webnovel

Querido ni Ferol (Tagalog) (COMPLETED)

Forever alone. Ganyan ang drama ng buhay ni Ferol. Pakiramdam niya kasi walang amor sa kanya si Kupido. Isabay na rin ang isa-isang pagkahulog sa kaway ng pag-ibig ng mga kaibigan niya, sa madaling sabi napag-iiwanan na siya. Ayaw sa kanya ng lovelife. Not until she meet Cash.. Tila naghugis puso ang kanyang mga mata ng masilayan niya ang kagwapuhan nito. Chance na niya ito para makahabol sa mga praning niyang kaibigan. Kung kaya ay tahasan siyang nagpa-cute dito. Ang kaso walang effect kay Cash ang mga palipad hangin at mga banat niya. Tutuloy pa ba siya o susuko na ba sa happily ever after niya?

liverspreads · Urban
Not enough ratings
15 Chs

Chapter 6

NAKANGITI na parang timang si Ferol habang nakatitig sa kisame ng kwarto niya. Kahit alam niyang hindi natuloy ang nagbabagang tagpo nila ni Cash. Tila nakaplaster na ang ngiti sa mga labi niya.

Nakakatuyo ka ng brain Cash mi querido.

"Yes!" sigaw niya habang nagpapagulong-gulong siya sa kanyang kama. "Ang ganda ko talaga."

"Hoy! Abno ka. Manahimik ka nga sandali at sumasakit ang ulo ko."

Napatingin siya sa kanyang kaibigan na nakasalampak ng higa sa sahig, "Anyare sa iyo?"

"Nag-aya makipag-inuman si Jeane kagabi. Langya, hindi mo naman sinabi sa akin na masakit sa bungo ang alak."

Binato niya ito ng unan. "Abno ka pala eh, sino ba'ng may sabi na uminom ka?"

Itinaklob lang nito ang unan na ibinato niya. "Binibiyak na yata ang ulo ko, lalabas na rin ang utak ko."

Hindi na niya ito pinansin at tumingala na lang siya sa kisame.

"Ano'ng iniisip mo Ferol?" kapagkuwan ay tanong nito.

"Kahalayan." Walang gatol na sabi niya.

Napabalikwas ito ng bangon.

"Sino'ng nagturo sa iyo nyan?!" bulalas nito sa kanya.

"Hoy, ang OA mo Trinketta! Malamang hindi ikaw. Kabaliwan lang ang nalalaman mo eh."

"Aba at.." nabitin sa ere ang sasabihin nito ng pumitik na naman ang ulo nito. "Hindi na talaga ako iinom. Langya nakakabangenge at lakas maka SPG."

Binatukan niya ito. "Kita mo 'tong bubwit na ito. SPG ka rin pala eh! Sinong hinalay mo kagabi?"

Pinandilatan siya nito. "Kapag SPG. Halayan agad? Hindi ba pwede'ng naging bayolente at napa-badwords muna. Bago sinibasib ng halik ng walanghiyang kumag na Tutti na 'yan!"

Napatutop itong bigla sa sinabi. Huli na para bawiin pa ang kanyang narinig.

"Hala ka bata." Sinesyasan niya ito ng "Lagot ka." Saka siya ngumisi. "Lagot ka sa Kuya mo."

"Wag ganon kabayan. Walang pakialamanan ng trip sa buhay."

"Lagot ka kay Tristan."

"Mas lagot ka kay Terrence, kahapon ka pa niya hinahanap."

Napakunot-noo siya. "S-si Terrence ba kamo?"

Ito naman ang ngumisi sa kanya. "Oo, si Terrence na gwapo, na mabango, na mabait na Kuya sa buong mundo. Si Terrence na binasted mo."

"Abno! Bakit hindi mo sinabi agad? Kailan pa siya bumalik dito?"

Tinaasan siya ng kilay nito. "Aba eh malay ko. Kita mo may sa kabute 'yon eh. Bakit interesado ka pa ba kay Terrence?"

"Wala ka talagang galang sa kanila ano?" nag-inat siya. "Kamusta na pala 'yon?"

"Babaero pa rin."

"Ang sama mo Trinket. Sinisiraan mo kuya mo."

"Matagal nang sira-ulo 'yon. No need na siraan ko pa siya. Teka naman. Iniiba mo ang usapan eh. Sinong nagturo sa'yo manghalay?"

"Istriktong patnubay at gabay, bawal sa bata."

"Ewan ko sa'yo Ferol. Manghalay ka kung gusto mong manghalay."

Eh hindi nga natuloy eh. Anobeh.

"Wilab, namiss ko bastedin ang Kuya mo. Magpalibre tayo ng lunch sa kanya."

Inilabas nito ang cellphone at nag dial. "Gutom na ako Terrence, mababaliw na ako sa gutom. Hindi ako makalakad. Sunduin mo ako. Dito sa ikatlong bahay sa kaliwa."

Tinapos nito ang tawag. "Ayan. On the way na 'yon. Enjoy your lunch. Sleep lang ako."

"Ang lupit mo talaga." Napailing na lang siya.

SINUNDO nga ni Terrence si Trinket sa bahay niya. Nagulat pa ang binata pagkakita sa kanya.

"Ferol, ikaw na ba talaga iyan?"

"Sino pa ba? Ako lang ito." iwinasiwas pa niya ang kanyang kamay sa mukha nito. "Paano ba 'yan. Kumpleto na naman ang araw mo."

"Linya ko 'yan eh." Napakamot na lang ito sa batok. "Nasaan na nga pala ang maldita?"

"Nasa taas natutulog." Pinagmasdan niyang maigi si Terrence. Wala halos ipinagbago ang itsura nito. Mapupungay pa rin ang mga mata at gwapo rin. Lean ang pangangatawan. Tama lang. Naalala pa niya noon, halos araw-arawin siya nito kung kulitin. Kung hindi lang talaga masyadong babaero ito hindi na sana siya forever alone.

Kung sinagot mo siya. Eh di hindi mo nakilala si Cash. di hamak mas hot si Cash diyan ano. Sabad ng malanding boses sa isip niya.

Tumigil ka nga Ferol, wag feeling maganda. Dahil maganda ka talaga.

"Lintek na iyan!"

"May sinasabi ka ba Ferol?" nagtatakang tinitigan siya nito.

"Wala." Tinalikuran niya ito. "Dahil ngayon lang uli tayo nagkita. Libre mo ako ng lunch."

"Sus, walang problema. Tara na." napapakanta pa ito. "Ang ganda mo Ferol, pwedeng manligaw?"

"Bakit? Marunong ka ba 'non?"

"Hindi, lunch na lang tayo."

PALABAS na sila ng bahay nang biglang bumungad sa bakuran niya si Cash. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa kanya-sa likuran pala niya.

Parang kinabahan yata ako.

"Hi, Cash." bati niya dito.

"Pare, kamusta?" bati naman ni Terrence.

Hindi nito pinansin si Terrence. "Ferol, we're having lunch."

"P-pero.." agad nitong hinila papalayo kay Terrence. "Isama na natin si Terrence."

"Hindi na Ferol." Ngumiti lang si Terrence sa kanila. "Susunduin ko lang naman talaga si Trinket."

"Ah.. eh akala ko ba."

"Sige pare, mauna na kami sa'yo."

Literal na kinaladkad siya ni Cash papunta sa kung saan. Dahil hawak nito ang kanyang kamay, napilitan siya'ng sumunod dyito.

"Dahan-dahan ka naman Cash."

"Bakit magkasama kayo ni Terrence? Babaero iyon, pwede naman ako na lang ang kasama mo eh. Bakit si Terrence pa?"

Ferol tried to pull her hand from Cash's grip. Pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Kung type mo siya. Kalimutan mo na lang, humanap ka na lang iba."

"Ano'ng pinagsasabi mo dyan Cash?"

Marahas na bumuntong-hininga ito at humarap sa kanya. "Ayaw ko'ng nakikita na lumalapit ka sa iba."

Tila kiniliti ang pandinig niya. "Bakit naman?"

"Basta."

"Bakit nga? Saka.." oh my gass! Laglag ang pulgas ng alagang aso ni Fria ah. Kinikilig akooo.

"Baka nakakalimutan mo. Nag-apply ka bilang asawa ko."

"Huuu, selos ka lang eh."

"Hindi ako nagseselos."

"Eh bakit ganyan ka?"

"Possessive ako'ng asawa."

Langyang lalaki ito, may papossessive pang alam. Kyaaa. Manghihiram na yata ako ng stapler ni Kristin.

Tila timang na nangingiti siya. Pilit niyang sinusupil ang kilig na nararamdaman niya.

IMBES na sa restaurant sila. Sa bahay ni Cash sila napadpad. Agad nitong isinara ang pinto pagkapasok nila sa loob.

"Hindi ka rin naman masyadong selos niyan Mister?" diniinan niya ang pagkakasabi ng Mister. Wala eh, seloso pala ang kumag. Balak ko pa naman banatan. Mukhang ako yata ang mababanatan.

"Hindi nga sabi ako nagseselos. Nilalayo lang kita sa kapahamakan."

"Pahamak? Ang bait kaya ni Terrence." Sige Ferolyn, konting tudyo pa,

"Mabait 'yon sa lahat ng babae." Lumapit ito sa kanya. "May gusto ka ba sa kanya?"

Napaatras siya. "B-bakit mo n-naman natanong?" napaatras na naman siya hanggang sa mapasandal siya sa pintong nakasara. Nakakanginig naman ang bitaw ng tanong ng kumag na ito.

Iniharang nito ang isang braso nito para hindi siya makawala. "May gusto ka ba sa kanya?"

Napalunok siya. Hala bakit ganito ka naman Cash.

"Babe.." he said softly while looking intently into her eyes.

Maging siya ay napatulala na nalang sa titig nito. Kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang maligalig na puso. "Cash.." mahinang usal niya.

"Hmm." Siniil siya nito ng halik sa kanyang labi. "Ayaw ko makikita na lumalapit ka sa kanya ha?"

Napatango na lang siya. Hindi man nito direktang sabihin na nagseselos nga ito. ramdam naman niya.

"Kakaloko ka pala pag nagseselos, ano inlababo ka na ba sa akin?"

Hindi ito sumagot bagkus tinitigan lang siya.

"Tapos nanghahalik ka na ngayon. Feel ko pa naman ang banatan ka eh. Kaso mukhang deads na deads ka na sa kagandahan ko."

Ngumiti ito. Saka siya hinapit at siniil muli ng magaang halik sa kanyang labi. "Nakakahiya naman baka maubusan ka ng pick up sa akin." Hinalikan uli siya nito.

Nanlambot yata ang tuhod niya mabuti nalang at yakap siya nito. Huminto ito sa paghalik sa kanya.

"Nasasanay na yata ako'ng hinahalikan ka."

"Sira-ulo ka, nakakaadik pa naman ako. Parang drugs."

"I know." Muli ay inangkin nito ang kanyang mga labi. "So sweet."

"Teka naman, nakaka-ilan ka na." saway niya rito. Maawa ka naman sa pusong kong patay na patay sayo. Sa ulirat ko na lagi nang nawawala sa Timbuktu. Ano ba..

Pinangko siya nito at iniupo siya sa sofa. Ngingisi-ngisi ito na itla ba may binabalak na masama. Masama nga ba o masarap?

Sinibasib na naman siya nito ng halik. Hanggang sa lumalim ito ng lumalim. "Parusa 'to." Bulong nito sa pagitan ng paghalik sa kanya. "Nagseselos nga ako."

Siya naman itong liyung-liyo na sa paraan ng paghalik nito. Kung parusa nito ay ang paghalik. Aaraw-arawin na niiya ang pagselosin ito. wuuu adik sa kiss Ferol?

Naghiwalay lamang sila nang tila kakapusin na sila ng hininga.

"Hindi ka pala pwedeng pagselosin. Naninibasib ka ng halik."