webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · Filme
Zu wenig Bewertungen
38 Chs

SENIOR, ELDERS, FOUNDERS

Revux Salvador PoV

"Fuck!Tangina! Dalian mo naman" sigaw ko kasabay ang sunod sunod na pagkatok sa pinto ng cr

Naginarte kasi ang putanginang Abram na ayaw sabay sabay sa pagligo. Well, it's 2am in the morning. Ako, si Abram at si Abi palang ang gising. Saktong kaalis nila Harp sa dorm ay bagsak kaming lahat, hirap nga sila nung umuwi dahil nakalock buti ay may susi silang dala. Pano hindi daw nila alam ang password nung doorknob, mga bonak.

Sumisigaw nako dahil alam ko na kahit magwala ako dito ay hindi sila magigising. Sarap ng tulog nila tulo laway pa yuck.

"Chill, it's just 2 o'clock Evu" saad ni Abi habang kumakain

Tiniran kasi sya ng ulam para pagkagising ay kakain at iinom ng gamot. We're thankful na okay na sya. Nawala na ang pamumula pero muka syang gusgusin na bata pagmay sakit.

"I know, ginigising ko lang din sila"

"Oh! Ayan na! sobrang dumi ba ng katawan mo at dika mapirmi?" asar nya sakin kalabas ng cr

Naka black jogging pants sya at white sando. Nasabi na sa amin ang dress code dito. Ang arte nga eh dahil magpapalit pa pagkapasok sa training hall. Pero pagka lunch time ay ung sinuot mo nung lumabas ka sa dorm at pagkabalik sa training ay bago ulit.

"Okay kana ba talaga, Abi?buti nakatulog si Harper kauwi pagod din. Akala ko hindi matutulog tapos babantayan ka" nakangiwing saad ni Abram habang nakatingin kay Abi at bumaba ang tingin kay Harper na natutulog sa sahig.

Nagpalit muna ng kama si Abi at Sab. Tapos si Harper bumaba don sya natulog sa baba ng kama nila Abi. Kanina ngang nagising ako nakaupo pa yan, pinwesto ko lang ng maayos dahil baka magka stiff-necked sya. Alam naman nyang ako yon kaya hindi na nya ginising ng buo diwa nya.

Pumasok nako sa Cr at naghubad. Malaki ang cr, actually dalawa ang inodoro at may indoro rin panglalaki. Apat din ang shower dito na nagpapalabas na pwede ang sabay sabay maligo. May mga border naman at sa tabi ng pinto ay ang sink na mahaba. May sariling pinto ang dalawang indoro.

Nasa pinakadulong shower ako, may mga buting ting na dito. Shampoo, Creamsilk, Sabon etc. Parang tindahan nga eh. Pano etong mga to ay binili sa labas ng QP mga gagad kasing bumili ng gamit. Hindi nila naisip na pwedeng bumili nung isang lalagyan na ewan, ang binili ay ung mga naka sachets sale daw. Buy 5, Get 1 free.

"Evu, san nakalagay ung spray?" tanong ni Abram ng marining kong bumukas ang pinto

Odiba hindi ako nagllock dahil may takip naman bawat shower ung putangina kanina nakalock lahat lahat.

"Dun sa Yellow Organizer naka sabit dun sa likod ng pinto" sagot ko

Nilagay don lahat dahil napansin daw ni Abi na burara ang iba sa amin. Yellow ang para sa boys para daw makita agad dahil malinaw ang color, Green ang color nung kanila.

"Pre sa 2 ako" si Ivan gising na pala

"Andito ako sa 4"

"Ano na palang gagawin sa Dunlion?" tanong nya

"Malay ko paguusapan siguro mamaya. Hindi ko na nahintay kagabi sila Harp eh bagsak agad. "

"Ako din! HAHA putcha, inaalala ko ano mangyayari satin ngayon. Start na eh, face the reality na"

"Sasabak na tayo sa gyera" kako at sabay kaming nagtawanan

Lumabas nako ng Cr at dumiretso sa pinto kung saan nakalagay ung Yellow. Kita ko namang gising na si Pev at Faye chinecheck pa si Abi. Naguunat pero nakahiga parin si Sab, pero si Abram nakahiga sa tabi nya. Kinumutan pa nila si Harper na nakahiga sa sahig.

"Punasan mo nga buhok mo tumutulo Evu" reklamo ni Sab

"Good morning" kako nalang at isinabit sa buhok ang nakalaylay na tuwalya sa balikat

"Ay alam mo ba si Evu may crush na" rinig kong chismis ni Abram kay Sab

"Ha?sino??pano mo nalaman?" nagbulungan pa eh rinig naman sila

"Type daw nya, sabi nya kahapon pero may boyfriend yata" chismis pa

"Sino ngaa??"

"Si Rhina, ung maganda? Type daw nya kasi matalino. Ay may itatanong pala ako, Harp?Ay tulog pa"

"Crush mo si Rhina???" tanong ni Sab at naglakad papalapit sakin

"Type lang, may boyfriend daw eh" sagot ko at kiniss sya sa pisngi

"Ano pala itatanong mo kay Harp?" balik nya kay Abram

"Ano palang nangyari kagabi?"tanong ko ng maalala ko

"Ay may sinampal ako!" kwento nya sabay tawa

Napatingin naman kaming lahat sa kanya. Tawang tawa sya habang kumukuha ng mga damit.

"Bakit?may bakbakan ba kagabi?" tanong ni Abram

"Wala naman, pero kasi tinawanan sila Harp and Ethan sa sinabi eh. Lakas ng tawa nila sabi nung pasimuno bakit daw iuunder natin eh lalabas daw sila next week duh" kwento nya

"Oh bat mo sinampal?"

"Nakakairita ung tawa nya, dagdag pang halos lahat ng andon sa 3rd floor tumatawa. Nilapitan ko tskaa ko sinampal. Yon pala gagawin ko ngayong araw, hahanap ako butas sila papalabasin ko" ani nya at pumasok na sa cr

"Powerful, indeed " bulong ni Faye sa tabi ko

"Well, she wasn't called Queen for nothing " kibit balikat ni Abi at pumasok narin sa Cr sumunod si Pev and Faye

"Pre, gising na. 2:50 am na" kako at niyugyog si Harper

"Gisingan mo na, maliligo pa yan 15 mins tapos magbbreakfast pa tayo" ani ni Sab habang nagbblower ng buhok

Sa gabi lang nya hinahayaan na tumuyo buhok nya ,sa umaga ay naiirita sya dahil ung tumutulo daw galing sa buhok nya ay bumabaho sa katawan nya.

"Harp, gising na. Okay na si Abi, nakabihis na kaming lahat." ani ko at nakitang gumalaw na tenga nya

"Hey Ivan, can you tie my shoes. Inaayos ko hair ko eh" rinig konv pakiusap ni Abi kay Ivan kita ko namang medyo gumalaw ang kilay ni Harp natawa nalang ako ng bumangon sya kabod ng hindi nagbubukas ng mata

"Ako na" ani nya at kabod tumayo

"Oh?your awake na?" tinanguan lang nya si Abi at lumuhod upang maiayos ang sintas ng sapatos habang inaayos ni Abi ang kanyang buhok at kilay

"Anong magandang ayos sa hair?Pantay naba kilay ko?" tanong ni Abi

"Pantay na, wag mo muna itali later nalang sa training hall." sagot naman ni Harp at tumayo na sabay kuha ng Tuwalya

"Okayy" mahabang sagot ni Abi

Kita ko namang naka puting sando si Sab habang sinisintas din ang sapatos. Katabi nyapa si Abram na nakaputing sando din.

"Wow couple sando" biro ko pero si Abram lang natawa inirapan lang ako ni Sab

"Wala pre, may type kana daw hindi ka nya bati" asar ni Abram

"Type lang, sungit ah?pano pa pagnaka gf kami?" tanong ko at sabay kaming tumawa ni Abram

"Well, syempre pagttripan ko. Pagnagselos duh ibreak nyo na, pano kami magiging bestie kung ayaw sakin?" ngiwi nya

"Symepre baka nakikita nya sobrang close mo samin" Abram

"Abram, we're close kasi family tayo. Hindi naman ako touchy or whatever sainyo. I know may limits, alam ko ano ang tama and mali. Kung wala namang mali, wala reason para hindi sya maging comfy sakin" paliwanag nya

"Yes! Agree! nagiging uncomfortable lang naman kaming girls pagfeel talaga namin na may something. And kung hindi parin kami comfortable kahit wala namang mali, believe me lahat tayo takot sa multo natin" pahayag ni Abi sabay tawa

"So, sinasabi mo na pagkunyari takot kayong girls na may malapit sa amin pero wala namang mali tapos sabi mo takot tayonsa sariling multo so ay ang gulo" bobong si Abram

Matalino naman to eh minsan lang talaga nagiging topak pagiging bobo nya.

"Nakatopak utak ko ngayon" saad ni Abram at tinignan ako ng masama nabasa siguro utak ko

_

"Sarap talaga ng mga ulam dito! grabe" bulong ni Abram

"Hmm, professional chef's siguro" bulong ko

"Tapos alam pa nila ung mga food na kailangan talaga sa umaga, tignan mo egg hindi mabigat sa tyan para sa training mamaya" bulong ni Sab

"Yup, and the drinks too. I like it avocado milk and avocado sandwich" si Abi sabay kagat dun sa sandwich nya

"Ano na palang gagawin natinsa Dunlion, Harp?" bulong ni Ivan

"Later, sila na daw gagawa ng contract eh. " bulong ni Harper

"Ay oo nga pala, Harp may nabanggit kasi kahapon si Rhina samin" Abram

"Alam mo ba ung Cargazar Org?" bulong nya

"Cargazar?" bulong ni Faye

"What's that?" Abi

"Baka Organization" asar ko sa kanya

"Well, wala ako masyadong alam dyan sa org. It's an Org that individual?-" Harper

"Oo daw, ung kayo daw mamimili kung sinong kakampi nyo tapos hindi basta basta nakakapasok. Ang kasali lang ay ung Asawa, anak hanggang apo basta kadugo mo ganon" kwento ni Abram

"Ano namang connect ng Cargazar Org satin?" bulong ni Pev

"Kalaban ng Quarter Palace and Cargazar Org" sagot ni Harper

"Member ng Cargazar Org family ni Shiela" bulong ni Ivan

Gulat naman kaming napatingin sa kanya. Napashh pa sya dahil bawal yatang marinig ng iba.

"Eh bat andito sya?" bulong namin

"Nung namatay Father nya kasama older brother nya ay inalis na sila ng Cargazar Org dahil wala na raw silbi ang Mother nya at si Shiela. Dahil daw parehong babae at walang alam sa pakikipagbakbakan." bulong nya

"Eww mindset" ngiwi ni Abi

"Porket babae wala ng silbi?" inis na pahayag ni Sab

"Eh pano naging kalaban ng Cargazar Org ang Quarter Palace kung hindi sila nagpapapasok kung hindi kadugo ng original member?" bulong ni Faye

"Siguro nagaanak sila ng marami" bulong ni Ivan natawa naman kaming lahat

"Syempre pagnaganak sila ng marami dapat marami ring apo" sinakyan ko naman ang trip

"At pagnagkaapo ng madami, marami ring asawa" at sumakay din si Harper

"I think mas okay ang rules nila sa Cargazar Org" bulong ni Abi

Napatingin naman kaming lahat sa kanya. Napatango naman si Pev sa sinabi ni Abi. Oo nga at maayos iyon dahil "blood is thicker than water "

"Dito sa QP kahit na sabihin pang friendship is friendship you will never know kung friend ba talaga ang tingin sayo" bulong nya

"Sabagay, kakabahan sana ako sa sinabi ni Abi pero hindi naman tayo friends. Family tayo hayz" napangiti naman kami sa binulong ni Sab pero sya mukang hindi masaya sa pagkain nya dahil may naiiwan sa ngipin nya sa harap.

"Tanginang ganon ba kahirap lagyan ng tinapay to sa taas" inis nyang reklamo pero nakatatlo na sya nyan

"Well Sab, pagnilagyan pa ng bread sa top it will become an heavy sandwich." paliwanag naman ni Abi

"K" tangging sagot ni Sab at tinupi sa kalahati ang sandwich at pinagdikit. Nagmuka tuloy itong may bread pa sa taas napailing nalang ako ng isubo nyang buo yon.

_

"Tama ba tong floor na pinuntahan natin Harp?" tanong ni Faye

"Yes, sa dulo ng floor nato ang training room natin with our Boss" paliwanag ni Harper

"Boss itatawag natin?" tanong ni Sabrina

"Itanong nalang natin pagkadating doon" sagot ko naman

"Kilala nyo ba sinong boss natin?" tanong naman ni Ivan

"Attorney Hunter"

"Wow Atty?dito kaya sya nagaral?" tanong naman ni Faye

"Siguro, alam kong may priority course lang sila dito. Med, Engr, Law, and Crim. Hindi nako sure sa iba. Siguro dito sya nagaral kasi kung 26 na sya ngayon 18 or 19 sya pumasok dito sa QP." paliwanag naman ni Harper syempre tango tango lang kami

Tama naman kung 18-19 sya pumasok tapos 6 years sya nagstay dito sa QP. Sabi ni Leo samin 6-8 years ang gugugulin namin bago makarating sa level 50. Hindi naman siguro sya magiging Boss namin kung hindi sya magaling right?

Habang naglalakad sa mahabang hallway ay nadadaanan rin namin ang ibang training room. May ibang room na nakatago at may iba namang nakabukas ang kurtina kaya kita kung anong ginagawa nila sa loob. Exercise, warm up, and talking with their boss are the common scenario.

Nang makarating kami sa dulo ay andon nga ang training room namin. Kumatok na si Ivan at bumukas naman iyon kaagad. Bumungad sa amin ang isang matangkad na lalaki, nakabuzz cut sya na malinis sa paningin at nakapolong navy blue na nakataas ang sleeves hanggang braso.

"Field, Gang, and Names" saad ng lalaki at tinalikuran na kami

Sumunod naman kami sa kanya at tumayo sa harap nya. Nakaupo sya isang office table at animoy naghihintay na talaga sa amin.

"Wex Field, Black Society, Harper Deviant"

"Revux Salvador "

"Abram Garcia"

"Ivan Davis"

"Sabrina Federez"

"Abigail Salvador "

"Faye Reagan"

"Peveria Leverage "

Tumango tango naman si Atty. Hunter at tumayo. May kinuha sya sa cabinet ng table mga pin?

"Line up"

Pumila na si Harper at sumunod nalang din ako sa likod nya. Nakita kong binigyan siya ng pin na may number 1 kaya inasahan ko ng 2 ang akin.

Pumwesto kami sa gilid at pinakatitigan ko pa ang pin. Nang tignan ko ang iba kita ko agad ang nguso sa muka ni Sabrina ng mahawakan ang number 5.

Pustahan makikipagpalit to.

"That's gonna be your name while I'm your trainor for this level. I'm Attorney Hunter, not gonna say my surname but you can just call me Mister. No other names just Mister. "

Napatango naman kami. Okay naman na ang number ko 2. Pero ang oa naman bakit numbers pa?

"Is there a problem Five?" napatingin naman agad ako kay Sabrina dahil sya ang number five

"Pwede po ba magpalit ng number?" tanong nya at napangiwi naman kami

Sabi na magrereklamo to eh.

"Well, it depends on you guys. Pwede namang magpalit palit. Pero hindi nyo yan isusuot. Pakitanggal yan. Yan ang number na kukunin nyo sa locker na makikita nyo sa likod nyo. Kukuha kayo ng suit na may number same sa number nyo. Now change then we'll start asap." paliwanag nya kaya napalakad naman kami agad sa locker

Nang maglakas kami papunta sa locker nakita ko ang pagtabi ni Sab kay Harper.

"Palit tayo number " rinig kong bulong nya kay Harper pero mas lalo sya nainis ng ngumisi si Harper at umiling.

"Ayoko ng five"

Natawa naman kaming mahina dahil narinig namin ang sagot nya kay Sabrina. Napanguso nalang talaga si Sabrina at kumuha ng playsuit sa locker.

Kinuha ko na ang Number 2 at ang tingin kong size. Pero hindi playsuit ang amin? kung ang sa girls ay playsuit sa amin ay jumpsuit na. Para saan naman to?

Black and red ang kulay na nasa damit namin. Black ang main at ang lines sa bawat gilid ay red. Cool.

Humilera na kami sa harap ni Atty. Hunter at napansin nagiba din sya ng damit. Nakajumpsuit din sya pero ang kanya may hoddie at pangtakip ng mukha. Tinignan nya kami saglit at lumapit sa isang cabinet sa tabi nya at kumuha ng isang box.

Inilabas niya don ang mga masks? Hindi tela ang mask kundi plastik o metal? Binigyan nya kami isa isa. Black at red din ang kulay ng mask.

"Isusuot nyo lang yan kung suot nya ang T uniform. Kung lalabas kayong nakaT uniform ay dapat suot nyo rin yan. Batas yan at huwag na huwag nyong sasabihin ang panglan nyo, numbers lang. Naintindihan nyo ba?" paliwanag nya at tumango naman kami.

"Lalabas tayo ngayon at ipapakita kayo sa Senior, Elders at Founders."

Inayos nya na ang suot nya. Itinaas nya ang hoodie at may mask din pala iyon. Isinuot narin namin ang mask at talagang pinakatalik yon dahil bawal nga ipakita ang mukha.

Lumapit narin ako kay Faye at tinulungan syang ilock yon.

"Nakakahinga kapa ba?" tanong ko at tumango naman sya

"Yes yes! shet medj comfortable naman" tumango naman ako

Medyo hindi maayos ang labas ng mga salita pagmay suot na mask pero siguro mas okay na iyon.

"Let's go" saad ni Atty. Hunter at naglakad na palabas sa pinto

Sumunod naman kami at nakitang ang daming tao lumalabas sa main door ng floor. Nakasuot din silang kagaya ng amin pero iba iba ang kulay. May kapareha naman kulay na red pero iba ang design.

Nakisabay na din kami sa mga naglalakad palabas at wow walang kung anong nangyayaring kaguluhan. Tahimik pa nga eh siguro dahil sa linya. Dahil nasa unahan ang trainor at nasa likod ang mga members tapos sa likod ng mga members ay panibagong trainor kaya tahimik.

Nang makalabas kami sa main door dahil nga kami ang nasa dulong room ay malapit lang kami. Naglakad si Atty. Hunter malapit sa rails kaya sumunod kami. Sa left side kami may katabi at sa right ay ang saradong gate papunta sa kabilang building.

"GOOD MORNING FELLOW SOLDIERS. TODAY IS THE DAY!. YESS!! TODAYYY IS THE MOST AWAITED WELCOME PARTY FOR THE NEWBIES!! YOU WILL BE MEETING OUR SENIORS, ELDERS AND FOUNDERS!. BUTT IN ONE CONDITION. WELL HAHAHA OF COURSE YOU WILL WORK HARD FOR SOMETHING FIRST RIGHT? HAHAHA OKAY BUT THIS GAME IS JUST FOR NEWBIES." nakarinug namab kami ng hinaing pero mas malakas ang sigawan

Game?Anong laro yan?Tangina naman talaga.