webnovel

Chapter Ten

\

\\

...

Nagdaan ang maraming taon, patuloy pa rin ang pagkakaroon ng alitan ng dalawang kaharian, Ang Alemanya at ang Barbaniya. Si Haring Daniel ay kinikilala ng buong kapuluan sapagkat siya ay matapang at makapangyarihan. Nababahala na tuloy sina Duke Remingham at Prinsesa Nayadah sapagkat minsan na nasakop nila ang kanilang palasyo. Sanhi na rin nito ang pagkamatay ng kanilang mga anak na kambal.

Samantalang si Monica ay nasa palasyo pa rin ni Azkaban. Iniisip niya kung paano siya makakatakas sa palasyo. Ngunit, isang beses ay kinausap siya ni Azkaban, "Kamahalan, napagisipisip ko ang tungkol sa iyong kahilingan na makaganti sa magasawang Duke Remingham at Prinsesa Nayadah."

Nagkainteres itong si Monica, "Ano ang iyong pasya?"

At inumpisahan na ni Azkaban sabihin kung ano ang kanyang ideya, "Pupunta ka sa kaharian Alemanya, ngunit hindi bilang isang Prinsesa Monica. Magpapangap ka bilang isang alahera na nanggagaling sa ibayong dagat. At napadpad ka sa kanilang kaharian para magbenta ng mga alahas. Subalit, kailangan mong maging malapit kay Prinsesa Nayadah. Para sa ganun, makuha mo ang kanyang loob at madali mo siyang patayin. Yun lang ang naisip kong mainam na ideya."

Natuwa si Monica sa kanyang sinabi. Tinanong niya, "Kelan ang alis ko?"

Sagot naman ni Azkaban, "Bukas na bukas din. Pinahahanda ko na ang lahat ng iyong kakailanganin. Pati na rin ang villa ng iyong matutuluyan. Para sa ganun, walang magdududa na ikaw ang nawawalang anak ni Haring Felipe."

Sabi naman ni Monica, "Salamat, Azkaban, sa iyong mga naitulong. Tatanawin ko itong malaking utang na loob."

Tugon naman sa kanya ni Azkaban, "Walang anuman. Lagi ka lang magiingat."

***************

Samantala, nasa dating kuwarto ng kambal si Prinsesa Nayadah. Hangang ngayon ay naghihinagpis pa rin siya sa pagkamatay nila.

Pumasok ang dama.

Nagalit ang Prinsesa, "Bakit basta ka na lang pumapasok na hindi ko pinahihintulot!"

Nagpaumanhin ang dama, "Pasensya na po, Kamahalan. Handa na po ang inyong pagkain. Hinihintay na po kayo ng Mahal na Duke."

Sabi naman ni Prinsesa Nayadah, "Sige, susunod na lang ako."

Pagalis niya, yakap -yakap pa rin ng prinsesa ang dalawang natitirang damit ng kambal. At siya ay umiiyak at inaalala niya ang kaniyang masayang nakaraan kapiling ang kanyang mga anak.

\

\\

...

-END-