webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · Filme
Zu wenig Bewertungen
38 Chs

QUEEN

Sabrina Federez POV

Naglalakad kami ngayon ni Kuya Arvie, ewan ko san kami pupunta. Muka namang matino si Kuya kaya sumama ako hehe.

"San tayo punta kuya?" tanong ko

Napatingin naman sya sakin at natawa ng bahagya.

"Boses mo palang halatang makulit na, punta tayo sa Session Room." saad nya

Napanguso naman ako at tumango tango

"Ano po gagawin don?"

"Hmm, andito na tayo" ani nya ng huminto kami sa isang pinto

Malaki yon at may nakapaskil pang 'Magingay Panget'. Binuksan nya ang pinto at pumasok, pumasok naman ako at isinara nya yon.

May dalawang mahahabang mesa na magkaharap. Pumwesti ako sa pagitan ng dalawang yon at nasa Left si Harper nasa right naman si Peveria.

"San ako uupo?" tanong ko

"Here" tinuro ni Harper ung asa tabi nya na nangunguna sa kanya

"Good morning!!" bati ko kay Pev at kiniss sya sa pisngi ginawa ko din yon kay Harper bago umupo

"Palit tayo upuan" bulong ko kay Harper

"Bakit?"

"Ayoko dito, nauuna ako. Bat ba kasi dito?" reklamo ko

Hindi ako kumportable dahil ang upuan na iyon ay parang pang gitna dahil malaki.

"Dyan na, nakaupo na eh" wala nakong nagawa

Pumasok narin sila sunod sunod. Napansin ko lang na ang mga nakaupo sa right side ay sila Pev, Faye, Abi, at Ivan. Tapos ang sa Left side ay kami nila Harper, Evu at Abram.

Anong meron?Bat magkakaharap kami?

Bumukas ang pinto at may mga pumasok nakita ko naman ung Atty na naginterview sakin. Mukang ung mga kasama nya ang naginterview din sa iba.

"Okay, Leon Sandoval said that this gang still have problems to fix. And now we're going to fix it. Please Stand Sabrina Federez to tell us all what we need to know" napataas dalawa kong kilay sa sinabi ng isang atty

"Ako po?" tumango sila "Bakit ako?!" mahinang sigaw ko

Hindi na sila sumagot ng itulak nako patayo ni Harper. Malakas impact nya dahil magkatabi lang kami kaya nakatayo agad ako. Puwesto ako sa gitna, tinulak nyapa sa gitna ung upuan ko kanina.

"Ah i don't know where to start-"

"Oh, upo ka muna pala pakikinggan nyo muna ung mga interview ng bawat isa" sabi nung isa

"Ha?why?!" sigaw na tanong ni Abi

"Yeah, why do they need to hear it?" si Faye

"Why?! To you guys know each other well! Papasok kayo sa QP ng hindi alam kung sana takot or ano anong pinagdaanan ng bawat isa?!" sabi nung isa pa rt

Natahimik kaming lahat at pinakinggang mabuti ang interview. Hindi ko sila tinignan after ng interview nila, alam kong ganin rin ang ginawa ng iba.

You guys deserve everything that this world can give.

_

"Who's the third leader?" agarang tanong ni Ivan

Tanginang to, sampalin kita mamaya eh.

"Abram Garcia" napatango nalang sila

"You?" tanong ko sa kanya

"Ha?" tanong ni Ivan

"Who are you?" sarkastiko kong tanong sa kanya

"Ivan Davis"

"Who's the other one?" tanong ko pa napailing nalang si Harper

Alam nya yon eh, hindi lang sinabi agad.

"Evan Davis, my twin. We're really at the Dux Field, my twin in the Grey Field who's currently here too. Me at Wex Field, we are called spy at the Dux " paliwanag nya

Edi nalinawan, buset.

"Ano anong nireport mo sa Field mo?" tanong kopa

"So hard to find papers in HQ kaya nahirapan ako, but there's one time. I saw a paper that's a registration paper for the Gang, i was so confused why the hell Sabrina Federez name font so big"

"Yon lang?"

"Yup, bumitaw narin kasi kami ng Dux ni Kambal nung malaman naming trinatrydor din kami ng sariling Field" napatango nalang ako

Tumingin namna ako kay Pev at ngumiti. Tumango na sya dahil alam nya nang sya na ang tatanungin ko.

"Sino katext mo palagi?" tanong ko kay Pev

Nakarinig ako ng bungisngis pero hindi ko nakita kung sino.

"Mama ko"

"Bat sabi mo 19 ka palang?"

"Pinalaki ako ni Mama na 19 dahil 19 na dapat ngayon ung pinatay kong kapatid" napatango nalang ako

Tinignan ko naman si Faye

"Tabi tayo matulog mamaya?" tanong ko

"Ayoko, magulo ka matulog" agad na sagot nya umiling pa!

Tumingin naman ako kay Abi na nakatulala lang

"Abii, labyu labyu labyu" natawa naman sya

"Hoy! hindi naman shy type si kuya matt ah?" tanong ko kay Evu

"Hindi nga makatingin sayo yon" inirapan ko nalang sya

"Hoy Garcia, hindi naman ako mahirap kausap ah?" reklamo ko natawa naman sya

"Oo nga!hindi lang naman ganda ambag ko dito!" reklamo rin ni Faye

"Ganda ko Abram noh?ako pa una mong napansin" pangasar ni Pev

"Hindi naman ako maingay ah?Tsaka anong nagsusumbong ako palagi?Ikaw nga palautos eh hindi mo man lang sinabi na maganda ako! Harper oh?!" sabi pa ni Abi

Hindi raw sumbungera eh

"Pinapagaan ko lang ung sitwasyon tinawag mo pakong joker!" sabi pa ni Ivan

Mema lang yata yan gusto lang magslita

"Sirualo ka! anong nauuna ko pang kausapin sarili ko?!" reklamo ni Evu

"Anong paiba iba isip?palitan kita gusto mo?!" sabi pa ni Harper

"Tama na" saad ko at natahimik naman silang lahat.

Pati nga ung mga abogadong nagcchismisan sa likod natahimik eh.

"Bat tayo tumahimik?" tanong nung isang atty

"Sabi nya tama na" turo sakin nung isa

_

"Sab, bakit ganon ung sinabi mo don sa atty mo?Bakit sabi mo mas mataas kapa sa kanila?" tanong ni Ivan

"Oo nga, sabi din ni Harper sa interview nya. May offer sya sayong tinanggap mo ano yon?" tanong ni Pev

"Yeah, right?Bakit mas mataas ka sa kanilang tatlo?eh nung sabi nila hindi kapa sure?" tanong ni Abi

"What's your role here in Black Society?" tanong ni Faye

Natahimik kaming lahat, umupo ako sa upuan ko at bumuntong hininga.

"I'm the Queen"

"The Queen of Black Society who don't need nor want a King"