webnovel

Querido ni Ferol (Tagalog) (COMPLETED)

Forever alone. Ganyan ang drama ng buhay ni Ferol. Pakiramdam niya kasi walang amor sa kanya si Kupido. Isabay na rin ang isa-isang pagkahulog sa kaway ng pag-ibig ng mga kaibigan niya, sa madaling sabi napag-iiwanan na siya. Ayaw sa kanya ng lovelife. Not until she meet Cash.. Tila naghugis puso ang kanyang mga mata ng masilayan niya ang kagwapuhan nito. Chance na niya ito para makahabol sa mga praning niyang kaibigan. Kung kaya ay tahasan siyang nagpa-cute dito. Ang kaso walang effect kay Cash ang mga palipad hangin at mga banat niya. Tutuloy pa ba siya o susuko na ba sa happily ever after niya?

liverspreads · Urban
Not enough ratings
15 Chs

Chapter 13

"Jane.." hila pa rin siya nito hanggang sa makapasok sila sa loob ng shop. "Napapagod na ako."

"Ate Ferol, alam mo ba kung ano'ng ibig sabihin nito?" halos pangigilan nito ang bawat salitang lumalabas sa madaldal nitong bibig. "Kung pwede ko lang ingudngod ang mukha niya sa buhanginan matagal ko nang ginawa."

Matagal na rin niyang alam na may galit ito sa pinsan ni Trinket. Pero hindi pa rin talaga malinaw sa kanya kung bakit ganoon na lang katindi ang galit nit okay Jeane.

"Ano ba'ng nangyayari?" humahangos na salubong ni Dice sa kanila. "Ate Ferol?"

"Nasaan si Kuya Tutti?"

"Pinuntahan si Trinket, galit daw eh. Alam mo naman 'yon konting hindi pa-" natigilan ito nang mapansing panay ang panginginig ni Jane. "Parang galit yata kayo'ng lahat, ikukuha ko lang kayo ng maiinom."

Siya naman ay naiwang nakanganga sa harap ni Jane.

"Jane, ako itong nasaktan bakit parang ikaw pa ang mas apektado?"

Marahas itong napatingin sa kanya. "Sa tingin mo ba Ate Ferol, kakalma ako ng lagay ko'ng ito?" padarag nitong hinila ang iisang stool at pinaupo siya nito doon.

"Jane.." halos naluluhang sambit niya.

"Ssshh." Niyakap siya nito. "Ayaw ko'ng nakikita ka'ng umiiyak. Maaaring hindi ako ang tamang tao para magsabi nito pero.. Ate."

Halata sa mga mata nito ang pagpipigil ng galit.

"Kung anuman ang nakaraan ng Kuya mo at ni Jeane t-tapos na 'yon."

Bakit parang hirap na hirap ako'ng makapagsalita.

"Ang nakaraan pwede'ng maulit." Matapang nitong sabi. "Hindi bale'ng sabihan niya ako'ng maldita at kung anuman basta, hindi pwede'ng nauulit ang nangyayari."

"Jane, uuwi lang ako sa bahay. Gusto ko munang mapag-isa." Walang lingon likod na lumabas siya ng shop.

WALA sa sariling naglakad pauwi si Ferol. masyadong mabigat ang pakiramdam niya. Kahit panay tawag at text ng mga kaibigan niya ay hindi niya sinasagot.

"Ayaw ko muna ng kausap, pasensya na kayo.." at ini-off niya ang kanyang cellphone. "Kain siguro, baka mawala sa kain 'to."

Nagpasya siyang dumaan muna sa pinakamalapit na coffee shop sa bahay niya. Hindi niya inaasahang makikita niya roon si Jeane at kasama nito si Sienna. Mukhang may pinag-uusapan ang mga ito.

"Good job. Jeane." Narinig niyang sabi ni Sienna. Minabuti niyang maupo malapit sa table ng mga ito. tila ba may nagsasabing may kailangan siyang malaman.

"Kuntento ka na ba? Hanggang kailan mo ba balak guluhin ang mga tao rito Sienna?" galit na tanong ni Jeane.

"Relax dear, I'm not done yet." May kung ano'ng inilabas ito sa dala nitong bag at nanlaki ang mga mata ni Jeane nang makita nito kung ano 'yon.

"Sobra ka na! blackmail na naman!" hindi na napigil na sigaw ni Jeane.

Maging siya ay napasinghap sa sigaw nito. mabuti nalang kaunti lamang ang mga customer. Hindi gaanong nakaka eskandalo.

"Be a good girl Jeane. Pictures lang iyan." Tumayo si Sienna at dumaan pa mismo sa tapat niya. "Or else.." nginitian siya nito. "Say goodbye to your happiness."

Naglakad ito palabas ng coffee shop na tila ba Dyosa ito na dapat hangaan. Naiwan siya nakatulala dahil na rin sa mga narinig niya.

Natauhan siya nang maramdaman niya ang mahinang tapik sa kanyang balikat. Si Jeane pala. Naluluha ito'ng nakatingin sa kanya.

"I'm sorry." Mahinang usal nito. "I'm really sorry Ferol. h-hindi ko talaga gus-"

"Na ano Jeane?" hindi na niya napigil ang nagpupuyos niyang galit. "Na ano? Sirain kami ni Cash?"

"Ferol, kung alam mo lang.." tuluyan na ito'ng naiyak sa harap niya. "Hindi mo kasi maiintindihan.."

Nagpagting ang mga tainga niya. "Ako pa ngayon ang hindi makakaintindi? Wow! Pambihira ka rin talagang babae ka, hindi mo ako madadaan sa paiyak-iyak na effect mo na 'yan. Ano'ng tingin mo sa Cash ko? Nilalang na galing sa Mt. Olympus na naglakad lang sa daan at nagpapa-free kiss?"

Wala na siyang pakialam kung nakatingin na sa kanila ang iilan na customer na kasalukuyan nakakasaksi sa bangayan nilang dalawa.

"Ferol, hindi sa ganoon.."

"Oh sige, hindi ganoon? Ano'ng tingin mo sa akin? Bulag. Bulag na nakita ang ginawa ninyo sa daan? Bingi? Bingi na narinig ang bawat salitang sinabi mo? Wag mo naman ako'ng gawin tanga. Di hamak na mas matalino ako sa'yo."

Sa sobrang galit niya walang prenong nasabi niya ang mga nilalaman ng isip niya. Masakit man sa pandinig ang mga binitawan niya. Wala siyang pakialam. Siya Ferol, mabait sa lahat ng oras pero sa pagkakataong ito, nag-iba ang katauhan niya.

"Natahimik ka?" nagpakawala siya nang malalim na hininga. "Lechugas pechay, bakit ba nag-aaksaya ako ng oras sa gaya mo'ng ahas?" tumayo na rin siya. "Maging masaya ka na sana. Kasama ng kaibigan mo'ng taga-animal kingdom."

Nanginginig ang kanyang tuhod nang makaabot siya sa labas ng coffee shop. Hinigop ang lahat ng enerhiya niya sa pagtatalak kay Jeane sa loob. Nagbabadya na rin bumagsak ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigil na tumulo sa kanyang mga mata.

Kaya mo 'to Ferol, lilipas din 'to. Kiming pagpapalakas loob niya sa kanyang sarili.