webnovel

sa school may batas

a short comedy story that will make you laugh and learn at the same time.

IAMCOMEDIAN_24 · Filme
Zu wenig Bewertungen
9 Chs

CHAPTER 7 PART I

THIS BOOK IS A WORK OF FICTION NAME PLACE THINGS SITUATIONS EVENTS ARE PRODUCED BY AUTHOR'S IMAGINATION.NO PART OF THIS BOOK MAYBE USED OR REPRODUCED IN ANY NAME WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE AUTHOR. PLAGIARISM IS A CRIME ALL RIGHTS RESERVED © 2020

-CONAN EDOGAWA'S ORIGINAL STORY-

Please guys, I am not a perfect writer and you might find some jokes in this chapter that are not funny nor amusing. I am accepting a constructive criticism as long as you do not put any harsh words and judged me for wasting my time doing a story. This is my passion and I believe that my works will either soon be published as a book or become a part of a local industry film. Thank you for your understanding and I hope you are laughing hard while reading it.

Hayyyyy, weekend nanaman, abala na naman kami sa gawing bahay, sabado ngayon at singilan time nanaman para kay mama, hindi pa ako bumabangon dahil napapa-isip ako sa ilang mga bagay-bagay. Nagulat naman ako ng bigla kong narinig si Mama na kumakanta sa kusina.

"Lala-lalala, pera pera pera lang yan, pera lalalalala". Version n'ya ng kantang Tala

Bigla kong naamoy ang mabangong onions na ginigisa ni Mama sa mantika, mukhang maganda ang mood nito dahil singilan na ngayong araw.

Napatayo ako sa aking higaan dahil sa aking naamoy, pumunta muna ako ng cr malapit sa aking kwarto para magsipilyo at maghilamos ng mukha.

Ilang minuto pa ay lumabas na ako sa sala, handa na ang pagkain, nakaupo na sila papa at si prinsisa, at si Mama Riyna ngunit tila ay hinahantay nila ako.

"Oh, anak, hindi pa kami kumakain dahil wala kapa, alam naman namin na ikaw ay talaga namang ginagalang sa school, maupo kana at kakain na tayo ikaw nalang ang inaantay namin anak". Sambbit ni Mama Riyna.

Sa isip isip ko, alam ko na ito, uutusan na naman ako nitong maningil sa kabilang bayan ng kanyang mga singilin sa ibang hindi ko pa kilala. Matapos namin kumain ay pinaghugas ako ng pinggan.

Nagpahinga ako sa pamamagitan ng pagrereview ng mga lessons namin. Maya maya pa ay lumapit sa akin si Mama upang utusan akong pumunta sa "Yayamanin street".

"Oy, anak, Prince Epeh diba presidente kana, pero dito sa bahay utusan ka pa din, marami tayong singilin sa yayamanin street, madami kang pupuntahan ngayon, sina Manny, Willie, Henry, Sharon, at tsaka si Mayora, alam na nila na pupunta ka don, sinabi ko din ma school president ka kahit hindi naman nila tinatanong. i-flex ko lang hahah. Pero ipaalala mo mo rin dahil pag singilan na, malilimutan na nila kahit pangalan ng inutangan nila".

Mula dito, deretsuhin molang palabas sa kabilang kanto, kapag may nakita kang malaking sign na "yayamanin street", nasa unang hilera ng mga bahay duon silang nakatirang lima. Pagtuturo ni Mama Riyna sa direksyon

Si Manny, kapag may nakita kang nagwawalis na lalake sa labas ng bahay mamayang 10 am, ayun ang bahay nya kaya dapat s'ya ang una mong puntahan.

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni mama sabay tanong...

Huh? Paano naman kapag wala na sya sa labas para magwalis? Pagtataka ko sa sinabi nya.

Kaya nga anak, kabisado ku nayun, kaya dapat agahan mo pero pwede mo naman s'ya katukin sa bahay nila. Pero i-expect mo na imbes na sala, eh C.R ang bubungad sayo. Ganun kase ang ginawa nila para hindi doon dumaan ang mga magnanakaw! Pagdadahilan nito

Next naman si willie, actually halos magkapitbahay lang silang dalawa, may pagitan lang na isang bahay, sa bahay ni willie, medyo may kalumaan ito pero mayroon itong doorbell, kumatok ka nalang, kelangan mo kaseng maghulog ng limang piso pag pipindutin mo yon, sabi kase nila, aksaya sa kuryente kaya ginawa nila itong hulugan,isang pindot sa doorbell, limang piso, eh mga 50x pa bago sila lumabas kaya katukin mo nalang o kaya sumigaw ka nang "sunog" lalabas un.

Next naman si Henry, ung bahay naman niya ung nasa pagitan nina willie at manny, pero anak, ingat ka ah, medyo matapang itong tao nato sa hindi n'ya kakilala.

Sumunod naman ay si Sharon, alam mo anak magkapit bahay sila willie at sharon, kapag may nakita kang malaking bahay na may parol sa labas sa kanya yon, tinatamad pa raw s'yang tanggalin yun, si Mayora naman, doon pa s'ya sa pinakadulong bahay ng hilera na binaggit ko sayo kanina, kapag may nakita kang nagpapaweteng, s'ya yon.

At anak, please magadala ka ng payong meron akong bagong binili nasa kwarto mo kuhain mo nalang! Umalis na ito at nagtungo sa kwarto n'ya.

Sumunod naman ako kaagad sa utos ni mama, hinanap ko kaagad ang payong ngunit ito ay transparent, pero dinala ko padin kung sakali man na umulan.

Umalis na ako, pero bago yon ay nakita ko ang papa ko at ang kapatid ko sa labas, hawak ni Prince Sisa ang kanyang kuting habang kausap si Papa Arie, nagpaalam ako na ako ay maniningil.

Pa alis na po ako! Pagpapaalam ko kay Papa Arie.

Sige anak, basta kapag naligaw ka baliktarin mo ang damit mo!

Kuya, bye ingat sila sayo! Sabi ni Bunso

Sa aking paglalakad ay dama ko ang init, halos pagpawisan ako kaagad kaya naman ay naisipan kong gamitin ang aking payong

Sa aking paglalakad ay tila ba nagtinginan lahat nang aking nakakasalubong, napapa-isip ako kung bakit nila ako tinitignan, hanggang sa may nakasalubong ako babae, napukaw ako sa itsura nito, hindi man kagandahan ngunit malakas naman ang dating, ngunit naka-kunot ang nuo nito sa akin, at narinig ko ang sinasabi nito sa kanyang kasama na tila ay nagpaparinig.

"Tignan mo yang lalaki, parang baliw, ayaw mainitan pero transparent yung umbrella". Sabi ng babae sa kanyang kasamang babae habang masama ang titig sa akin.

Hay naku friend, ayaw ku nang intindihan kung bakit transparent ang payong n'yan ang dami ko nang iniisip pati ba naman yan dadagdag pa! Sabi ng kanyang kaibigan.

Tila ba ay wala ako sa harapan nila nang sinabi nila ito, pero dedma lang ako.

Ilang minuto na akong naglalakad ngunit tila ay hindi ko padin matunton ang "yayamanin street" kaya't sinunod ko ang payo ni Papa Arie na na baliktarin ang damit ko, pero s'yempre gumilid muna ako at duon nagpalit, ginamit ko ang transparent na payong pangharang at nang matapos ako ay nagsimula na ulit akong maglakad nang nakapayong at sa wakas ay natunton ko narin ang "yayamanin street", sa bungad ay may lalaking nagwawalis, bigla itong pumasok dahilan para tumakbo ako at sumigaw."Sir ung utang mo bayaran mo daw po!", tila ay hindi n'ya ito narinig, ngunit madami ang napalingon sa akin dahil sa aking paninigaw.

Pagkapunta ko sa tapat ng kanyang bahay ay agad akong kumatok, ngunit sa lakas nang una kong katok ay bukas pala ito, bumungad sa akin ang kanyang c.r na masangsang ang amoy, ito na marahil ang dahilan kung bakit ginawang c.r ang nasa unahan nang kanyang bahay para iwas nakaw, dahil bukod dito ay wala nang iba pang daanan palabas at papasok ng bahay, buti nalang pala at isa lang ang tao na nakatira dito.

Nagtakip ako ng ilong gamit ang aking damit pero nakabaliktad pa pala eto, at dahil nasa c.r ako ay agad ko itong inayos muli, napansin ko sa pagpasok ko ay may pinto nanaman, ito siguro ang papunta sa kanyang sala, bago ako pumasok ay may nakalagay na number sa pinto, 09111111111-call me if you need a money friend. Kinuha ko ito at balak i-prank para naman ay malaman ko kung ito ay seryoso.

May tao po ba dito? Tanong ko bago kumatok

Meron! Boses ng isang matandang tila ay galit. Nakarining ako ng yapak ng paa papunta sa aking kinaroroonan.

Ilang sandali pa ay bumungad sa akin ang balbas sarado na lalaki, may dala itong itak sa kanyang kanang kamay. Natakot ako lalo na nang marinig ko ang malalim na boses nito.

Ano yon iho, magnanakaw ka, uutang o gagamit ng c.r? Tanong ng Matanda habang nakakunot ang noo.

Utang mo Sir Manny, wag mo na daw bayaran basta't h'wag mo akong itakin! Nanginginig na sabi ko dito.

Ah, eh iho, kalmadong sabi ni sir Manny, actually, nagtataga ako ng kahoy ngayon sa loob, mahirap lumabas dahil sa talamak ang mga tsismisan dito sa amin pero ung utang ko kay mama mo, pwede ba sa pasko ko nalang bayaran, pero triple naman ang balik, kapag hindi s'ya pumayag hindi na ako kukuha ng baboy sa kanya! Pananakot nito sa akin.

Nako sir, hindi po pwede eh, kase kapag hindi n'yo ako binayaran kakatayin kayo ni Mama! Matapang na sabi ko

Oh eto na iho, hindi ka naman mabiro, ito ang 6000 kasama na d'yan ang interes, sabihin mo sa mama mo, masarap ang baboy n'ya! Pambobolo ni sir Manny

Ok, makakarating po! Maikling sabi ko sa kanya sabay alis.

Next naman na pinuntahan ko ay ang kanyang kapitbahay na si Henry, bago paman ako makatungtong sa harapan ng bahay nito ay bumungad na sa akin ang lalaking matanda na nakapamewang, lumapit ako sa kanya at nagsimulang magsalita.

"Sir ung utang nyo daw po sabi ni Mama Riyna" Bungad na tanong ko sa matandang mukhang masungit.

"Ano ka hello"? Wala pa akong pera ngayon kaya pwede ba wala munang maniningil hindi mo ba nababasa ang nasa damit ko, "Bawal maningil ngayon bukas nalang". Sabi ni sir Henry

Eh yung damit ko po hindi nyo nabasa? Pagyayabang ko sa matanda

"Kung magugunaw na ang mundo bukas, pupuntahan kita ngayon para maningil".

Tila ay natahimik ang matanda, lumabas naman ang isang dilag na tila ay ka-edad ko, hindi man ito masyadong maganda pero malakas naman ang dating, napansin ko naman ang nakaprint sa kanyang damit habang ito ay papalapit sa akin. "Wag ka munang maningil ngayon dahil hindi pa magugunaw ang mundo". Napalunok ako sa aking nabasa pero ako ay kinilig ng ako ay kanyang ngitian.

Second part coming very soon.....................