webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · Filme
Zu wenig Bewertungen
38 Chs

ONE WEEK

Abram Garcia POV

May dalawang queen size bed sa loob ng kwarto. Pero tanging side table lang ang nasa pagitan ng dalawa. Tapos may Dalawa ring mahabang upuan na parang cleopatra.

"Ang sikip naman, hindi kami kasyang apat" reklamo ni Sab

"Edi ung iba sa sahig" sabat ni Ivan

"Totopik nalang, mga mananalo sa kama syempre ung talo sa sahig" suhestiyon ko

"Ayoko! Liwasan nalang para walang away. Like girls muna sa mga kama tapos boys sa sahig ngayong gabi tapos bukas kami naman sa sahig" ani naman ni Faye

"Ay be gentleman naman daw kami na sa kama kayo na sahig" singit ni Sab

"Walang gentle-gentle dito. TOTOPIK" ani ko pero ayaw talaga nila

"Hindi kayo na sa sahig" Pev

"Kayo muna now bukas na kami" Evu

"Ay madaya ladies first" Sab

"Ladies Ladies kami muna!" Ivan

"Ganto wala nalang paki alaman. Bahala kayo sa isang kama, bahala kami sa isang kama" Harper

"Hindi nga kami kasya!" Sab

"Ayusin muna kasi usapan, kami muna ngayon bukas kayo" Ivan

"Anu ba yan, kami muna nga tapos kayo" Pecv

"Kamii nga" ako

"kamii" sab

"kami nga ang kulit" evu

"Ah guys why don't we remover that side table then idikit nalang natin ung dalawang Cleopatra?So ayon didikit natin both bed walang matutulog sa sahig" paliwanag ni Abi

Naisip ko din yon di lang ako nagsalita, pramis.

"Edi dikit dikit tayo?" reklamo ni Sab

"Reklamador magsahig ka" napanguso nalang sya sa sinabi ni Pev

"buti nalang malakas aircon" ani ni Ivan sa tabi ko

Inaayos kasi namin mga bagahe. Sila naman ang nagaayos sa kama. Kita ko pang tumalon si Sab sa kama ng maidikit yon sumunod naman si Evu, Ivan, Faye, at Abi.

#

"Wait, so our phone's going to be confiscated?" maarteng tanong ni Abi

Si Harper at Pev ang nagprisinta na mahiga sa dalawang Cleopatra dahil masakit daw sa likod ang malambot na kama para sa kanya. Wala namang nagprisinta samin na mahiga sa Cleopatra kaya sa huli napunta kay Harp.

"Oo, pero pwede mo ring hiramin pero dapat may valid reason ka. Like babati ng bday, homesick, update sa fields ganon"paliwanag ni Harp

Sya lang nagbasa kaya sya lang makakasagot samin.

"Hindi ba kayo kinakabahan?" tanong ni Pev

"Saan?" tanong namin

"Ieentervirw tayo, itatanong lahat ng sikreto o baho mo. Kaya nyo bang sabihin inyo?" tanong nya samin

"Nahirapan nga ako eh, parang wala yata akong sasabihin." sabi naman ni Sab

"Wusshhuuu" buyo namin

Nakikibuyo lang ako dahil alam ko namang walang baho yan.

"Wala kang secret talagaa?" tanong ni Abi

"Diko alam, parang meron na wala?" ani nya

"Sa kinatatakutan ka maraming masasabi Sab" saad ko

"Ay oo madami" dagdag pa ni Evu

"Heights, Mirror, Chair" saad nya habang binababa ang mga daliri

"Why are you afraid of chair?" biglaang tanong ni Abi kay Sab

"Pag ano lang matutulog ayokong may malapit na upuan sa tabi ko feeling ko may nakaupo don ganon, ganon rin sa salamin" paliwanag nya

Praning kasi to.

"Ah that's why your always putting a towel in the mirror before sleeping okay"

Baka daw kasi may anino o may nakangiti sa kanya. Ano anong naiimagine sa utak, yan ayaw ko sa kanya eh lahat nalang pinapasok sa utak.

"Edi mauuna pa pala silang makaalam ng secret natin?like hindi pa tayo naguusap about sa mga ganon" ani ni Abi

"Edi ulitin mo nalang ung sssabihin mo don samin, easy" pumipikit pikit na saad ni sab

"What if i don't wanna share my secrets?" nakayukong ani ni Abi

"Edi don't" sabay sabay naming sabi

Hinampas tuloy kami ng una na mahawakan nya. Eh nasa tabi pa naman sya ng headboard kaya andon lahat ng unan.

"Paano pala pagkain natin?" tanong ni Sab

"Magpapadala syempre" sagot ni Pev

"Kanina kapa!" reklamo ni Sab inirapan lang sya ni Pev

Inubos siguro chicken nuggets na baon ni Pev kaya badtrip tong isa. Oo, inubos nya di ako nanghingi ng tatlo, hindi talaga.

"Diba magkakaibigan na kayo bago gumawa ng gang?" tanong ni Faye

"Kaya kami gumawa ng gang kasi magkakaibigan kami" sagot ko

"Ah so apat kayong founder ng black society?" tanong ni Ivan

"Hindi" ani ko

"Kami lang dalawa ni Harp" sagot ni Evu

"Pero tatlo kaming leader nyo" nagulat ako ng sabihin yon ni Harper

Ang sabi kasi nya kapasok daw sa QP don nalang sasabihin para mapaliwanag ng maayos.

"Huh?" tanong nila

"Bat tatlo?" biglaang tanong ni Ivan

"Ako, ako ang magbibigay o tatanggap ng mga misyon sa grupo. Si Evu ang magaasign kung sino ang mamumuno don. Si-"

"Harper Deviant, 9pm"

Hindi natuloy ni Harper ang paliwanag dahil may pumasok. 9pm means 9pm syang susunduin dito para mainterview

"oh first huh?" ani ni Harp

Tumingin naman kami sa orasan at saktong 8:57pm yon. 3mins para magayos.

"Magayos kana" ani ni Sab

Tumayo naman si Harper at inayos ang sarili naging aligaga ako dahil hindi naman namin alam ang gagawin sa gantong sitwasyon.

Wala namang pinaliwanag si Harp na nabasa na don sa rules and regulations. Dapat ba binasa din namin?

Sasama ba kami?o maghihintay lang hanggang matapos sya? Anong oras matatapos? Sinong susunod?Tangina

Andyan paba si Leo?o nakauwi na?

"Relax, ako ung tatawagin hindi kayo" don ko lang napansin na lahat kami ay naging aligaga at nagpanic

"Pano kasi, ano bang gagawin sayo don?" tanong ni Sab

"Interview"

"With sakitan ba?" Tanong ni Abi na napahawak pa sa braso ni Harp

"I don't think so"

"Pano nila malalaman kung nagsisinungaling ka?o mali mali sinasabi mo?" tanong ni Ivan

"Dunno, maybe they investigate my whole life first then they will ask me to prove that?"

"Paano kung-" tatanong pa sana si Faye pero bumukas na ung pinto

"Harper Deviant" naglakad na papunta sa pinto si Harp para sumama don sa lalaki

Ngumiti pa sya samin bago lumabas.

#

Wala pang isang minuto ay may kumatok uli sa pinto namin.

"Why?Sumama na si Harp-" ani ko at naging alerto

"Nah, sabay sabay kayo" nagulat kami

"Huh? walang sinabing ganon si Harp" ani ni Sab

"Dahil hindi yon nilalagay sa Rules and Regulations. Sabay sabay kayong ieenterview pero magkakaibang kwarto" napatango nalang kami

"Pero bakit nauna si Harp?" tanong ni Sab

"It's a tradition, a leader can't know what's happening to his members while he's in the interview. "

Nagayos na kami at sumama sa lalaki. Dumaan kami sa mahabang at diretsong hallway. Ang daming pinto. Parang walanv katapusang mga pinto.

"Pwedeng papasukin muna sila?bago ako pumasok?" kako sa lalaki dahil baka kung saan sila dalhin

"Okay"

Pinauna kong pumasok si Faye na asa room 111, Pev 112, Ivan 113, Abi 114, Sab 115, Ako 116, Evu 117. Anong room si Harp?!

Nang makita kong nakapasok na silang lahat ay pumasok narin ako. Isang kama, isang office table lang ang nasa kwarto.

Umupo ako sa harap ng Office table at hinayaang lumabas ung lalaking nagdala samin dito. Di kalaunan ay may pumasok na lalaking may dalang suitcase.

"Abram Garcia" ani ko at tumayo para makipagkamay

"Hunter Cueñdoe"

-----_----------------_-------------_----------_----_-----_----

(kyuendoe)