webnovel

Querido ni Ferol (Tagalog) (COMPLETED)

Forever alone. Ganyan ang drama ng buhay ni Ferol. Pakiramdam niya kasi walang amor sa kanya si Kupido. Isabay na rin ang isa-isang pagkahulog sa kaway ng pag-ibig ng mga kaibigan niya, sa madaling sabi napag-iiwanan na siya. Ayaw sa kanya ng lovelife. Not until she meet Cash.. Tila naghugis puso ang kanyang mga mata ng masilayan niya ang kagwapuhan nito. Chance na niya ito para makahabol sa mga praning niyang kaibigan. Kung kaya ay tahasan siyang nagpa-cute dito. Ang kaso walang effect kay Cash ang mga palipad hangin at mga banat niya. Tutuloy pa ba siya o susuko na ba sa happily ever after niya?

liverspreads · Urban
Zu wenig Bewertungen
15 Chs

Chapter 14

ISANG linggo na ang nakakalipas pero sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman ni Ferol. Nagresign na rin siya bilang waitress sa pinapasukan niyang restaurant. Kaya heto siya ngayon, dakilang tambay kasama si Trinket.

"Hoy abno, tulala ka na naman." Untag nito sa kanya. Kasalukuyan itong nagtitipa sa mahiwagang laptop nito. "Alam mo Ferol, hindi ako sanay na ganyan ka. Kaya please lang." nahinto ito sa pagtitipa at tinitigan siya. "Utang na labas, pwede bang bumalik ka na sa dati?"

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Parekoy, namimiss ko si Cash."

Napakamot lang ito sa ulo saka bumalik ang tingin nito sa screen. "Ewan ko sa inyo, pinapahirapan ninyo ang mundo. Mabuti pa itong favorite kong writer hindi hilig magpahirap ng damdamin ng mga poging hot na mga papables. Ay siya ka ipapagapang kita kay RD."

"RD? Sino naman 'yon?" Sinilip niya ang ginagawa nito. "Race Darwin? Wattpad? Hindi ba nabubuntis ang nagbabasa dyan?"

Binatukan siya nito, "Gaga, may nabubuntis ba sa pagbabasa? Basa lang buntis agad? Ano ka naman ni hindi nga sila nanggagapang eh."

"Ikaw naman Trinket makabuntis naman ito wagas." Tumabi siya dito at nakibasa na rin. "Last Night of Innocence, Fabio.. Ella.." napamulagat siya dito. "Tantaradang kang bata ka! Bakit hindi mo man lang ini-share sa akin 'to?"

"Aba malay ko sa'yo. may book na nga iyan eh kaso hindi ako makabili kailangan ng I.D ang susungit pa naman ng cashier sa bookstore dyan sa kanto. Kaya ito abangers ako sa book 2 ng Last Night of Innocence, si Mauro at Themarie, grabe ang tawa ko don. Manggagapang lang namali pa. Inaabangan ko nga ang update niya eh." napahalakhak ito. "Ayan, meet RD. Baka sakaling makalimot ka ng bahagya. Naisipan mo na ring manggapang...kay Cash." nakangising hirit nito.

"Baliw ka talaga. Mahanap nga si RD." dinukot niya ang kanyang sa cellphone sa bulsa. Napatulala na naman siya nang makita ang mukha ni Cash sa screen ng phone niya.

Querido ko.

"Mas hot si Calvin Matsunaga dyan parekoy."

"Sira-ulo ka, sino naman iyon?"

"Matagal na akong sira-ulo wag mo na ulitin." Isinara nito ang laptop at hinarap siya. "Ferol, madalas kang kamustahin ni Cash sa akin."

Natahimik lang siya.

"Kausapin mo na 'yon tao. Ako ang nahihirapan sa inyo eh. At kung anuman iyong hidden agenda ng kurimaw kong pinsan. Wag mo ng intindihin iyon ang mahalaga mag-usap kayo."

Napalunok siya na tila ba may bara sa kanyang lalamunan. "Hindi ganoon kadali iyon Trinket."

"Anong hindi madali doon? Alam ko na binablack mail si Jeane kaya niya ginawa iyon."

"A-anong sabi mo?" napainom siyang bigla sa sinabi nito. "Blackmail? Paano.. sino? Bakit?"

"Hindi ka makapaniwala ano?" tumayo ito saka may kinuhang envelope sa bag nito. "Ayan tignan mo ang photos, screenshots sa facebook, pati stolen shots."

Isa-isa niyang tinignan ang mga pictures. Naroon din ang kuha nila sa coffee shop noong nakaraang linggo. "Paano ka nakakuha nito?"

"Trinky ways." Matipid na sagot nito. "Masakit na ang bangs ko dyan sa anak ni Mrs. Ransley na si Sienna, sagad sa buto ang lupit niya. Anong tingin niya sa mga tao dito? laruan?"

"Bakit niya ba ginagawa 'to?"

"Dahil kay Marco hardinero." Kinuha nito ang mga litrato sa kanya at isinilid uli sa envelope. "Sarap sagasaan ng Ducati ni Kuya Tristan eh."

"Bakit pati kami ni Cash nagulo? Ano ba iyan Trinketa naguguluhan ako."

"Ewan ko, Brenda yata iyan si Sienna, brain damage."

"Eh si Jeane?"

"Gusto mo bang saksakin kita nitong tinidor? Huwag mo na nga intindihin ang mga iyan. Kung ako sa'yo puntahan mo na si Cash. mag-usap kayo. Mukha kayong mga timang. Sarap ninyong itapon sa dagat."

"Hindi pa ako handa." Sa totoo lang gustung-gusto na rin niyang makita si Cash.

"Dami mong arte parekoy, wag mong sabihin kakarerin mo na iyang pagiging forever alone mo samantalang ayon ang Cash mo, takot na lumapit sa'yo."

"Bahala na si Superman Trinket."

Pinaikot nito ang mga mata. "Sige iasa mo pa kay Superman. He's busy saving the world you know."

"Pambihira ka talaga. Akin na nga iyan si Race Darwin, baka may maitulong sa akin ang gapang-gapang niya."

"Samahan mo na lang ako bumili ng libro niya, saka na natin gapangin iyan si Cash mo."

Pinandilatan niya ito. "Akin lang si Cash. anong gapang gapang na pinagsasabi mo dyan?"

"Ang unang gapang."

KASALUKUYAN namimili ng mga pocketbooks na bibilhin si Trinket habang siya naman ay mataman lang na nakamasid dito.

"Ang dami naman niyan, bibilhin mo lahat?" ilan sa mga bitbit nito ay ang mga paborito niyang manunulat. "Pahiramin mo na lang ako ha?"

"Camilla, Mandie Lee, Vanessa, Rose Tan at.." binilang nito ang mga pocketbooks na hawak. "Race Darwin pa.. lika hanapin natin iyon." Kinaladkad siya nito papunta sa kabilang shelf.

"Teka naman bata, Bob Ong ayaw mo?"

"Meron na ako niyan bili ni Kuya." Nabitawan nito ang mga bitbit. Kaya hayun nagkalat sa sahig.

"Ano ka ba naman Trinket, ang gulo mo kasi.." dinampot niya isa-isa ang mga pocketbooks. "Bilisan natin."

"Dyan ka muna Ferol, kay susundan lang ako." Kumaripas ito ng takbo palabas ng bookstore.

"Teka!" hindi na niya ito naabutan. "Paano si Race Darwin?"

"Sinong Race Darwin iyon Ferol?"

Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Tuluyan nan gang nagsipaglaglagan ang mga pocketbooks na hawak niya.

Kilala ko ang amoy na 'yon! ang boses na iyon!

"Ferol? ayos ka lang ba?"

Bago pa siya maadik sa amoy na 'yon ay nagmamadali siyang naglakad palabas ng bookstore.

Not now, not now hindi pa ako ready