para sana bumili ng meryenda ng maaktuhan nito ang grupo ni Emily na pinipigilan ang Kambal na tumayo at parehong nakadapa sa sahig. Hindi ito nagustuhan ng Vice-Principal.
Mrs. Sarmiento: "Anong sa tingin niyo ang ginagawa niyo sa dalawang iyan?"
Emily: "Ma'am, a-ano po. Sinusubukan po nilang silipan ang kaibigan po namin.
Althea: "Oo nga po, Ma'am. Kaya po pinadapa namin po sila sa sahig."
Mrs. Sarmiento: "Sinasabi niyo ba na kayo na ang magpaparusa sa dalawang iyan imbes na isumbong niyo sila sa inyong Adviser?"
Nina: "Ma'am, hindi naman po sa ganun. Pero hindi na po kasi sila nadadala sa ginagawa po nilang paninilip."
Daniel: "Oo nga po, Ma'am. Kanina nga po pinagtatangkaan nga po nilang silipan si Claire."
Mrs. Sarmiento: "Sa klase ng pagdadahilan niyo, para niyo na ring sinabi na hindi kami marunong magparusa ng mga estudyante. At parang pinapalabas niyo na mas marunong pa kayong magparusa kaysa sa aming mga guro."
Emily: "Ma'am, hindi niyo po naiintidi-"
Mrs. Sarmiento: "Lahat kayo! Sa office ko!! Ngayon na!"
Tsaka galit na umalis sa Canteen ang Vice-Principal.
Tila nainsulto ng grupo ni Emily ang Vice-Principal dahil sa nagkusa silang parusahan ang Kambal sa mga ginawa ng mga ito.
At dahil sa inutusan sila ng Vice-Principal na pumunta sa opisina nito, agad silang sumunod sa sinabi nito.
Pagdating sa opisina ng Vice-Principal agad pumasok ang grupo ni Emily sa loob kasama ang Kambal.
Pagpasok nila, nakaupo ito sa kanyang upuan na naka-krus ang parehong kamay sa kanyang dibdib at naiinis pa rin sa kanyang mga nakita at narinig mula sa Canteen.
Maya't maya nagsalita ang Vice-Principal.
Mrs. Sarmiento: "Anong Year at Section kayo galing?"
Emily: "10-A po, Ma'am."
Mrs. Sarmiento: "10-A kayo? Sigurado ba kayo?"
Nina: "Opo, Ma'am."
Mrs. Sarmiento: "Kayong dalawa, Year and Section?"
Allan: "10-A din po, Ma'am."
Allen: "Opo, Ma'am."
Napataas at kumulubot ang kilay ng Vice-Principal ng marinig kung saang Section galing ang Kambal. Kaya nagsalita pa ito."
Mrs. Sarmiento: "Yung kambal, paano kayo nakalusot sa Section 10-A? Hindi ba dapat nasa Section G kayo?"
Nina: (Section G? Ibig sabihin dapat nasa Section G sila?)
Claire: (Teka? Walang ideya si Ma'am Sarmiento na nasa Section-A sila?)
Allan: "Ma'am, kasi po yung General Average namin noong nasa Grade 9 pa po kami ay mataas din."
Allen: "Opo, Ma'am."
Mrs. Sarmiento: "Sino Adviser niyo noong Grade 9 at ng makausap ko?"
Sandaling hindi kumibo at nagtinginan sa isa't isa ang Kambal.
Muli na naman napataas ng kilay ang Vice-Principal dahil sa naging reaksyon ng Kambal.
Mrs. Sarmiento: "Oh? Ba't hindi kayo makasagot?"
Allan: "Ehhhh.... Kasi po, Ma'am....."
Mrs. Sarmiento: "Kasi ano?"
Allen: "Ma'am, si Sir Robert Talangkaw po ang Adviser po namin last year."
Nang marinig ng Vice-Pricipal ang pangalan ng dating Adviser nina Allan at Allen, napakamot na lang ito ng ulo.
Mrs. Sarmiento: "Adviser niyo yung matandang binata na iyon?!"
Allan: "Opo, Ma'am."
Daniel: "Teka?! Di ba patay na yun?"
Allen: "Oo, Daniel. Naatake daw sa puso noong bakasyon."
Axel: "Hindi ba siya namatay, dahil sa wala na siyang Baga, dahil sa kakasigarilyo niya?!"
Allan: "Yun din balita ko eh."
Mrs. Sarmiento: "Okay! QUIET!"
Daniel: "Sorry po, Ma'am."
Napakamot ng husto sa ulo ang Vice-Principal dahil sa problemang iniwan ng namatay na Adviser nina Allan at Allen noong Grade 9 pa ang mga ito.
Dahil dito, hinayaan na lang ng Vice-Principal na manatili sa Section 10-A dalawa imbis na ilipat ang Kambal sa G.
Mrs. Sarmiento: "Hay....magiging magulo na naman ang mga report cards kapag inilipat ko pa kayo sa Section G. Wala na din kasi ang dati niyong Adviser na sya sanang pipirma sa transfer report na gagawin ko. Ang swerte niyo."
Allan: "Thank you po, Ma'am."
Allen: "Oo nga. At makakasama pa namin ng matagal si Claire."
Mrs. Sarmiento: "Pero hindi ibig sabihin, lusot na kayo sa aking parusa."
Akala nina Allan at Allen makakahinga na sila ng maluwag dahil hindi na sila ililipat sa Section G. Pero hindi pa rin sila lusot sa ibibigay na parusa ng Vice-Principal at nadamay din pati ang grupo ni Emily.
Mrs. Sarmiento: "Ganito ang mangyayari, lahat ng nandito sa office, maliban sa Kambal, mag-didilig kayo ng halaman sa buong school mamayang hapon. Mula sa Gate, sa Garden hanggang sa likod ng School.
At ang gagamitin niyong pandilig, yung tabo at timba."
Emily: "Se-Seryoso po ba kayo?!"
Daniel: "Ma'am! Ang lawak po ng School! Madidiligan po ba namin lahat ng halaman po dito?"
Mrs. Sarmiento: "Gusto niyo, gawin kong dalawang timba, bawat isa sa inyo, ang gagamitin ninyong pandilig?"
Nina: "Ma'am, hi-hindi na po. Okay na po kami sa isang timba. Magaan naman po yun, hindi po ba?"
Sandaling tumahimik ang Vice-Principal sa sinabi ni Nina at naisip na pumunta sa banyo. Tsaka kinuha ang isang malaking timba na abot hanggang tuhod at ipinakita sa grupo ni Emily.
Nang makita ang timba, tila naisip nilang hindi naging maganda ang nasabi ni Nina.
Mrs. Sarmiento: "Ito ang gagamitin niyong timba sa pagdidilig mamaya at mag-iikot ako sa buong School para tingnan kung nadiligan niyo na lahat ng mga halaman. Tsaka kayo pauuwiin sa inyong mga bahay kapag natapos niyo ang ipinapagawa ko. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Tumango at nagsabi ng "Opo" at "Yes, Ma'am" ang ilan sa mga kasama ni Emily. Ngunit nagsalita pang muli ang Vice-Principal para naman sabihin ang parusa ng Kambal.
Mrs. Sarmiento: "At para naman sa inyong dalawa, pupunuin niyo lahat ng Drum ng tubig sa lahat ng CR dito sa School. Gamit yung balon doon sa likod ng School Building."
Allan: "Gamit po yung Balon?!"
Allen: "Eh Ma'am, sobrang lalim po ng balon na yun! Baka abutin pa kami ng limang minuto bago pa kami makakuha ng tubig sa unang pag-igib!"
Mrs. Sarmiento: "Wala nang pero-pero! Yun ang parusa ko sa inyo! Kung ayaw niyong i-drop-out ko kayo sa eskwelahan na ito. At binabalaan ko kayo, tigilan niyo na ang paninilip niyo sa mga babae! Is that clear?"
Wala nang nagawa ang Kambal sa ipinataw na parusa sa kanila ng Vice-Principal at sumang-ayon na lang sila sa gusto nito.
Matapos pagsabihan at patawan ng parusa ang grupo ni Emily at ang Kambal, pinabalik sila sa kanilang Classroom para sa kanilang klase sa hapon. Ngunit, pagdating nila, nagtatawanan ang tatlong babae na sila Ruby, Samantha at Ivy na para bang iniinsulto ang Grupo ni Emily.
Tsaka sila tumigil nang dumating ang kanilang Subject Teacher para sa kanilang klase sa hapon.
Makalipas ang tatlong oras na klase sa hapon, nagsiuwian ang mga estudyante matapos tumunog ang Bell.
Naiwan naman ang grupo ni Emily at ang Kambal para gawin ang ipinataw sa kanilang parusa.
Ngunit nagtaka ang grupo ni Emily ng maiwan din ang grupo ni Ruby.
Emily: "Ruby? Anong ginagawa niyo dito? Di ba dapat uuwi na kayo?"
Ruby: "You know what, Emily? It's your fault!"
Emily: "Teka? Ano na naman naging kasalanan ko?!"
Samantha: "Simple lang naman, Emily! Matapos kayong ipatawag sa Vice-Principal's Office, ipinatawag kami ni Mrs. Sarmiento para mag-dilig din ng halaman sa buong School!!"
Nina: "Eh bakit niyo sinisisi si Emily sa pagpapatawag ng Vice-Principal sa inyo?! Alam naman ng lahat na ang hilig niyong mambully ng mga estudyante!"
Ruby: "That's the point! Owl girl! Everybody knows na nambubully kami!"
Ivy: "Si Jackson lang ang nanuntok ng estudyante kanina sa Canteen at hindi niya kami kasama. Pero kami ang pinarusahan!"
Ruby: "That's why, it's your fault!!"
Claire: "Baka naman ikinanta kayo ni Jackson sa Vice-Principal kaya kayo ang pinarusahan."
Nina: "Oo nga."
Ruby: "No! It's her fault!"
Nina: "Hay.... Bahala nga kayo sa buhay niyo! Basta't huwag kayong manisi ng iba! Tara na nga, Emily!"
Emily: "Oo, Nina."
Hindi pinansin ng grupo ni Emily ang nagrereklamong grupo ni Ruby at tumuloy sila sa Storage room para kumuha ng timba at tabo.
Sumunod naman ang grupo ni Ruby at kumuha din ng mga gamit sa pandilig.
Matapos makakuha, pumunta ang mga ito sa Balon para kumuha ng tubig na pang-igib ng makita nilang kasama ng Kambal si Jackson na tagahila ng lubid sa balon at nakabantay sa tatlo ang Vice-Principal.
Mukhang napansin ng parehong grupo na naubos na siguro ang pasensya ng Vice-Principal, kaya sila pinaparusahan nito.
Maya't maya, galit na nang utos ang Vice-Principal sa tatlong taga-igib ng tubig sa Balon.
Mrs. Sarmiento: "Bilisan mo nga mag-igib! Marami pang didiligang halaman ang mga kaklase mo! Tsaka ang laki ng katawan mo! Hindi mo man lang bilis-bilisan ang paghila sa lubid!"
Jackson: "Opo Ma'am. Binibilisan ko na po."
Mrs. Sarmiento: "Tsaka kayong dalawa! Dalawang timba na nga ang dala-dala nyo! Hindi nyo pa mapuno lahat ng Drum sa Ground Floor!"
Allan: "Ma'am, ginagawa na po namin."
Allen: "Oo nga!"
Mrs. Sarmiento: "Tsaka kayong mga magdidilig, anong tinatayo-tayo niyo diyan?! Kapag puno na ang gagamitin niyong timba, MAGDILIG NA KAYO! Huwag niyo nang hintayin ang mga kaibigan ninyo!"
Matapos makakuha ng tubig ang grupo ni Emily agad silang lumayo upang hindi muling pagalitan ng kanilang Vice-Principal at para diligan ang mga halaman sa buong eskwelahan.
Axel: "Guyz... mukhang nagalit ata natin si Mrs. Sarmiento."
Emily: "Oo nga. Galit na galit siyang nag-uutos kanina."
Claire: "Axel, naalala ko lang, kaano-ano mo si Mrs. Sarmiento?"
Axel: "Ka-apelyido ko lang siya. Hindi ko siya kamag-anak."
Althea: "Kaya pala pinarusahan ka rin niya."
Axel: "Oo nga eh. Akala ko exempted ang ka-apelyido sa parusa."
Naglakad palayo sa Balon sila Emily, Axel at Claire para magdilig ng mga halaman West part ng kanilang eskwelahan. Sila Nina, Isaac at Ruby naman, sa Eastern part sila nagdilig. Habang sila Daniel, Samantha at Ivy, sa harap, malapit sa gate sila nagdilig.
Nagpabalik-balik sa pag-iigib at pagdidilig ang mga magkakaklase hanggang sa 30 minuto na ang nakalipas, tila gusto nang sumuko nila Emily at Claire sa pagbuhat sa dala nilang malaking timba na puno ng tubig. Kaya tumigil sila sa gitna ng daan.
Claire: "Haaah... Pagod na ako."
Emily: "Ako din."
Axel: "Girls, may mga halaman pa sa itaas ng bakod. Sabi ni Ma'am Sarmiento, pati pa daw yun kailangan din madiligan."
Emily: "Ha?! Pati pa ba yung mga Euphorbia didiligan din?!"
Claire: "Eh ang taas ng bakod. Hindi namin maabot yun pareho ni Emily."
Emily: "Tsaka pagod na ako. Hindi ko na kayang buhatin itong timba."
Claire: "Ako din."
Halata sa itsura ng dalawang babaeng kasama ni Axel ang kanilang pagod. Pero ayaw naman ni Axel na mapagalitan sila ng kanilang Vice-Pricipal dahil sa hindi nila nadiligan ang mga halamang Euphorbia sa itaas ng bakod.
Kaya may naisip na ideya si Axel para matulungan ang dalawa niyang kasama.
Axel: "Girls, Ibigay niyo na sa akin yung dala niyong timba."
Emily: "Ha? Anong gagawin mo, Axel?"
Lumapit si Axel at agad kinuha ang dalawang timba na dala nina Claire at Emily.
Pagbuhat niya sa timba, sinabihan ni Axel ang dalawang babae.
Axel: "Para hindi kayo mapagod, ako na magbubuhat sa dalawang timba. Tapos pagtulungan niyo na ni Claire na buhatin yung sa akin."
Emily: "Axel, okay lang ba na buhatin mo ang dalawang timba ng mag-isa?"
Axel: "Oo. Emily. Kaya ko to."
Claire: "Sigurado ka ba, Axel?"
Axel: "Oo naman, Claire. Huwag na kayong mag-alala. Akong bahala."
Tsaka naglakad si Axel na dala ang dalawang naglalakihang mga timba. Sumunod naman sina Emily at Claire na pinagtutulungang buhatin ang nag-iisang timba na dala kanina ni Axel.
Habang naglalakad papunta sa bakod, parehong natutuwa ang dalawang babae sa ipinakitang ugali ni Axel sa kanila.
Emily: (Napaka-gentlemen talaga ni Axel. Buti na lang, siya ang naging BF ko.)
Claire: (Kahit noon pang Elementary, napakabait talaga ni Axel. Lagi siyang handang tumulong. Pero hindi ko lang alam kung naiisip pa niya ang dati.)
Pagdating sa bakod kung saan didiligan nila ang halamang nasa taas nito, naghanap si Emily ng matutungtungan hanggang sa nakita nito ang isang mahaba, luma at medyo nabubulok na upuang bangko.
Agad itong kinuha nina Emily at Claire, tsaka nila inilagay malapit sa pader. Tsaka sila tumungtong dito.
Emily: "Buti na lang medyo mataas din itong nakita kong upuan na bangko."
Claire: "Oo nga, Emily. Madidiligan natin lahat ng nasa taas ng bakod dahil dito sa nakita mo."
Emily: "Oo."
Axel: "Girls, ingat lang kayo at baka bumigay yan bangkong tinutungtungan nyo."
Emily: "Okay lang kami, Axel. Hindi pa naman siguro mababali yung gitna."
Axel: "Kung ganun, iaabot ko na lang sa inyo yung tabong may tubig. Para matapos na tayo sa pagdidilig."
Agad sinimulan nina Emily at Claire ang pagdidilig sa mga Euphorbia nang iabot ni Axel ang mga tabong may tubig.
Ilang sandali pa, natapos nina Emily at Claire ang pagdidilig sa mga Euphorbia nang biglang bumigay ang upuang bangko na kanilang tinutungtungan at nalaglag ang dalawang babae.
Nang makita ito ni Axel, hindi niya malaman sa kanyang sarili kung sino ang kanyang sasaluhin.
Hanggang sa naisip na lang niyang saluhin pareho sina Emily at Claire.
Kaya iniunat ni Axel ang pareho nitong mga braso upang maabot pareho ang katawan nina Emily at Claire tsaka niyakap ang dalawa bago pa sila bumagsak sa lupa.
Ngunit dahil sa bigat ng dalawang babae, nawalan ng balanse si Axel, kaya pareho silang tatlo na napahiga sa lupa.
Ganun pa man, hindi gaanong nasaktan ang dalawang babae maliban sa likod ni Axel.
Axel: "Awwww..... Grabe.. Ang bigat niyo. Ayos lang ba kayo?"
Emily: "...Oo... Okay lang ako."
Claire: "Medyo tumama sa lupa ang kanang hita ko. Pero okay din ako."
Axel: "Atleast, hindi kayo gaanong nasaktan."
Sandaling hindi kumibo ang tatlo matapos mangyari ang maliit na aksidente.
Hanggang sa maisip nina Emily at Claire na bumangon mula sa katawan ni Axel.
Pagkabangon ng dalawa, tinulungan naman nilang bumangong si Axel tsaka sila humingi ng tawad dahil sa nangyari.
Emily: "Axel, Sorry sa nangyari kanina. Mukhang nasaktan ka pa ng dahil sa amin."
Claire: "Oo. Sorry din."
Axel: "Girls, Wala kayong dapat na ihingi ng tawad. Aksidente ang nangyari."
Claire: "Sigurado ka ba?"
Axel: "Oo. Okay lang ako."
Natigil lang ang pag-uusap ng tatlo nang dumating si Althea para tawagin silang tatlo.
Althea: "Guys! Tinatawag na tayo ni Ma'am Sarmiento sa may balon. Gusto niyang siguruhin na kumpleto tayong lahat bago nya tayo pauuwiin. Halina kayo!"
Emily: "Sige Alt, susunod na kami."
Matapos sabihan ni Althea ang kanyang mga kaibigan, agad sumunod sila Emily, Axel, at Claire pabalik sa balon.
Pagdating sa balon, kita sa mga mukha ng lahat ang sobrang pagod.
Kaya nang makita ng Vice-Principal na kumpleto ang lahat ng mga estudyanteng kanyang pinarusahan, agad din niyang sinabihan na maari na silang umuwi.
Mrs. Sarmiento: "Okay, Guys! Kita naman sa mga mukha ninyo na napagod kayo ng husto ng dahil sa mga kagagawan niyo rin. Ang tanong, uulitin niyo pa ba ang mali ninyong mga ginagawa?"
Allan: "Ma'am, hindi na po! Promise!"
Allen: "Oo nga!"
Jackson: "Ako din po. Hindi na po ako manununtok ng tao."
Mrs. Sarmiento: "Yung iba sa inyo? Uulit pa kayo?"
Emily: "Sorry po, Ma'am. Tsaka sa susunod, isusumbong na lang namin sa advisers ang ginagawang mali nung iba."
Mrs. Sarmiento: "Mabuti naman. Kung ganun, Maaari na sana kayong umuwi. Pero may itatanong lang sana ako."
Nina: "Ano po ang itatanong niyo po?"
Mrs. Sarmiento: "May nakakita ba sa inyo dito kay Mr. Zacarias?"
Claire: "Mr. Zacarias?"
Allan: "Sino po? Si Kit?"
Mrs. Sarmiento: "Oo. Siya nga, Allan."
Hindi nagsalita ang lahat matapos tanungin ng Vice-Principal kung anu ang kasalukuyang ginagawa ni Kit at dahil na rin sa hindi din ito nakita ng kanyang mga kaklase.
May naalala naman si Emily matapos marinig ang apelyido nito at nagtanong naman si Nina kung bakit hinahanap ng Vice-Principal si Kit.
Emily: (Oo nga. Zacarias din pala apelydo ni Kit. Magkaano-ano kaya sila nung babaeng nakilala namin ni Ate sa Sementeryo?)
Nina: "Ma'am, ba't niyo po pala hinahanap si Kit?"
Mrs. Sarmiento: "Supposedly, kasama niyo sana siyang magdidilig ng mga halaman dito sa School dahil sa salang pangunguryente ng mga estudyante na dapat sana, paninita lang ang kanyang gagawin. Pero mukhang sumobra yung pagdedesiplina niya sa mga pasaway na estudyante."
Daniel: "Ma'am, kung si Kit lang po ang tatanungin, hindi lang naman po siya magbibigay ng tamang sagot."
Axel: "Opo, Ma'am. Maniwala po kayo, kahit na anong tanong ang itanong niyo po sa kanya, hindi po siya sasagot."
Nina: "Imbes, aalis na lang po yan bigla."
Claire: "At suko na rin po si Sir Joey sa kanya. Kaya pinapabayaan na lang ni Sir Joey si Kit sa kung anong ginagawa niya."
Mrs. Sarmiento: "Hay....Pambihira talaga ang batang yun! Hindi ko talaga mabasa ang laman ng kanyang utak. Suko na rin ako sa ugali niya. Anyway, salamat sa inyong kooperasyon at maari na kayong umuwi."
Matapos nito, naglakad pauwi ang mga magkakaklase papunta sa kanilang mga bahay.
Ngunit habang naglalakad, napaisip si Claire sa ginawang pagsalo ni Axel sa kanila ni Emily at naiisip niyang may posibilidad pang iniisip pa siya ni Axel.
Habang si Axel naman, naguguluhan at siya'y nalilito sa kung ano ba talagang ang kanyang tunay na nararamdaman sa pagitan nina Emily at Claire matapos ang aksidenteng nangyari.