webnovel

sa school may batas

a short comedy story that will make you laugh and learn at the same time.

IAMCOMEDIAN_24 · Filme
Zu wenig Bewertungen
9 Chs

CHAPTER 4 PART 1 (LATE PA MORE!)

THIS BOOK IS A WORK OF FICTION NAME PLACE THINGS SITUATIONS EVENTS ARE PRODUCED BY AUTHOR'S IMAGINATION.

NO PART OF THIS BOOK MAYBE USED OR REPRODUCED IN ANY NAME WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE AUTHOR.

PLAGIARISM IS A CRIME

ALL RIGHTS RESERVED © 2020

-CONAN EDOGAWA'S ORIGINAL STORY-

Titilaokkk, titilaookk....

Ingay na gumising sa akin ngayong umaga, Tumayo ako sa aking higaan, naghilamos, sipilyo at kumain kasama nang aking buong pamilya. Habang kami ay nag-aalmusal, nagtanong ang aking ama na si Papa Arie.

"Anak, pasensya kana kung ngayon ku lang napagtanto at naikwento sayo ang tungkol sa amin nang prinsipal mo". Paghihingi ng tawad ni Papa.

Alam mo naman na kung hindi dahil sa mga bagong teknolohiya eh hindi ko malalaman ang buhay n'ya ngayun. Dagdag pa n'ya.

"Okay lang un pa, at least kahit papaano ay naging daan ito para sa inyong muling pag-uusap, kung nag-uusap kayo". Nakangiti kong sabi sa kanya habang ngumunguya.

Oo, anak, nito lang bago kapa mai-halal na presidente, dahil din siguro doon kaya ka nanalo. Sabi nya

Opo Pa, pero may tanong po ako pa, kung sakali pu ba na babagsak ako o mawawala sa pwesto ku sa school, pwede n'yo pu ba s'ya makausap, para po maretain ko ang aking posisyon at grades sa school? Prangkang tanong ko kay Papa.

Syempre anak, hindi, dahil isa itong uri nang pandaraya, h'wag mong abusuhin ang relasyon mo sa isang tao upang malamangan mo sila at iligtas ang iyong sarili sa mga responsibilidad na hindi mo nagagawa. Pangangaral n'ya sa akin.

Ah ganun pu ba, eh pero maiba naman, ano po bang ayaw ni Principal Lowis Lo para naman po ay hindi ko ito gawin at magamit ko ang kapangyarihan ko bilang isang youth president sa tama? Sumunod na tanong ko kay Papa

Anak, itanong mo nalang sa kanya, dahil halos limot kuna ang marami sa aming ala-ala, sige na bilisan mo jan at baka malate pa kayo sa klase ni Prince Sisa. Pagsesermon nito sa akin.

Okay po pa! Maikli kong sagot.

Matapos kumain ay naligo kami, nagbihis at umalis papunta sa paaralan. Habang kami ay nasa daanan, mayroon kaming nakitang kuting at wala ang nanay nito.

Kuya, pwede po ba na tulungan natin ung kuting, kawawa naman po eh. Pagmamakaawa ng kapatid ko habang tinitignan ang kuting.

Ah, ok pero dapat saglit lang to ah, baka malate ako eh, ay pati pala ikaw. Pagpapa-alala ko sa kanya habang patungo sa kuting.

Hindi kuya, mauuna na po ako, tulungan mo ung kuting tapos ako dederetso na po sa school. Sabi ni Prince Sisa habang nakapamewang!

Ah, antayin mo na ako, saglit lang to. Pag-uutos ko sa kanya.

Diba po kuya Prince epeh, presidente kana po, oh, eh di dapat magkaroon kapo nang malasakit sa hayop. Sige na! Pagpupumilit ni bunso

Hindi pwede, o.a mu naman, wala pa isang minuto tapos nato. Naiiritang sabi ko sa kanya

Ano bayan!! Galit na sabi ng kapatid ko.

Sus, sige na nga, Umalis kana, Prince Sisa, mukhang ayaw mo akong kasabay eh, naghahanap ka lang nang dahilan kase baka may lakad ka! Galit kong sabi sa kanya

Bahala kana jan, Sir President, papasok nako, ingat! Pagpapaalam niya.

Wala na akong nagawa pa pero sa isip ko ay mabilis lang naman ang gagawin kong pagliligtas sa kuting, hinanap ang ina n'ya sa paligid ngunit bigo ako sa aking paghahanap kaya't nilagay ku nalamang ito sa gilid ng puno at ipinagpatuloy ang pag-lalakad patungo sa school, pagkarating ko sa gate ng school, tila ba'y wala na akong estudyanteng napansin sa loob ng paaralan kung saan nagtitipon ang mga estudyante bago pumasok sa kanilang mga sections. Tinanong ko kay Manong Gori, isang gwardya sa aming school na halos nandito simula bata pa ako.

"Boss, anong oras na po, bakit wala po ung mga estudyante? Late pu ba silang lahat"?Pagtataka ko.

"Huh, late silang lahat, ewan ko iho eh kakarating ko lang kase, mabuti pa at tawagan mo nalang ung iba mo pang kaklase". Pagpapaliwanag ni Manong Gori.

"Ah, ganun pu ba, okay po, sige". Maikling sagot ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag, at dinial ang aking assistant na si Jose Bubog, ngunit nagulat ako nang wala pala itong sim card, saka ko naalala na nagmadali ang aking kapatid, baka kinuha n'ya ito at sinalpak sa lumang cellphone ni Mama at ginamit. Kaya't nanghiram ako ng sim card kay Manong Gori.

"Manong, Gori, eh ah ano po kase eh, ahh". Nauutal na sabi ko.

Wala po kase akong sim card, baka po pwede ako makahiram nang cellphone? Pagmamakaawa ko sa kanya.

Ah, iho wala kang sim card pero may cellphone ka, eh ano silbi n'yan? Pagtataka ni Manong Gori.

Ah eh hindi ku po dinala, baka pu kase may maki-connect sa hotspot ko! Napalunok na lamang ako sa aking sinabi dahil nagsinungaling ako!

Ngeh!! Eh paano kung may emergency, papaano ka, iho? Pagtatanong ng gwardya.

Ok lang pu yun, ung iba nga pong kaklase ko eh, sim card lang ang dinadala pero wala pong cellphone eh! Pabalang na sagot ko.

Oh sige na nga iho, ito ang cellphone ko, ingatan mo ito iho, dahil sira na ito at wala na akong pambili ng bago dahil madami din akong pinapalamon sa bahay! Pag rereklamo ni Manong Gori.

Ah ganun puba! Maikli kong sagot

Kinuha ko ang cellphone nya na kinuha nya sa kanyang bulsa at sinimulan kong kontakin ang secretary ko na si Jose Bubog ngunit hindi ko mapindot ang keypad ng cellphone dahil sa kalumaan nito, Kaya naman ay nagpaalam ako kung pwede kong gamitin ang cellphone ko at isasalpak ko ang sim card nya.

"Manong ang tigas ng keypad ng cellphone mo, baka po pwede ko isalpak ang sim card mo sa aking cellphone ng sa gayon ay matawagan ko na ang secretary ko sa classroom". Pagpapaalam ko sa kanya.

Ah, ganun ba, iho, oh sige pinahihintulutan kita. Pagsang-ayon ni Manong Gori.

Tinanggal ko ang sim card nya at sinalpak ko sa cellphone ko, ngunit sa taranta ay hindi ko sinasadyang maibagsak ang kanyang cellphone dahilan para lalo itong masira.

Napatungo nalamang sya at dinampot ang lumang cellphone ngunit sa kasawiang palad ito ay tuluyan nang nasira.

Dinial ko na ang aking Secretary....

Ring, ring ring.....

"Hello".

Sagot sa kabilang linya.

Diniretso ko s'yang tanungin kaagad ng marinig ko ang boses nya.

Ako: Hello Jose, si President to nasaan na kayo, late ba kayong papasok?

Jose Bubog: Huh, adik kaba President, kaganina pa kami nandito sa loob ng classroom at magse-second subject na. Bilisan mo!

Ako: Huh, ganun ba wait lang..

Binabaan ko sya agad ng telepono at tinanong si Manong Gori kung anong oras na dahil nakaset sa China ang orasan nang cellphone ko.

Manong Gori, anong oras napo? Maikli kong tanong sa Matanda.

Ah, eh paano ko malalaman iho, eh nasira na ang cellphone ko! Pagsusungit nito.

Wala po ba kayong orasan dito na nakasabit sa ding ding? Pagtataka ko habang tinitignan ang pader sa likod ng kanyang table.

Ah eh iho, meron naman, saglit kukuhain ko lang sa drawer ng table ko. Sandali lang...Mahinhing sabi niya.

Nagtungo siya sa kanyang table at kinuha ang orasan.

Naku, iho bilisan mo malelate kana, ay late kana pala, sige wag kanalang siguro pumasok dahil late ka. Magulong sabi ng Matanda habang paupo sa kanyang table.

Naku, tama pu kayo sige di bale nalang, kahit na Presidente ako ng school ay hindi ko padin pwede labagin ang batas pero siguro sa susunod nalang ako susunod sa batas. Pakikiusapan ko nalang siguro ung susunod na guro namin. Tutal Presidente naman na ako eh.

Kumaripas na ako ng takbo patungo sa aming building at nang makarating ako sa aming classroom ay hingal na hingal ako at basang-basa ng pawis. Sakto naman na papalabas palang si Ma'am Maria ng klase.

"Huhuhuhuhuhuhuh, Ma'am, huhuhuh, sorry I'm late, huhuhu! Hinihingal kong sabi sa aking guro".

Naku, ako nga rin eh, muntikan na, hinahanap ko kase ung kuting ng pusa ko eh nawawala, saan kaya napunta yun? Nakakapagtaka naman kase parang nung pagsakay ko ng traysikel may parang boses ng kuting akong naririnig pero hindi ko pinansin dahil abala ako kakatext. Baka naligaw na sya. Anyway, kapag may nakita kang kuting na naligaw na kulay puti ang balahibo, sabihan mo ako kaagad. Okay, President Prince Epeh? Pakiusap ng guro.

Nanlaki nalamang ang mga mata ko sa kanyang sinabi at napatungo bilang pag-sangayon sa kanyang pakiusap. Nginitian nya ako at umalis palabas ng klase.

Takaw pansin naman ako sa aking mga kaklase, at nagsasalita silang lahat sa akin at iisa lamang ang sinasabi nila.

"President, bakit ka nalate". Pag-aalala nila.

Bago paman ako umupo ay nagtungo ako sa gitnang row upang sabihing,

"Nalate po ako ano ah, ano ah, basta guys it's none of your business, kung bakit ako nalate, isa lang ang masasabi ko at ito ay dahil sa kapakanan ninyong lahat"! Napalunok na lamang ako sa aking pagsisinungaling. "At dahil late ako, ako na ang bahala sa ating pupuntahang lugar sa field trip, paguwian na ay magtutungo ako kay Ma'am Maria at sa Principal's Office para ilatag ang plano ko". May tanong ba, wala dapat ok! Dagdag ku pa!

Umupo ako agad matapos nito at tila ay duda sila sa aking mga sinabi. Ilang saglit pa ay nagtungo na sa amin ang aming guro sa mathematics na si Ma'am Dina Nakakapagpabagabag, tumayo kaming lahat at binati s'ya ng happy birthday. Nagpasalamat naman ang guro at nginitian kami. Sabay sabing, "Okay class, before we start our topic, let us recall what you have learned during your English subject".

Sumagot si Maria Adik sa pamamagitan ng pagtataas ng kamay

"Ma'am meron naman po kaya lang ano pu bang kinalaman niyan sa ating subject na math"?Mapangahas na tanong ni Maria Adik

"Bakit Ms Adik, nung english class n'yo ba, nagreklamo ang iyong guro at adviser na si Ma'am Maria Corazon nung pakitaan mo sila ng husay mo sa numero sa english subject n'yo"? Pagtataray nito, habang nakapamewang at nakataas ang isang kilay.

Stand up! Pag-uutos ng guro

Tumayo si Maria Adik.

Ibinabalik ko lang ang favor dahil sa matalik kong kaibigan ang inyong guro, at gusto ko sa aking kaarawan ay pag-usapan natin kung ano ba ang tinalakay ninyo kaganina at kung naalala nyo ba talaga ito, at dahil ikaw ang nagtaas ng kamay kahit hindi ko naman sinasabi, ikaw ang unang sasagot!

Sige what have you learned so far in your english subject? Unang tanong ng guro.

"So far, I learned that a life without English is like earth without oxygen, we won't breath unless we have trees that surround us, it gives us oxygen so we can exhale negativity and inhale positivity, these two are apart of vital process in our daily survival so as English. A while ago, we discussed the different kinds of noun, its types and proper usage, yesterday we had discussed about the importance of linking verbs and tomorrow we will begin our new topic which is about sentence pattern and on our last grading next year our topic would be "The origin of English".

Nagpalakpakan ang lahat ngunit napatanong si Ma'am Nakakapagpabagabag sa kanyang sagot na narinig.

"Ms Adik, ang iyong sagot ay tila Nakakapagpabagabag dahil sinabi mo na last part nang inyong lecture ang "The origin of English" gayung ito ang dapat na unang lesson ninyo". Dugtong na tanong ng guro.

Ma'am, pwede naman po kayo bumisita sa amin kapag itinuro ang "The origin of English" sa last quarter, di joke lang po, I mean baka lang po ulitin siguro namin dahil ito ang favorite topic ko so far!! Nakangiting sagot ni Maria Adik sa gurong si Ma'am Dina Nakakapagpabagabag

CHAPTER 4 PART TWO COMING SOON......