webnovel

Chapter 24-Pagbisita sa Puntod

Nobyembre 1, bisperas ng araw ng mga patay, tirik na ang araw nang magising si Emily sa kanilang bahay dahil sa puyat at pagdalo nito sa Halloween party ng kanilang eskwelahan. Tila napansin ni Emily na wala siyang gaanong narinig na ingay mula sa ibaba ng kanilang bahay, kung kaya't bumangon ito mula sa pagkakahiga at pumunta sa kusina.

Pagdating sa kusina, nakita niyang nakaupo sa mesa ang kanyang Ate na si Lucile at nagtetext sa sarili nitong cellphone. Nakita din niyang nakahanda na rin ang kanilang agahan sa mesa at sa unang pagkakataon, hindi nakita at narinig ni Emily ang maingay na si Ramon dahil sa palpak na pagluluto ng kanyang Ate.

Ngunit nagtaka si Emily nang mapansing wala sa paligid si Ramon, kaya tinanong niya ang kanyang Ate para alamin ang dahilan ng nararanasan nilang panandaliang katahimikan.

Emily: "Good morning po, Ate."

Lucile: "Good morning din, bunso. Kamusta ang Halloween ng School kagabi?"

Napangiwe sa sarili si Emily nang tanungin siya ng kanyang Ate.

Emily: "Uhm.....Okay naman po." (Kung alam niyo lang po, hinabol po kami ng kakaibang multo. Wala lang akong ideya kung saan natagpuan ni Daniel ang kakaibang multo na iyon.)

Lucile: "Siguro ang saya ng mga naganap sa Party kagabi. Hay.....Kung may isa pa sana akong Fairy costume siguro, nakasama ako sa inyo."

Emily: "O-Opo. Sana nga po. Hehehe...." (Mas mabuti na lang na hindi po kayo sumama, baka mapatakbo din po kayo ng mabilis kapag nakita niyo din yung kakaibang multo, gaya namin kagabi.)

Lucile: "Speaking of sumama, ibinilin pala ni Ramon kaninang umaga na pupunta siya sa bahay ng kanyang Boss. Kaya maaga siyang umalis kanina. Tsaka gabi na rin siguro siya makakauwi dito sa bahay "

Emily: "Ga-Ganon po ba?" (Kaya pala hindi ko siya narinig na magreklamo sa luto ni Ate. Lagi naman siyang galit kapag nandito siya sa bahay.)

Lucile: "At dahil wala si Ramon at natapos ko na din lahat ng mga gawaing bahay, ito na rin ang tamang pagkakataon para lumabas at bumisita sa kanila."

Nang marinig ni Emily ang sinabi ng kanyang Ate, bigla siyang nalungkot at nainis sa tuwing maalala ang pagpanaw ng kanilang magulang. Napansin ni Lucile ang biglaang pagbabago sa reaksyon ni Emily. Kaya kinausap niya ito.

Lucile: "Bunso, alam kong hanggang ngayon, masakit pa rin sa damdamin ang pagkawala nina Nanay at Tatay. Pero hindi natin sila masisi sa biglaan nilang pagkawala. Kaya kailangan natin pumunta sa kanilang puntod para mag-alay ng Dasal."

Sandaling hindi kumibo si Emily dahil sa masama pa rin ang loob nito dahil sa nangyari sa kanilang magulang. Ngunit sinagot naman niya ang sinabi ng kanyang Ate.

Emily: "Opo, Ate."

Lucile: "Kung ganun, kumain ka na ng agahan para makaalis na tayo. Sigurado ako, dadagsain ng maraming tao ang Sementeryo."

Emily: "Opo."

Matapos sabihan ni Lucile si Emily na kainin ang kanyang agahan, agad nitong sinunod ang kanyang Ate. Pagkatapos kumain, iniligpit at hinugasan ni Emily ang kanyang kinainang plato at naligo sa banyo. Abala naman sa paglalagay ng pagkain si Lucile sa kanilang baonan para sa kanilang tanghalian at matapos maligo ni Emily, sumunod namang naligo ang kanyang Ate.

Pagkatapos na maihanda ang lahat ng kanilang babaunin, lumabas ng bahay ang magkapatid at ikinandado ang bahay ni Ramon tsaka sila nagtawag ng Tricycle papuntang Sementeryo.

Pagdating sa labas ng gate ng Sementeryo, nakita ng magkapatid ang sari-saring mga tao na dumagsa, kasama ang kanilang mga pamilya, kamag-anak at mga kaibigan, upang bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang iba naman, dumagsa lang sa Sementeryo para mamasyal.

Pagpasok sa Sementeryo, agad pinuntahan nina Emily at Lucile ang puntod ng kanilang mga magulang. Naglakad ang magkapatid sa sementadong daan papunta sa likod na dulo ng Sementeryo at hinanap ang isang puno ng Ilang-ilang. Kung saan, sa tabi nito, nakahimlay ang kanilang mga magulang. Nang mahanap ng magkapatid ang puno, agad naglagay ng kandila ang dalawa sa lapida ng kanilang magulang at taimtim silang nagdasal.

Habang nagdadasal, sariwa pa sa isipan ni Emily ang balitang gumimbal sa kanila ng kanyang kapatid. Nasa Grade 7 palang si Emily ng mabalitaan nito ang pagpanaw ng kanilang magulang, sanhi ng pagkarambola ng isang Truck sa mga sasakyang nakahinto sa gitna ng trapiko. Nang mga panahong din iyon, nasa Grade 12 naman si Lucile at magtatapos na sana ng pag-aaral sa High School.

Matapos magdasal ang dalawa, napansin ni Lucile ang mga luha sa mga mata ni Emily at naisip niyang hindi pa rin matanggap ng kanyang bunsong kapatid ang nangyari sa kanilang magulang.

Lucile: "Emily, tahan na. Alam kong namimiss mo na sina Inay at Itay."

Pinunasan ni Emily ang kanyang mga luha. Ngunit tinanong naman nito ang kanyang Ate.

Emily: "Ate... Paano niyo po nagagawang hindi umiyak sa kabila ng mga nangyari?... Hindi niyo po ba namimiss sina Nanay at Tatay?.."

Sandaling napatahimik si Lucile dahil sa itinanong ni Emily. Kalauna'y sinagot nito ang tanong ng kanyang bunsong kapatid.

Lucile: "Namimiss ko din sila, Bunso."

Emily: "Kung namimiss niyo po sila, bakit parang wala lang sa inyo ang nangyari?!"

Muli na namang hindi kumibo si Lucile. Sa tuwing hindi siya kumikibo, ayaw maalala ni Lucile ang oras kung saan, nakita nito sa Morge ang kalunos-lunos na hitsura ng bangkay ng kanilang magulang at walang ideya si Emily sa nakita ng kanyang Ate. Kaya kung minsan, ayaw sagutin ni Lucile ang ibang mga tanong ni Emily na may kinalaman sa pagkamatay ng kanilang Nanay at Tatay. Maya't maya, muling nagsalita si Lucile.

Lucile: "Emily, kung maari lang, huwag na natin pag-usapan ang nangyaring pagkaka-aksidente nina Inay at Itay. Kahit na pag-usapan pa natin....."

Biglang napaupo si Lucile sa kanyang kinatatayuan at tuluyan na rin siyang umiyak. Nang makita ito ni Emily, naunawaan na rin niyang pinipilit lang na ipakita sa kanya ng kanyang Ate na maging matatag. Nagpatuloy naman si Lucile sa kanyang sinasabi.

Lucile: "Ka-Kahit... pag-usapan pa natin.. hindi na sila babalik.... Tsaka..... alam mo ba?... Nakita ko ang mga hitsura nila noong nasa loob ako ng Morge..! Sobrang kinikilabutan ako..!! Sa tuwing ipapa-alala mo ang nangyari sa kanila..!! Kaya please.. huwag mong ipaalala sa akin ang hitsura nila noong namatay sila..!!"

Nang marinig ni Emily ang sinabi ng kanyang Ate, at ang kinikilabutan nitong reaksyon, napagtanto niyang nakakikilabot ang nangyaring pagkamatay ng kanilang magulang. Naisip din ni Emily na naging mahirap din sa kanyang Ate na tanggapin ang pagkamatay ng kanilang magulang, lalo na't nakita mismo ng kanyang Ate ang kanilang bangkay. Kung kaya't tinabihan ni Emily ang kanyang kapatid at humingi ng tawad.

Emily: "..Ate... Sorry po.. Hindi ko naman po alam na nahihirapan pala kayo sa nangyari."

Lucile: "Oo...bunso. At ayoko lang na maalala pa yung mga hitsura nila noong namatay sila. Ang gusto kong maalala.....yung mga mukha nila noong nabubuhay pa sila...."

Emily: "Sorry po....Talaga. Naiinis lang po kasi ako kasi sa sitwasyon natin dahil wala na sila."

Lucile: "...Bunso...Gaya ng sinabi ko kanina....hindi nila kasalanan ang mawala. Kaya pakiusap.... patawarin mo na sila."

Sandali din na hindi kumibo si Emily. Matapos punasan ang kanyang mga luha, muli na naman siyang nagsalita.

Emily: "..Ate.. pinapatawad ko na po sila. Pero yung Truck driver na bumangga sa kanila-!"

Agad naman sinabihan ni Lucile si Emily matapos nitong mapansin na hindi pa rin nito pinapatawad ang taong naka-aksidente sa kanilang magulang.

Lucile: "Emily!! Pakiusap naman! Patawarin mo na din yung Truck Driver!"

Emily: "Pero-!"

Lucile: "Nakakulong na ang Truck Driver na naka-aksidente sa magulang natin at sa apat na iba pang sasakyan. Tsaka mukhang nagsisisi siya sa nangyari. Hanggang kalaunan....."

Muli na namang tumahimik si Lucile. Ngunit nagtaka naman si Emily sa sinabi ng kanyang Ate.

Emily: "Kalaunan po ay ano?"

Lucile: "Namatay siya sa loob ng kulungan. Ang sabi nung mga nagbabantay sa kulungan, naatake ito sa puso."

Biglang hindi kumibo ang magkapatid matapos sabihin ni Lucile ang sinapit naman ng Truck Driver na naka-aksidente sa kanilang magulang. Tila naisip ni Emily na parang minadali ng tadhana ang pagbigay hustisya sa kanilang magulang. Kung kaya't naisip na lang niyang patawarin ang Driver ng Truck na pumatay sa kanyang magulang.

Emily: "..Ate... patatawarin ko na rin po yung taong naka-aksidente sa kanila. Mabuti na rin po na ipagdasal na rin natin siya sa mga kasalanan na nagawa niya."

Natuwa naman si Lucile sa sinabi ni Emily matapos nitong maunawaan na pagpapatawad lang ang magpapagaan sa dalawang taon nilang sama ng loob. At naisip nilang puntahan ang puntod ng namayapang Truck Driver na nakapatay sa kanilang magulang at sa iba pang nabiktima ng malagim na aksidente.

Lucile: "Kung pinapatawad mo na siya, mabuti pa, puntahan natin ang kanyang puntod."

Emily: "O-Opo."

Kaya matapos mag-usap at ipinagdasal ng magkapatid ang kanilang magulang, sandaling kinausap ni Lucile ang puntod upang magpaalam tsaka sila naglakad palayo sa lapida. Habang naglalakad, tinanong ni Emily ang kanyang Ate kung alam ba nito kung saan nakahimlay ang Truck Driver na gumawa ng aksidente.

Emily: "Ate? Matanong ko po, alam niyo po ba kung saan nakalibing yung Driver at kung anu ang pangalan nito?"

Lucile: "Oo, Bunso. Tsaka, malapit na tayo."

Emily: "Malapit na? Saan po?"

Lucile: "Dun mismo sa pantiyon malapit sa puno ng mangga."

Matapos ituro ni Lucile ang libingan ng Truck Driver, agad nilang pinuntahan ang mismong libingan. Paglapit nila, tila may konting sama pa ng loob na nararamdaman si Emily nang makita ang pangalan ng taong pumatay sa kanilang magulang.

Emily: "...Donato Emeritus... Siya ang lalaking nakaaksidente kila Nanay at Tatay."

Lucile: "Oo. Siya nga, Bunso. Kasama na yung apat pang mga sasakyan na kanyang nabangga."

Muli na naman tumahimik si Emily ng makita ang puntod ng taong bumangga sa sasakyang minamaneho ng kanyang magulang at sa apat pang mga sasakyan. Hindi mawari sa sarili ni Emily kung paano pa niya makakausap ang taong pumatay sa kanyang magulang upang alamin ang naging dahilan ng pagbangga nito. Maya't maya nagsalita ang kanyang Ate.

Lucile: "Emily, ipagdasal na natin siya ng matahimik na rin siya. Total, nagsisi na siya noong nakakulong pa siya sa kulungan."

Emily: "...Opo.... Mukhang nagsisi po siya. Ang hindi ko lang po matanggap, yung namatay din siya ng hindi man lang nagsasabi ng patawad sa atin.

????: "Oo. Tama ka, Iha. Nakakapanghinayang na hindi na siya makakahingi ng tawad sa atin."

Napalingon sa kanilang likod ang magkapatid nang marinig ang boses ng isang babae. Paglingon nila, nakita nila ang isang maganda at maputing babae na nasa edad 40, nakasuot ng itim na sapatos, puting medyas, itim na slacks pants, puting long sleeves, itim na corporate blouse at itim na buhok na naka-Blunt bob hairstyle. Matapos marinig ang sinabi ng babae, naisip ng magkapatid na marahil ay isa sa biktima ng Truck Driver ang kamag-anak ng babae na kanilang kaharap. Hanggang sa nagsalita muli ang babae.

????: "Mawalang galang na. Ako pala si Amelia Zacarias. Pasensya na rin kung bigla na lang ako nakikisali sa usapan ng ibang tao. Nakagawian ko na kasi."

Lucile: "Ah..O-Okay lang po. Wala pong problema sa amin yun. Di ba, Emily?" (Wow! Mukha siyang mayaman at kagalang-galang na babae. Siguro, Boss siya ng isang malaking kumpanya.)

Emily: "O-Opo! Tama po si Ate. Wala lang po yun." (Mukhang mayaman ang babaeng nasa harap namin. Kaso parang pamilyar ang apelydo niyang Zacarias. Saan ko ba narinig yun?)

Lucile: "Tsaka, ako po pala si Lucile. Siya po ang Bunso ko pong kapatid, si Emily.

Emily: "He-Hello po, Miss Amelia."

Amelia: "Misis na ako, Iha. Tsaka, Aling Amelia na lang ang itawag mo sa akin. Ayoko din naman ng masyadong pormal na pag-uusap."

Emily: "Pa-Pasensya na po, Mis- I mean, Aling Amelia po."

Amelia: "Iha, huwag kang kabahan. Hindi ako nangangagat ng tao. Hehehe.."

Emily: "Hehe...Pasensya na po."

Amelia: "Okay lang, Iha."

Lucile: "Ma-Mawalang galang na rin po. Tsaka huwag niyo po sanang masamain. Pero, base po sa sinabi niyo po kanina, may kamag-anak po ba kayo na naging biktima ng Truck Driver?"

Sandaling hindi kumibo ang babaeng kausap nina Lucile at Emily. At tulad ng hinala nang magkapatid, kasama din sa aksidente ang mahal sa buhay ng babae. Maya't maya, nagsalita na ang babae.

Amelia: "Lucile? Tama ba?"

Lucile: "O-Opo. Ako po."

Amelia: "Tama ka. Biktima din ng aksidente ang aking asawa. Siya ang may-ari ng sasakyan sa harap ng minamanehong kotse ng inyong magulang. Ang ikinasasama pa ng aking loob sa aksidente, yung makaladkad pa ng Truck ang kanyang sasakyan matapos silang mabangga mula sa likod at maihulog pa sa malapit na tulay. Sobrang nakakasama sa loob."

Napayuko at tumingin sa lupa ang babae, matapos nitong sabihin kila Lucile at Emily ang nangyaring bersyon ng aksidente ng kanyang asawa. Nahalata ng magkapatid sa mukha nito ang lungkot at pagkainis dahil sa nangyari.

Lucile: "Aling Amelia, ikinalulungkot ko po ang nangyari sa asawa po ninyo."

Emily: "Ako din po."

Amelia: "Ako din. Ikinalulungkot ko din ang nangyari sa inyo magulang. Ganun pa man, matapos ang aksidente, agad kong ipinakulong ang Driver. Tapos nadagdagan pa ang sintensya niyang 10 years na pagkakakulong nang magsampa din ng kaso ang pamilya nang apat na biktima ng aksidente. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na namatay siya sa loob ng kulungan."

Lucile: "Opo. Ganun nga po ang aking narinig."

Amelia: "Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ng marinig ko ang balita. Pero, masama pa rin ang loob ko dahil hindi siya personal na humingi ng tawad. Hanggang sa inimbitahan ako ng kanyang pamilya sa kanyang lamay upang ipabasa ang kanyang huling habilin."

Emily: "Huling habilin?"

Lucile: "Oo, Emily. Inimbitahan din nila ako. Pero hindi ako pumunta."

Matapos sabihin ni Lucile ang kanyang sinabi, naintindihan ni Emily na dahil sa sama ng loob kung kaya't hindi sumipot sa lamay ng Truck Driver ang kanyang kapatid. Ngunit ang babae naman ang nagsabi sa magkapatid kung anu ang narinig nito sa lamay ng Driver.

Amelia: "Nauunawaan ko kung bakit hindi kayo sumipot sa lamay ng Driver. Gayun pa man, naglakas pa rin ako ng loob na pumunta upang alamin ang huling habilin ng Driver. Pagdating ko doon, agad akong umupo sa harap ng lamay at pinapakinggang ko ang binabasang sulat ng Driver. Hanggang sa marinig kong binasa ng kanyang asawa ang mga salita sa sulat, "Sa mga biktima at sa pamilya ng aksidente na aking nagawa, labis ang paghingi ko sa inyo ng tawad." Hanggang sa nalaman ko na lang mula sa sulat na nawalan pala talaga siya ng preno."

Mula sa sinabi ng babae, tila nakonsensya ang magkapatid dahil sa sobrang paninisi nila sa Driver ng Truck sa kadahilanang hindi sinasadya ng Driver ang nagawa nitong kasalanan. Kung kaya't naisip ng magkapatid na patawarin ang Driver.

Lucile: "Kung ganun po, nangyari po ang karumal-dumal na aksidenteng iyon dahil sa nawalan po siya ng preno..."

Amelia: "Oo, Lucile. Tila nagsisisi pa ako ng marinig ko mula sa kanyang sulat bago siya mamatay ang katotohanan. Ganun pa man, hindi na natin mababago kung ano na ang nangyari. Pero para sa ikakatahimik ng kanyang espiritu, pwede pa natin baguhin kung ano ang nasa kasalukuyan."

Emily: "Tama po kayo, Aling Amelia. Pwede pa natin baguhin kung ano ang nasa kasalukuyan. Kaya naisip ko po, na patawarin na po ang Driver."

Amelia: "Oo. Tama ka, Iha. Kaya nga naparito din ako para ipagdasal ang kaluluwa ng Driver."

Lucile: "At nang sa ganon, matahimik na rin siya."

Emily: "Opo."

Hanggang sa nagtinginan ang tatlong babae sa isa't isa at ipinagdasal ang kaluluwa ng namayapang Driver ng Truck. Matapos magdasal, agad nagpaalam na aalis mula sa Sementeryo ang naturang babae.

Amelia: "Oh siya, mga iha. Aalis na rin ako. Kailangan ko pang puntahan ang Museleo ng aking asawa."

Emily: "Opo, Aling Amelia."

Lucile: "Maraming salamat po."

Amelia: "Walang anuman."

At naglakad ng mabilis ang babae papunta sa isang Museleo. Naiwan namang hangang-hanga sa babae ang magkapatid.

Emily: "Grabe.... ang ganda ng nakilala nating babae."

Lucile: "Oo nga. At ang bait din niya."

Emily: "Ate, sa tingin niyo po? Makikita pa ba natin siya ulit sa susunod na taon?"

Lucile: "Oo, Bunso. Sigurado akong bibisita siya ulit dito sa sementeryo."

Emily: "Ate, naisip ko lang. Kumain na lang kaya tayo sa labas?"

Lucile: "Bakit naman?"

Emily: "Kasi ang gaan po ng pakiramdam ko."

Lucile: "Oo. Ako din. Para bang si Aling Amelia ang naging sagot para maunawaan ang nangayari kila Inay at Itay."

Emily: "Opo. At ang gaan pala sa pakiramdam kapag napatawad mo na ang taong kinaiinisan mo."

Lucile: "Oo, Bunso." (Pero sana man lang marunong ka pa rin magpatawad kapag umuwi ulit tayo sa bahay.)

Emily: "Kung ganon, lumabas na po tayo, Ate."

Lucile: "Sige, Bunso."

Mula sa Sementeryo, lumabas ang magkapatid palabas ng Gate upang mananghalian sa isang kainan sa labas. Matapos kumain, namasyal mula sa Mall ang magkapatid habang sinasamantala ang magandang pagkakataon para magsaya. Ngunit pagdating ng dapit-hapon, tila natapos ang masaya at tahimik na araw ng magkapatid, pag-uwi nila sa kanilang bahay.