webnovel

sa school may batas

a short comedy story that will make you laugh and learn at the same time.

IAMCOMEDIAN_24 · Filme
Zu wenig Bewertungen
9 Chs

CHAPTER 5 PART II

THIS BOOK IS A WORK OF FICTION NAME PLACE THINGS SITUATIONS EVENTS ARE PRODUCED BY AUTHOR'S IMAGINATION. NO PART OF THIS BOOK MAYBE USED OR REPRODUCED IN ANY NAME WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE AUTHOR.

PLAGIARISM IS A CRIME ALL RIGHTS RESERVED © 2020

-CONAN EDOGAWA'S ORIGINAL STORY-

Please guys, I am not a perfect writer and you might find some jokes in this chapter that are not funny nor amusing. I am accepting a constructive criticism as long as you do not put any harsh words and judged me for wasting my time doing a story. This is my passion and I believe that my works will either soon be published as a book or become a part of a local industry film. Thank you for your understanding and I hope you are laughing hard while reading it.

Math subject nanaman, ngunit tila ay walang gana si Ma'am Dina Nakakapagpabagabag. Ilang saglit pa ay tumunog na ang bell, at bigla itong ginanahan at nag-bigay ng assignment.

"Okay, guys our assignment will be about Calculus if you have time to read a book regarding that, then you may share it in class tomorrow and you'll get a chance to be exempted in our quiz and will automatically receive a perfect score for our quiz the day after tomorrow.

Next naman na subject ay FILIPINO

Pumasok na si Ma'am Dina Barbero.

Okay, guys good morning.

Nagtayuan ang lahat sa kanyang pagdating at binati ito.

Nagsimula ng magsalita ang guro.

Okay guys, bago tayo mag-simula ay gusto ko kayong bahagian nang isang kwento na kapupulutan ninyo ng aral, ang pamagat nito ay."Raffle Justice"!

Olrayt, ito ay english guys, pero ito ay i ta-translate ni Maria Tagapagsalin sa tagalog on the spot. Paguutos ng guro.

Nagtungo sa harapan si Maria Tagapagsalin at binasa ang kwentong "raffle justice".

"Ako si Dugong, isang taga probinsya sa ibang bansa, ako ay may alaga tutang mahaba, maputi ang balbon ay napakaloyal nito, ang pangalan ng tuta ko ay si Hellen Kapitano, sa bawat lugar na aking puntahan s'ya ang palagi kong kasama, masunurin ito at napakabait, totoo nga na ang mga aso ay ang ating bestfriend in life, ngunit sa hindi sinasadyang panahon, ako ay nakagawa ng hindi maganda sa aking kapwa sabi daw ng iba, at dahil sa matindi ang kaparusahan nito, ako ay nakatakdang bitayin,wala nang mag-aalaga sa aking pinakamamahal na tuta, ngunit para sa kanyang kapakanan ako ay lalaban, kinuha ko ang pinakamagaling na abogado ko, si Jose Kalifa, noong nalalapit na ang aming pagdinig ay nag-pasya ako na isama ang aking tuta na si Hellen Kapitano, dahil loyal ito ay niyakap ko ito ng mahigpit at napaiyak ako dahil ito na marahil ang huling beses na makakasama ko ang tuta ko. Ito na, umattend na ang star witness na si Sissy at si Tibi na nakasaksi sa buong pangyayari, binigyan sila ng pagkakataon na makapagsalita upang idiin ako sa mga accusations laban sa akin.

Hurado: Ako si Kimmy Pinares ang pinuno nang Kangaroo Court na ito, pero bago ang lahat, may tanong ako, "may tax ba dito?"

WALA PO!!! Galit na sabi naming lahat.

Napatingala at nagulat ang Judge.

"Wag kayong magalit nagtatanong lang ako". Pero simulan na natin ito. Sissy at Tibi, simulan na ninyo ang inyong pagpapahayag sa mga nasaksihan ninyo. Ikaw ang mauuna Sissy, magtungo ka sa unahan at ikwento ang iyong mga nakita". Puro katotohanan lamang ang iyong babangitin. Simulan muna!

Pero bago ang lahat, wala tayong ni anumang pangalang babanggitin sa mga pamilya ng biktima kung hindi ang mga witnesses lamang, ito ay para ma-protektahan ang kanilang mga sarili, pero ung mga witnesses, bahala sila sa buhay nila, ubos na ang meat barrel fund natin.

Nagtungo na sa unahan si Sissy at sinimulang magsalita laban kay dugong.

"Uy, alam niyo ba mga kumare at kumpare, isang araw, lumabas ako ng bahay para bumili ng suka, pero hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap ni Dugong at ni Cheena na isang metro ang layo sa akin, mag-bestfriend ang dalawang yan pero may benefits, ayon pa sa ilang kwento dito ay minsan na nilang nakita ang dalawa na magkasama sa bahay ni Cheena, at ang nakakaloka pa dito ay itong si Cheena ay malandi, minsan napadaan ako sa bahay niyan at hindi ko sinasadyang makita s'ya sa loob ng kanyang bahay dahil sa narinig kong pagtitili na rinig hanggang tapat ng kanyang bahay, nakita ko s'ya may kaharutang iba, at nang i-kwento ko ito sa iba ko pang kapitbahay, baka daw ito marahil ang ibang kinakalantari ni Cheena, at ang pangalan ay Donald Mak". Pero base sa narinig kong pag-uusap nila Cheena at Donald nung pagsilip ko sa bahay ni Cheena, matindi ang galit ni Dugong kay Donald dahil inaaway nito si Cheena sa twing sila ay magkasama dahil ang bukang bibig ni Cheena ay puro nalang daw chismis, kwento nitong Cheena kay Donald na hinaharot s'ya at sabing huwag itong patulan, hay naku chismosa yan pero mali parin na pinatay siya ni Dugong, at ang nagsabi sa akin na pinatay ni Dugong si Cheena ay si Tibi.

"Okay, lumapit ka dito, star witness Tibi, ikaw ay binibigyan ko ng pag-kakataon para makapagsalita laban sa suspect na si Dugong". Hirit ng Judge

"Okay, ako na ang magsasalita, ang kriminal na pumatay kay Cheena ay walang iba kung hindi si Dugong. Itinuro nito si Dugong na nakayuko". Bigla namang nagsalita ang abogado nitong si Jose Kalifa na katabi n'ya.

Dugong, totoo ba ang paratang na ito sayo? Tanong ng abogado nito.

Uy teka, diba ikaw ang abogado ko eh di dapat ikaw ang magtatanggol sa akin! Bulong nito kay Jose Kalifa.

Uy, kulang pa ang binayad mo sa akin dito, mas mahal pa nga ang pamasahe ko papunta dito kesa sa binayad mo sa akin eh. Malakas na sabi ni Jose Kalifa.

OO, babayaran kita, pero sa pasko na! Sabi ni Dugong

Teka, ngayon kana bibitayin kapag hindi mo ito naipanalo. Ano ang gagawin mo? Hirit ni Jose Kalifa na napakamot sa ulo.

Kaya nga kita kinuha, para kapag naipanalo ko ito tsaka kita babayaran sa pasko. Kaya dapat galingan mo. Kung hindi, hindi kita mababayaran. Mautak na sabi ni Dugong.

Oy, ano ba ang mga walang ka-kwenta kwentang pinagsasabi n'yong dalawa jan Dugong at Jose Kalifa. Panenermon ng Judge.

Wala kang paki!! Sabi nang abogado.

Sige, ipagpatuloy mo ang iyong pagsasalaysay, Tibi.

"Your honor, kaya ko po nasabi na si Dugong ang pumatay dahil mukha s'yang mamamatay tao dahil sa kamukha n'ya ang kanyang tuta".

Sumagot naman si Jose Kalifa.

"Objection your honor, nandito ako para patunayan na inosente ang aking client, at ang ebidensya ay malinaw, wala silang sapat na basehan bukod sa mga kwentong barbero na binibigkas ng kanilang mga bibig".

"Narinig na natin ang bawat panig, ngayon ang araw ng pagdedesisyon, kaya naman tinatawagan ko ang aking secretary na si Kimmy Dora para bunutin sa ating mahiwagang garapon ang pangalan ng mananalo sa kasong eto, pero bago ang lahat, gusto ko munang pasalamatan ang ating mga sponsors sa araw na ito, Brand A para sa aking relo, Brand B para sa aking napakagandang Cellphone at syempre si Kuya ko para sa pagbibigay ng jacket sa akin. So simulan na natin ang patas na paghuhukom at ang bubunot nito ay syempre ako mismo". Pagsasalaysay ni Judge Kimmy Pinares.

Inilapit ni Kimmy Dora ang bunutan at sinimulan ng bumunot ng Judge para sa patas na pagpapasya.

Babasahin na sana ng Judge ang nag-wagi ngunit humirit muna si Kimmy Dora.

Judge, pwede pu ba bumati? Bulong ni Kimmy Dora

Sige pero sisante kana pagkatapos. Bulong ni Judge Kimmy Pinares.

Wag na nga lang. Sabi ni Kimmy Dora.

Binunot na ng Judge ang panalo at sinimulan nang kilabutan ang lahat.

Okay, ang nabunot ko ay si.........(DRUM PLAYING)......Pero malalaman natin yan matapos ang ilang patalastas...........Pagbibitin ng Judge

(Pagkatapos ng ilang patalastas)

Okay, Dugong. Ikaw ay napagdesisyunang maging inosente ngayong araw. Sabi ng Judge. ikaw ay makakaalis na, samantalang ang mga starwitness kuno na sina Sissy at Tibi ay hinahatulan ng bitay, parusa sa mga taong mahilig mag-kalat ng fake news. Tapos na ang paglilitis at nahatulan na ang dapat hatulan. Ito si Judge Kimmy Pinares, ang bukod tanging judge ng Kangaroo Court.

At dito na nagtatapos ang ating kwento ngayong araw. Ang may akda ay isang tao, si Ma'am Barbero. Pagbabasa ni Maria Tagapagsalin na dumugo ng bahagya ang ilong sa kanyang ginawang translation.

"Uy teka bakit ako iha"? Pagtatanong ng guro na nagulat

Eh, kasi pu Ma'am, nakalagay po dito sa notebook ang pangalan niyo eh. Pabalang na sagot ni Maria Tagapagsalin.

Iha, malamang notebook ko yan pero hindi ako ang may gawa ng kwento! Galit na sabi ng guro.

Oh hindi sige, ang may akda nito ay si Maria Adik. Natatawang sabi ni Maria Tagapagsalin.

Tumayo si Maria Adik, at nag-tungo ito sa harapan kung saan kinuha niya ng sapilitan ang notebook sa kaklaseng si Maria Tagapasalin.

"Uy, akin nato, ako ang mag-babasa kung sino ang may akda". Pagpapahayag nito sa klase.

Binasa na n'ya ang notebook at ang sabi dito ang akda ay si "Mokwang Busog, na nakatira sa Mount Bayon, sa Nagasiti".

Hays, maraming salamat sa iyo, Maria Adik, sige makakaupo na kayong dalawa, at

Maraming salamat Maria Tagapagsalin sa iyong husay sa pag-tatranslate.

Sinimulan na nang guro ang pag-tatanong sa klase.

Tanong, ano ang inyong natutunan sa araw na ito mga mag-aaral?

Nagtaas ng kamay si Maria Adik, na halatang naguluhan sa binasa ng kaklase.

Ma'am, wala po kase wala naman pong Court na nagpapa-raffle.Seryosong sagot ni Maria Adik.

HAHAHAHAHA.(CROWD LAUGHING).

"Bigla nagbell, hudyat na naman na tapos na ang klase".

"Okay, guys sana ay marami kayong matutunan sa iba ninyong mga subjects. Huling habilin ni Ma'am Dina Barbero bago lisanin ang klase.

Ito ang higlight ng araw na ito, hindi ko nalamang ipinaalala kay Ma'am Maria Corazon ang tungkol sa kuting dahil hindi naman n'ya ito naalala.