Kabanata 47
Alas siyete na ng umaga nang mag-pack up kami. Ni-request ko naman kay Madam na sa bahay na lang ako mag-uumagahan dahil pagod na ako. I also invited her, pero nagpadaan na lang siya sa drive thru at um-order ng burger at kape.
Sa pagpasok ko naman ng bahay ay sakto namang bumababa ang kapatid kong si Mercedes. Nakasuot siya ng kulay beige na off-shoulder dress na hapit na hapit sa kanya. Nang makita niya ako ay kaagad siyang napangiti.
"Heard the news about you! Grabe, you didn't tell us may past lover ka pala sa Doña Blanca!" sabi niya nang makalapit sa akin.
Napabuntong-hininga naman ako at nag-iwas ng tingin. Ayoko na sanang pag-usapan ang bagay na 'to. Iniwasan ko na nga rin ang mag-check ng mga social media accounts ko para 'di ko na rin maisip pa, e. But, of course, Ate Mercedes is Ate Mercedes. Palaging may komento sa mga bagay-bagay. Walang tigil ang bibig.
"Ate, it's not a big deal. Wala lang 'yon," sabi ko na lang sa kanya.
"Huh. Really? Kung 'yung ibang tao, mapapaniwala mo, puwes ako hindi," sagot naman niya sa akin.
"Ate, let's just not talk about it, okay? It's all in the past! Wala na 'yon. Tapos na 'yon," sabi ko na lang dahil tumitindi na talaga ang inis ko. Idagdag pa kasi na pagod ako.
"Tip lang, 'wag na 'wag kang magpapadala sa mga panunuyo at pangako n'yan. Huh. Ikaw rin, baka maloko ka," payo naman niya sa akin.
Napangisi naman ako. "Don't worry. I'm not like you."
Kaagad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang sabihin ko 'yon. Kung kanina siya 'tong nang-iinis, siya naman ngayon ang parang gustong manampal. Nginitian ko na lang siya at saka ako tuluyang umakyat. One way to make Ate Mercedes shut up is to talk about her past.
Oo, I know masakit 'yon, pero siya naman ang naunang mangialam, 'di ba? Gantihan lang 'yan. Well, maiistress lang ako kung patuloy akong maiinis sa kanya. Better just sleep for now. Sana sa mga susunod na araw, hindi na nila masyadong pag-usapan ang issue. Nakakatakot na kalkalin pa nila ang nakaraan ko dahil lang do'n. Baka. . . Baka may malaman pa silang hindi dapat matuklasan.
* * *
Lumipas ang ilang araw at parang nakalimutan na ng mga tao ang issue tungkol sa akin. Apparently, may mas kontroberysal na balitang lumabas. Doon naman napunta ang focus ng halos lahat ng tao. Pero, nagulat na lang ako ng isang malaking bouquet na ipinadala sa'kin sa set.
"Maureen, ano na naman 'yan?!" gulat na tanong ni Ma'am Rhonda nang iabot sa'kin 'yon ng isang staff.
"H-Hindi ko rin alam, Madam!" sabi ko naman dahil iyon naman talaga ang totoo.
"Kanino galing 'to?" tanong naman ni Madam sa staff na nagbigay sa akin ng bouquet.
"N-Naku, Ma'am, uh. . . 'di po namin alam, e," sagot naman nito na halatang kinakabahan kay Madam.
Pinagmasdan ko naman ang bouquet na ipinadala sa'kin. Aaminin kong namangha ako sa mga bulaklak na maayos na pinagsama-sama doon. Kaya lang, hindi na rin naman bago sa akin ang makatanggap ng bouquet. Simula nang maging artista ako, naging normal na bagay na sa akin 'yon.
Sa bandang dulo naman ng bouquet ay may napansin akong papel. Dali-dali ko namang inangat iyon para mabasa ang nasa loob.
[You left this place, but you never left my heart.
Please meet me at Le Meilleur tonight at 6 pm
- Mr. Lorenzino]
"Hmm? Kanino galing?" pang-uusisa naman ni Madam sabay tingin pa sa note na nasa bouquet.
"M-Madam. . ."
"Is this the same guy who tried to talk to you?" tanong pa niya.
"Hindi ko po alam, kasi d-dalawa po silang Lorenzino. . ." pagtatapat ko naman sa kanya.
Kahit ako rin hindi ko masabi kung sino ba ang nagpadala sa'kin nitong bouquet. Parehas naman kasi silang may dahilan na magpadala sa'kin. Not that I actually believe na gusto pa rin ako ni Apollo. Sa tagal ba naman ng taon na nakalipas? Hindi niya 'ko maloloko.
At kung si Zeus naman. . . Maybe he really wanted to talk to me, kaya ganito ang ginawa niya?
"Ha? I can't understand," naguguluhan namang sambit ni Madam Rhonda.
"Mahirap pong i-explain, Madam, e," sabi ko na lang sa kanya. "Pero 'wag na rin po nating isipin pa. Hindi naman ako pupunta."
"And why not?"
Napakunot naman ang noo ko. Ako naman ngayon ang tila naguluhan sa tanong ni Madam. Sa paraan ng pagkakatanong niya sa'kin, para bang mas gusgustohin pa niyang pumunta ako.
"Ayoko na pong ma-involve sa kanila. Siguro naman, titigil din 'yang mga 'yan. Or else, mapipilitan akong pagmukhain silang masama sa iba," paliwanag ko naman.
"I think you should talk to them," suhestiyon naman niya.
"What? No! Madam, bakit pa?" tanong ko naman.
"Para matapos na ang lahat! Tsaka, kung ayaw mo na rin lang naman ng kahit na anong gulo, then talk to them! Makipag-usap ka nang maayos."
Napaikom na lang ako ng bibig at hindi nagsalita pa. Sinubukan kong isiping mabuti ang payo sa akin ni Madam. I think she's right. I need to talk to him—whoever he is—para makiusap na tumigil na siya at 'wag na akong guluhin pa.
"But what about the fans? Baka mamaya, may makakita na naman samin at gawan kami ng issue," sabi ko pa.
"Trust me. Hindi mapapasama ang career mo dito. In fact, may mga fans nga na talagang naintriga sa kwento mo! So if this continues, mas marami ang maku-curious. Malay mo, madagdagan pa ang mga fans mo."
Naningkit naman ang mga mata ko kasabay ng pagsasalubong ng kilay ko.
"Madam, are you telling me to talk to them just for the sake of my career?" may bahid ng inis na tanong ko.
"No! Of course not, hija. Bonus lang 'yon. I am really worried about you," kaagad naman niyang sagot sa akin. Hinawakan pa niya ang isang braso ko at nagpatuloy, "Hindi naman pwedeng habambuhay, e, magtanim ka ng sama ng loob sa kanila. Learn to forgive. At sa kwento mo, mukha namang 'di gano'n kalaki ang kasalanan niya sa'yo. Nangingibabaw lang talaga ang galit mo."
Muli ko namang pinag-isipan nang masinsinan ang mga sinabi sa akin ni Madam Rhonda. She made me feel a little bit guilty because of what she have said. Para bang nabawasan ang galit ko at pakiramdam ko ngayon ay parang may kasalanan na rin ako.
I hate to admit it, but Madam Rhonda was right. Masyado akong nagpapalamon sa galit ko noon pa. Hindi ako makalimot-limot sa sakit na ginawa nila sa'kin noon.
But how could I ever forget that kung sobrang nasaktan ako noon? Kahit pa mababaw ang dahilan niyan. The point here is nasaktan ako.
"Ma'am ito na po 'yung tubig niyo—Ay wow, Ma'am! Ang ganda naman po niyan!"
Nawala lang ako sa mga iniisip ko nang bumalik si Eunice. Inutusan ko kasi siya kanina. Dahil naman sa sinabi niya ay napatingin akong muli sa bouquet na hawak ko. Pagkatapos ay napabuntong-hininga na lang ako at inabot ito sa kanya.
"Lagay mo sa van," utos ko.
"Ay, Ma'am, kanino 'to galing?" pang-uusisa pa niya.
"Don't know. Basta! Ilagay mo na lang sa van. Thank you," sabi ko na lang sa kanya.
Pagkaalis niya ay napatingin akong muli kay Madam at binigyan naman ako nito ng tipid na ngiti. Hindi ko na lang sinagot ang ngiti na 'yon at tumingin sa kabilang banda.
Sa ngayon hindi ko alam kung sino kina Apollo at Zeus ang nagpadala ng bouquet sa akin. But there's only one way to find out.
* * *
"Ma'am, 6 pm na po."
Hindi ko pinansin si Eunice at patuloy lang na tumingin sa malaking salamin sa harapan ko. Nagsuot lang ako ng high waist pants na kulay puti at pulang blouse. Pupunta lang naman ako doon para makipag-usap at hindi para makipag-date. Kaya okay na 'to.
"Ma'am male-late na po kayo," sabi pa ni Eunice.
Napabuntong-hininga naman ako at saka tuluyang tumayo sa kama ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang brown kong bag at isinukbit sa akin. Kinuha ko na rin ang kulay itim kong bucket hat at isinuot. Nagsuot na rin ako ng shades, para kumpleto. Ayoko nang magkamali at mabalita na naman.
"Maiwan ka na lang muna dito. Ako lang mag-isa ang pupunta," sabi ko naman kay Eunice.
"A-Ay. . . S-Sige po, Ma'am. Ingat na lang po," sabi naman niya.
Nginitian ko na lang siya bilang sagot at saka tuluyang lumabas ng kwarto ko. Kasunod ko naman siya, pero hanggang sa labas lang siya ng bahay namin. Ako naman ay diretso nang sumakay sa kotse namin at nagpahatid sa driver namin hanggang sa Le Meilleur.
Pagbaba ko doon ay iisang kotse lamang ang nadatnan ko sa parking lot. Bukas naman ang ilaw ng buong restaurant pero wala ni isang tao akong nakita. Mga trabahador lang ng restaurant. That's very unusual knowing na sikat ang Italian restaurant na 'to.
"Miss Maureen Olivarez?" tanong sa akin ng security guard.
Itatanong ko na nga sana sa kanya kung bukas ba ang restaurant nila o hindi, pero naunahan na niya ako. Kaya sa huli ay tumango na lang ako bilang sagot.
Tumango naman ito sabay ngiti at saka binuksan ang isang pinto ng restaurant. Pero bago pa man din ako pumasok ay nagtanong na ako.
"Bakit po walang tao dito ngayon?"
Napangiti namang muli ang guard. "Ni-reserve po ni Mr. Lorenzino para po sa'yo."
"What? You mean he rented this whole place?" gulat kong tanong.
"Yes po!" Tumango pa ulit ang guard. "Para lang po sa'yo, Ma'am."
Napangisi naman ako. Wow ha? Talagang nagpapapansin siya huh? Did he really think I would fall for this? No way! Hindi niya 'ko madadaan lang sa ganito.
"Bonsoir (good evening), Miss Maureen!" bati sa akin ng waitress na sumalubong sa akin. "This way please."
Sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa bandang dulo ng restaurant. Doon ko nakita kung sino ang Lorenzinong nagpadala sa akin ng bouquet. Kahit pa nakatalikod siya ay nakilala ko na kaagad kung sino siya.
Tinanggal ko muna ang shades ko bago ako magsalita.
"Apollo. "
Napaharap naman siya sa akin at napangisi na naman sa akin. Hindi ko alam kung ngisi ba 'yon o gano'n lang talaga siya ngumiti at hindi siya aware.
Sa totoo lang, I was expecting it would be Zeus. Siya naman kasi 'tong gustong-gustong makausap ako. Pero nandito na rin naman ako. Ang pangit naman kung aalis ako dahil lang hindi si Zeus ang nadatnan ko?
"You came late," sabi pa niya sa akin.
"Better late than never," sagot ko na lang at ako na mismo ang umupo sa upuang malapit sa akin. Isinilid ko naman sa bag na dala ko ang sumbrero ko. Samantalang ang shades ko naman ay isinabit ko sa blouse ko.
Naupo na rin naman siya sa tapat ko. "Akala ko nga 'di ka pupunta, e. Glad you came. Na-disappoint ka ba no'ng makita mo 'ko?"
"Not really, but I am wondering why are you doing this," pag-amin ko naman sa kanya.
"Chill." Tinawanan lang naman niya ako, na lalong nagpadagdag sa inis ko. "Let's eat first?"
Hindi naman na ako sumagot, pero tumawag siya ng isang waiter at nag-order ng makakain namin. Hinayaan ko na lang siya. Siya naman ang may gusto nito, 'di ba? Bahala siya d'yan.
"So, ano'ng nagpapunta sa'yo dito?" tanong naman niya sa akin habang hinihintay namin ang order.
"Para patigilin ka," diretsong sagot ko naman.
"Ouch." Umarte pa siyang nasasaktan. "You hate me that much when, in fact, it was my brother who hurt you? Ganyan ka ba magtanim ng galit? Nandadamay?"
Napairap na lang ako at hindi na siya sinagot pa.
"So, kamusta ka naman? Masaya ba'ng maging sikat?" Patuloy pa rin siya sa pagkausap sa'kin.
"Better than being a maid to your family," sagot ko naman.
"Galit na galit ka talaga sa pamilya namin, 'no?" Natawa pa siya bago magpatuloy, "Ingat ka. Baka isang araw Lorenzino na rin ang aplido mo."
Nagsalubong naman ang mga kilay ko at napaismid. Hindi na 'ko natutuwa sa mga banat niya, a! Nakakainis! Nakakasuka.
"Do you usually flirt this way?" inis na tanong ko sa kanya.
Siya naman ang napakunot ang noo. "What? No! I don't just flirt with anyone."
"Oh really?" Napahalukipkip ako at bahagya pang sumandal sa upuan ko. "Alam mo, 'yung style mo parang pang-grade school."
Hindi na niya nakuha pang magsalita matapos 'yon. Edi natahimik din siya. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang order niya para sa'ming dalawa. Not gonna lie. All the dishes look delicious, pero hindi naman 'yon ang pinunta ko rito. I want answers. That's all.
"Bakit 'di ka pa kumakain? Subuan pa kita?" tanong naman niya nang mapansing hindi ako kumakain.
"Let's just get to the point. Bakit mo 'ko pinapunta dito?" tanong ko na lang sa kanya.
"Kumain ka muna. Sayang naman 'to oh." Itinuro pa niya ang mga pagkaing nakahain gamit ang tinidor niya. "I even reserved this restau just for you! Para hindi ka ma-issue."
Napangisi naman ako at nagtanong, "So? Sinabi ko ba sa'yong gawin mo 'yon?"
"N-No. . . Sabi ko nga," sabi naman niya na para bang napahiya.
I didn't know what happened to me, but I just can't help but to laugh at his reaction. Why does he like acting like a high school student? Damn. Owner na siya ng isang bar, yet he acts like this in front of a lady? Unbelievable. Nawiwili tuloy akong asarin siya.
Kumain na lang din ako ng kaunting spaghetti alle vongole na in-order niya. I don't usually eat something like this. Hindi naman kasi ako mahilig sa Italian food. But I must admit, this one is really delicious.
"So, tell me, why did you want to meet me?" tanong ko naman pagkatapos kong tikman ang pagkain.
Napabuntong-hininga naman siya at mukhang nagseryoso. Wow ha? Bukod sa mga banat niya, ano pa bang mabigat ang pinag-iisipan niya? As if namang may sasabihin siya sa'kin na sobrang nakakabigla.
"Actually, there's so many things I want to tell you. I don't even know where to start. . ." panimula niya na parang nahihirapan pa.
"Oh yeah?" sarkastikong tugon ko naman. If I know, isa lang 'to sa mga style niya. Kunwari nagseseryoso.
"It's true! I want to tell you I still like you. I've been a fan since your first appearance on TV. I've been very fascinated at you for so long! And the moment I saw you again, face to face, I've confirmed it to myself. . ." Masuyo niyang hinaplos ang kamay kong nakapatong sa mesa bago tapusin ang madamdaming pagtatapat niya. "You owned my heart."
Magsasalita na sana 'ko nang muli siyang magpatuloy. Kaya hindi na ako umimik at nakinig na lang sa kanya.
"Pero may mas importanteng bagay pa kesa sa pagtingin ko sayo. . ." Napayuko siya habang hawak pa rin ang kamay ko, pagkatapos ay napabuntong hininga. Nang iangat niya ang paningin sa akin ay saka siya nagpatuloy, "I really don't know how to tell you this. 'Di ko alam kung ano'ng magiging reaksyon mo o kung maniniwala ka ba sa'kin."
Unti-unti nang napakunot ang noo ko. Pakiramdam ko ay kinakabahan ako dahil sa mga sinasabi niya. Ano ba kasi 'yon? And why do I have this feeling na may kinalaman kay Zeus ang sasabihin niya? Naalala ko pa naman ang sinabi niya sa'kin noon sa bar niya. Na may katotohanan akong dapat malaman kay Zeus.
"A-Apollo, ano ba 'yon? Sabihin mo na sa'kin!" sabi ko naman sa kanya.
Napalunok naman siya at tumingin nang diretso sa mga mata ko. "Maureen. . . Si Zeus. . . Siguro 'di ka maniniwal pero—"
"Uh, M-Ma'am, Sir?"
Parehas naman kaming napatingin sa kararating lang na waitress. Ni hindi man lang namin namalayan ang paglapit noon sa amin. Nakatalikod kasi ako mula sa pinanggalingan no'n samantalang si Apollo naman ay nakatuon ang atensyon sa akin.
"M-May naghahanap po sa inyo sa labas. Papasukin daw po siya. Ahm, Zeus Lorenzino daw po."
Bahagya akong nagulat nang marinig 'yon sa mga waitress. Nandito rin si Zeus? Napatingin naman ako kay Apollo at katulad ko ay gulat din siya. Mayamaya ay napatingin pa siya sa gilid niya at para bang galit siya.
"Ah, ano po'ng gagawin namin?" tanong naman ng waitress na mukhang hindi alam kung ano'ng gagawin.
"Wag n'yo siyang papapasukin," utos naman ni Apollo.
"Teka lang, Apollo," pagsabat ko naman. "Bakit naman hindi mo siya papapasukin? Malay mo, may importante siyang sasabihin sa'yo."
"Maureen naman. . . Please, just for now, kalimutan mo muna si Zeus!" sagot naman sa akin ni Apollo na bahagyang napasigaw na.
Nahihiyang napatingin naman ako sa waitress. Napabuntong-hininga na lang tuloy ako at ikinalma ang sarili. Hindi ko dapat pantayan ang init ng ulo ni Apollo kung ayokong magkagulo dito.
"Apollo, I-I'm just asking. Please don't make a scene here," mahinahong tugon ko naman sa kanya.
Hindi naman siya sumagot at bumaling na lang sa waitress.
"Basta, 'wag n'yo siyang papasukin—"
"Ano'ng 'wag papasukin?"
Namilog kaagad ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Nakita ko rin kay Apollo ang mas higit na pagkagulat at napatayo pa nga ito mula sa kinauupuan niya. Dahil doon ay napatayo na rin ako at tuluyang humarap sa likuran ko.
Nandoon nga si Zeus at halatang galit ito base sa tinging ipinupukol kay Apollo. Okay? So, what am I supposed to do here? Ang alam ko kasi nandito lang ako para sabihin sa kanilang tigilan na ako. Pero ano 'tong nangyayari? What's wrong with these two?
"Uh, S-Sir, bawal po kayong pumasok hangga't walang permiso ng—" Sinubukan naman siyang pigilin ng waiter na sumunod sa kanya.
"I already told you, right? Kapatid niya 'ko so ano'ng masama if I wanted to go inside?" inis na tugon naman ni Zeus sa kanila.
"It's fine. Iwan n'yo na lang muna kami," utos naman ni Apollo sa mga tauhan ng restaurant. Kaya sa huli ay napayuko na lang sila at dali-daling umalis sa kinaroroonan namin.
Bago pa man din ako maka-react ay lumapit na si Apollo kay Zeus at hinarangan naman ako.
"Zeus, kung ano man 'yang pinaplano mo, 'wag mo nang gawin. Please lang!" pakiusap niya rito, pero kababakasan naman ng galit at pagbabanta ang boses niya.
Pinaplano? Ano ba talagang meron?
"Kuya, 'wag ka nang makialam," inis na sabi naman ni Zeus at dali-dali namang lumapit sa akin. Sa bilis niya ay 'di ko na namalayang nahatak na niya ako papalayo kay Apollo.
"Zeus!" sigaw pa ni Apollo nang makita ang ginawa niya.
"Sumama ka sa'kin," utos pa niya sa'kin na hindi pinapansin ang galit na kuya niya.
"Sandali!" Marahas ko namang binawi sa kanya ang kamay kong hawak-hawak niya. "Hindi naman yata tama na basta ka na lang pumunta dito para kaladkarin ako sa kung saan!"
Napaawang naman ang mga labi niya nang sabihin ko 'yon. Para bang hindi siya makapaniwalang mas kinakampihan ko si Apollo kaysa sa kanya. Konsiderasyon din naman. Nag-abala at gumastos ang kuya niya para dito. At tsaka isa pa, hindi pa kami tapos mag-usap ni Apollo. Hindi pa niya nasasabi ang dapat niyang sabihin sa'kin.
"Kita mo na? Ayaw niyang sumama sa'yo," mayabang na sabi naman ni Apollo sa kanya.
Gusto ko nga sanang sabihing ayoko rin namang mag-stay kasama siya, pero wala rin naman akong choice dahil gusto kong marinig ang sasabihin niya sa'kin. Pero sa huli, pinili kong tumahimik na lang.
"We can talk some other time, kung 'yan ang gusto mo. Pero sa ngayon, si Apollo muna ang kakausapin ko," sabi ko naman kay Zeus.
Syempre, I still want to be fair to them. Kahit sa totoo lang, pakiramdam ko ay wala naman kaming dapat pag-usapan ni Apollo.
"Hindi, Maureen! Sasama ka sa'kin!" Mariing saad naman ni Zeus at saka muli akong hinawakan nang mahigpit sa palapulsuhan ko.
"Zeus, stop!" protesta ko naman.
"Zeus, you're hurting her!" pigil naman ni Apollo sabay hawak pa sa braso niya.
"Sige! Kung 'di ka sasama sa'kin, gagawa ako ng eskandalo dito! Even outside this restaurant! Magwawala ako habang isinisigaw ang pangalan mo!" pagbabanta naman niya sa akin.
Nagsalubong naman ang mga kilay ko dahil doon. Ganoon na ba siya ka-immature para gawin 'yon? Na gagawin niya ang nakakainis na bagay na 'yon para lang mapilit akong sumama sa kanya.
Nang mga oras na 'yon ay 'di ko alam ang gagawin ko, kaya't kusa na lamang akong napatingin kay Apollo. Pero wala rin siyang magawa kung hindi ang tumingin sa akin nang may awa sa kanyang mga mata.
"Ano? Seryoso ako!" sabi pa ni Zeus.
Muli naman akong napatingin sa kanya at mukhang determinadong-determinado nga siyang makausap ako ngayong gabi. May parte sa akin na nagsasabing huwag sumama kay Zeus at makinig sa sasabihin ni Apollo. Pero hindi ko maalis sa akin ang katotohanang. . . mas matimbang pa rin talaga si Zeus kaysa kay Apollo.
Nahihiyang napatingin naman ako kay Apollo. Unti-unti namang nagbago ang ekspresyon niya na para bang sa tingin ko pa lang ay alam na niya ang sasabihin ko.
"Thank you for this, Apollo. Believe me, I really appreciated it. Ngayon pa lang may gumawa sa'kin nito," sinserong sabi ko sa kanya at ngumiti. Kahit naman naiinis ako sa kayabangan ni Apollo, hindi ko pa rin magagawang balewalain ang effort niyang 'to. "Pero, s-sorry, sa tingin ko, si Zeus muna ang kakausapin ko. Marami pa kaming dapat klaruhin sa isa't isa."
Napangiti naman nang mapait si Apollo. "Palagi naman talagang siya pinipili mo."
Hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng pagkaawa sa kanya nang sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung ano ba'ng nangyayari sa'kin pero pakiramdam ko taladahil sa desisyon ko. Kaya sa huli ay napabuntong-hininga na lamg ako at sinubukang ngumiti.
"I will be nicer to you next time," pangako ko sa kanya.
"Okay na ba? Pwede na ba tayong umalis?" pagsabat naman ni Zeus.
"Sandali—" Hinawakan naman ni Apollo ang kabilang braso ko, kaya muli akong napatingin sa kanya. Mas lumapit naman siya sa akin pagkatapos ay bumulong.
"Don't be a fool, Maureen. Guard your heart."
Itutuloy. . .