webnovel

sa school may batas

a short comedy story that will make you laugh and learn at the same time.

IAMCOMEDIAN_24 · Filme
Zu wenig Bewertungen
9 Chs

CHAPTER 1 (BACK TO SCHOOL)

Ako si Prince Epeh, isang labing walong taong gulang, masigasig ako at punung-puno nang pangarap, medyo self-centered pero paminsan may paki rin sa iba, simpleng pormahan lang ako, hindi pihikan sa anong klaseng susuoting damit at kung anong klaseng pagkain ang kakainin basta't ito'y lamang t'yan. Nakatira ako sa Probinsya kasama nang aking mga magulang, Si Mama Riyna at Si Papa Arie, at ang kapatid kong si Prince Sisa. Simple lang ang pamumuhay namin dito, ang pangunahing hanapbuhay ng aking ama ay pangingisda at si mama naman ay isang house wife at s'yempre ang nag-aalaga ng aming mga baboy na ibinibenta namin, samantalang ang kapatid kong si Prince Sisa ay kasalukuyang nagaaral sa elementarya sa ika-apat na baitang. Dito kami nakatira malapit kami sa dagat kaya naman ay hindi na nahihirapan ang aking Ama na mamingwit dahil sa walking distance lamang ito mula sa aming tahanan.

"Simple pero masaya", ito ang mailalarawan ko sa aming buhay, bagamat masasabing kontento ay nais parin namin mangarap na magkaroon ng higit pa sa aming natatamasa ngayon, at syempre kagaya ng pangarap ng aking mga magulang na hindi nila naisakatuparan, ang makatira sa Maynila dahil daw dito ay mas may pera at mas may pag-asang umasenso kung ikaw ay may tiyaga at diskarte sa buhay. Bakasyon ngayon, pero imbes na paglalakwatsa ang atupagin ay ninais ko na tumulong sa aking mga magulang sa kanilang pagbabanat ng buto upang kaming dalawang magkapatid ay buhayin.

Sa ganitong panahon, ay sinasamatala namin ang oportunidad ng aking ama na makahuli ng madaming isda upang ibenta sa Palengke. Samantalang ang kapatid ko naman na si Prince Sisa ay abala din sa bahay sa pag-aalaga ng aming mga baboy sa bakuran kasama nang aking Inang Riyna. Ganito ang naging takbo ng aming buhay sa loob ng dalawang buwan na bakasyon, at nang nalalapit na ang enrollment ay nag-pasya kaming magkapatid na magipon gamit ang kawayan na alkansya upang kahit papaano'y makabawas sa magiging gastusin namin sa darating na Pasukan. Sa kinikita namin ni Papa sa pangingisda ay nagtatabi ako, imbes na ipambili ng pagkain, ay ihuhulog ko nalamang sa aming ipon, ganun din naman ang bilin ko sa aking bunsong kapatid na si Prince Sisa, dahil sa s'ya ay sumasama rin kay Mama sa bawat alis nito upang maningil ng mga may utang sa kanya upang ipang bayad din sa utang n'ya at dahil sa tuloy-tuloy na pagtya-tyaga namin dalawa, ay nakapag ipon kami na ginamit sa pambili ng bagong sapatos at mga notebook.

Pagkatapos nito ay nag-enroll agad kami kasama ni Mama, at ang resulta, ang kapatid ko ay mapupunta ulit sa section 1 sa ika-apat na baitang, samantalang ako naman na hindi katalinuhan ay sa section 7 lang sa fourth year nang haskul nailagay. Hindi gano'on kadami ang nag-enroll kumpara noong nakaraang taon dahil sa mas pinili nang iba ang manirahan sa maynila. So eto na, araw bago ang first day sa school ay napagisipan kong magreview sakaling may Exam agad sa "Pabibo National Highschool" at dahill sa no idea pa ako sa mga posibleng mangyayari sa unang araw ay sinimulan ko sa pagbabasa ng alphabet. Kinuha ko sa Cabinet namin ang lumang manipis na libro, bagamat puro na ito alikabok ay pinagtyagaan ko parin itong gamitin, binasa ko ito nang malakas ng sa gayon ay lubos ku pang maintindihan ang bawat binabasa kong titik "A-B-C-D-E-F -W-X-Y-Z, A-E-I-O-U", matapos nito ay kinuha ko naman ang math na libro namin at sinimulang dagdagan ang aking kaalaman sa mga numero. "4+4+4+4+4+4+4+4+4+4+4=?" ang bumungad na tanong sa akin, sinulatan ko ito ng sagot na 44, subalit para mas malaman kung ito ay tama, kinuha ko ang calculator ng aking kapatid na si Prince Sisa sa kwarto, mahimbing itong natutulog kaya naman ay hindi ko na ito inistorbo pa sa kanyang panaginip.

Kinuha ko ang bag n'ya, ngunit may narining akong sumigaw ng malakas. "Hoy kuya ano yan huh? Kumukuha ka po sa gamit ng iba ng walang paalam"! Sambit n'ya habang nakatingin sa akin at nakapamewang pa!

"Ah, eh ano pahiram ako ng calculator sandali, gagamitin ko lang sa pagrereview ko sa math." Mahinhin kong sagot.

"Ah ganun ba po kuya Prince Epeh?" Kung kelan kita nahuli, tsaka ka nagpaalam? Pag-sesermon nito.

"Basta pahiram ako!" pagmamatigas ko sa kanya.

"Ano bayan, ang aga-aga nag-aaway kayong dalawa?" Pagsesermon ni Mama na nasa kusina.

"S'ya, eh kasi pu Mama Riyna, etong Si Prince Sisa, nanghihiram lang po ako ng Calculator tapos nagagalit na"! Malambot na sagot ko sa mataray na tanong ni Mama.

"Eh bakit nagpaalam kaba"? Sambit ni Mama Riyna.

"Hindi po, matik na dapat un eh"! Sagot ko habang nag-cocompute.

Wow kuya hu! Aanhin mo po ung Calculator kuya, Prince Epeh? Pangungulit ni Prince Sisa.

"I-cocompute ko lahat ng utang natin sa tindahan ni Manong Uthang!" Deretsong sagot ko sa kanya.

Sinulsulan ni Mama Riyna si Prince Sisa "Anak, Prince Sisa wag mong pahihiramin."

"Bakit po ma"? Maikling tanong ni Prince Sisa.

"Eh kase malaki na yang kuya mo, anak, marunong nayan sa buhay". Pangangaral ni Mama Riyna.

"Bakit pu ma?" Sumunod na tanong ni Prince Sisa.

"Wag ka naman maraming tanong, Basta ako ang sundin mo"! -Mama Riyna.

Hind na kami nakaimik pa dahil sa bawat mahigpit na bilin ng aming mga magulang ay maluwag namin itong tinatangap. Lumipas din ang araw na ito, ready na kami ng aking kapatid, sabay kaming pumasok at hinarap ang eskwelahan ng may ngiti sa aming mga mukha. Hinatid ko muna ang aking kapatid sa kanyang section. Okey naman ang lahat sa kanya at wala naman ni isang problema ang nakita ko sa sistema ng kanilang first day.

Samantalang ako naman, nagumpisa agad na hanapin ang section 7 sa fourth year. Natunton ko ito kaagad, bagamat malungkot ako dahil ni isa sa aking mga naging kaibigan ngayon ay hindi ko magiging kaklase pero ok lang naman handa naman akong suungin ang mga mangyayaring pagsubok sa huling taon sa hayskul. Sa aking pagpasok sa loob ng aking section ay maingay, magulo pero masaya naman lalu na't halata ang masayang kulay ng aming silid, masarap itong titigan at mahalaga rin ang gagampanang papel ng aming paligid upang mas lalo kaming ganahan sa pag-aaral. Ang gusto kong katabi ay yung mga nakasalamin dahil sila ung mga sa tingin kong matatalino sa klase. May Nakita kaagad ako, babae s'ya, nakaupo sa second row sa Ill center, sakto naming bakante ang katabi nitong upuan, tinanong ko s'ya kung meron nang nakaupo at ngumiti ito at sinabing wala naman daw. Tinanong ko ang kanya pangalan at sumagot naman ito, "Mariang Pinagpalad", ito ang kanyang sinabi, magtatanong pa sana ako ngunit may guro kaagad na pumasok sa silid. Mahaba ang buhok nito, nakaputi at parang kakaiba ang aura n'ya .

Pumasok s'ya sa aming silid, at hindi ko namalayan na tumatayo na pala ang aking mga balahibo, bigla akong napatingin sa aking mga kaklase at napagtanto ko na ganun din ang kanilang mga reactions. Pumunta ang kakilakilabot na guro sa gitnang table nang nakayuko. "Okay class", Ako nga pala ang inyong magiging bagong guro, I will be your adviser whether you like it or not. I am Ms. Maria Dela Fuente Corazon Mirasol . In short, Ms.Maria. I am also your English teacher. I would like to begin this class by introducing yourselves one by one, and we will start now. Okay. So girl who wears eyeglasses, that suits you very well, come here in the center to introduce yourself and share something in the class. Nakayuko itong pumunta sa harapan,

Hi classmates, I am Maria Goldens, 16 years old, nakatira po ako malapit sa iskul at naniniwala po ako sa Golden rule na, "Don't do to others what you don't want them to do unto you". Thank You.

"Okay next, Iha, ung nakasalamin na nakatabi ng naka eye glasses". Pag-uutos ni Teacher Maria.

Pumunta ito sa harapan at ipinakilala ang kanyang sarili, medyo may pagkamahinhin ito ngunit malakas din ang dating.

Hi eveyone, ako nga pu pala si Maria Binaliktad, at naniniwala po ako sa silver rule na, "Do to others what you want them to do to you. Bow!!"

Okay next Iho, ung nakataas ung buhok at nakasalamin, pumunta ka dito sa harapan at ipakilala ang iyong sarili.- Teacher Maria

Hi guys ako nga pala si Jose Pasikat, at naniniwala po ako sa kasabihang, "kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, humanap ka nang pangit at ibigin mong tunay". Salamat.

Okay next, iho ung nakashades, halika dito ikaw na ang sunod. - Teacher Maria

"Hi ako nga pu pala si Jose Balasi, at naniniwala po ako sa kasabihang, "Pag nakakita ka nang hindi mo kakilala, h'wag mong pansinin, bakit sino ba sila?" Thanks.

Okay iha, ung katabi ng nakashades na lalaki, ikaw na ang susunod, para maiba naman, pakitaan mo kami ng iyong talento. -Teacher Maria

Okay class, ako nga pala si Maria Burning, at ang talento ko po ay kaya kong bumuga ng apoy pero dapat may mga props ako para maisagawa ito.

Okay, sige exempted kana, okay next, ung katabi mo namang babae, iha, ikaw naman, ung babae na madaming hikaw sa tenga.-Teacher Maria

Okay classmates I am Maria Adik at ang talento ko po ay, ang magsolve ng math equation, so mam, pahiram po ng chalk at ipapakita sa inyong lahat ang husay ko sa numero. Nagsulat na ito sa blackboard na kulay green, 4+4+4+4+4+4+4+4+4+4+4=?

Napatahimik kaming lahat at ni isa sa amin ay hindi makasagot sa isang henyo sa numero.

"Kayo pu Mam, alam nyo pu ba?" Pagtatanong ni Maria Adik

"OO iha alam ko"! Pag-sasagot nang guro na tila ay nag-iisip din.

"So ano pong sagut Ma'am?"-Pagtatanong ni Maria Adik habang nakapamewang.

Pag sinabi ko Malalaman mo! Eh ikaw alam mo ba ang sagot, iha? "Pag-babalik nito ng tanong sa estudyante.

"Yes ma'am". Maikling sagot ni Maria Adik.

"Oh alam ko rin yon, hayaan mong tayong dalawa lang ang nakakaalam". Pagmamayabang ni Ma'am".

Okay ma'am fine, pwede po ba akong manghingi ng favor? Pagrerequest ni Adik

"Sure, ano ba yon iha?" -Nakangiting sagot ni Ma'am Maria

Pwede ko po ba itong gawin assignment n'yo at ng mga classmates ko itong tanong ko sa math at bukas natin ito sasagutan sa english class n'yo po, at syempre kayo po ang unang sasagot nito Ma'am Maria Corazon.

Sure no problem.-Teacher Maria

At nang matapos siya, sumunod naman ang isang lalaki na matangkad at base sa itsura nito, isa s'yang transferee.

Okay class, I am Jose Bubog , at ang talento ko po ay kaya kong umapak sa bubog ng hindi ako nasusugatan, pero para gawin ko ito kailangan ko ng boteng babasagin.

Okay Jose Bubog, you are exempted.-Teacher Maria

Ok next. -Teacher Maria

Hi classmates I am Mariang Pinagpalad, at ang akin pong talento ay ang makita ang hinaharap, in short ako po ay isang eksaktong manghuhula, pero hindi ako nagpapahula sa weteng at lotto, bagkus ang hinaharap natin, mga pagsubok na ating haharapin, at base sa aking nakita, bukod sa tayong lahat ay makakapasa, ay mayroong sigalot na mangyayari dito sa ating paaralan ng hindi natin inaasahan. At magagamit natin ang ating mga talento upang magapi ang ating mga kakalabanin sa takdang panahon.

"Wow, naman as your adviser, I'm amazed with my new asylum class section. You are only few and yet you guys are all talented." So next....

Hi I am Jose MangKano, at ang kakaibang talento ay ang manggulpi sa mga babaeng naaapi, binabanatan ko sila gamit ang aking sandatang pandigma, ipinuputok ko ang baril sa sinumang magtangkang chumansing sa kanila, ako ang batas na may dahas, kaya't mga girls, kung may problema, MangKano is at your service!! Pahabol lang, joke lang pala ang baril, kaya h'wag kayong mag-alala!

Okay next, ikaw naman iho, ung nakaheadset. -Teacher Maria

Hi guys, ako nga pala si Jose Himig, at ang talento ko ay kaya kong makinig sa ating guro habang nakikinig ng music. Ang sikreto ko ay tanggalin ang isang headset para mabalanse ang aking pakikinig.

Okay next, iha, ung may dalang sisiw. -Teacher Maria

Hi guys ako nga po pala si Maria Chickens at ang aking talento ay kaya ko pong kumausap ng mga hayop. Diba chicklet! Twit, twit. OO daw sabi n'ya.

Okay next. Iho, ung may nakasabit na medalya. -Teacher Maria

Hi guys, ako po pala si Jose Agimat, at ang aking talento ay kaya kong kumausap ng mga ligaw na kaluluwa at kaya ko silang itahak sa tamang direksyon.

Okay next. -Teacher Maria

Hi guys ako nga po pala si Jose Baliktad, kaya ko pong magbasa at magbilang ng nakabaligtad na numero at magbilang pa descending.

Okay, iho sampulan mo kami. -Teacher Maria

Ma'am, sige po, kapag math subject, pwede po kayong mag-guest sa amin.- Sabi ng binata.

Okay, exempted kanalang, next.-Teacher Maria

Hi guys ako nga pala si Maria Tagapagsalin, kaya ko pong magtranslate from tagalog to english and vice versa.

Okay, iha sampulan mo kami. -Teacher Maria

Sige po, Ma'am, bigyan n'yo po ako nang i-tatranslate. -Maria Tagapagsalin

Sige, i-translate mo ang salitang "pangit na mukha sa ingles". -Teacher Maria

Sus, ang dali naman pu Ma'am. "What is knowledge, when your face is garbage." -Maria Tagapagsalin

Eh ang "maganda pero walang pera"?-Teacher Maria

What is beauty if your pocket is empty -Maria Tagapagsalin

Eh ano ang ingles nang salitang litrato? -Teacher Maria

Ladies and gentlemen, welcome to the selfie capital of the world, Philippines! -Maria Tagapagsalin.

Okay next. -Teacher Maria

Hi ako nga po pala si Jose Dalisay, kaya po ng aking katawan na saluhin ang mga bala ng baril nang hindi ako nasasaktan.

Tumayo na ako dahil ako nalang ang natitira sa amin ngunit biglang nagsalita si Ma'am.

Okay guys class dismiss, according sa prinsipal natin na si Sir Lowis Lo ay pwede ang maagang dismissal nang klase ngayon, i-didistribute ko ang lahat ng inyong libro at maaari na kayong umuwi. Bukas ay magkakaroon tayo ng election para sa class officers.

Medyo masama ang loob ko na hindi na ako tinawag pero sa kabilang banda ay natutuwa ako sa aking mga nasaksihan, bagamat iilan lamang kami sa loob ng classroom ay mukhang magiging masaya ang aming batch. "Asylum Section is by far the best section I enrolled in"

Dahil malaki pa ang oras na natitira pagkatapos ng klase ay hindi muna ako umuwi dahil ninais kong magtungo sa library upang gawin ang math equation na ipinasasagutan sa amin ng aming kamag-aral sa english subject dahil mas gusto ko ang mga libro dito. Ikinagulat ko naman ng madatnan ko dito ang iba ko pang mga kamag-aral na kumukuha ng kanya kanyang mga libro at kagaya ko ay sinasagutan din nila ang nasabing takdang aralin. Medyo may mga nabubuo ng grupo sa aming section pero ako, pinili kong pakisamahan lahat dahil plano kong tumakbo bilang class president.

Isa-isa ko silang nilapitan at binulungang ano ba ang gusto nilang katangian nang isang presidente ng klase. At base sa aking nakalap na impormasyon, halos ang lahat ay gusto ng Presidente na matalino, responsable at madaling kausap, malalapitan kapag may math problems. Matapos nito, ginawa ko ang aming takdang aralin at umuwi at pinag-isipan kong maigi ang aking magiging speech.

Kinabukasan, ay kasabay ko ulit ang aking bunsong kapatid, kinakausap n'ya ako ngunit ako, wala akong pakialam kung hindi ang makamit ang inaasam-asam na posisyon, at ito lang ang bukod tanging laman nang utak ko. Pumasok ako nang masaya sa classroom at kinamayan ang bawat isa sa kanila at naupo, hindi nagtagal ay pumasok na rin ang aming guro na si Ma'am Maria, hindi na ito nagsayang nang oras at nagturo ito kaagad.

Okay class our topic for today is about the origin of english. -Teacher Maria

Mam, wait diba po may assignment tayo sa math? Pagpapaalala ni Maria Adik

Ay oo nga pala, so Maria Adik, pwede ka bang pumunta dito sa harapan at ipakita mo sa amin ang talento mo sa numero? Pag-uutos ng aming guro.

Nagtungo si Maria Adik sa unahan at nagsimulang gawin ang math equation sa english subject ng aming guro.

Okay guys ang sagot sa tanong 4+4+4+4+4+4+4+4+4+4+4=44 ay ano?

Nagtaas ng kamay ang guro

Iha, its 44 hindi mo ata sinasadyang maisama ang sagot sa iyong formula. -Teacher Maria

Ay ganun puba Ma'am, so sa lahat nang gumawa nang assignment nato. Humihingi ako ng pasensya- Pagpapakumbaba ni Maria Adik

Naupo ito sa upuan nang guro at sinabing tinatamad pa itong maglakad papunta sa kanyang upuan. Magpapatuloy na sana ulit sa pagtuturo si Teacher Maria ng bigla akong magtaas ng Kamay.

Ma'am. Magandang araw po, ako po si Prince Epeh, hindi ba't dapat magkaroon tayo ng class officials para magkaroon ng mas maayos na sistema dito sa loob ng classroom? Pagpapaalala ko sa guro.

Tama ka iho, oh sige, ilalaan natin ang natitirang oras para maghalal ng mga tatayong liders ng section na ito. Simulan natin sa pag pili ng presidente ng classroom na ito. Sino ang gustong mag nominate o i volunteer ang kanyang sarili , mas maganda kung ipe-presinta n'yo ang sarili n'yo dahil ang katangian ng isang leader ay ang magkaroon ng tiwala sa sarili at paninindigan. Paghihikayat ng guro

Bukod sa akin, mayroong dalawang gustong maging presidente kaya naman ay pinapunta kaming tatlo sa unahan upang mangandidato at kuhain ang loob ng aming mga kamag-aral.

Hi guys ako nga Pala si Jose Bubug, kung sakali na ako ang piliin ninyong maging presidente ng classroom na ito, ay sisiguruhin kong walang babagsak sa ating lahat. Hindi lamang relasyon natin dito sa classroom ang magiging maayos kung hindi ang ating pakikitungo sa ating mga magiging guro. Ang aking pilosopiya, bago ka lumabas ay kailangang mauna ung panloob, kaya yan ang tungkulin ko sa ngayon ayusin ang pangloob so pag naging Presidente na ako, mararamdaman na ninyo ako sa labas.

Nagpalakpakan lahat ng aking mga kamag-aral, nakaramdam ako ng kaba ngunit batid ko na ito ay isa lamang pagsubok na inihain sa akin upang mas patunayan na ako ang dapat hirangin na bagong Presidente ng classroom, sumund naman si Jose Mangkano.

Hi classmates, ako si Jose Mangkano, gusto kong sabihin na kung sakaling ako ang maging presidente ng classroom na ito ay makatitiyak kayo na kayo ang boss ko. Tandaan, Di ka mag-iisang sasagot ng mga quiz at exam kungdi tayong lahat. Laban!

Nagpalakpakan at napahiyaw ang aking mga classmates at makikita mo sa mukha ni Mangkano ang saya dahil sa kanya sigurong palagay ay mayroong saysay ang kanyang pangangampanya, ako na ang susunod, magkahalong kaba at excitement ang aking naramdaman.

Hi Classmates, ako nga po pala si Prince Epeh, isang simpleng mamamayan, at ang adhikain ko ay ang pagpapatupad ng School law, "oh sa school natin may batas, bawal lumabas o bawal lumabas. Pero pag sinabi , pag nagcomply ka na bawal lumabas pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ung law ng school natin at sinubmit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas".

Tila ay nagulat ang lahat, ngunit ilang sandali palamang ang nakalipas, naghiyawan, nagtayuan at nagpalakpakan ang buong klase sa kanilang mga narinig at ang speech ko na ito ang naging dahilan kung bakit ako naihalal na presidente ng aming classroom.

Sumunod naman ay ang pag-nonominate sa Vice president at dahil ako ang nagwagi ay nanatili akong nasaunahan upang pangunahan ang susunod na eleksyon.

Ok guys as a President of this Class, gusto kong mag-nominate tayo ng Vice President na babae, para naman ako ay ganahan na maging leader. So ang mga pipiliin ko ay tatayo, at kayo ang pagbobotohan ko. Lahat ng Maria, tumayo! Pag-uutos ko.

Nagulat ako sa aking nakita, lahat nang aking mga kaklaseng babae ay tumayo kasama ng aming guro, at dahil alam kong s'ya ay literal na maaasahan ay pinili ko ang aming guro upang maging Vice President ng aming Klase.

Sumunod ang Secretary position, ako ulit ang nanguna dahil ako na ang Presidente.

Okay secretary position, dapat naman dito ay lalaki dahil s'ya ang magiging utusan sa klase. So guys, lahat ng Jose ay tumayo!

Nagulat ako ng tumayo lahat nang lalaki sa aming section, pero para mas mapili ko kung sino ang karapat-dapat, hiningi ko ang opinyon nang aking Vice President na si Ma'am Maria.

"Sa aking palagay, mas deserving si Mangkano dahil sa nakaraan nating klase ay sinabi n'yang mapoprotektahan n'ya ang mga kababaihan, kaya't s'ya ang nais kong Sumama sa akin upang ako ay palaging protektado. Final decision na ito. Pagpapasya ni Ma'am Maria

Mahigpit ko itong tinutulan at sinabi ko na mas mahalaga ang kapakanan ko dahil ako ang Presidente ng Classroom.

"Ito ay labag sa ating School law kaya naman ito ay aking i Ve-veto" Pagsambit ko sa kanya, at ikaw ang pipiliin ko Jose Bubog dahil naniniwala ako na ang Presidente ay hindi nila kayang tapakan dahil takot silang masugatan sa bubog. Kaya't ikaw ang magiging kanang kamay ko at star witness kung sakaling labagin nila ang batas kong, "law school o school law".

Next, ang tax collector, ang magiging pakinabang n'ya ay ang mangolekta ng donasyon para sa aking mga gagawin dito sa classroom. Change is coming. So, lahat ng marunong magbilang, tumayo kayong lahat! Nagulat ako ng tumayo lahat ang aking mga kaklase, pero sa isip ko ay nalilito na kaagad kung sino ang dapat hirangin na bagong taga kolekta namin. Kaya't nagtanong ulit ako at ang mga mananatiling nakatayo ay ang aking pipiliin. "Sino dito ang magaling sa mathematics? Tanong ko sa klase.

"Ako po, President,", mabilis na sagot ni Maria Adik. Hindi lang ako magaling sa numbers, magaling din akong maningil pero pinapatungan ko ito. -Dagdag pa n'ya.

Okay, Maria Adik, ikaw na ang kukumpleto sa ating class officers, gusto kong magtungo dito ang Vice President, ang ating guro nasi Ms. Maria Dela Fuente na nakaupo sa pwesto ni Maria adik, ang aking Sectretay Mr. Jose Bubog at ang ating tax collector na si Maria Adik na nakaupo sa pwesto ni Ma'am Maria. Palakpakan ninyo ako sa aking pagsisimula bilang leader nang classroom na ito. Proud ako sa aking sarili.

Nagpalakpakan ang lahat at nagpalit na nang pwesto si Ma'am Maria at Maria adik sa kani-kanilang pwesto.

Makalipas ang ilang oras, kami ay nagsiuwian na, masaya kong ibinalita sa aking mga magulang ang mga kaganapan sa iskul ngayong araw, habang kami ay kumakain, nakangiti kong sinabing, "Ma pa, presidente na po ako ng iskul, hawak ko na sa leeg ang mga kaklase ko at kaya ko nang paikutin ang aking adviser."

"Anak, hindi magandang biro yan" Panenermon ni Papa, habang ngumunguya ng kanin.

"Oo nga anak, ang role mo ay ang pagiging mabuting leader sa klase, h'wag mong aabusuhin ang ibinigay sayong posisyon ng iyong mga kamag-aral." Dugtong ni Mama.

Joke lang naman po, pero ang mas masaya pa dito, eh kakaunti palang kami sa klase kaya naman ay may chance na maging isang grupo kami.-Seryosong sagot ko sa aking mga magulang

"So anak, ano ang plano mo ngayong presidente ka na ng klase? Tanong ni Papa Arie.

"Pa, change has come, kaya need namin ng school law." Pagsagot ko habang ngumunguya nang pagkain.

Alam mo, anak, ang dami mong pautot na ganyan, mas magpokus ka sa pag-aaral mo dahil un ang dahilan kung bakit ka nanjan at ang kapatid mo. Galit na sabi ni papa.

Pagkatapos ay nagtungo ito sa lababo bitbit ang pinagkainan. "Hugasan mo na tong mga plato dito." paguutos pa niya sa aking, samantalang si mama Riyna naman, napainom nalang ng tubig sa kanyang nasaksihan. Kinabukasan, panibagong araw na naman, kahit medyo malungkot ay pinilit ko paring ngumiti sa buhay dahil ayaw kong makita ng aking mga kaklase ang aking kahinaan. Naging matiwasay naman ang araw na ito, at nagpatuloy hangang 2 linggo.

DISCLAIMER

PLEASE RESPECT MY STORIES AS I RESPECT YOURS, LET US SUPPORT EACH OTHER'S STORY AND MAKE OUR IDEAS BE NOTICED IN THE WORLD.

I WOULD ALSO LIKE SAY THAT I ORIGINALLY CREATED ANY STORY YOU WILL SEE IN MY PAGE AND ANYONE WHO WOULD ATTEMPT TO STEAL ANY PART OF IT SHALL BE REPORTED ACCORDINGLY.

I CREAT THIS STORY IN ORDER TO PUT MY IMAGINATION INTO A STORY IN WHICH I BELIEVE SUITABLE AND APPROPRIATE.

NEVERTHELESS, IF YOU FIND ANY OFFENSIVE WORDS OR SENSITIVE SCENES WITHIN THE STORY, LET ME KNOW SO I COULD TAKE AN ACTION TO RECTIFY MY POSSIBLE ERRORS PARTICULARLY MY GRAMMAR.

THANK YOU FOR UNDERSTANDING, AND TOGETHER LET US CHASE OUR DREAMS TO BE A PROFESSIONAL WRITERS WE'RE DESTINED TO BE. GOD BLESS

IAMCOMEDIAN_24creators' thoughts