webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · Filme
Zu wenig Bewertungen
38 Chs

HELL HALL BALL

Revux Salvador POV

"So lagkit" reklamo ni Abi

"bente" biglang singit ni Ivan

"anong bente?" tanong ko

"Pang bente na yang so lagkit ni Abi, sunod nyan eww na pang bente uno na din" walang kwentang sagot ni Ivan

"Wag mo kasi hawakan" bilin ni Sab

"Yes i know! nanlalagkit lang talaga ako!" rebat naman ni Abi

"Manlalagkit ka talaga hinahawakan mo oras oras eh!" singit naman ni Faye

"Eh kasi so eww eh tatlong buong itlog humampas sakin!" natawa naman kami

Sya lang ang may pinakamaraming itlog na nabasag sa katawan. Tapos kita ko pa kanina kada may mababasag sa katawan nung katabi ko ay pinupunas sa kanya. Hindi nalang ako nagsalita at nakisali sa tawa, kita ko pang tawang tawa din ung nagpahid sa kanya.

"So eww!! yak I'm so pretty tapos ganito?! mygahdd!!" napailing nalang kami at nagpatuloy sa paglalakad dahil hindi sya matatapos dyan.

"Ano kayang laman ng Hell Hall" tanong ni Sab

"Tao be, tao try mo humanap ng pating don. Try mo be" pangjejeng bara ni Abram sa kanya

Kanina pa din sila

"Edi maglalakad tayo maghapon ng ganto ang suot?" tots ni Faye

"Takbo ka para maiba naman" bara naman ni Ivan

"Tangina mo talaga hindi ko alam bakit pinatulan ka ni Shiela"

"Hoy mahal ako non!"

"Ala be baka mahal na din nya kakambal mo haha!"

"De alam non amoy ko! Mas mabango daw ako kesa sa kakambal ko"

"Ay edi alam din nya amoy nung kakambal mo haha!"

"Malamang magkasama sila eh!"

"ah oo same gang pala no?aaaa gg"

"tanginamo faye"

"tangina mo din Evan ay Ivan pala"

Bakit ba hindi nalang sila tumahimik.

"Omyghad! no! magrereklamo ako! whole day?!" syempre si Abi

_

"Line up by gangs" tangging bilin sa amin

Katabi ko si Pev sa dulo, si Ivan at Faye sa harap namin, si Harper at Abi, si Sab at Abram.

"Parang field trip lang" bulong ni Ivan sakin kaya binatukan ko

"Gago, be alert baka mamaya may biglang sumaksak sayo" bilin ko dahil hindi naman imposibleng mangyari iyon

"Gago naman pre, pogi pogi ko tapos saksakakin lang ako bigla?Magpapakasal pa kami ni Shiela"

"After daw ng kasal nyo" bara ni Faye at nagpauna na maglakad

"Gago yon ah?" mura ni Ivan pero tinapik na namin sya sa balikat ni Pev

"Okay lang yan" ako

"Hindi ka naman papakasalan ni Shiela" Pev

At nagpauna na kaming maglakad dahil tinawag si Ivan ng gang nila Shiela. Hindi kami pwedeng maging comportable agad sa Grievous Gang dahil sila ang numero unong kalaban ng Wex Field ang Grey field.

Ramdam kong nagoobserba rin naman si Harper habang katabi si Abigail at si Abram kahit madaldal madalas. Lalo na si Sabrina, alam na alam namin kung tahimik sya sa isang gang ay hindi sya kumportabl-

"Lesiaaa" napatingin ako kay Sabrina ng umalis sya sa pila at tumakbo papunta sa babaeng si Lesia ng Ggang

"Saaabii" tawag din sa kanya at nagtabi na sila tapos tumabi na din sila Faye at Abi

Tumabi naman si Pev kay Cyclin at si Shiela kay Ivan. Nagulo na ang pila namin pero okay lang kasi kami din ang ipagtatabi.

"San kayo napadpad kanina?" rinig kong tanong ni Sab

"Don sa may dulo! dapat nga tatabi lang kami sainyo kaso may humampas na kama sa amin! ayon tumalsik kaming lahat!" natatawang kwento nung Lesia

"Hala! kayo yata ung nasa likod namin na tumalsik!" kwento ni Sab at narealize nilang sila nga yon kaya lumakas ang tawanan nila

Natawa din kami dahil sobrang lakas nung talsik at kitang kita din namin. Kita ko pang medyo nahiya mga lalaking miyembro nila pero natatawa nalang din ung Ethan.

"Grabe andaming gang na nawalan ng members ano kayang gagawin sa kanila?" tanong nung Cyclin

"Hindi naman siguro sila palalabasin lahat" sagot ko

"Sana nga, pero pano sila?"

"Ang rinig ko sa Axe and Cop Field ay may representative din sila pero hindi buong gang" dagdag ni Ethan

"Oh? Tumatanggap pala QP ng hindi buong gang?" tanong ni Sab

"Yeah, i think narinig ko din kay Leon na minsan Solo, Duo or Quadro ang kinukuha minsan depende kung ung mismong Field ay sila ang isshow rep" sagot ni Harper

"Wow, edi parang special ka kasi kunyari Solo ka pinasok sa QP?or no?" singit ni Shiela

"No kasi i think QP is for gangs talaga kung solo kang papasok dito edi ang hirap sinong kakampi mo? diba?" paliwanag naman ni Sab

"That's it, kaya ginagawa ung kanina para maipasok ang mga solo or duo na pumapasok sa QP" sagot ni Abram

"Pero pano kaya nila nakakaya na humiwalay sa gang kanina?Wala kayang makita kanina" saad ni Faye

"Selfish people" tangging sagot ni Sabrina

"Grabe ano ung sagot nung una kaninang lalaki?pano daw nya massafe sarili nya kung hawak nya ung seven?" Cyclin

"Yes diba? kaya nga we are called gang e. We supposed to have a teamwork all the time" maarteng sagot ni Abi kita ko pa ung proud sa muka ni Harper sa sagot ni Abi

Delikado kana.

"Saan next place na pupuntahan daw?" tanong ni Sab

"Medic Hall yata" sagot ko

"Ang layo naman? Hell Hall ang dulo ng QP diba?Tapos ang Medic Hall ay ang unang building sa tabi ng Sec u Hall"

"I hate them" bulong ni Abi sa gilid

_

"First Floor also called Main Hall. Purong suspension lang ang mga andito"

"Second Floor 1st - 4th attempt to break our laws. 5 months inside our Hell Hall"

"Third Floor 5th - 10th attempt to break our laws, will stay for a 15 months inside Hell Hall."

"Fourth Floor attempt to kill inside the QP, 20 months"

"Fifth Floor attempt to break outside 2 years"

"Sixth Floor betraying their gangs"

"Last floor, Seventh Floor killed someone inside the QP or killed innocent outside"

Napasinghap kaming lahat ng makita ang daanan sa 7th flr. Madugo ang Hallway at maraming kalat kalat na kung ano ano. Tahimik, tangging paghinga lang ang naririnig namin.

Lumabas kami elevator kasama ang Ggang at ang isang guardiya. Nagpamauna syang maglakad at sumunod kami.

Ang hallway ay isang malaking diretso lang. Naglakad na kami ganito rin ang ginawa sa ibabang floors pero tahimik lang kami at nakikiramdam.

Nagulat naman ako ng ipaingay ng guardiya ang baton nya. Idinaan nya iyon sa mga rehas ng selda na nagsanhi ng ingay.

"Anong meron?" tanong ko at hinawakan si Pev upang ilapit sa akin

"HH7, welcome the gangs from main buildings" saad ng guardiya

Nagpatuloy sya sa pagiingay ng baton nya at sumunod lang kami sa paglalakad. Napatingin ako sa likod ko ng makarinig ako ng parang may dumaan or gumulong.

"Narinig mo din?" tanong ni Donny dahil sya din ang nakapwesto sa dulo ng pila nila

"Narinig mo?ano yon?"

"Ewan parang may gumulong e"

"Bakit?" tanong ni Sean

"May gumulong narinig mo?" tanong ko napailing naman sya

Naglakad na kami ulit at medyo lumakas na ang ingay na yon o dumami?ha?

"Ano yon?yon ba ung kanina?" tanong ni Sean tumango kami

Kita ko ding nagtaka si Ivan at hinawakan si Faye. Nagpalit sila ng pwesto kaya katabi na ni Faye ngayon si Shiela. Asa pinaka gitna kami at konting gilid ay katabi na namin ang mga rehas.

"Lakad lang" ani ko at naglakad na

Kada isang hakbang ay palakas ng palakas ang tunog ng gulong. Napansin na yon nila Harper at Sab sa unahan kaya napatigil sila.

"Kuya may-"

"Diretso lang, huwag kayong titingin o lalapit sa Selda." ani nya

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad pero ng tumigil ang ingay ng gulong ay ilang minuto lang. GUMULONG NA ANG NAPAKADAMING JOLEN SA PAANAN NAMIN!

"TANGINA" mura ni Ivan at napahawak sa akin dahil matutumba na sya

"LAKAD LANG!" sigaw ng guardiya kaya naglakad pa din kami pero nagtuloy tuloy iyon at sinamahan pa nila ng iyak! hagulgol! ungol! tawa!

"what the hell!" sigaw ni Abi

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!"

"HAHAHHAHAHAHAHAHAAHA"

"UHHJG AAAA UHHH"

Napatakip kaming lahat sa tenga ng lumakas pa iyon. Hindi na rin kami makalakad ng maayos dahil sobrang dami ng jolen sa paanan

"H-E-L-L-H-A-L-L-B-A-L-L" kanta nila palakas ng palakas sinamahan pa nila ng ingay ng mga rehas!

"H E L L!!"

"H A L L!!"

"B A L L!!!!!"

Hindi ko alam kung paano kami nakaalis don! Basta nung nakita ko ung elevator na nakabukas na ay nagtuloy tuloy na kami!

"what the hell happened?!" sigaw ni Abi

"tangna ang sakit sa tenga" Sab

"fck nangalay paa ko" mura ni Ethan

"gago may humila pa sa braso ko!" sigaw ni Donny na kakapasok lang ng ele

"tangina ako din! ano ano pa sinabi!" mura ni Abram

"Iniwan nyoko mga gago!" reklamo ni Donny

"Gago! hinihila kita! hinihila ka din nung babae sa selda!" ani ko at natawa dahil sobrang kapit nung babae sa kanya kanina

"Gago amputa, alam kong tigasing lalaki ako pero gago! nung hinila ako kanina pati mama kong 15 years ng patay natawag ko pa!"

_

"Omyghad, did you see their shirts? it's covered with blood or something tapos ung hair nila like 10 years ng hindi naffix omyghad" kwento ni Abi

"Nakita mo ba ung undergarments nila?asa floor lang" dagdag ni Lesia

"Bakit andaming jolen don?" si Sab na minamasahe paa nya

"Tapos ung song nila? omyghad parang kulto shessh"

Kalalabas lang namin sa Hell Hall at kitang kita ang ibang gangs sa gilid na nakatulala at ang iba ay umiiyak.

"Alam moba sabi sakin nung babae?Lapitin daw ako ng mga mamatay or patay na tangina?!" kwento ni Donny

"oh gago? kala ko inamoy ka lang pre" natatawang busit ni Sean

"Yon nga din akala ko! gago tapos bumulong amputa!" natawa kami sa pagkwento nya dahil halata sa muka nyang kinakabahan sya

"Sakin din bumulong! tangina sabi ba naman huwag daw ako basta basta magddecission!" sabi ni Abram kaya natawa si Harper

"Tanggalin na kitang leader pre baka mapano tayo" asar ni Harper kaya napaayos sya ng tayo at nanahimik bigla

"Tanginamo Harper" bulong nya at lumapit kay Sabrina

"Gago! akala koba number 1 fan ka ng mga manghuhula pre" natatawang asar ko

"Gago!hindi naman manghuhula yon eh!"

"Malay mo diba!"

"Kalalaking tao naniniwala sa hula! Lola ko manghuhula, dalin kita sa kanya pre" sabat naman ni Ethan kaya naghagalpakan kami ng Tawa

"Hoy 80% totoo ang hula!" pinaglaban pa

"Hoy Abram! Ang Hula can be true or not. Hindi natin sya pwede lagyan ng percent!"

At nagdebate silang dalawa ni Faye.