webnovel

Ruined Heart

Hindi ginusto ni Maureen ang mahulog sa amo niyang si Zeus, ngunit nangyari pa rin. Ang hindi niya alam, pasakit pala ang aabutin niya sa pagkahumaling sa mayamang katulad nito. Matapos ang ilang taon, may himalang darating sa kanya na makakapagpabago ng buhay niya. Ang akala niya'y maayos na niyang mundo'y guguluhing muli ng unang lalaking minahal. Hahayaan ba niyang makapasok itong muli sa kanyang buhay at pati na sa kanyang puso?

elysha_jane · Teenager
Zu wenig Bewertungen
60 Chs

Kabanata 48

Chapter themesong : "Gisingin Ang Puso" by Liezel Garcia

Kabanata 48

"Don't be a fool, Maureen. Guard your heart."

Hindi mawala-wala sa utak ko ang huling salitang binitawan sa akin ni Apollo. Gulong-gulo ang isip ko ngayon kaya naman nanatili lang akong tahimik na nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Zeus.

I don't have any idea what was going on. There's something behind their words and actions, pero 'di ko malaman kung ano. Kusa ring bumabalik sa alaala ko ang pag-uusap namin noon ni Apollo sa bar niya.

Natigil lang ako sa pag-iisip nang ihinto ni Zeus ang sasakyan sa kung saan. Napatingin naman ako sa kanya at napaisip; ano ba talaga ang pakay niya sa'kin at pilit siyang bumabalik sa buhay ko?

"Wanna go out?" Pagbasag niya sa katahimikang sandaling bumalot sa amin.

Napabuntong-hininga ako bago sumagot, "Kaya ako sumama sa'yo dahil sa banta mo. Ayoko ng issues. So please, 'wag na lang tayong lumabas."

"Okay," tipid na sagot niya.

Pagkatapos naman noon ay binalot na naman kami ng nakabibinging katahimikan. Nanatili lang naman akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip niya sa mga oras na 'to. Three years has passed. Kay Apollo, I could still feel the same connection I've felt back then. Pero si Zeus. . . Iba ang pakiramdam ko sa kanya ngayon. It felt like something has changed.

Pero naisip ko, siguro dahil na rin sa tatlong taon ko siyang hindi nakita.

Tumikhim ako at itinuon ang paningin sa labas. "Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin ngayon."

Nakalipas ang ilang segundo, pero hindi pa rin siya nagsasalita. Nagsisimula na akong mainip, kaya naman muli kong ibinaling ang tingin ko sa kanya. Tila malalim ang iniisip niya habang nakatuon ang mga mata sa manibelang hawak-hawak pa rin niya. Mayamaya naman ay napasandal na lang siya sa kinauupuan niya na tila pagod na pagod sa kung ano mang iniisip.

"I still want you," sambit niya matapos magpakawala ng malalim na buntong-hininga.

Napaawang naman ang mga labi ko sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko inasahang basta na lang niyang sasabihin iyon sa akin. Para tuloy akong nanghina. I felt like my heart just jumped. Damn. Hindi dapat ganito ang reaksyon ko. Dapat wala na akong reaksyon, but hell. . .

Dahil sa hindi ko nakuhang sumagot sa kanya ay napatingin naman siya sa'kin. Pakiramdam ko ay nagmamakaawa siya sa'kin ngayon sa paraan ng pagtitig niya sa'kin. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang mainit niyang palad sa kaliwang pisngi ko. Ayoko mang aminin, pero nagustuhan ko ang pakiramdam no'n sa balat ko.

"Please, Maureen. . . Please believe me. I really want you back. I still love you," tila nahihirapang pakiusap niya sa akin.

Para bang gusto kong kalimutan sa mga sandaling 'to na ako si Maureen Olivarez na ayaw na kay Zeus. Pakiramdam ko ay nanunumbalik sa sistema ko ang Maureen na nakilala niya noon. Ang Maureen na sa simpleng ngiti niya lang ay masaya na. Ang Maureen na madaling madala sa mga salita niya.

Pero tila nanumbalik sa akin ang mga katagang ibinulong sa akin ni Apollo bago ko siya tuluyang iwan. Don't bfool. Kaya naman walang ganang inalis ko ang kamay niyang humahaplos sa pisngi ko.

"And how do you expect me to believe you?" mapangahas na tanong ko sa kanya.

"Galit ka ba dahil hindi kita pinaglaban noon? Galit ka ba dahil 'di ko nagawang sumuway kay Mama?" masuyong tanong pa niya sa akin.

Napaiwas naman ako ng tingin at napaismid. Nang sandaling 'yon ay nanumbalik na naman sa'kin ang ginawang pagpapalayas sa'kin ni Ma'am Helen. Ang mga masasakit na salitang ibinato niya sa'kin. Na 'di siya papayag na isang hamak na tulad ko lang ang magiging girlfriend ng anak niya.

"Maureen. . . I-I'm sorry. I-I t-tried my best, pero hindi ko kaya! Hindi ko kayang suwayin si Mama. Kaya hinayaan ko na lang na paglayuin niya tayo. . . k-kahit masakit," pagsasalaysay pa niya.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko dahil sa pag-alala ko sa mga nangyari noon. Kaagad ko namang pinalis ang luhang 'yon bago inis na humarap sa kanya.

"Kung hindi mo naman pala 'ko kayang ipaglaban, sana no'ng una pa lang, hindi mo na 'ko pinili!" sumbat ko sa kanya.

"Kaya nga sorry!" sigaw niya pabalik at hinawakan ako sa magkabilang balikat; sinusubukang pakalmahin ako.

"Sorry?!" Tumawa ako nang sarkastiko at napailing. "Akala mo ba sorry lang ang katapat no'n? Hindi gano'n 'yon! Zeus, nasaktan ako. . . Nawasak ang buong pagkatao ko dahil d'yan sa pagmamahal ko sa'yo!"

I never wanted this to happen. Hindi ko ginusto ang magwala at umiyak sa harapan niya. Damn, I should've saved these tears for my shooting, but damn this heart! Bakit ba hindi marunong makalimot ang puso?

"Naiintindihan ko naman 'yung galit mo sa'kin, e. I really wanted to talk to you that day to. . . To finally say goodbye, I guess? Kasi mukhang wala na tayong pag-asa—"

"Wala na talaga. Kahit ngayon," mariin ko namang sabat sa kanya.

"Maureen, please, listen to me first?" pakiusap naman niya.

"Hindi kita napuntahan noon dahil nalaman ni Mama! Pinigilan niya 'ko! At hindi mo ba naaalala 'yung ginawa mo sa'kin noon? Gusto kitang kausapin, pero nagmatigas ka!"

"Oh? Ako na ngayon ang may kasalanan? I was very stressed that time! Hindi ko na alam ano'ng gagawin sa buhay ko!" pagdadahilan ko naman.

"No! That's not what I meant!" kaagad naman niyang sabi.

"Alam mo, Zeus? Wala nang patutunguhan 'to. Just move on! Masaya na 'ko sa buhay ko. Sana ikaw rin," sabi ko at akmang lalabas na ng kotse niya nang hilahin niya ang braso ko.

"No, Maureen! Listen to me!"

Ngayon ay magkabilang pisngi ko na ang hawak niya. Wala tuloy akong magawa kung hindi ang salubungin ang tingin niya sa'kin—na ayaw ko na sanang gawin. Kailangan ko nang makalayo sa kanya ngayon bago ko pa man din maisip na. . . Na aminin sa kanyang gusto ko pa rin siya.

"Ayoko na, Zeus! Ayoko na!" Pilit naman akong kumawala sa pagkakahawak niya.

Hindi ito tama, e. I shouldn't do the same mistake I did. Ayoko nang umasa na magiging maayos na kami ngayon dahil lang sa artista na ako ngayon. Pakiramdam ko, hindi na 'ko dapat sumugal ulit. Hindi na dapat.

"Ano ba'ng sinabi ni Kuya sa'yo para tratuhin mo 'ko nang ganito? Siniraan ba niya 'ko sa'yo, ha?" inis na tanong naman niya na kung nandito lang si Apollo ay baka inaway na naman niya ito.

"Wala ka na do'n," mariing sabi ko naman sa kanya.

Mas naging mapanuyo naman ang ginawa niyang paghaplos sa mga pisngi ko. Pagkatapos ay diretso akong tinignan sa mata na may nagmamakaawang pagtingin.

"Don't listen to him, okay? Ano man ang sinabi niya sa'yo, paraan niya lang 'yon para sirain ako sa'yo. Para guluhin ang isip mo. Kasi gusto niya sa kanya ka mapunta!" saad niya sa akin.

Napakunot naman ang noo ko. Now I don't know kung sino ang dapat kong paniwalaan sa kanilang dalawa. My mind is telling me to believe in Apollo, but my heart. . . Of course, my heart would always choose Zeus.

I don't know. . . Sabi ko na nga ba, e. Hindi na dapat ako nagpunta dito. Ngayon, mas lalo lang nagulo ang isip ko. Kaya sa huli ay pinili ko na lang umiwas ng tingin. Unti-unti na rin naman niyang ibinaba ang mga kamay niya.

"J-Just take me home," halos pabulong na sabi ko. Sa mga oras na 'to, gusto ko na lang umuwi at humiga sa kama. Naramdaman ko na naman kasi 'yung pakiramdam na pagod na ang isip ko.

Walang imik namang pinaandar ulit ni Zeus ang sasakyan niya. Naging tahimik lang ang buong byahe namin, dahil ayoko na ring makipag-usap pa. Gulong-gulo na talaga ang isip ko ngayon. Magsasalita lang ako kapag sasabihin ko sa kanya kung saan liliko, dahil 'di naman niya alam ang bahay namin.

"Maureen. . ."

Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag niya sa'kin. Walang imik na tinanggal ko ang seatbelt ko at kaagad na bumaba. Mabuti na ri at hindi na niya ako tinangka pang sundan.

"Oh, Ma'am! Ba't 'di ka nagpasundo?" gulat pang tanong sa akin ng driver namin na nakasalubong ko pagpasok ko ng bahay.

Binigyan ko na lang siya ng tipid na ngiti at saka ako nagmadaling umakyat ng kwarto ko. Pagkapasok ko doon ay kaagad ko ring isinarado ang pinto at ni-lock 'yon. I don't know what happened to me. I felt like I'm being haunted by my past. Na para bang sinasabi nila sa akin na 'you think you've changed? No, you're still the same weak, vulnerable Maureen we knew'. And. . . The feeling is killing me.

Napasandal na lang ako sa pintuan ng kwarto ko at napahaplos sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko pa rin doon ang init ng haplos sa'kin ni Zeus. And I hate myself right now for feeling this way.

I was once again that girl. . .vulnerable, confused, afraid. . .and, once again, has a strong affection for Zeus. Damn this heart! Bakit ba napakatraydor ng puso kong 'to?

* * *

Nang sumunod na araw, nagising ako na masakit ang ulo ko. Kahit pa uminom na naman ako ng sleeping pills kagabi, ang sama pa rin ng pakiramdam ko. Pagkabangon ko nga ay tinignan ko agad ang mga mata ko kung mugto ba. At mabuti na lang ay hindi naman.

Matapos ko namang makapag-almusal ay medyo bumuti na ang lagay ko. Pagkatapos noon ay bumalik na ulit ako sa kwarto ko, but thoughts from last night were still lingering in my head. Napagpasyahan kong bumaba na lang ulit at tumambay sa sala. Mabuti na rin at wala akong schedule ngayon.

Nagulat naman ako nang madatnan ko doon si Ate Mercedes at si Celestia. Napatigil tuloy ako sa paghakbang. Parang gusto kong bumalik na lang ulit sa kwarto. Tatalikod na sana ako, kaya lang ay huli na. Nagtama na ang paningin namin ni Celestia.

"Ate! Look, I tried baking again and it turned out well!" masayang sabi niya sa akin.

Nahihiya naman akong ngumiti at lumapit sa kanila. Umusog naman papalayo kay Celestia si Ate Mercedes, kaya naman doon ako naupo sa gitna nila. Okay. . . This is a bit awkward. Pero siguro mas okay na 'to kaysa naman dalawang Lorenzino ang pagitnaan ko?

"Oh, Ate."

Pagkaupo ko ay inabutan kaagad ako ni Celestia ng isang brownies na ginawa niya. It was full of nuts. Well, hindi naman na nakakabigla dahil mahilig sa nuts si Celestia.

Ngumiti naman ako kay Celestia bilang pasasalamat at saka ako kumagat ng kaunti. Ninamnam ko namang mabuti ang lasa noon. Hindi siya sobrang tamis. Tamang-tama lang amg timpla.

"How was it, Ate?" tanong pa ni Celestia.

"Hindi na nakakaumay," sagot ko naman at napangiti.

Itinuro ko kasi kay Celestia noon 'yung mga natutunan ko dati sa bakery. I don't know why she's very fascinated at baking.Pero masaya naman ako dahil sa ganoong paraan kami naging close kahit papaano.

"Sino 'yung naghatid sa'yo kagabi?"

Nagulat naman ako sa tanong na 'yon ni Ate Mercedes. Napalingon tuloy ako sa kanya, pero siya naman ay nakaharap lang sa pinapanood na palabas sa TV. Napayuko naman ako. Baka kasi pagalitan niya ako na kung sino-sino ang pinapapasok ko dito.

"Is it the same guy na na-link sa'yo?" tanong pa niya ulit nang 'di ako sumagot.

Hindi pa rin ako makasagot dahil iniisip ko pa kung ano'ng sasabihin ko sa kanya. Kaya huli na niya ako nang mapatingin siya sa akin. Lalo naman akong napahiya nang mapangisi siya.

"I knew it. You can't get over with that guy. First love, e, 'no?" sabi pa niya.

"Yeah. Just like how you can't get over with Kuya Diego," sabat naman ni Celestia.

Kung normal na araw 'to at wala akong iniisip, baka napangisi pa ako sa sinabi niyang 'yon. Pero ngayon hindi man lang umangat ang dulo ng labi ko.

"Celestia! We're talking about Maureen here!" sita naman ni Ate Mercedes na mukhang nainis na naman sa pagkakabanggit ng pangalan ng lalaking minahal.

"Just saying," sabi pa ni Celestia.

"Tsk. Whatever." Napairap naman si Ate Mercedes. "Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking 'yan—" Napakunot ang noo niya. "What's his name again?"

"Zeus. . ." mahinang sagot ko.

"See? Pangalan pa lang, playboy na," natatawang sabi naman niya.

"We can't judge a person just by his name, Ate," sabat ulit ni Celestia.

Ewan ko ba. Sa mga oras na 'to, wala akong masabi. Gusto ko rin kasing malaman ang opinyon nila. Baka sakaling matulungan nila akong maisaayos ang mga iniisip ko.

"And we can't trust a stranger," sagot ni Ate Mercedes.

"He wasn't a stranger to Ate Mau," katwiran pa ni Celestia. Palipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Kahit na!" Bahagya nang napasigaw si Ate Mercedes. "Three years silang 'di nagkita. They've lost their connection. Malay ba natin kung gano'n pa rin talaga 'yung nararamdaman niya?"

"Don't underestimate love, Ate," sagot ni Celestia. "Remember how helplessly Kuya Diego—"

"Celestia. . ." sambit ko. Hindi na tamang ibalik pa niya 'yon. Masyado nang masakit para kay Ate Mercedes.

"I'm speaking from experience here. Kung 'yung kapwa artista nga, nagawa akong gamitin, 'yon pa bang simpleng tao lang?" pagdadahilan ni Ate Mercedes.

"So you're thinking gagamitin lang no'ng Zeus na 'yon si Ate Mau? E, magkaiba naman ang sitwasyon n'yo."

"It's not impossible! Artista tayo. What if gusto lang niyang madamay sa kasikatan natin?"

"Bakit ba 'di natin tanungin si Ate Mau kung ano'ng nararamdaman niya?" biglang tanong ni Celestia, kaya naman namilog ang mga mata ko at kinabahan. I hate you, Celestia! Bakit?

"Oh, tama!" sang-ayon naman ni Ate Mercedes. I hate you, too! "Ano ba'ng sabi sa'yo?"

"A-Ahm. . ." Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o ano.

"C'mon! Tell us! Magkakapatid tayo, Mau. You may not feel it all the time, but yeah," sabi pa ni Ate Mercedes na determinadong alamin kung ano'ng meron sa amin ni Zeus.

"Sorry daw kasi hindi niya 'ko pinaglaban noon. Tsaka, gusto raw niyang maging kami—no, hindi nga pala naging kami. Basta!" Napailing na lang ako at magpatuloy. "He wants me back. . .daw."

Napataas naman ang kilay ni Ate Mercedes. "Flowery words. Na-fall na 'ko d'yan dati, e."

"See? Bitter ka lang, Ate," kantyaw na naman sa kanya ni Celestia.

"No! I'm not! I'm giving her a warning, 'no! Bakit napunta na naman sa'kin?" singhal naman Ate Celestia.

"Bitter," patuloy pa rin ni Celestia.

"Celestia, may point naman si Ate Mercedes, e," sabi ko naman.

"See?" saad ni Ate Mercedes nang marinig 'yon.

"Ano bang sinasabi n'yan?" nginuso niya ang dibdib ko. Nakuha ko naman na ang ibig sabihin niya ay ang puso ko.

"'Di ko alam," bagsak ang balikat na sagot ko. Pagkuwa'y tumawa ako. "Lalo n'yo nga lang pinagulo utak ko, e."

"Ate Mau, kasi bitter lang 'yang si Ate Mercedes. Pero para sa'kin, kung mahal mo tapos mahal ka rin niya, edi go! Minsan lang daw 'yon, e. Why not take the risk na, 'di ba? Grab the chance hangga't nand'yan pa," paliwanag naman niya.

Napangiti ako nang mapait. "Sometimes taking risk is a stupid move."

"Bakit? Kasi masasaktan ka lang? So what, Ate? At least you've got to experience how to love! Kung masaktan ka, it's not your fault. Nasaktan ka hindi dahil sa tanga ka. Nasaktan ka kasi sinaktan ka niya. Siya ang stupid," sagot pa ni Celestia sa akin.

Nangunot naman ang noo ko at muling inalala kung ilang taon na si Celestia. She's two years younger than me, so she's already seventeen. Pero wala pa naman siyang nagiging boyfriend, a?

"And what do you know about love?" Naunahan na ako ni Ate Mercedes sa pagtatanong.

"Hindi na 'ko tween 'no. Of course, I know something!" sagot naman niya.

Napailing naman si Ate Mercedes. "I'm afraid that someday magpupuro sulong ka lang at 'di nag-iisip bago sumugal."

"Sulong?" kunot-noong tanong ni Celestia. Maybe she didn't know that word.

"Sugod," sabi ko naman.

Napatango naman si Celestia. "How would you love if you're fearing it?"

Katahimikan. Mukhang sa mga sandaling 'yon ay 'di lang ako ang natamaan, kung hindi pati si Ate Mercedes. Inilibot ko na lang ang paningin ko at natanaw ko naman ang brownies sa coffee table.

"Let's just eat this na nga lang," sabi ko na lang at kumuha ng isa.

"Oo nga, para naman hindi tayo puro ka-bitter-an," parinig pa ni Celestia kay Ate Mercedes.

"Basta, Maureen, ikaw ang bahala. Matanda ka naman na," sabi pa ni Ate Mercedes pagkatapos ay tuluyan nang tumayo at walang imik na umakyat sa itaas.

"G-Galit ba siya?" kinakabahang tanong ko kay Celestia.

"Hindi, Ate. Mag-e-emote lang 'yan." Napangisi pa ito.

Napailing na lang ako at napatawa. Ang sama rin talaga minsan ng batang ito. Pero hindi ko maiwasang isipin ang mga sagutan nila ni Ate Mercedes. At mas lalo lang gumulo ang isip ko. Ang hirap naman nito. If only I knew this would happen, hindi na lang sana ako bumalik ng Doña Blanca!

Itutuloy. . .