webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · Filme
Zu wenig Bewertungen
38 Chs

OFFER

HARPER DEVIANT POV

Tangina.

Nakatitig lang kaming lahat sa harap ng kabaong ng mama ni Sab. Asa harap kaming apat nila Evu. Alam kong medyo sinisisi ni Evu sarili nya dahil hindi agad sya nakarating.

Naintindihan naman namin yon dahil kami din ay naharang kaya hindi agad nakapunta. Walang pumuntang kamaganak si Sab dahil ng araw na namatay ang mama nya ay bigla nalang daw silang nawala.

Hindi makontak ni Sabrina lahat. Napaliwanag lahat ni Sabrina kahapon ang lahat ng nangyari. Medyo magulo pa utak namin dahil sunod sunod ang tawag sa Wex kaya nakiusap muna kami sa Leo na ngayon naglalakad paikot sa mga bisita para magbigay ng pagkain.

Pati grupo nya dala nya. Pati rin naman kuya ni Evu andito rin. Halos lahat ng andito ay kasali sa Wex. Kaming dalawa ni Abram na ang nagayos sa mga gagawin naming members.

Hindi naman kami nahirapan dahil nabigyan na namin ng oras to last week. Nang ipakita ko ang listahan sa kanila ay nagapprove nalang agad sila.

"Sab, masarap ung lugaw na luto ng Lola nila Evu. Kumain kana don" saad ni Abram kay Sab na nakatitig lang sa kabaong

"Kumain naba kayo?" tanong nya

Umiling lang kami

"Tara sabay sabay na tayo" ani nya kaya kinalabit ko naman kuya ni Evu para syang magbantay dito sa tabi

Tumango lang sya at nanatili ang paningin kay Sab. Kuya ni Evu ang nagaasikaso ng ibang papeles na kailangan dito kaya medyo naging close sila.

"May ulam na palang luto" ani ni Abram ng makapasok kami sa kusina

"Ay sa wakas! dito upo! upo kain kayo, nagluto na kami ng menudo. Magkanin kayo ha?pagsasandok ko narin kayo ng lugaw" saad ng Lola ni Evu

Dumiretso naman si Evu para magtimpla ng kape namin.

"naemail mona ba sila?" tanong ni sab sakin

"Oo, sumagot naman ung iba. Baka daw makapunta sila mamaya, sakto daw last day" tumango lang sya

"Katapos nating kumain kausapin natin si Leo. May gusto yong gagong yon satin" natawa naman ako dahil hindi lang pala ako ang nakahalata

Si Leo?utusan? tutulong dito?pwede naman pero iba eh.

"Sabi pala ni Kuya okay na daw lahat. Pero walang update don sa mga kamaganak mo" si Evu

"san kaya sila nagpunta?" tanong ni Abram habang kumakain na

"yaan mo sila" ani ni Sab pero alam naman naming nagaalala din sya

Malaki kasi ang posibiladad na ang may gawa nito sa mama nya at ang biglang pagkawala ng kamaganak nya ay iisa lang.

Ung kapatid ni Sab, alam naming umiiyak sya tuwing magisa sya. Hirap na hirap sya wala syang kasama na kapamilya ganon.

Katapos naming kumain pumasok kami sa kwarto ni Sab. Pinatawag narin si Leo dahil nga sa plano nung gagong yon.

Napatingin ako ng tahimik kay Sabrina nang makita ko syang nagsara ng kamao habang nakatingin sa labas ng bintana.

"wait lang, lalabas lang ako" ani nya at naglaglag ng unan habang tumatayo

Hindi kami gumalaw dahil alam namin kung ano ang ibigsabihin non. Red ang kulay ng punda ng unan. Be Careful, Be Alert, Be Safe.

"ge, wait nalang namin dito si Leo" saad ni Abram at humiga sa kama ni Sab habang may hinihila sa ilalim ng kama

Umupo naman si Evu sa sofa at may hinihila rin sa likod non. Sumandal naman ako sa cabinet nya at hinila ang baril sa taas non.

Nang dumating si Leo ay ang pulang punda ang bumungad sa kanya. Umupo naman sya sa tabi ni Evu at kinuha ang remote ng tv.

Binuksan nya yon at kumuha ng biscuit sa ilalim ng side table ni Sabrina. Tinaas nyapa ang paa na parang welcome na welcome ang gago.

"Walang matinong update sa kapatid nya" si Leo

"Baka kinuha talaga" si Abram

"Hindi naman tayo sure kung patay na nga pre" si Evu

"Ang sabi ni Sab nakita nalang nyang nakahiga silang dalawa ni Tita. May possibility na hawak nga ng kalaban pero?buhay ba?" ani ko at natahimik sila

Bakit naman bubuhayin ng kalaban ang kapatid ni Sabrina diba?Kung bubuhayin nga nila, bakit pa?Sino ba sila?

Ang sabi ni Sabrina ay ang dadating nung gabing yon ay ang mga pinagkakatiwalaan ni Tita. Nagbigay daw ng opportunity para makapagaral si Sabrina ng Nursing.

Mahal ang Tuition ng Nursing dito sa amin. Ang alam ko yon ang gagamiting pre-med ni Sabrina para sa medicine

Magdodoctor kasi yon.

"San naba si Sab?Sobrang halaga ng sasabihin ko" si Leo na nakahiga na sa Sofa at nasa dulo na si Evu

"Lalabas lang daw, baka may kausap" si Abram na nakahiga parin at yakap yakap na ang isang unan

Nagkamot ako sa ulo at naglakad papunta sa kama. Hindi naman kami bago sa kwarto nya dahil tuwing bakasyon ay dito kami natutulog.

May kaibigan namang babae si Sabrina pero dalawa lang, umalis pa. Nakatanggap kasi sila scholarship sa ibang bansa kaya ayon umalis.

Nagulat kaming lahat ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sabrina na pawisan. Umayos kami ng upo at tinignan lang ang galaw nya

"Anyare?" si Abram na alam kong magtatanong dahil isa tong kiti kiti at hindi mapakali

"ayaw nilang sabihin kung buhay paba o patay na kapatid ko" saad ni Sabrina

Asa labas sila.

"ilan?" si Leo

"dalawa" sab

"arat?" abram

"wag" evu, sab

"okie" leo, abram

"Anong kailangan mo pala Leo?" Tanong ni Sab

Pero biglang bumukas ulit ang pinto at may sumilip. Si Abigail Sadoval.

"hi? ahm, there's someone on your backyard want's to talk to you?" english pa

"who?"

"C4" ani ni Abigail napatayo naman si Sab gusto ko ring tumayo

Dahil pinsan yon ni Sabrina! Palatandaan yon dahil ang C4 ay based on first letter of the names.

Lumabas si Sabrina at naiwan uli kami. Pero nanatili ang tingin ko kay Abigail na hanggang ngayon nasa pinto.

"what?" tanong ni Leo sa kanya

"can i come in?"

"no, get out" parang ang sarap manapak

Inirapan lang sya ni Abigail at umalis na rin. Naiwan na kami at ngayoy nagaayos na nang sarili si Leo.

"Sana pumayag kayo" saad nya

Tumahimik lang kami at hinintay si Sabrina. After 30 minutes nakabalik na si Sabrina na pawisan uli.

"okey na"

"Ayaw ko naman talaga kayo ioffer nito, pero ang sabi ng founder itry daw. Para may Representative ang Wex Field"

"It's a place. A private place, or should i say abandoned palace? nevermind. "

"The Wex Field give Black Society an offer to enter the place with the 8 members, 4 girls and 4 boys."

"Quarters Palace is inviting Wex Field. The place where Level is Powerful."