"Pare, ang ngiti mo parang ungas. Parang si Jakobo lang." kantiyaw ni Tristan sa kanya. Kasalukuyang nag-iinuman sila ng mga barkada nya. Hindi naman siya makatanggi dahil unang beses na nagyaya si Marco. Nasa resthouse sila na pag-aari ng binata. At sa hindi malinaw na dahilan. Nakitoma na rin siya.
Kunot-noong binalingan niya ito. "Nasaan nga pala 'yon?"
"Kasama ni Kristin." malamig na sagot ni Marco. Iiling-iling na tinungga nito ang bote ng beer.
"Ahh kaya pala. Nagyaya." Nagchorus pa silang lima.
"Alam mo Marco." Wika ni Terrence.
"Hindi niya pa alam." Sabad ni Tristan.
"Kuya naman." Napakamot ito sa batok. "Ganito lang kasimple 'yan. Nagseselos itong bata natin." Saka nito nginisihan si Marco.
"Sa pagkakaalam ko Terrence, ikaw ang bata dito sa atin." ani ni Rome. "Di'ba Edd?"
Tumango lang ang katabi nito. "Dobleng himala rin yata ito. Iniwan ninyo ang bubwit ninyong kapatid."
"Huwag ninyo iligaw ang usapan. Si Marco ang may pasimuno nito. Hindi ang bunso namin." Umiral na naman ang pagiging kuya nito.
"Kaya lumalala 'yon eh. Isama mo pa ang pagiging protective nitong si Tristan." Dagdag pa ni Marco.
Nagkibit-balikat lang siya. Wala naman siyang mairereklamo kay Trinket. Makulit nga 'yon parang si Ferol.
Ferol.
Napangiti na naman siya nang mabanggit ang pangalan ng "misis" niya. Tila iilang oras pa lang ang nakakalipas na hindi niya nakikita ito ay parang gusto na niyang bumalik sa bahay niya at...
"Ala eh, malala na ang tama nitong isang 'to." Bira naman ni Tristan sa kanya.
"Iba na 'yan pare, sinong nakadali ng pusong bato mo?" nakangising tanong ni Rome. "Wag mo sabihin.."
"Si Ferol." Walang gatol na wika ni Edd. "Layasan ninyo ba naman kami ni Chelle sa bilyaran. Bibihira ka lang lumapit sa isang dilag ah."
"Tinamaan nga siya. Balak ko pa naman ligawan si Ferol. Sayang."
Tinitigan niya ng masama si Terrence. "Ano'ng sabi mo?"
Nagkatinginan ang mga kaibigan niya. "Tagay pa Cash!"
"Isa-isa na tayong nahuhulog sa kaway ni Kupido ah, sino kaya ang susunod?" binalingan siya ni Tristan. "Ano pare. Seryoso na ba 'yan kay Ferol?"
"Tristan." Banta niya dito. "Leave Ferol alone."
"Langya!"
"Tagay pa Cash." alok ni Terrence. "Pampakalma."
Tinanggap niya ang baso ng alak mula dito. "Teka, bakit ako ang pinag-iinitan ninyo?"
"Kasi maganda si Ferol." Tudyo ni Edd.
"Alam ko 'yon." Asik niya sa mga ito. "Kailan pa kayo naging tsismoso?"
"Kanina lang." Nagkatawanan silang lahat.
"Gelli de Belen ang drama ng buhay nyo ano?"
Napalingon silang lahat sa nagsalita. Kulang na lang ay baka magsikaripas sila ng takbo nang makita kung sino ito.
"Arlene." Si Marco ang unang nakabawi sa kanila. "A-anong ginagawa mo rito?"
Diretso lang itong nagtungo sa kusina. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang magsalita.
"Dinalhan ko lang kayo ng makakain." Binalingan nito si Marco. "Tumawag kasi ang kapatid mo, nandito raw kayo." Saka isa-isa silang tinignan nito. "Tanda ko ang mga pagmumukha ninyo. Ayaw ko'ng maiiwang marumi itong resthouse."
Pagkasabi nito ay agad rin itong umalis.
Napabuntong-hininga lang siya. "Pinsan mo ba talaga 'yan si Arlene?"
"First cousin." Sagot nito. "Kung alam mo Cash, matagal ng may gusto iyan si Arlene sa'yo."
"Weh?" tumikhim siya. "Parang hindi naman."
Mas gusto ko'ng si Ferol ang magkagusto at magkandarapa sa akin. Maganda naman si Arlene pero..
"Ang sweet nga ni Arlene eh. Pinagluto pa tayo ng chicken adobo." Nakita nilang nilalantakan ni Terrence ang dinalang pagkain ni Arlene. "Yum yum yum."
Napamulagat silang dalawa ni Marco. "Adobo ba kamo?"
"Yep." Sumubo pa uli ito, "Sarap."
Naalala na naman niya bigla si Ferol. Nakaka-adik ka nga.
"Mukhang may something kayo sa adobo ah." Puna ni Rome. "Marco, pare?"
"Si Kristin." tumayo na ito at nagtungo na sa silid nito. "Mauna na ako sa inyo. Umepekto na ang alak, medyo nahihilo na rin ako."
"Aba, si loverboy. Bulagta na agad."
"Lasing ka na rin Tristan, ang ingay mo na eh."
"Nagsalita ang hindi lasing."
"Pareho lang tayo pare."
Tumayo na rin siya at magtutungo sa veranda para sumagap ng sariwang hangin.
Namiss ko na agad si Ferol.
"Hep." Pigil sa kanya ni Edd. "Tatakas ka pare?"
Napakunot-noo tuloy siya. "Takas?"
Ngumisi ito ng nakakaloko sa kanya. Saka pabalagbag na hinila pabalik sa kainauupuan niya. "Igisa na 'yan."
"Simulan na natin ang inisasyon." Pumapalak pa si Terrence at nagsalin ng alak sa baso.
"Inisasyon?" ngilanging batukan niya ang mga ito. "Bakit?"
"Tinatanong pa ba 'yan?" nakakalokong ngumiti si Rome. "Dude, chill out. Yaman din lang tulog si Marco selos boy. Ikaw ang pag-iinitan namin."
"What's the real score between you and Ferol?" direktang tanong ni Edd.
"Do I really have to answer that?"
Tumango ang mga ito.
"Pwede rin hindi, pero.." tila nag-isip pa si Terrence. "Kayo na nga ba?"
"Kailan ang kasal?"
"Buntis na ba?"
Iiling-iling na lang siya. "Sarap ninyong batukan."
May topak ang Master, masakit ang bangs. Ihahabol na lang ang part two.