webnovel

Chapter 26- Tutor

Isang araw matapos maganap ang Date nina Axel at Emily, muling nagsimula ang linggo sa maagang pagbibigay ng surprize quiz ni Sir Joey sa kanyang mga estudyante. At gaya ng inaasahan ni Emily at nang iba pang mga estudyante, nagreview sila isang araw bago bumalik ang pasok sa eskwela.

Laking tuwa ni sir Joey matapos siyang magbigay ng quiz kung saan, marami ang nakakuha ng mataas na marka maliban sa isang estudyante na patuloy pa rin sa pagiging pasaway.

Sir Joey: "Class!! Natutuwa akong ianunsyo na karamihan sa inyo ay nakakuha ng mataas na marka. Ngunit ikinalulungkot ko din na nakakuha ang ilan sa inyo ng mababang marka. Kaya hinihiling ko dun sa mga nakakuha ng mababang Score, sa susunod magreview din kayo ng may maisagot kayo sa inyong quiz."

Sumagot naman ng "Yes Sir" ang mga estudyanteng nakakuha ng mababang score tsaka nagpatuloy sa bagong lessong ang kanilang guro.

Matapos ang klase sa umaga, nag-anunsyo ang mga guro sa bawat Classroom na may magaganap muling Faculty meeting ang mga guro sa Hapon. Laking tuwa naman nang karamihan sa mga estudyante at nagbubunyi palabas ng kanilang mga Classroom papunta sa Canteen para mananghalian. Ngunit, bago makaalis sa Classroom si Ruby, agad siyang tinawag at pinaiwan ng kanyang guro. Nagtaka naman si Ruby kung bakit siya pinaiwan ng kanyang guro.

Ruby: "Sir? Is there something you need?"

Sir Joey: "Miss Fajardo, didiretsahin na kita. Bagsak ka sa tatlong subjects ko."

Ruby: "What? Why?"

Sir Joey: "Why ka dyan?! Hindi mo ba naalala?!! Ilang beses ka lang naman nag-cheat sa klase ko. Pangalawa, mas mababa pa sa passing ang nakukuha mong score sa iba mo pang quiz. Kaya anong aasahan mong ilalagay ko grade sa iyong Card?"

Ruby: "Sir, I'm Revi-!"

Sir Joey: "Tigilan mo nga ako sa kaka-English! Ni grade mo sa tatlong subject na hinahawakan ko, hindi mo mapabuti! Tapos iinglisin mo pa ako!"

Nagulat si Ruby ng bigla siyang pagsabihan ng kaniyang guro. At ito rin ang unang beses na nakita niyang seryoso at galit ang kanyang Adviser. Nagsalita pang muli ang kanyang guro at galit pa siyang pinagsabihan niyo.

Sir Joey: "Alam mo, buti pa yung dalawang kaibigan mong sina Ivy at Samantha nakakabawi sa kanilang mga Grades!! Ganun din si Jackson!! Kahit pasang-awa siya, nagagawa pa rin niyang humabol sa kanyang Grade!! Eh ikaw?! Anong ginagawa mo para pumasa sa subjects ko?! Miss Fajardo?!! Gusto mo bang "Incomplete" ang ilagay ko sa iyong Card?!!"

Nakita ni Ruby na sobrang seryoso ang kanyang guro sa kanyang sinasabi at naunawaan din niya na kailangan niyang gawin ang lahat para mapabuti ang kanyang Grades. Kaya sa pagkakataong ito, nagsalita si Ruby ng normal at tinanong niya ang kanyang guro kung ano ang kanyang gagawin para hindi maging "Incomplete" ang kanyang Grade.

Ruby: "Sir, A-Ano pong dapat kong gawin para mapabuti ko po ang aking grades sa inyo pong mga subject?"

Sir Joey: "Simple lang naman ang gagawin mo. Total, wala naman gagawin ang karamihan sa inyo mamayang hapon dahil sa Faculty meeting namin mamaya pagkatapos ng lunch, gusto kong magreview ka sa Science, Math at MAPEH sa loob ng Library kasama si Edward bilang tutor mo."

Ruby: "A-Ano po?! Si Edward ang magtututor po sa akin?!"

Sir Joey: "Oo. Bakit? May problema ba?!"

Hindi mawari sa isipan ni Ruby kung matutuwa ba siya o maiinis dahil sa makakasama niya si Edward bilang kanyang tutor. Kaso, magrereview naman siya para ipasa ang tatlong pabagsak niyang grades sa tatlong subject ng kanyang guro. Ganun pa man, sumagot ng pagsang-ayon si Ruby sa kanyang guro.

Ruby: "Sir, Wala po. Wala po akong problema."

Sir Joey: "Kung nagkakaliwanagan na tayo, aalis na ako para sa meeting. Tsaka bukas, bibigyan kita ng Special quiz, 1 to 50 bawat subject para makabawi ka sa iyong Grade at dapat 80% ang makuha mong tamang sagot. Kaya mag-aral ka ng mabuti."

Ruby: "O-Opo sir."

Sir Joey: "Sige, aalis na ako. Pwede ka ng mag-lunch."

Tumayo at umalis mula sa classroom si Sir Joey para umatend sa kanyang meeting. Naiwan namang nag-iisip si Ruby at naiinis sa ibinigay na kundisyon ng kanyang guro. Ngunit wala naman siyang magagawa, kaya sumunod na lang si Ruby sa sinabing payo ng kanyang guro. Kaya umalis na din si Ruby mula sa Classroom at dumaan lang saglit sa Canteen para kumain tsaka siya pumunta sa Library.

Pagdating sa Library, nakita ni Ruby na nakaabang si Edward at naghihintay sa kanya sa pinto.

Edward: "Ruby, buti dumating ka na. Akala ko hindi ka na sisipot."

Ruby: "Yeah.... Whatever."

Sinungitan ni Ruby si Edward dahil sa ayaw niyang magreview at imbes na pinipigilan si Emily na makasama ang gusto niyang lalaki na si Axel. Ngunit alam ni Ruby na kailangan niyang mag-aral para ipasa ang tatlong bagsak niyang subjects. Ganun pa man, tinanong ni Edward si Ruby kung handa na ba itong mag-aral.

Edward: "Siguro excited ka na magreview? Kasi sakto ang oras ng pagdating mo.

Ruby: "Edward, Let's do this studying thing already and be done with it!! Nag-aaksaya lang ako ng time dito!"

Agad pumasok si Ruby sa loob ng library at iniwan sa pinto si Edward bago pa man ito magsalita.

Edward: "Ruby! Sandali!" (Hay....Grabe din itong babaeng to. Parang may pupuntahang importante.)

Sinundan naman ni Edward si Ruby pagpasok nito sa loob ng Library.

Pagdating sa loob, namataan ni Edward na abala sa paghahanap ng libro si Ruby at tinitingnan ang mga kabinet kung saan nakalagay ang mga librong Science, Math at MAPEH. Ngunit naiinis pa rin si Ruby dahil hindi nito malaman kung alin sa mga nakahilerang mga libro ang kanyang babasahin.

Ruby: "Pambihira naman si Sir!! Hindi man lang sinabi kung anong Title ng libro ang babasahin ko!!"

Edward: (Hay....naku...Ruby. Nakalimutan mo bang ako ang magtututor sayo? Siyempre alam ko kung ano ang librong babasahin mo. Kaya nga ako ang inutusan ni Sir na magtutor sayo. Kaso sa nakikita ko, mukhang binabalewala mo ako.)

Ruby: "AARRGHH! Babasahin ko na lang to lah-!"

Bago pa man sumigaw sa galit si Ruby sa loob ng Library, agad lumapit si Edward sa likod ni Ruby tsaka nito tinakpan ng pareho nitong mga kamay ang kanyang bibig upang hindi makadistorbo sa iba pang mga estudyante na nagbabasa. Tsaka bumilong si Edward sa kanang tenga ni Ruby.

Edward: "....Ruby.. Huwag kang maingay..! Pagagalitan ka ng Librarian kapag nag-ingay ka dito.."

Nagpumiglas sa sobrang inis si Ruby, ngunit natauhan naman ito matapos sabihin ni Edward ang kailangan nito.

Edward: "..Ruby.. Makinig ka, inutusan ako ni Sir Joey na maging tutor mo sa araw na ito at concern din siya sayo dahil ayaw ka rin niyang bumagsak. Kaya ka niya pinagbigyan na magquiz ulit. Pero kung magsusungit ka at hindi ka makikisama sa akin, wala akong magagawa kundi hayaan kang bumagsak sa tatlo mong subjects. Ngayon, tatanungin kita, hihinahon ka ba at makikinig ka sa mga ituturo ko o hahayaan kitang umalis dito sa library na bagsak ang iyong mga Grades?"

Nang marinig ni Ruby ang mga sinabi ni Edward, sandali niya itong pinag-isipan. Hanggang sa huminahon siya bilang pagsang-ayon na makikisama siya sa pagrereview kasama si Edward. Mabagal naman inilayo ni Edward ang kanyang mga kamay mula sa bibig ni Ruby. Pag-alis ng mga kamay ni Edward, naiinis pa ring humarap si Ruby kay Edward. Ngunit, sumagot siya ng mahinahon.

Ruby: "...Turuan mo ako.."

Edward: "Ha? Payag ka ng itutor kita."

Ruby: "Oo."

Edward: "Eh kung ganun, magsimula na tayong mag-aral."

Ruby: "Oo na. Ikaw ang tutor ko, kaya alin sa mga librong to ang babasahin ko?"

Matapos tanungin ni Ruby kung anu ang librong kailangan niya para sa pagrereview, lumapit si Edward sa kabinet kung saan sila nakatayo at kinuha ang tatlong libro ng Science 4, Math 4 at MAPEH 4. Naiinis namang nagtanong si Ruby kung bakit ang mga librong ito ang kinuha ni Edward.

Ruby: "Edward?! Hindi ba pang Grade 4 ang mga librong iyan?! Bakit yan ang mga kinuha mo?!"

Edward: "Pang Grade 4? Ruby, hindi ito Grade 4. 4th Year High School books ang tawag sa mga librong ito. Tsaka hindi mo ba alam? Mga lumang libro ang ginagamit ni Sir Joey sa pagtuturo. At noong bago pa naging K-12 ang curriculum natin, alam mo bang 1st year to 4th High School Curriculum ang tawag sa Grade 7 to 10 Junior High School Students noon?"

Ruby: "Ewan ko. Wala akong naiintindihan sa sinasabi mo."

Edward: "Hay.... Hayaan mo na nga. Basta eto ang mga tamang libro na ginagamit ni Sir Joey sa pagtuturo. Kaya pumunta na tayo sa mesa sa likod at magsimula na tayo."

Ruby: "Ha! Mabuti pa nga."

Agad pumunta sa mesa sa likod ng Library sina Ruby at Edward matapos makuha ang mga kakailanganing libro sa pagrereview ni Ruby. Pagdating nila, agad umupo sa mesa si Ruby at binasa ang pahina kung saan tinuro ni Edward ang lesson na kanyang rereviewhin. Makaraan ang isang oras habang seryosong nagbabasa si Ruby, natutuwa naman siyang pinagmamasdan ni Edward. Hanggang sa napansin siya ni Ruby.

Ruby: "Edward, anong tinitingin-tingin mo dyan?!"

Edward: "Wala. Nakakatuwa lang. Kasi seryoso ka naman palang mag-aral."

Ruby: "Whatever.."

Sandaling naging tahimik ang paligid matapos sagutin ni Ruby ang sinabi ni Edward. Hanggang sa nagsimula ng magtanong ng personal si Edward.

Edward: "Ruby, huwag mo sanang masamain. Pero ba't ang hilig mong sumagot ng english sa mga kaklase natin? Nanggaling ka ba sa abroad noon?"

Ruby: "Wala. Gusto ko lang. Tsaka madalas nakakalimutang magtagalog ng tatay ko kapag umuuwi siya sa bahay."

Edward: "Ha? Kapag umuuwi ang tatay mo? Foreigner ba ang tatay mo?"

Ruby: "Hindi."

Edward: "Eh ano?"

Ruby: "Business man."

Edward: "Business man? Anong kinalaman nun sa pagsasalita mo ng English?"

Ruby: "Mga Foreigners ang laging Business meet ni Papa kapag may trabaho siya. Kaya lagi siyang nag-Eenglish na halos makalimutan na niyang mga Pilipino na ang kausap niya sa bahay."

Edward: (Wow! Mayaman pala siya. Kaya pala sobrang taray niya.)

Ruby: "Siguro iniisip mo na mayaman ako at spoiled brat sa pamilya ko, Tama?"

Edward: "Hindi ah."

Muli na namang naging tahimik ang paligid matapos sagutin ni Edward ang taong ni Ruby. Ngunit nagpatuloy naman sa pagbabasa si Ruby hanggang sa nagtanong na naman si Edward.

Edward: "Ruby, naisip ko lang, ba't kayo nambubully nila Ivy at Samantha sa iba pang mga estudyante?"

Nang maitanong ito ni Edward, biglang napatigil sa pagbabasa si Ruby at ibinaba sa mesa ang libro. Tila may napansing kakaibang lungkot si Edward sa mukha ni Ruby at sandaling hindi sinagot ang tanong ni Edward. Maya't maya, nagsalita si Ruby.

Ruby: "Edward, gusto mo ba talagang malaman kung bakit kami nambubully ng iba pang mga estudyante?"

Edward: "Ahh....Ehh....Oo. Bakit? Bubulihin niyo ba ako?"

Ruby: "Hindi."

Edward: "Eh di kung ganun, bakit kayo nambubully?"

Ruby: "Kung ganun, mapagkakatiwalaan ba kita?"

Edward: "Ha? Anong ibig mong sabihin?"

Sandaling hindi kumibo si Ruby para pag-isipan kung tama ba ang kanyang sasabihin kay Edward. Hanggang sa nagdesisiyon na siyang magsalita.

Ruby: "Edward, pagpapakita ng lakas ang ginagawa ko sa mga kapwa estudyante. Para isipin nila na maipluwensya akong tao. Pero ang totoo..."

Edward: "Ang totoo?"

Ruby: "Noong Grade 8 ako, natanggal sa trabaho si Papa. Tapos karamihan sa mga naipon niya, ibinayad niya sa kanyang mga utang. At yung natira, ipinundar na lang niya sa pag-aaral ko."

Edward: "Teka? Sinasabi mong..."

Ruby: "Hindi kami mayaman ngayon. At ang trabaho ng tatay ko ngayon ay kargador na lang sa palengke. Ayokong mabully din ako ng ibang tao kaya ako na lang mismo ang maging bully kaysa sa ako ang apihin."

Tumulo ang luha sa mga mata ni Ruby habang ikinikwento ang katotohanan tungkol sa kanyang buhay. At ang dahilan kung bakit siya ang nang bubully sa iba ay dahil sa ayaw niyang siya ang apihin ng iba pang estudyante. Nauunawaan naman ni Edward ang mga sinabi ni Ruby ngunit may isang bagay siyang hindi nagustuhan.

Edward: "Nauunawaan ko na natatakot kang baka ikaw ang apihin ng lahat. Pero mali pa rin ang ginagawa mo. Ayaw mong ikaw ang apihin pero nang-aapi ka ng ibang tao. Hindi mo ba naisip na baka bumalik din sayo ang ginagawa mo?"

Ruby: "Oo. Alam ko. I know the consequences. At nararamdaman ko yun. Pero ayokong malaman nila ang totoo dahil aapihin nila ako kapag nalaman nila ang totoo."

Edward: "Hindi ka naman siguro aapihin ng ibang tao kapag nalaman nila ang totoo. Tsaka may ilan pang estudyante dito sa school na mauunawaan ang sitwasyon mo."

Ruby: "Gaya naman nino?"

Edward: "Nila Emily?"

Ruby: "Lagi ko silang kinukutya. Kaya bakit nila ako iintindihin? Tsaka hindi ko sila kailangan. Sapat na sina Ivy at Samantha na maging kaibigan ko dahil pareho lang naman kaming nanggaling hirap."

Edward: "Ruby, ba't hindi mo subukang makipagkaibigan kila Emily? Wala naman masama kung susubukan mo hindi ba?"

Sandaling pinag-isipan ni Ruby ang mga sinabi ni Edward. Ngunit duda pa rin siya sa sinabi ni Edward.

Ruby: "Sorry, Edward. Pero hindi pa sa ngayon. Mukhang hindi ko pa kayang gawin ang gusto mong mangyari."

Naunawaan ni Edward na hindi pa kayang pagkatiwalaan ni Ruby ang ilang mga estudyante na sa tingin niya ay makakaunawa sa kanya at takot ito na baka apihin din siya ng mga estudyanteng kanyang inapi. Ganun pa man, lumapit si Edward at pinunasan ang mga luha ni Ruby.

Edward: "Nauunawaan kita, Ruby. Kung may problema ka, nandito lang ako para tumulong sayo."

Agad namang inayos ni Ruby ang kanyang sarili matapos punasan ni Edward ang kanyang mga luha.

Ruby: "Salamat, Edward. Pero please.... Huwag mo munang sabihin sa iba ang nalalaman mo."

Edward: "Oo huwag kang mag-alala ligtas ang sikreto mo sa akin. Pero tama ba ang sinabi mo? Sinabi mo bang, "Huwag mo munang sabihin sa iba?""

Ruby: "Uhm... Oo."

Napaisip si Edward sa sinabi ni Ruby, hanggang sa may madiskubre siya tungkol sa pag-uugali ni Ruby.

Edward: "Ruby, sabihin mo nga? Wala ka talagang intensyon na i-bully sila Emily at ang mga kaibigan niya? Tama?"

Tumango si Ruby ng marinig nito ang tanong ni Edward. Ngunit nagpaliwanag naman si Ruby kung bakit niya yun ginagawa.

Ruby: "Edward, kasi huwag ka sanang magagalit. Madali kasi silang maniwala sa pagtataray ko. Kaya sila madalas ang binubully ko. Tsaka boyfriend ni Emily si Axel kaya-"

Edward: "Yung totoo, Ruby. Binubully mo ba si Emily dahil kay Axel?"

Ruby: "Ang totoo, wala akong gusto kay Axel."

Nagulat si Edward matapos pang sabihin ni Ruby ang totoo tungkol sa pang-aagaw nito kay Axel. Lalong naguluhan si Edward sa sinabi ni Ruby.

Edward: "Kung hindi mo pala siya gusto?.! Bakit pinipilit mong agawin si Axel kay Emily?..!"

Muli na namang hindi kumibo si Ruby sa tanong ni Edward. Hanggang sa makuha ni Edward kung anu ang iniisip ni Ruby sa kanyang mga ginagawa.

Edward: "Teka? Yung ginagawa mo? "Pagpapakita ng impluwensya" ang ginagawa mo?.!"

Ruby: "Oo. Edward.! Acting ang lahat.! Para matakot ang mga nambubully sa akin.!"

Edward: "Pero delikado yan.! Kapag nalaman nila ang totoo-!

Ruby: "Kaya nga, sinabi kong, "Huwag ko munang sabihin" ang totoo. Hindi ba?"

Napakamot ng ulo si Edward matapos malaman ang totoong ginagawa ni Ruby at nag-aalala siya na baka maging malala ang mangyayari kay Ruby sa oras na malaman ng lahat ng estudyante sa kanilang School ang buong katotohanan tungkol sa tunay na estado ng pamumuhay ni Ruby. Kaya pinayuhan ni Edward si Ruby.

Edward: "Ruby, makinig ka sa akin, habang maaga pa, bawas-bawasan mo na yan pagkukunwari mong bully sa lahat ng mga estudyante. Maari kang mapahamak sa ginagawa mo kapag nagkataon."

Ruby: "Alam ko, Edward. Tatandaan ko ang mga sinabi mo."

Sandaling hindi nagsalita sa isa't isa sina Ruby at Edward. Ngunit binasag din ni Ruby ang katahimikang bumabalot sa kanila.

Ruby: "Edward, salamat at naiintindihan mo ako."

Edward: "Siguro, yan din ang dahilan kung bakit bagsak ka sa tatlong subject."

Ruby: "Oo. Pasensya na."

Edward: "Kung may mga lessons kang hindi alam, huwag kang mahiyang magpaturo sa akin. Tutulungan kita sa lahat ng makakaya ko."

Ruby: "Edward, Salamat talaga. Pero pagkatapos nito...."

Edward: "Alam ko, babalik ka na naman acting mong mataray."

Ruby: "Oo. Pero pangako, sasabihin ko din ang totoo sa lahat kapag nagkaroon ako ng oras."

Edward: "Oo. Aasahan ko yan. At nang makita ko na sa labas yung tunay na Ruby."

Ruby: "Oo. Makakaasa ka."

Edward: "So, mabalik na tayo sa pagrereview?"

Ruby: "Oo."

At matapos sabihin ni Ruby ang katotohanan sa lahat ng kanyang mga ginagawa at sa tunay estado ng kanyang buhay kay Edward, nagpatuloy sila ni Edward sa pagrereview sa loob ng Library para sa darating na special quiz ng kanilang guro.

Matapos magreview, lumabas ang dalawa mula sa loob ng Library matapos marinig ang Bell para sa uwian. Bumalik naman sa normal na pagtataray si Ruby upang ipakita na dapat siya ang katakutan ng lahat ng mga estudyante sa pagbubully at alam ni Edward na nagkukunwari lang ito. Ngunit umaasa si Edward na sana dumating ang panahon na malaman at maunawaan ng lahat ang katotohanan