webnovel

Chapter Eleven

\

\\

...

Gaya ng napagusapan nila ni Azkaban, maaari siyang pumunta sa kaharian ng Alemanya pero bilang isang alahera. Kasulukuyan, nainirahan na siya ngayon sa isang villa. Meron siyang mga taga-silbe at kumpleto pa ang mga muebles na mukhang mamahalin.

Isang beses, siya ay nangangabayo sa gubat. Gusto lang niyang makalanghap ng sariwang hangin. Nababagot na siya sa villa.

Nakita niya sa kagubatan si Prinsesa Nayadah at ang kanyang mga kawal. Sila ay nangangaso sa gubat. Inisip ni Monica na ito ang tamang panahon para paslangin si Prinsesa Nayadah pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Naisip niya may iba pang paraan para sa pagkakataon na iyon.

At dumating ang pagkakataon na iyon. Nung naglalakad ng magisa si Prinsesa Nayadah, may isang mabangis na lobo na sumalakay sa kanya. Humihingi siya ning saklolo pero walang nakarinig sa kanya. At nandun din pala si Monica na kanina pa siyang sinusundan.

Nakita niya na inaatake ng lobo ang kaawa - awang prinsesa, at inilabas niya ang kanyang baril at pinatamaan ang lobo. Namatay ang lobo.

Sabi pa ni Monica, "Isa kang inutil!"

Nagulat si Prinsesa Nayadah sa kanyang nakita. At nasilayan niya ang magandang babae na nagligtas sa buhay niya. Nagpasalamat siya, "Maraming salamat, estranghera! Ano ang iyong pangalan?"

Sagot naman ni Monica, "Tawagin mo akong Mystica. Sige, mauna na ako."

At umalis si Monica sakay ng kabayo.

Dumating ang mga tauhan ni Prinsesa Nayadah dahil nakarinig sila ng putok ng baril. Akala nila, may nangyari ng masama sa prinsesa. Nakita nila ang patay na hayop sa tabi ng kinatatayuan ng prinsesa.

Sabi ng isang tauhan, "Kayo po ba ang may gawa nito, Kamahalan?"

Nagalit ang prinsesa at siya ay sinampal, "Napakabobo mo! Ang bobobo niyong lahat! Kanina pa akong sigaw ng sigaw at humihingi ng tulong. Ni isa man lang sa inyo ay walang nakarinig? Ano ang pinangagawa niyo?"

Sumagot naman ang isa pang tauhan, "Naghahanap po kami ng baboy ramo para hulihin."

At inutusan niya yung tauhan na sumagot sa kanya, "Kunin niyo na lang ang lobo na ito at iyan ang inyong magiging hapunan."

At kinausap niya ang kanyang pinagkakatiwalaan na tauhan, "Ipagtanong mo sa bayan ang babaeng nagngangalan na Mystica. Alamin mo kung saan siya nakatira. Para sa gayon, mabigyan ko siya ng handog ng pasasalamat dahil sa pagligtas niya sa akin."

Sumunod ang kanyang tauhan, "Masusunod, Kamahalan."

\

\\

...

-END-

Next chapter