webnovel

sa school may batas

a short comedy story that will make you laugh and learn at the same time.

IAMCOMEDIAN_24 · Filme
Zu wenig Bewertungen
9 Chs

CHAPTER 2 SCHOOL ELECTION

THIS BOOK IS A WORK OF FICTION NAME PLACE ETC. ARE PRODUCED BY AUTHOR'S IMAGINATION.

NO PART OF THIS BOOK MAYBE USED OR REPRODUCED IN ANY NAME WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE AUTHOR.

PLAGIARISM IS A CRIME

ALL RIGHTS RESERVED © 2020

-CONAN EDOGAWA

Haisstttt, namannn!! Bakit ngayon pa tayo sinalanta ng bagyo, Anak, Prince Epeh, paki check naman ang mga kapit bahay natin kung wala din ba silang kuryente! Malakas na sabi ni Mama Riyna habang nakaupo at nagtatahi ng damit.

Ako naman, lumabas at nakita ko na halos magkakaparehas lamang ang aming sitwasyon.

"Ito ang matagal ko nang sinasabi mga anak". Pagsingit ni Papa Arie, habang huminto sa pagbabasa ng dyaryo. "Walang mayaman o mahirap sa kalikasan, kapag ito ay nagalit, lahat tayo ay paniguradong malilintikan." -Dagdag pa n'ya

Tumahimik ka nga sa mga pinagsasabi mo Arie! Hindi ito ang panahon para sa mga walang ka-kwenta kwentang mga bagay. Galit na sabi ni Mama Riyna.

"Ma, wala po kuryente ang buong syudad natin, dahil siguro ito sa bagyo." Pagsambit ko habang giniginaw sa lamig.

"Bakit po, kuya Prince Epeh, brownout po ba sila?"Biglang tanong ni Prince Sisa

"Hindi, sun rise, may bagyo nga diba". Pabalang na sagot ko rito.

Oh, s'ya tama na yan, magtitirik nalang ako ng kandila at ikaw prince Epeh babantayan mo ang kandila at baka masunugan tayo dito. Pag-uutos ni Mama.

Matapos ang ilang sandali, nakasindi na ang kandila, habang silang tatlo ay natutulog sa sala, ako naman ay nagbabantay sa tirik na kandila nang napatingin ako sa dyaryo sa lamesa, agad ko itong kinuha at nag-basa. "TIKTIK", "Oh basilyo sige ibayo mo pa". Malakas kong pag-basa. Nagulat ang aking ama at bigla itong nagising sa mahimbing na pagkakatulog.

"Hoy, Prince Epeh, anu yang hawak mo"? Pabulong na tanong ni Papa Arie.

"Dyaryo po pa." Pabulong na sagot ko.

"Alam kong dyaryo yan, ginawa mo pa akong mang mang, ano ang binabasa mo d'yan?"Pang-gigisa ni Papa sa akin.

"Ah eh, tiktik po, sabi pa nga dito ni Maria, sige basilyo ibayo mo pa". Baka malakas ang bagyo sa ibang lugar pa, tapos umuungol pa si Maria, aswang pu ba s'ya?" Inosenteng pagtatanong ko.

Anak, oo kaya't akin nayang binabasa mo dahil hindi mo hiningi ang pahintulot ko noong kinuha mo 'yan. Panenermon ni Papa Arie

"Pero pa, sa news headline, may sinabi po dito na sa pasko, may banta daw po nang terorismo dito sa atin ". Pano na po tayo pa"? "natatakot po ako"! Nanginginig na tanong ko kay Papa Arie

Anak mas matakot ka kapag hindi ka nagpokus sa pagbabantay mo nang kandila dahil baka wala na tayong matirahan nito! Matulog ka nalang kapag namatay ang kandila!! Galit nitong bulong sa akin.

Ilang oras ang nakalipas, ay sa wakas, patay na ang kandila, gising narin ang aking mga magulang at kapatid na natulog sa may sala. Umiglip na ako sa lamesa ngunit makaraan ang ilang minuto.

"Ho'y anak, gumising ka na jan"! Diba't presidente ka nang classroom nyo! Baka malate ka nyan. Pag-papaalala sa akin ni Mama sa akin.

Wala paring kuryente sa aming lugar ngunit umalis na ang bagyong winasak ang kabuhayan ng karamihan sa amin. Umaasa naman ako na nakagawa nang paraan ang aming paaralan sa nasabing problema. Ilang minuto ay naghanda na kaming pumasok nang aking kapatid at pumasok na sa iskul, habang nasa daan kami, nagkwento ito tungkol sa kanyang panaginip na may halong bangungot.

"Uy, kuya Prince Epeh, alam mo ba nanaginip po ako habang binabangungot kagabi, napaginipan ko po na masarap ang tulog ko. Nakangiting sabi nito, "Pero kuya,nakita kitang nasa harap ng kandila tapos para kang may ginagawang orasyon". Paglalahad niya sa akin.

Nabwisit ako bigla at binaling nalamang ang aking atensyon sa aking paligid hangang sa makarating na kami sa school. Halos lahat nang aking mga kamagaral ay may hawak na pamaypay, tila ba'y wala ding kuryente ang aming school, bagamat ganito ang sitwasyon ay mas minabuti nalang namin na idaan ito sa biruan, ilang minuto pa ay dumating na ang aming adviser na si Mam Marie Corazon.

"Okay guys, I am here to announce that our Principal, Mr. Lowis Lo wants to hold a meeting with the graduating students, it is urgent so please, come with me, you guys also leave your bags and bring only your valuable things with you. This meeting is regarding our new system, so please Mr. President, Prince Epeh, you are going to represent this section and everyone of you shall vote him again for 4th year President of school and you Mr. President has to think of your impromptu speech later.

So eto na nga, bumaba na kaming lahat, at ilang saglit pa ay nagsalita na rin ang Principal namin na si Mr. Lowis Lo.

"I am honored to be with all of you graduating students, as your principal, I shall nominate a new leader of this school but it doesn't mean that section 1 will be the source for that. So let us not waste our time and let us call all of the Presidents of each class from section 1 to 7. Let us vote whom we think is deserving for the Position of School President. Okay, so Mrs. Gina Galang will initiate our election. She is our Guidance Counselor, by the way.

(Crowd clapping)

Okay Guys, I am Gina Galang, but I am telling you that I am not the responsible for this Job, Mr. Principal just mistakenly dropped my name albeit I tell you that it is Mrs. Gina Lingan who will do this task. Sorry to disappoint.

Mrs Gina Lingan, please come here at stage. Pag i-introduce ni Mrs Gina Galang

Umakyat si Mrs. Gina Lingan at nagpalakpakan ang lahat.

"I am Mrs. Gina Lingan, English head teacher, good morning to all of you." But again, I am not assigned for today's election so please guys refrain from dropping my name next time. This is the Job of the Principal so let us call once again Mr. Lowis Lo. Please come here to elect our new School officer.

Nagpunta ulit ang aming Principal sa unahan, at finally sinimulan na n'ya ang election.

"Okay, guys lahat ng presidente nang bawat klase ay magtungo rito". Pag-uutos ni Principal Lowis Lo

Nagcheer ang mga bawat section sa kanikanilang mga pambato. Naunang magsalita ang Section 1 Marshmalaw president.

Magandang hapon po sa inyong lahat, ako po si Emelda Nationalista at kapag po ako ang pinili ninyong maging presidente nang ating batch, ay sinisigurado ko sa inyo na magkakaroon tayo ng batas na kung saan ay mahigpit ang seguridad sa mga papasok at lalabas ng paaralan.

Next naman ay ang presidente nang section 2 Dila One.

Magandang Araw po sa inyong lahat ako nga po pala si Dina Giisa at kapag ako ang naging presidente ay gagawin kong kulay dilaw ang atin susuoting uniporme dahil ito sa sumisimbulo sa araw, at anong meron sa araw? Liwanag! Ito ang kailangan natin! "Liwanag" sa panahong walang kuryente. Maraming salamat po!

Next namang nagsalita ay ang section 3 Mayirap, nagsalita ang kanilang Presidente na si Eralp Mayirap.

Magandang araw po sa inyong lahat, ako nga po pala ang presidente ng aming section, at kung ako po ang iboboto ninyo, sinisiguro kong walang maghihirap sa pag-gawa nang assignment dahil tayo po ay magtutulungang umangat.

Next namang nagsalita ay ang presidente nang section 4 I am sorry section na si Gloria Alowyer.

"Magandang araw po sa inyong lahat, ako po pala si Gloria ang mahigpit na katungali ni Eralp Mayirap. Kapag ako ang binoto ninyo, sisiguruhin ko na ang lahat ay magkakaroon ng suplay ng keso sa inyong mga recess isang beses sa isang lingo".

Next naman ay ang presidente ng section 5 Pineapple na si Joyce Delmonte.

"Kapag ako ang inyong iboboto, lahat nang mga magkakasakit sa loob nang pabibo school ay makakauwi kaagad."

Next naman ay ang section 6 Fresh Freedom president na si Millan Kapitano.

"Magadang araw po sa inyong lahat, kung sakali na ako ang inyong iboboto ay handa akong gumawa nang batas para sa mga espesyal na estudyante, lalo na sa second family ko sa classroom."

At last but not the least, ako na rin ang magsasalita at tiniyak ko na sa aking mga sasabihin ay makukuha ko ang loob nilang lahat.

Magandang araw po sa inyong lahat, mga kapatid kong kamag-aral, mga malalapit sa puso kong mga guro at faculty staff at sa aking mga classmates na naging pangalawang pamilya kuna." Ang akin pong pilosopiya ay kailangan mauna yung panloob, kaya yan ang ginagawa ko ngayun inaayos ko ang panloob, at kapag naayos ko na ang panloob, mararamdaman na ninyo ako sa labas."

Walang nagpalakpakan sa aking mga kamagaral sa aking mga sinabi, hindi pa ako nakuntento kaya't dinagdagan ko pa ulit ang aking mga naunang pahayag.

"Magkakaroon po tayo ng bagong batas kung saan ang bawat mag-aaral ay magkakaroon ng bagong uniform na kulay dilaw, magiging mahigpit sa loob pero pwede paring lumabas, at magkakaroon tayo ng suplay ng keso once a week, at kapag may estudyanteng masama ang pakiramdam ayun ang madalas makakalabas. At walang quiz o exam ang 'di natin pagtutulungang sagutan para walang maghirap"

Matapos nito ay nag-announce kaagad ang aming prinsipal na open na ang botohan at ngayun din ito mismo gaganapin.

"Okay 4th year students , the voting is now open. So for those who want to vote for section 1 up to section 6 raise your hands". -Paghihikayat ng Principal

Sa kasawiang palad ay wala ni isang bumoto sa 6 na mga kandidato. Ako ang nahuli, at iniisip ko na ganito din ang magiging sitwasyon ko.

"Okay last but not the least, the President of Asylum Section Prince Epeh". Pagsabi ng Principal habang tinitignan kung mayroong magtataas nang kamay.

Walang ni isa ang nagtaas ang kamay, kaya't nagsalita ulit ang prinsipal.

Okay so i ca-cancel na natin ang ating eleksyon dahil wala pala sa inyo ang gustong bumoto, pero may last chance pa kayo ulit. Isa pa, Prince Epeh, meron bang boboto oh wala? Pagtatanong ng umaasang Principal.

Wala paring nagtaas nang kamay

Prince Epeh, hindi kita paborito sa lahat ng kandidato ngunit bibigyan kita ulit nang pagkakataon para kumbinsihin sila sa adhikain mo para sa Pabibo national highschool.

Nagtungo ulit ako sa unahan at nagsalita, umaasang may boboto sa akin sa huling sandali ng eleksyon.

"Hi guys, ako pala muli si Prince Epeh, na magpapanukala ng school law, "Sa isang silid aralan, may batas, bawal pumasok oh bawal pumasok. Pero pag sinabi, pag nag-comply ka na bawal na pumasok pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo yung law ng silid aralan niyo at sinubmit mo ulit ay pwede na pala ikaw pumasok".

Pagkatapos ko ay nagtanong ulit ang aming principal.

So mga mag-aaral sana naman ay iboto n'yo s'ya bilang presidente nang ating school, bibigyan ko kayo nang isang oras para pag-isipan ito.-Pagpupumilit ng Principal.

Makalipas ang ilang minuto, nanatili parin ako nakatayo, pero sa wakas ay may 1 bumoto sa akin bago pa maubos ang isang oras. Nagtungo ang principal sa unahan at idineklara akong panalo.

Okay, nais kong malaman ninyong lahat na si Prince Epeh ang ating magiging bagong Presidente nang inyong batch, nakakuha s'ya nang isang boto samantalang ang kanyang mga katungali, bokya!! -Proud na sinabi ng Principal.