webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · Filme
Zu wenig Bewertungen
38 Chs

MEDICAL HALL

Harper Deviant POV

11:20 AM

"Let's go, mahaba haba pa ang lalakarin." saad ko at tumayo na

Umupo kaming dalawang gang sa bench na paikot sa ilalim ng puno sa tapat ng Training Hall.

"Saan?wala pa namang nagaaya sa medic hall" tamad na saad ni Sab at inayos pa ang pwesto ng ulo sa hita ni Abram

Inaantok sila dahil wala namang isang oras ang tulog nila kanina.

"It's 11:20 am, 12 to 1 lang ang cafeteria" saad ko at napatingin naman agad sila sa malaking orasan na nakakabit sa training hall

"luh kaya pala gutom nako" Ivan

"tara na" Pev

"hindi ba pwede gamitin golf cart dito ang layo ng cafe" malditang saad ni Shiela

"may 30 minutes pa tayo, tara na" aya ni Ethan

Naglakad na kami papunta sa cafe pero may parang tent sa likod ng QP dorm. May mga lumalabas na may kasamang bike.

"Gago tignan mo lalabas sila nakabike" turo ni Abram at nagtakbuhan na sila

Malalaki ang tent at isang mahaba yon. Ano yon parking?

Nang makalapit kami ay pumipirma na sila. Need hall din pala yon vehicles version daw.

"So anytime po pwede kami gumamit ng bike?" tanong ni Lesia

"Yes, and pwede nyo ring iwan kung saan dahil may mga gang na nakaassign para magikot ng QP at ipunin ang mga bike"

"Wow, so paginiwan mo sa isang tabi pwede ring gamitin ng ibang tao luh, pero goods na to. " sabi ni Sab at kumuha na ng isang bike

"Para san ang pagpirma?" tanong ko

"Ah para alam namin ilang bike ang hihigalapin dahil may ibang gang na tinatago ang mga bike" natatawang kwento nya

Kumuha nako ng isang bike at tinignan kung ayos ba ang mga gulong non. Nilabas kona yon at nakitang nakasakay na din sila Sab, Pev, Ivan, Abram, Evu, at Faye pati narin ang Ggang.

San si Abi?

Nang makasakay ako sa bike at inaayos ang upuan non ay may kumalbit sakin.

"I don't know how to ride one" bulong nya

Kaya pala nawawala

"Sakay na" aya ko at inuwestra ang harapan

"Here?" bumunulong pa din sya

"Yeah, wala namang tapakan sa likod"

"Looks like I'm not going to be comfortable ther-"

"Sakay na" hinila kona sya at pinatalikod

Pinahawak ko sa isang kamay nya ang manibela at iniangat nya ang sarili. Hinawakan kona din ang manibela.

"Angat mo paa mo" iniangat nya yon at yumuko na

"Shiela-"

"Marunong ako magbike, Ivan"

_

"Anong number nyo?" Rinig kong tanong ni Sab habang paakayat kami

"20 bobo kasi ni Evan" asar na sagot ni Lesia

"Hoy ikaw yon ne! sabi ko wag nalang tayo lumayo kila Ivan eto naman biglang umupo don sa malapit na Aircon" rebat ni Evan

"Kasalanan mo parin! pano babagal bagal ka hanapin kakambal mo, e kasunod lang naman natin sila sabihin mo ung nahanap mo ung sexy!" Lesia

"Anong sexy?! walang sexy kahapon!" Evan

"Ah kaya pala pang 19 table nun sexy tapos tayo 20 no?!" Lesia

"Tama na yan" awat ni Ethan

"Ikaw din! kaya din tayo 20 kasi pati ung sexy sinundan mo din!" sabat naman ni Cyclin

"Wala namang sexy kahapon" singit ni Abram

"Meron pre" Evan

"Meron" Ethan

Sabay na sagot nung dalawa kaya nabatukan sila, kaya nagtawanan kami.

"Sinundan nyo pala e" asar ni Ivan

"Oo, ung pink ba?" Donny

"Peach yon tanga" Ethan

"Red" dagdag ko

"Oh?nakita mo din ung sexy Harper?!" tanong ni Faye

"Hindi" kako at nagpauna na maglakad

"Peach ung nakita namin, Red nakita mo pre?" Asar ni Sean

"Wala akong nakita"

"Ay diba may red damit nung table 2 kahapon?" bulong ni Ivan pero malakas

"Oh?kaya pala 1 kayo" pitik pitik pa kamay ni Evan ng sabihin yon

"Wow, thank you Harper" Pev

"Thank you, pre" Ivan

"Thank you, H" Evu

Tarantado

"Thank you Harperr" Faye

"Wow, good choice pre" Abram

"Thank you Lods" Sab

"Thanks"

Sinamaan ko sila ng tingin pero tumatawa lang sila at pumapalakpak pa. Pati Ggang nagbubulungan tapos tatawa.

"Let's go na" aya ni Abi at hinila na si Shiela

"Akala nya yata ako si Shiela, Abi wait" saad ni Sab at tumakbo na paakyat

"Thank you ulit" babatukan ko sana si Ivan pero nakatakbo na agad

"Lagot ka! alam mo bigyan kita tips para di yon magtampo matagal" saad ni Abram at tumabi sakin

"Gago hindi naman kayo close ni Abi-"

"Ikaw kumuha ng mga naiwan nyang damit sa Sec U Hall" saad nya at kinindatan pako

_

"Okay! Line up! and every gang will use a golfcart to go at Medical Hall!" sigaw sa amin kaya pumila na kami sa parking ng mga golf cart

"Gago andaming golfcart, pre. Tignan mo! may parking din sila dito! Ung sa taas bike tapos sa baba golfcart!" turo ni Ivan

"Astig gago!" dagdag pa ni Sean

"Tabi tayo, Abi ah?"

"I don't want to, ang asim mona Abram"

"Grabe naman to! ikaw nga amoy itlog na hilaw kanina pa hindi naman kami nagreklamo!"

"Hey!ur so rude to me!"

"Ako pa rude, sabi mo nga kanina ang asim ko!"

"I was joking!"

"De ok lang ganyan ka naman talaga"

"what the hell abram?!"

"Abram sadboi"

"Pangit mo tanga"

Kanya kanya komento sila sa ginawa ni Abram hindi kona sila pinansin at umupo sa driver's seat. Ako na magddrive paghindi ko nagets agad ipagtulak ko nalang sila.

"Wow, driver natin si Harper!" agaw pansin ni Sab at kinindatan pako

tangina

"Drive well"

"Gago pre marunong kaba magdrive?" tanong pa ni Donny

"Hindi" sagot ko at ng makitang maayos na upo nila ay inistart kona

"Ha?!eh bat umupo ka dyan gago!" mura ni Ethan

Malaking cart to at kasya ang dalawang gang. Ang tinuturo pa nila kanina ay ung black na astig daw kaso pang isang gang lang sabi pa kandungan nalang.

"15 minutes nakong naghihintay na may maupo dito puro kayo chismis" sagot ko

Alam ko naman pano magdrive neto sinabi ko lang ung kanina dahil parang astig na pagtulakin sila sa gitna ng Field habang tirik ang araw.

"Dapat sinabi mo! alam nyoba pano magdrive?" tanong ni Donny sa iba

mga o.a

"Ako alam ko! akin na pre tabi" sabi naman ni Sean

"Nagddrive nako, maupo nalang kayo" ani ko at nanahimik naman sila

"Totopik sino magtutulak mamaya" Ivan

"Gago magtutulak lang pagwala ng gas" Donny

"Tanga kaba?ang golfcart ay hindi gas ang gamit kundi baterya!" Abram

"Ay baterya ba?" Evu

"Wag ka tumingin sakin hindi ko alam yan wala kaming ganyan" Evan

"Wala ba kayong tiwala kay Harper?maglalakas loob ba yang umupo sa driver's seat kung hindi nya alam yan?" Ethan

"Gago kaba?ung muka palang nya habang nagddrive halatang pagtutulak tayo sa gitna ng initan eh" Evu

"Edi wag magtulak, lahat tayo magdusa. Maglakad nalang tayo" Sean

"Hindi kaba nakikinig?iba ang rules ng QP sa golfcart at bike" Pev

"Ang bike ay pwedeng iwan kung saan dahil may nagroronda daw paggabe" Faye

"Ang golfcart ay dapat kung ilan tayong nanghiram ay tayong lahat din ang magbabalik" Lesia

"Lahat kasi tayo nakapirma" Quien

Sino yan?Para syang boyish na ewan kanina pa sila sama sama ay tahimik lang sya.

"Ay teh kasama ka pala namin?" biro naman ni Cyclin at niyakap si Quien

"Medyo masama lang pakiramdam ko hindi ako makadaldal" paliwanag nya

"Okay lang, medic hall naman pupuntahan eh. Pwede naman siguro isabay pacheck up ka namin medyo mainit ka" Lesia

"Yeah Doc. Gxa daw right?" shiela

"Doc. Gxa? sino yon?" tanong ni Sab

"Uh na doc na tropa nung field namin dito. Ang sabi don daw kami lumapit agad. Sainyo ba?" Lesia

"Doc. Pua" sagot ni Abi

Pinindot ko ang pangpotpot dahil may humarang sa harap namin. Napatigil naman sila sa paguusap.

"Hoy yabang mo ah!" sigaw nung lalaking driver yata ng humarang

"Nakaharang ka pre, dadaan na kami! Pagewang gewang ka kanina pa!" sigaw ko

"Edi magibang way ka, bobo!" sigaw sakin pabalik

"gago yan ah?" mura ni Sab

Nakita ko namang bumaba sa golf cart ung lalaki at lumapit sa amin, bumaba din mga kasamahan nya. Napatigil naman ang ibang gang sa daan.

"Bobo ka noh? kailangan mo pa kaming potpotan! Pwede kang magibag way! mayabang!" sigaw sa akin

"Ikaw ang bobo, kaya nga may numbers ang golf carts dahil don lang sa line na yon pwedeng dumaan. Tanga ka pang magdrive at kanina pa pagewang gewang. Imbes na umariba ka ay umatras ka na muntikan pa kaming maatrasan" paliwanag ko

Narinig ko pang naghiyawan ang ibang gangs sa paligid.

"Bobo ka pala eh!"

"Hindi nakikinig sa rules kanina!"

"Bakit ba pinagdrive nyo yan! kanina ko pa din nakikita cart nyan!"

"Yabang! ikaw pa talaga sumugod!"

"Tama na yan! madadala kayo sa Hell Hall!" naalarma ako sa sigaw na yon

Hindi ako takot mahell hall, iniisip ko lang kung gaano ako katagal magsstay don at hindi ko mahhandle ang gang.

"Kalalaking tao, takot mahell hall. Tara oh! suntukan!" sigaw sa akin

Mas lumakas pa ang hiyawan.

"Oh loko! newbie to newbie! Main buildings vs. Underground!"

"Main building ka pala?hindi halata" akala nya yata mapipikon nyako

"Yeah, your at underground? that's why your attitude's like that?ok" bawi ko naman

"Oh?anong ugali ba?" itinukod nya ang braso sa cart at ngumisi ngisi

"Tama na yan! may nagsumbong na!"

"Wala akong pake! diba kayo nung table 1 sa cafe?1v1 oh, pagnatalo kita papalit tayong table. Pagnanalo ka my gang will serve under yours"

Mas lalong lumakas ang hiyawan at nakita ko ang mga guards na tumawa pa at nakinuod.

"NICE TRADEE!!!"

"Oh lakas! Main building vs. Underground! Ano ano mga pusta nyo?!"

Inayos na nila ang mga cart at gumawa ng pabilog. Bumaba nako sa cart at hinayaang itabi yon ni Sean. Hindi na rin nagsalita sila Evu dahil naintindihan na nila agad yon hindi kagaya netong isa na sinisigawan na ng kagang.

"AKO HOST AKO! EYY! THIS IS AN EARLY MATCH! AT EXACTLY 2PM QUARTER PALACE FIELD IS HAVING A MATCH WITH OUR!!!!! TETRENETETENNENEN MAIN BUILDING VS UNDERGROUND!!!"

"WWOOOOOOOOOOOOO"

"WEX FIELD VS DUX FIELD!!! BLACK SOCIETY VS DUNLION XXX!"

"SIMULAN NA YAAANNNN!"

"OKAY OKAY CHILL!! THIS MATCH IS NOW CONFIRMED AND COMPLETELY!!! APPROVED BY OUR GUARD SIR JUSTIN!! AND THE BET HERE IS!! IF THE DX WILL WIN THEY WILL HAVE THE TABLE NUMBER 1 AT THE CAFE! AND IF THE BS WINS THIS MATCH THE DX WILL SERVE THE GANG TILL LEVEL 50!!"

"WWWWWOOOOOOOHHHH"

"ANG TANONG! AABOT BA KAYO SA LEVEL 50?! HAHAHAH"

"HAHHAHAHAHHAHAHAHA"

"SIMULAN NAAAA!!"

"OKAY PLEASE LISTEN WALANG GAMITAN NG PATALIN! PAGKAMAO KAMAO! WALANG PAPATAY! ANG MAMATAY TALO! ANG MAKAPATAY DIRETSO HELL HALL! HAHAHA"

"CHILLING WITH BALLS!"

"GAGO! HAHAHHAHAH"

_

"No knife or other harmful things. Lalaki sa lalaki ang labanan." ani ng guard

Pumwesto nako at naging alerto. Kilala ang Dux Field sa pagttraydor gaya nga ng sabi ni Ivan at Evan ay pati sila natrydor.

"Ready kana ba mapahiya?" tanong nya pa

Hindi, alam kong nabalitaan na nila Leo ang nangyayari ngayon ay ramdam kong nanunuod na sila. Nanunuod din si Abi, pumayag lang naman ako dito dahil don sa offer nya.

Mas mapapanatag ako kung may Under na ang gang namin pero nagdadalawang isip rin dahil taga Dux Field sya, Bahala na.

Nauna syang sumugod sa left at naiwasan ko pero mabilis ang kamay nya sa right kaya ang nasapak ko ay ang tyan nya.

"OHH Paolo umariba sa kaliwa at naiwasan at mabilisang gumalaw sa kanan! naalarma ang ating harper at napasuntok sa tyan!"

"Sakit nyan! parehong malalaking tao!"

Hindi lang basta basta suntukan to. Para syang wrestling pero basta lahat andito. Suntukan, sipaan.

At dahim malakas ang tama sa tyan dahil naalarma ako ay sinunod kong sinapak ang muka nya. Naiwas nya yon at pumwestong sasapak din sa tyan. Sinipa ko ang paa nya ng dahilan ng pagtumba nya.

"Lolo Paolo mo hindi nakagalaw dahil sa isang suntok sa tyan gaano nga ba kasakit yan at hindi ko gustong alamin!"

"tangina"

Umibabaw ako sa kanya at pinagsasapak ang muka nya. Tinulak nyako hindi gaanong kslakas yon pero umakma nakong tatayo

"OHH HARPER NYO MUKANG NAGSAYANG LANG NG ORAS!"

Hindi pako nakakatayo ng kornerin nya ng paa nya ang paa ko kaya natumba ako.

"GO PAO FOR TABLE1 YAN MAS MASARAP ANG UNANG KUTSARA PAG KAYO ANG UNANG NAGSANDOK" sulsul nila

Idinukdok nyako sa damuhan at mukang nagpahinga dahil lumuwang ang kapit nya sakin. Malakas pako dahil wala pakong tama. Tinulak ko sya at tama nga nalaglag sya, tumayo nako at humarap sa grupo nya.

"May sakit ba to sa tyan?"tanong ko

"OH?LOLO MO PAO MUKANG MAY SAKIT SA TYAN?OO NGA NOH?ISANG SUNTOK HINDI NA NAKAGALAW TIGNAN NYO NGA!"

Akmang lalapit na sila ng biglang tumayo si Pao at sumugod sa akin. Umiwas naman ako ng umiwas. Pero ng makita ko na dumudugo na bandang tyan nya ay tinulak kona sya.

"May dugo!" sigaw ko

"ay ano ba yan! sayang oras pangit nyo!"

Halos lahat ng cart sa limang minuto na yon ay nawala sila. Pati narin ung guardiya, nagsipuntahan naman nga kagrupo nya at tinignan sya.

"Hoy ano tinitignan nyo jan?isakay na sa cart!" sigaw ni Sab sa grupo nila at nagmadali na

"Pasakay pasakay!" ani naman ni sino to?

"Hello, ako ung host. Pasakay ah" ani nya at nauna pang sumakay sakin

"Harper wala yatang marunong magdrive sa kanila" bulong ni Abi

Naglakad nako sa cart ng DX at umupo sa driver's seat.

"Anong sakit nyan?Aware syang may sakit sya bat naghamon pa" tanong ko

"Hindi kasi nya tanggap ung table-"

"Rin anoba"

"Bakit?natalo si Pao so under na tayo ng gang nila"

"Hindi naman natalo si Pao, hindi nga sya nakagalaw eh!"

"Yon nga anoba! hindi sya nakagalaw talo sya!"

"Tama na"

Hindi kona sila pinansin at minadali ang pagddrive. Pagkarating naman sa Medic Hall ay inasikaso na din sya. Kaoopera lang pala nya sa Tyan at buti hindi masyadong napuruhan.

Pansin ko ding hindi naman ganoong kalakas ang grupo nila kaya bakit naghamon sya ng away sakin.

"May gusto sila satin" bulong ni Ivan

"Hmm, sa dami ng hahamunin ay main building pa at alam nya yon." Evu

"Kilala ang Main building sa pakikipagsabakan. Kilala naman ang underground sa pagkuha ng mga impormasyon." Ethan

"It's either may gusto silang makuhang impormasyon sa atin at inutusan sila ng Dux or gusto talaga nila ung table 1 natin" Abram

"Ano ba abram!" Faye

"Bakit?totoo naman ah?masarap ang unang sandok ng table 1" bulong ni Ivan

"Punta na kami kay Doc. Gxa, patingin na namin si Quein." ani naman ni Lesia napatango naman kami

"Tara kay Doc. Pua" aya ko at naglakad na

Napaisip ako sa sinabi ni Abram. Inutusan sila ang mas nanaig sakin dahil kung ung table lang ay napansin kona sya non at table 5 sila.

"Table 5 sila, hindi nila kailangan makipagpalit." Saad naman ni Sabrina

"oh?table 5 sila?" tanong ni Abram

"Ah Harper oh?palitan mona" asar ni Faye

"Hoy sabi kaya ni Harper wag tumingin sa paligid!" rason ni Abram

"Eh bat alam naming table 5 sila?" asar din ni Evu

"Alam mo din?"

"Oo, at kanina pa din silang umaga nakasunod sa atin" napangisi naman ako sa sinabi ni Evu

Yang papanhimik nyang yan alam kong nanunuod lang eh. Anona Abram igalaw ang baso

"Naamoy nyo ba yan?" biglang sabi ni Sab

"Alin" react nila at nagamoy amoy

"Amoy mapapalitan 3rd leader natin" Asar nya at nagtawanan sila

"Gago, wag ganon. Alam nyo kasi-"

"Hello Doc" bati ni Sab at hindi na pinansin si Abram

"Oh?hello?yea right black society! hello come in" pumasok na kami

"Nagpakita lang po kami para alam nyo ano po mga muka namin" saad ni Sabrina at nagpakilala na kami

"Yes, that's good. I'm Dr. Denxi Pua, bs ha. And my ipapacheck up ba kayo now?"

"Ah wala naman, Doc. Pero wala po bang gaganapin na medical check up?" tanong ni Faye

"Ah yea, after a month of training gaganapin yon. Titignan kung kaya ba ng body nyo ang training. Anytime okay? anytime I'm free. Puntahan nyo lang ako dito"

_

"Grabe ang bait ni Doc" puri ni Sab

"Yeah, super she's pretty din kaso medyo shy type sya" Abi

"Hmm, ah 4 na pala?" napatingin naman ako sa malaking orasan

4:00

"Puntahan natin DX" aya ko

Naglakad na kami sa emergency room at wala na sya don.

"Nurse nasan dito ung lalaki-"

"Ung lalaking kaoopera lang ng tyan, room 24 2nd floor" sabi na agad at iniwan kami

"Dito din ba hindi tayo gagamit ng elevator?" tanong ni Pev

"Yes mga anak, may hagdan sa gilid" sagot ng isang nurse na nakarinig at tinuro ang isang pinto

Wala namang nagreklamo at naglakad na kami. Kita ko namang nagiisip din sila at napansin ko din si Abram na nagiisip siguro to kung paano sila kukulitin.

"Hii" bati ni Sab ng pagbuksan kami pinto

Kasya ang kwarto sa dalawang gang din. May cr, may table may dalawang sofa at ang hospital bed.

"Hii, pasok kayo"

Umupo ang mga babae pwera kay Pev at umupo naman si Abram at nakisiksik si Ivan.

"We expect naman na pupuntahan nyo kami. Diretsuhin na namin kayo." Sabi nung Rin

"Ay btw ah I'm Rhina"

"Esh"

"Jimmie"

"Cury"

"Lester"

"Christian"

"Twish"

"and this is Paolo"

Nagpakilala naman kami at nakitang gising na din si Paolo.

"Ako na, rhina. Ako lang ang medyo magaling sa bakbakan dito pero hindi na halata dahil naopera ako sa tyan. Lahat kami ay magaling sa encoding, spying, getting information agad agad. Dirersuhan na" panimula ni Paolo

"Hindi namin ineexpect na papasok kami dito kasi taga underground lang talaga kami. But Dux Field force us na pumasok ang get information about the after floor 50 of the QP dorm. Hindi kami magaling sa bakbakan kaya nagplano na kami kagabi"

"Alam naming malakas ang mga main buildings kaya ng marinig naming pipila lahat ng newbie ay nagmadali kaming kumain at nauna pa sa pila sa harap. At don nga nakinig kami kung sino sino ang mga taga main building at nasaktong kayo nga yon"

"We wanted to be safe here so nagisip talaga kami ng mga paraan. And we think that if our gang will be serve under yours magiging safe kami."

"You guys can use us to spy, get some info. Anytime, just call us. We just wanted to be under yours, you guys get it right?" napatango naman kami

"Dux Field always known as Traitors" biglang sabat ni Abram

"Yeah, pero nung narinig naming halos lahat ng gangs ay may connections dito tapos kami biglang pinatapon ay tinapon narin namin field namin!" sabi nung Esh

"Pumasok kami dito, na parang wala lang. Like wala kaming kilala sa mga hall. Ung list namin sa Need room hindi namin nakuha after an hour kasi gabi na daw and they need to sleep kaya natulog kaming hindi maayos ang kwarto" twish

"Sa table sa cafe, pinagiinitan kami bakit daw table 5 kami eh underground lang" Lester

Napatingin naman ako kila Evu at nakitang nakikinig lang sila. Mga walang emosyon ang muka at tila nagiisip.

"Maybe we can think about it for awhile" sagot naman ni Abi

"Yeah we understand, you can trust us. I know it's impossible or what but we're serious hindi namin nafefeel na magtatgal kami dito pero hindi kami makakalabas ng wala sa level 50 and feeling ko dapat sama sama kami kasi ilang galaw lang ay pinagiinitan kami"

"Yeah, we can't just accept any offer to us. Pagiisipan muna natin, for now alam na rin ng lahat na under namin kayo dahil sa nangyari kanina. And nakipagusap na rin kami kay Doc. Pua na tignan ka" sagot ko naman at tumayo na saktong bumukas ang pinto at ngumiti sa amin si Doc

"Andito pala kayo, iccheck kona sya. Naread kona ang chart nya." napatango naman kami

"Thank youuu" hindi sila nagsalita pero bumuka ang mga bibig nila

Lumabas na kami ng kwarto at naglakad sa hagdan.

"It's a nice offer" Abi

"Yeah, good offer for us" Faye

_

"Mauna na kayo, may kukunin ako sa NeedHall" saad ko ng makalabas kami sa Medic Hall

Kasabay din naming lumabas ang Ggang. Babalik muna daw sa QP dorm para magbihis. 5pm palang naman at marami pang oras bago ang Dinner.

"Ano kukunin mo?Sama kami-" sasabit pa sana si Sab sakin pero nahila na sya ni Abram

"Tara naa" Pev

"Yes, tara na" Faye

"To naman gusto lang lumibot eh!be ang dusing mo na!" Ivan

"Need one?" tanong ni Ethan

"Oh ayan magsama kayo!" tinulak sya ni Cyclin at nagtakbuhan na sila sa cart

Kumuha naman kami ng bike sa gilid ni Ethan at nagbike na papunta sa Sec u Hall. Asa tapat kami ng Medic Hall kaya medyo malayo na malapit ang Sec u Hall.

"You guys have relationship?" alam kong si Abi ang tinutukoy nya

Umiiling nalang ako

"Hmm, but there's something" ngumisi nalang ako

"Something behind us" saad ko at natawa sya

"What's with the DX earlier?" tanong nya

"Offer, They will serve us, we will protect them" napatango naman sya

"Nice offer but"

"Yeah, not a wrong field, kilala naman talaga ang Dux sa underground. Mahirap lang magtiwala" saad ko

"Yeah, so what's your answer?"

"Accept it, kung magttraydor sila mabulok sila dito" ani ko at bumaba na sa bike

"Chill with balls"