webnovel

Chapter 25- Double Date

Tatlong araw matapos ang araw ng patay, abala naman ang mga estudyante sa pagpila sa Flag Ceremony bago ang kanilang klase sa umaga. Tinapik naman ng daliri ni Axel ang baywang ni Emily para magbulungan, habang sila ay nakapila sa likod ng kanilang mga kaklase.

Emily: "Axel..! Ano ba? Huwag mo nga akong tapikin sa baywang..!. May kiliti ako dyan.."

Axel: "Lahat naman kayong mga babae may kiliti sa baywang kapag tinatapik. Maliban kay Althea na parang manhid na ang baywang sa dami ng pagtapik ko."

Emily: "...Ha...?! ...Ano..?!"

Axel: "Kalimutan mo na lang yung sinabi ko. Hindi naman importante. Anyway, puwede ba tayong mag-usap mamayang tanghali sa likod ng School, doon sa may Shed? May sasabihin kasi akong import: "Sige ba, Axel. Basta sinabi mong importante, makikinig ako."

Axel: "Ayos..! Salamat ha. Kita na lang tayo mamaya..."

Emily: "Okay."

Matapos ang konting pag-uusap sa pila, bumalik ang lahat ng mga estudyante kasama na sina Emily at Axel sa loob ng kanilang mga classroom, pagkatapos ng Flag Ceremony. Agad namang nagsimula ang klase pagdating ng guro sa kanilang classroom.

Pagdating ng tanghali, magkasamang lumabas mula sa Classroom sila Emily, Althea, Claire at si Nina, kasama ang jowa nitong si Isaac para kumain sa Canteen. Ngunit, habang sila'y naglalakad, biglang may lalaking tumapik sa baywang ni Althea at bigla din hinila ni Althea ang braso nito.

Althea: "Ano ba?! Kanina ka pa ha?!"

Sa inis ni Althea dahil na pananapik ng lalaki, ibinalibag nito ang lalaki sa sahig. Nasaktan naman ng husto ang lalaki, hanggang sa makita ng mga kasama ni Althea na si Daniel ang nasa sahig.

Daniel: "Araaay...Ang sakit ng likod ko."

Emily: "Hala! Alt! Si Daniel yung naibalibag mo sa sahig!"

Althea: "Kung ganon, ikaw pala yung kanina pang tapik ng tapik sa baywang ko ha?!"

Daniel: "O-Oy! Teka?! Wala akong ginagawa sayo! Ngayon lang kita tinapik sa baywang!!"

Althea: "Hindi ako naniniwala sayo! Humanda ka sa akin!"

Agad tumayo mula sa pagkakahiga si Daniel tsaka ito kumaripas ng takbo ng makita niyang bubugbugin na siya ni Althea. Sinundan naman siyang hinabol ni Althea para bugbugin. Tila nakalimutan ni Althea na may mga kaibigan siyang dapat samahan sa Canteen ng hinabol nito si Daniel, kaya napangiwe na lang sila Emily, Nina at Claire sa kanilang kinatatayuan.

Nina: "Guyz.....malayo na sila. Mukhang kinalimutan na tayo ni Alt ng dahil sa sobrang inis."

Claire: "Mukha nga."

Emily: "So, tayo na lang ba ang kakain sa Canteen? Mukhang after lunch pa makakabalik si Alt."

Isaac: "Bakit ba sobrang napakamainitin ng ulo ni Althea ngayon?"

Nina: "Isaac, huwag mo ng alamin."

Emily: "Kung ganun, tuloy na tayo sa Canteen."

Nina: "Mabuti pa nga."

Pinili na lang na tumuloy ang grupo ni Emily sa Canteen para mananghalian kahit hindi nila kasama si Althea.

Samantala, napagod naman sa kakatakbo si Daniel at naisip nitong magpahinga sa mini-park malapit sa likod ng eskwelahan. Ngunit naabutan naman siya nang pagod din na si Althea.

Althea: "Haaah..! Naabutan din kita..! Pagpahingahin mo lang ako ng konti at..... uupakan..... kita..!"

Daniel: "Nagsasabi ako ng totoo. Minsan lang kita tinapik sa.... baywang."

Althea: "Kung hindi ikaw ang tumatapik sa baywang ko magmula pa kanina sa Flag Ceremony, eh di sino?!"

Daniel: "Malay ko ba kung sino. Tsaka nasa gitna ako ng pila kanina katabi si Edward. Kaya huwag kang magbintang."

Kahit pagod, galit pa rin na tinitigan ni Althea si Daniel. Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Althea na posible pa rin magsabi ng totoo si Daniel. Kaya binago na lang ni Althea ang usapan at inalam na lang nito ang pakay ni Daniel sa pananapik nito ng kanyang baywang.

Althea: "Okay...Sige. Sa ngayon, hindi muna kita bubugbugin. Pero bakit mo ako tinapik sa hallway kanina?"

Sandaling nanahimik si Daniel at naghahabol pa ito ng hininga. Pero nang mahimasmasan nito ang kanyang sarili, agad din niyang sinabi ang kanyang pakay kay Althea.

Daniel: "A-Alam mo, p-pwede ba tayong lumabas?"

Althea: "Lumabas? Saan?"

Daniel: "A-Ano... Ang ibig kong sabihin... Lumabas tayong dalawa."

Althea: "Ba't di mo na lang sabihin kung saang lugar iyan at bugbugin natin yung taong may atraso sayo."

Daniel: "Ang ibig kong sabihin...MAG-DATE TAYO!!"

Athea: "Ahhhhh..... Date...."

Sandaling hindi nagkibuan sa isa't isa sina Daniel at Althea. Hanggang sa na proseso ng pagod na utak ni Althea ang sinabi ni Daniel.

Althea: "A-A-A-ANOOOO?! DATE?!"

Daniel: "Oo. Date."

Biglang nailang at namula ang mukha ni Althea matapos sabihin ni Daniel na gusto nitong makipagdate sa kanya. Ngunit duda pa rin si Althea sa sinabi ni Daniel.

Althea: "D-Daniel! Nagbibiro ka lang, hindi ba?! Tsaka bakit mo gustong makipagdate sa akin?!"

Daniel: "Eh ano....Peace offering ko yun para sayo.... Kasi...kung maalala mo, hindi naging maganda ang Halloween party natin dahil sa hinabol ako ng isang karumal-dumal na bakla. Tsaka, naaksidente din kita. Kaya gusto ko sanang makabawi sayo."

Althea: "Pero...seryoso? Date talaga?!"

Tumango si Daniel bilang pagsang-ayon sa plano nitong Date kay Althea. Hindi naman mapakali si Althea sa kanyang narinig at nag-iisip ito kung paniniwalaan ba niya si Daniel o hindi. Pero para makasiguro, nagbigay ng mga kundisyon si Althea kay Daniel.

Althea: "Sige....pumapayag na akong makipag-Date sayo."

Daniel: "Ta-Talaga?!"

Althea: "Pero may mga kundisyon!"

Daniel: "Mga kundisyon?"

Althea: "Oo. Una, huwag mo akong tatawanan sa isusuot kong damit. Pangalawa, ayokong pinaghihintay ako ng matagal. Pangatlo, ikaw ang magbabayad sa lahat ng gastos sa mga kakainan nating resturant, karinderya o kung ano pa man. Pang-apat, magkita tayo sa downtown ng alas otso ng umaga, bukas. At panghuli, gusto ko ng mga surpresa. Kapag hindi mo nasunod alin man sa mga kundisyon ko, asahan mong babatukan kita sa gitna ng daan."

Daniel: (Grabe...lalake nga siya umasta pero kung makapagsabi ng mga kundisyon parang Prinsesa. Tsaka siya na rin ang nagdesisyon kung kailan kami magde-date.) "Okay. Sisiguruhin kong masusunod ang mga kundisyon mo mahal na Pri- este Althea."

Althea: "Good. Tsaka, gutom na ako. Bumalik na tayo sa Canteen."

Daniel: "Oo. Ako nga din eh."

Althea: "Daniel, ilibre mo nga ako ng pagkain."

Daniel: "At bakit ko naman gagawin yun?!"

Althea: "Dahil hindi lang naman ako makikipagdate sayo kapag hindi mo ako inilibre ngayon."

Daniel: "Hay....Sige na nga." (Parang diktador ata ang naligawan ko. Hay....Bahala na nga bukas.)

At matapos mag-usap, masayang naglakad si Althea pabalik ng sa Canteen. Ngunit dismayado namang naglakad si Daniel dahil sa gusto pang magpalibre ni Althea sa kanya ng pagkain.

Mabalik naman tayo sa labas ng Canteen, kung saan katatapos lang mananghalian nila Emily, Claire at Nina, kasama si Isaac. Nang maalala ni Emily ang sinabi ni Axel kanina sa Flag Ceremony.

Emily: "Guys! May importante pala akong pupuntahan saglit. Mauna na kayo sa loob ng Classroom."

Nina: "Bakit Emily? Saan ka pupunta?"

Claire: "Oo nga, Emily. Tsaka sigurado ako, hinihintay ka ni Axel sa loob ng Classroom."

Emily: "Ehh.... Guys, pakisabi kay Axel kapag nakita niyo siya, bibili lang ako saglit ng Notebook sa labas ng School Gate. Paubos na kasi yung pahina ng English notebook ko. Tsaka alam niyo naman, mahilig magpasulat sa Notebook ang Teacher natin sa English kahit na uso ang Xerox at print sa labas."

Claire: "Ah... Oo. Nakakainis talaga yung Teacher na yun."

Isaac: "Sang-ayon ako sa sinabi mo, Claire. Saktong naubos yung pahina ng notebook ko kanina. Buti na lang may extra pa ako sa bag."

Nina: "Bakit sa lahat pa kasi ng naging Teacher natin sa English, yung Teacher pa na uugod-ugod at malapit nang kunin ng lupa?!"

Emily: "Nina, huwag mo masyadong lakasan ang boses mo. Baka may makarinig sayo at isumbong ka pa sa Faculty room. Tsaka guys, mauuna na muna ako. Kita na lang tayo sa room mamaya."

Nina: "Oo. Tsaka ingat sa pagtawid."

Emily: (Sorry Guys. Personal kasi ang lakad ko. Tsaka baka hindi niyo din mahanap si Axel sa loob ng room.)

Matapos saglit na mamaalam sa kanyang mga kaibigan, naglakad patungo sa likod ng eskwelahan si Emily para makipagkita kay Axel na naghihintay sa Shed.

Pagdating ni Emily, sakto namang naghihintay si Axel sa kanya. Laking tuwa ni Emily ng makita si Axel at niyakap ito na para bang hindi sila nagkita ng matagal na panahon.

Axel: "Buti nakarating ka, Emily."

Emily: "Oo, Axel. Tsaka pasensya na kung medyo natagalan ako, Mabusisi kasi sa pagtatanong si Nina kapag may pupuntahan ako. Kaya nangatuwiran ako ng mabuti sa idadahilan ko sa kanya."

Axel: "Huwag kang mag-alala. Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganun?"

Emily: "Oo. Salamat, Axel at nauunawaan mo si Nina. Tsaka maalala ko, ano nga pala ang sasabihin mo sa akin na importante?"

Sandaling hindi kumibo si Axel ngunit ngumiti naman siya kay Emily. Hanggang sa naiilang na sinabi ni Axel ang importante nyang sasabihin.

Axel: "Ahh...Ehh..Emily?"

Emily: "Bakit?"

Axel: "Puwede ba tayong magdate bukas?"

Emily: "H-Ha?! D-Date?!"

Namula ng husto ang mga pisngi ni Emily nang marinig niyang iniimbitahan siya ni Axel na makipag-date. Hindi na nag-atubili pa, agad pumayag si Emily na makipag-Date kay Axel.

Emily: "Oo, Axel. Magdate tayo bukas."

Axel: "Talaga?!"

Emily: "Oo."

Axel: "Eh di magkita tayo bukas ng Alas otso sa downtown."

Emily: "Oo, Axel. Pupunta ako. Tsaka Axel, pwede mo ba akong samahan saglit sa labas ng School Gate?"

Axel: "Ha? Sa School Gate? Bakit? Anong mayroon?"

Emily: "Eh.... Alam mo namang nagdahilan ako kay Nina tungkol sa notebook hindi ba?"

Axel: "Ah...Oo. Nagpaalam ka pa lang na bibili ng notebook sa labas."

Emily: "Oo, Axel."

Axel: "Sige. Samahan na kita. Total sabay lang naman tayong babalik sa Classroom natin."

Emily: "Oo."

At sabay na naglakad paalis sa Shed sina Emily at Axel para bumili ng notebook sa labas ng School Gate upang maniwala si Nina sa kanyang idinahilan.

Pag-alis ng dalawa, walang ideya sina Emily at Axel na nakikinig pala sa likod ng mga makakapal na halaman ang grupo ni Ruby.

Ruby: "GRRRR!! I really hate that girl!"

Ivy: "Oo na, Ruby. Galit na galit ka kay Emily. Pero bakit kailangan pa nating magtago sa likod ng mga halaman?"

Samantha: "Oo nga! Ruby! Tama si Ivy! Pwede naman tayong magtago sa likod ng basurahan!! O kaya sa ilalim ng lababo ng Hand Washing Area na malapit sa Shed. Tsaka sa lahat ng halaman na pwede nating pagtaguan, natsambahan mo pa yung makating halaman ang napagtaguan natin!!"

Ruby: "Girls!! Will you stop mag-complain nga!! Kung hindi tayo nagtago sa likod ng Bushes, I would never know na plano pala ni Axel na i-Date that Emily!!"

Ivy: "So, anong plano mo, Ruby?"

Samantha: "Ivy, tinatanong pa ba yan? Siyempre!! Guguluhin ni Ruby ang Date nila ni Axel! Am I right, Ruby?"

Ruby: "You're right, Samantha. And I will make sure na akin lang si Axel my love!!"

Ivy: "Hay...bahala kayo. Basta, hindi ako makakalabas bukas."

Matapos mag-usap ang grupo ni Ruby para pigilan ang planong date nina Emily at Axel, agad lumabas ang mga ito mula sa loob ng mga halaman at bumalik sa kanilang classroom. Nakabalik din naman sila Emily, Axel, Althea at Daniel, bago magsimula ang kanilang klase sa hapon. At pagkatapos ng klase, agad umuwi sila Axel, Althea at Daniel sa kanilang mga bahay upang paghandaan ang Date na kanilang napagkasunduan.

Ngunit gaya pa rin ng nakagawian, takipsilim na ng umuwi si Emily sa kanilang bahay upang masigurong nakauwi na din mula sa kanyang trabaho ang kanyang kapatid na si Lucile.

Kinagabihan, gaya pa rin ng dati, muli na naman nagalit si Ramon sa hapag at pinagalitan muli si Lucile. Ngunit sa hindi malamang dahilan, maayos namang naluto ni Lucile ang kanilang hapunan at tila napansin ni Emily na gumagawa na lang ng dahilan si Ramon para pagalitan ang kanyang Ate. Hanggang sa umalis ito sa hapag at maagang natulog sa sarili nitong kuwarto. Pag-alis ni Ramon sa hapag, agad tinanong ni Emily ang kanyang Ate.

Emily: "Ate? Bakit nagalit si Kuya Ramon sa niluto n'yong Mechado? Masarap naman po ang pagkakaluto po ninyo?"

Lucile: "Hindi ko alam, Bunso. Wala din akong ideya kung ano ang ikinagagalit niya sa pagkakataong ito."

Emily: "May problema kaya siya sa trabaho?"

Lucile: "Hindi ko din alam. Pero hayaan na muna natin ang Kuya Ramon mo. Ang mabuti pa, magpatuloy na lang tayo sa pagkain ng hapunan natin."

Emily: "Opo. Mabuti pa nga."

Nagpatuloy sa pagkain ng hapunan ang magkapatid hanggang sa maubos nila ang kanilang hapunan. Tsaka nila iniligpit ang lahat ng nasa mesa at hinugasan ang mga pinggan. Pagkatapos maghugas sandaling tinawag ni Emily ang kanyang Ate sa loob ng kanyang kuwarto upang ipaalam sa kanyang Ate na inimbitahan siyang mag-Date ni Axel. Naunawaan naman ito ng kanyang Ate ngunit inabisuhan siya na huwag magpapagabi.

Agad naman bumalik sa sarili nitong kuwarto ang kanyang Ate matapos makapagpaalam ni Emily. Tsaka inihanda ni Emily ang kanyang gagamitin na damit para sa date nila ni Axel at agad din siyang natulog ng maaga dahil na rin sa sobrang pagka-excite nito sa kanilang date.

Kinaumagahan, hinintay muna ni Emily na umalis mula sa kanilang bahay si Ramon bago siya umalis. Pagka-alis ni Ramon sakay ng kanyang kotse, nag-ingat na lumabas ng bahay si Emily tsaka ito naglakad papuntang Downtown. Sakto namang mag-aalas otso ng umaga nang makarating siya sa harap ng Mall. Ngunit nagulat si Emily ng makita din nyang naghihitay din si Althea sa harap ng Mall.

Emily: "A-Alt?!"

Althea: "Emily?!"

Emily: "A-Anong ginagawa mo dito?!"

Althea: "Teka?! Di ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo?!"

Emily: "Eh... Ano... Inimbitahan ako ni Axel na mag-date. Ehh... Ikaw? Anong ginagawa mo dito sa Mall?"

Biglang nailang si Althea ng siya ay tanungin ni Emily kung bakit siya nasa Mall. Sasagutin na sana ni Althea ang tanong ni Emily nang nagtanong pa ito.

Emily: "Alt, ba't kakaiba ang suot mo ngayon? Pero infairness, bagay pala sayo ang Strapless Bodycon Tube Dress at Maong na jacket. Ang seksi mong tingnan."

Nahihiyang sinagot ni Althea ang mga tanong ni Emily at nakiusap din siya na huwag ipagkalat ang nakita nitong estilo ng pananamit.

Althea: "Emily, kung maari, huwag mong ipagsabi kila Nina at Claire ang nakita mo ngayon ha? Sigurado akong kukutyain nila ako kapag nalaman nilang nagsuot ako ng Tube Dress."

Emily: "Huwag kang mag-alala, Alt. Hindi ko ipagsasabi kahit kanino ang nakita ko ngayon."

Althea: "Salamat ha."

Emily: "Walang anuman, Alt. Basta ikaw. Pero mabalik tayo sa tanong ko, bakit ka pala nandito sa Mall?"

Althea: "Ano kasi..... Inimbitahan ako ni Daniel na mag-"

Sakto namang dumating si Daniel ngunit kasama naman nito si Axel na nakasabay din niya sa pagdating.

Daniel: "Good morning girls! Andito na pala kayo! Tsaka, Althea, chaperone mo din ba si Emily?"

Althea: "Chaperone? Hindi ko siya chaperone! Pero si Axel, chaperone mo din ba?"

Axel: "Guys, hindi naman sa nakikialam sa usapan. Pero parang may nagaganap na hindi pagkakaintindihan ata dito."

Emily: "Oo. Sang-ayon din ako kay Axel. Kasi napag-usapan namin na magkikita kami ngayon para mag-date. Pero, Daniel, bakit pala kayo nandito ni Alt?"

Sinubukan nina Daniel at Althea na mgpaliwanag. Ngunit hindi naging tugma ang kanilang mga sagot.

Althea: "Ehh....Ano... Nandito kami para mamasyal."

Daniel: "..A-Ano... Magdedate kami ni Alt."

Sandaling tumahimik ang apat ng mapansin nina Axel at Emily na para bang naging awkward ang kanilang sitwasyon.

Althea: "Daniel! Ba't mo sinabi ang totoo?!"

Daniel: "Eh malay ko bang hindi ka pala magsasabi ng totoo!"

Axel: "So, magde-Date pala kayo?"

Althea: "Hindi!"

Daniel: "Oo!"

Emily: "Alt, kaya pala ang ganda mo ngayon."

Axel: "Kung ganon Daniel, si Althea pala ang gusto mo?"

Daniel: "Pare, ginagawa ko to bilang peace offering ko kay Althea dahil sa nakakahiya kong nagawa noong Halloween party."

Emily: "Peace offering?"

Axel: "Kung peace offering yan para sa pagkakahawak mo ng dibdib ni Althea noong Halloween, ba't napakakapal ng bulsa ng pantalon mo?"

Althea: "Oy! Axel! Low-blow yan sinabi mo!"

Daniel: "Tol! Peace offering nga!"

Bagamat halata na sa dalawa ang plano nilang Date, naintriga pa rin si Axel sa kung ano talaga ang plano ni Daniel kay Althea. Kaya lalo pang nangulit si Axel.

Axel: "Peace offering? Parang sa simbahan? O baka sa simbahan din ang tuloy ninyo?"

Althea: "A-Anong ibig mong sabihin diyan sa sinabi mo?!"

Daniel: "Tol! Tigilan mo na nga kami! Nagising na naman yan pagiging mausisa mo!"

Axel: "Pare, nagtatanong lang naman ako. Anong masama sa mga itinanong ko?"

Emily: "Axel, huwag mo na siguro silang tanungin ng husto. Baka inimbita lang ni Daniel si Alt para kumain."

Daniel: "Oo. Tama!! Axel, makinig ka sa girlfriend mo. Nadito lang kami ni Althea para kumain."

Axel: (Hay...Sige na nga. Hindi ko na nga kayo kukulitin. Alam lang naman namin ni Emily na magde-Date kayo.) "Hay...Sige yan ang sinabi niyo eh di hahayaan na namin kayo. Good luck na lang sa Date niyo."

Daniel: "Anong "Good luck" ang sinasabi niyo diyan? Kakain lang kami!"

Axel: "Oo na. At Aalis na rin kami. Tara na Emily."

Emily: "Oo, Axel. Good luck, Alt."

At naglakad paalis sina Axel at Emily palayo sa Mall para asikasuhin ang sarili nilang Date.

Althea: "Sabing kakain lang kami! Oy!"

Daniel: "Althea, hayaan mo na sila. Gawin na lang natin kung ano ang napag-usapan natin kahapon."

Althea: "Kung sabagay tama ka. So, saan tayo ngayon?"

Daniel: "Siyempre! Sa loob ng mall. Mas masaya pa dun sa loob kaysa mamasyal sa kung saan."

Althea: "Kung yan ang gusto mo, eh di dito na tayo sa mall. Basta ikaw ang sasagot sa gastusin ha?"

Daniel: "Oo na. Napag-usapan na nga natin to kahapon hindi ba?"

Althea: "Okay. Sabi mo eh."

Tumuloy naman sa loob ng Mall sina Daniel at Althea para mag-enjoy sa kanilang Date.

Habang naglalakad sina Axel at Emily para maghanap ng makakainan sa Downtown, abala naman sa pagsunod sina Ruby at Samantha sa kanilang likod upang isagawa ang kanilang plano na guluhin ang Date nina Axel at Emily. Hanggang sa may mahanap na isang Fast Food Chain ang magjowa para kumain.

Samantha: "Ruby! Hayun sila! Pumasok sila sa loob ng JollyBeettle!"

Ruby: "Then let's go in there! I will not let yan Emily girl na maangkin ang akin Axel my love!"

Papasok na sana ang dalawang babae sa loob ng Fast food chain ng may biglang nagtapon ng balat ng saging sa daan at natapakan ito ni Ruby tsaka siya nadulas at napaupo sa sahig.

Ruby: "Ouch! Who did that?!"

Samantha: "Who did.. Sino?"

Ruby: "Sino pa ba?! Eh di kung sino ang nagtapon ng balat ng saging dyan sa daan?!"

Samantha: "Aba! Malay ko ba kung sino. Tsaka maraming dumaraang tao din dito sa sidewalk kaya malabo rin na mahanap pa natin yung nagtapon."

Ruby: "Whoever that person is, hindi niya ako mapipigilan sa aking plano!"

Sa hindi inaasahan pangyayari, may isang balde ng pulang pintura ang nahulog mula sa top floor ng isang 4-storey building, katabi ng Fast food chain na pupuntahan nila Ruby at Samantha. Saktong na tsambahan nito si Ruby at bumuhos ito sa kanyang buong katawan.

Ruby: "GRRRRR! WHAT THE HECK?!"

Agad sumigaw ang lalaking nasa Top Floor matapos mahulog ang kanyang pintura.

Pintor sa Top Floor: "Miss okay ka lang?! Pasensya na! Natabig ko kasi yung pintura gilid ng Balcon! Tsaka pasensya ulit!"

Tsaka bumalik muli sa pagpipinta ng Top Floor ang naturang lalaki. Nag-aalala naman si Samantha sa kalagayan ni Ruby, kaya tinanong niya ito. Nagsilapit naman ang mga usisero upang tingnan ang kalagayan ni Ruby.

Samantha: "Ruby? Are you okay?"

Ruby: "Mukha ba akong OKAY sa hitsura kong ito ha?!"

Lalaki: "Miss okay ka lang?!"

Babae: "Iha, mukhang kailangan mo ng umuwi sa inyo, pagtitinginan ka lang ng mga tao dito sa daan."

Ruby: "AAARGGGHH! NAKAKAINIS!"

Galit na naglakad at nagtawag ng Tricycle si Ruby pauwi sa kanyang bahay. Sinamahan naman siya ni Samantha pabalik. Dahil sa nangyari, hindi na natuloy pa ni Ruby ang kanyang masamang plano at matapos ang nangyari, bumalik sa paglalakad ang mga tao sa Sidewalk.

Pag-uwi nina Ruby at Samantha, sakto namang naka-order na rin ng pagkain sina Axel at Emily sa loob ng Fast food chain tsaka sila umupo sa mesang may magkapares na upuan at kumain.

Emily: "Axel, mahal ata yung inorder mong Special Fried rice at Chicken. Sigurado ka bang ikaw na ang magbabayad sa kakainin natin?"

Axel: "Oo, Emily. Akong bahala sa mga gastusin. Ang dapat mo na lang gawin ay ang mag-enjoy at magpawala ng stress."

Emily: "Hehe..Salamat, Axel. Kain na tayo."

Axel: "Sige."

At sabay kinain ng dalawa ang kanilang in-order na pagkain. Pagkatapos kumain, sandali silang nagpababa ng kanilang kunain sa mesa.

Emily: "Ohh....grabe. Nabusog ako dun."

Axel: "Oo. Ako nga rin."

Emily: "Axel, saan naman tayo susunod na pupunta?"

Axel: "Teka... Isipin ko muna.."

Sandaling nag-isip si Axel sa susunod nilang pupuntahan hanggang sa maisip niyang puntahan ang lugar kung saan siya nagpapalipas oras at nagmumuni-muni.

Axel: "Alam ko na! Emily, may lugar akong gustong ipakita sayo."

Emily: "Saan naman?"

Axel: "Basta! Dadalhin kita dun. Sigurado akong magugustuhan mo."

Emily: "Eh sige. Basta huwag tayong magpapagabi. Pagagalitan ako ni Ate kapag umuwi ako ng gabi."

Axel: "Huwag kang mag-alala, makakauwi ka ng maaga at hindi mapapansin ng Ate mo na nakauwi ka na ng maaga sa bahay niyo."

Emily: "Oo na, Axel. Basta ikaw ang bahala sa akin."

Matapos mahikayat ni Axel si Emily na sumama sa kanyang sikretong lugar, lumabas ang dalawa mula sa Fast food chain at nagtawag ng Tricycle na masasakyan tsaka sila sumakay.

Makalipas ang 30 minuto, nakarating sina Axel at Emily sa dagat sakay ng Tricycle at binayaran ni Axel ang kanilang pamasahe. Agad namang umalis ang Tricycle matapos bayaran ni Axel ang Driver. Tsaka naglakad ang dalawa papunta sa laot. Nagtaka naman si Emily kung bakit siya dinala ni Axel sa tabi ng dagat.

Emily: "Axel, bakit pala tayo nandito sa dagat?"

Axel: "Eh...kasi pakiramdam ko nawawala ang mga problema ko kapag naglalakad ako dito sa tabing-dagat."

Emily: "Madalas ka bang pumupunta dito?"

Axel: "Uhmm....Ano... Paminsan-minsan lang kapag gusto kong mag-unwind."

Emily: "..Ga-Ganun ba.."

Axel: "Oo."

Emily: "Hindi ba dahil sa sariwa ang hangin o dahil sa magandang view ng dagat?"

Axel: "Uhmm...Ano... siguro."

Emily: "Siguro?"

Axel: "Eh...Gusto ko lang. Yun lang ang dahilan kung bakit ako nandito?"

Emily: (Akala ko pa naman dahil sa gusto niya ang view. Kaya siya pumupunta sa dagat. Medyo nadismaya ako sa sinabi mo.) "So, kung hindi dahil sa view, ano ang ipinunta natin dito?"

Axel: "Ah..Oo. Buti ipina-alala mo. Puntahan natin yung parte na may mga halaman at damo. Magugustuhan mo ang lugar na yun."

Emily: "Okay, Sige."

Agad naglakad sina Axel at Emily ang sinasabing sikreto lugar ni Axel. Pagdating nila, natuwa si Emily sa mga bulaklak na nakatanim sa naturang lugar na parang isang mini flower garden sa tabi ng dagat. Ang kaso nga lang, hindi inaasahan ni Axel ang mga sumunod na pangyayari.

Axel: "Andito na tayo, Emily! Welcome sa aking Sikre—!"

Daniel: "HOY! ANONG GINAGAWA NIYO DITO HA?!"

Nagulat sina Axel at Emily ng makita nilang nakaupo sa damo si Daniel at nakaupo naman si Althea sa hita ni Daniel habang naka-akbay ang kanang braso ni Daniel sa baywang ni Althea. Agad tumayo at namumula ang pisngi ng dalawang nakaupo ng makita sila nina Axel at Emily. Dahil sa awkward na sitwasyon, galit na tinanong ni Daniel si Axel.

Daniel: "Axel! Anong ginagawa mo sa Secret graden ko ha?!"

Axel: "Secret garden mo?! Kailan mo pa naging Secret garden ang lugar na ito?! Tsaka paano mo nahanap ang lugar na to?!"

Daniel: "Nahanap ko ang Secret garden na ito noong last week!"

Axel: "Last week?! Last week mo lang pala natagpuan ang lugar na ito, tapos sasabihin mong Secret garden mo na ito?!"

Daniel: "Oo! Bakit, kailan mo ba ito natagpuan?!"

Axel: "Last year pa! Kaya nga kabisado ko na ang mga bulaklak na nakatanim dito!! Tsaka tingnan mo yung puno ng niyog, may nakalagay na marka oh! A.S. ang nakalagay!"

Daniel: "Hindi porket, initials mong A.S. + C.D. nakalagay sa puno ng niyog, sayo na rin itong garden!! Kung sayo yung niyog, sayo lang yun! Huwag mong idamay ang ibang halaman!"

Tila ang sinasabing lugar ni Axel na sikreto ay lumalabas na hindi na isang Sikretong lugar dahil sa presensya nina Daniel at Althea. Habang nagbabangayan ang dalawang lalaki kung sino ang naunang nakadiskubre sa Secret garden, dahan-dahan namang lumapit si Althea kay Emily habang namumula sa hiya ang kanyang mukha..

Althea: "Emily, pwede ba tayong maglakad saglit?"

Emily: "Ahh....ehh sige. Pero paano sina Daniel at Axel?"

Althea: "Iwan na muna natin sila. Bumalik na lang tayo kapag tayos na silang mag-away."

Emily: "Sige ba."

Iniwan nina Emily at Althea ang dalawang lalaki sa Secret garden para maglakad sa tabi ng dagat at habang naglalakad, kinausap ni Emily si Althea kung anu ang kinalabasan ng kanilang Date.

Emily: "So, kamusta ang date niyo ni Daniel?"

Althea: "Ayos naman. Siya ang naglibre sa lahat ng mga gusto ko."

Emily: "Maliban sa panlilibre, ano pang ginawa niyo?"

Althea: "Naglaro kami sa Arcade. Tapos kumain ng kung ano-ano sa daan. Nagawa naman ni Daniel lahat ng mga kundisyon ko sa kanya kahapon. Maliban sa isa, kaya kinulit ko siya kung ano ang pang huling kundisyon."

Emily: "Ha? Kundisyon?"

Para maintindihan ni Emily ang sinasabi ni Althea tungkol sa kundisyon nila ni Daniel, ipinaliwanag ni Althea ang apat nyang kundisyon na dapat magawa ni Daniel sa kanilang Date. Naunawaan naman ni Emily ang gustong mangyari ni Althea. Ngunit may isang bagay na hindi inasahan si Althea sa pang huli nitong kundisyon.

Emily: "Kung nagawa lahat ni Daniel ang tatlo mong kundisyon at may isa pa siyang hindi pa nagagawa, sinasabi mo bang, hindi mo icoconsider na Date ang nangyari sa Araw na ito?"

Althea: "Icoconsider ko naman na Date ang ginawa namin ngayong araw. Kasi nagawa naman niya ang pang-apat kong kundisyon na surpresahin ako."

Emily: "Ehh..... Nagawa naman pala niya. Ano pa ba ang ipinag-aalala mo sa ginawa niyang surpresa?"

Althea: "Eh... Yun na nga eh! Napasobra siya sa ginawa niyang pagsurpresa sa akin!"

Emily: "Ano bang ginawa niya para masabi mong masurpresa ka ng husto?"

Sandaling hindi nagsalita at lalo pang namula ang pisngi si Althea ng marinig nito ang tanong ni Emily. Lalo pang na intriga si Emily sa kung ano ang surpresang ipinakita ni Daniel kay Althea. Hanggang sa nahihiya at namumulang sinabi ni Althea ang ginawa ni Daniel.

Althea: "...Hinalikan niya ako sa labi...."

Emily: "Ah....Okay. Hinalikan ka niya sa—! LABI?!"

Tumango na lang si Althea ng magulat si Emily sa kanyang sinabi. Hindi naman makapaniwala si Emily sa kanyang narinig. Kaya nagtanong pang muli si Emily.

Emily: "Totoo ba yan sinasabi mo?!"

Althea: "To-Totoo! Hindi ako nagsisinungaling! Tsaka, please....huwag mong ipagsabi kahit na kanino."

Emily: "Okay. Hindi ko ipagsasabi, pero anung nangyari at paano ka niya hinalikan sa labi?!"

Althea: "Eh...paano ko ba ipapaliwanag to..."

Emily: "Nilagyan ba niya ng gayuma lahat ng pagkaing ibinigay niya sayo?!"

Althea: "Emily! Puwede ba?! Patapusin mo nga ako?!"

Emily: "O-Okay, makikinig muna. Naexcite lang."

Althea: "Eh.....Ganito kasi ang nangyari. Kinulit ko siya kung ano ang gagawin niya sa pang-apat kong kundisyon. Pero wala pa siyang sinasabi kanina. Hanggang sa nagbanta ako na uuwi na lang ako ng maaga kapag hindi niya tinupad ang surpresahin ako. Hanggang sa sinabi niyang susurpresahin ako kapag pinagbigyan niya akong sumama sa dagat. Kaya sumama ako. Tapos dinala niya ako sa Garden na iyon, tsaka niya sinabing yun daw ang surpresa niya. Pero hindi ako nasurpresa, kaya ang sabi ko uuwi na ako. Hanggang sa....."

Emily: "Hanggang sa... Ano?"

Muli na namang hindi kumibo si Althea habang inaalala ang nangyari bago dumating sina Axel at Emily. Tsaka nahihiyang ipinagpatuloy ni Althea ang kanyang kwento.

Althea: "Hanggang sa hinila ni Daniel ang kamay ko, tsaka niya ako hinawakan sa baywang at—"

Emily: "OMG! HINALIKAN KA NIYA SA LABI! AAAAAHHHHH!"

Sa sobrang hiya at sa ingay ni Emily, binatukan ni Althea ang ulo nito upang hindi mag-ingay.

Emily: ".....Aray....."

Althea: "Ano ka ba?! Huwag mo ngang ipagsigawan!"

Emily: "Eeeeehhhh! Kinikilig ako!"

Althea: "Kinikilabutan ako sayo! Dahil baka malaman ng lahat ng estudyante sa School na hinalikan ako ni Daniel!"

Emily: "Sorry na, Alt. Pangako, hindi ko ipagsasabi kahit kanino."

Althea: "Talaga lang ha."

Emily: "Kung ganon, kayo na ni Daniel?"

Althea: "Oo. Parang ganon na nga. Pero! Huwag mong ipagsasabi na hinalikan ako ni Daniel ha?!"

Emily: "Oo. Makakaasa ka."

Althea: "Siguraduhin mo."

Emily: "Oo na nga, di ba? Tsaka balikan na natin yung boys. Baka mamaya nagsusuntukan na sila ng dahil lang sa isang maliit na halamanan sa gilid ng dagat."

Althea: "Oo. Mabuti pa nga."

Matapos maglakad-lakad at maikwento ni Althea ang pagiging magjowa nila ni Daniel, bumalik ang dalawang babae pabalik sa sinasabing Secret garden. Pagbalik nila, naabutan pa rin nilang nag-aaway ang dalawang lalaki, kaya pumagitna na si Althea at parehong nito binatukan sa ulo ang dalawang lalaki. Tumigil naman sila matapos silang mabatukan.

Althea: "Ano? Hindi pa ba kayo titigil?!"

Daniel: "Oo na! Titigil na kami! Tsaka bakit si Axel binatukan mo lang, samantalang ako halos bugbugin mo?!"

Althea: "Wala. Gusto ko lang."

Daniel: "Grabe... Hindi ka na nagiging patas."

Axel: (Kawawa ka naman Daniel. Mukhang under ka na ni Commander Althea.)

Emily: "Guys. Hindi pa ba tayo uuwi? Magdadapit-hapon na."

Axel: "Ah...Oo. Hindi ka pala pwedeng magpagabi."

Althea: "Kung ganun, sabay-sabay na rin tayong umuwi. Para isahan na rin ang bayad natin sa Tricycle."

Emily: "Sige, alis na tayo."

At naglakad paalis sa tabing dagat sila Emily, Axel, Althea at Daniel. Tsaka sila nagtawag ng Tricycle pabalik sa Downtown.

Pagdating sa Downtown, naghiwalay ng daan ang magpares tsaka sila umuwi sa kanilang mga bahay. Ngunit ihinatid na muna ni Axel si Emily sa kaniyang bahay.

Emily: "Axel, hindi mo naman ako kailangan ihatid sa bahay. Kaya ko na maglakad pagkagaling sa Downtown."

Axel: "Okay lang, Emily. Dito din naman ang daan ko pauwi."

Emily: "Ha? Yung daan papunta sa amin, doon ka din dumadaan pauwi?"

Axel: "Oo, Emily."

Emily: (Hindi ko alam yun ah.)

Axel: "Masaya ka ba sa naging Date natin ngayon?"

Emily: "Oo, Axel. Masaya din ang araw na ito. Sana man lang hindi na ito matapos."

Bahagyang nalungkot at napatingin sa lupa si Axel dahil sa sinabi ni Emily. Ngunit bumalik din ang ngiti ni Axel ng humarap siya kay Emily.

Axel: "Oo. Sana nga."

Emily: "Tsaka malapit na pala tayo sa bahay namin."

Axel: "Didiretso na rin ako lagpas sa bahay niyo. Dun lang kasi ako nakatira sa may kanto."

Emily: "Kung ganun, kita na lang tayo sa School?"

Axel: "Oo. Ingat sa pag-uwi."

Emily: "Ikaw din, Axel. At thank you sa panlilibre mo."

Axel: "Walang anuman, Emily."

Matapos magpaalam, naghiwalay ng landas sila Emily at Axel. Tsaka sila umuwi sa kanilang mga bahay. Ngunit nag-aalala naman si Emily sa kung ano na naman ang magaganap sa kanilang hapunan na kasama ang may-ari ng bahay na si Ramon.

Samantala, pagdating naman ni Axel sa kanyang bahay, agad siyang humiga sa kanyang kama upang magpahinga. Ngunit bigla naman siyang nagduda sa kanyang sarili matapos makita ang letrang C.D. na kadugtong ng initials ng kanyang pangalan sa puno ng niyog at sa kung mapapanindigan ba niyang maging Girlfriend si Emily.