webnovel

Prince of Ethiopa: The Rag Prince

MJ_Blysa · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
13 Chs

Chapter 2

Halos magkadapa-dapa akong tumakbo patungong hall. Dala ko ang mga susuotin nang mga prinsepe sa pagpasok sa paaralan. Nakabagahe na ang mga ito.

"Kailangan na nating magmadali, baka mahuli pa tayo," rinig kong sabi nang reyna. Nadaanan nila ako na patungo sa hall. Napakagara nang mga sinusuot nila. Ano pa ba ang maasahan kong isusuot nila...basahan?

"Sa labas mo na ihatid yan. Sa karwahe mismo," utos ni Kielle kaya sumunod...linagpasan ko sila. Ang bagal kong makalakad. Dinaig pa ang isang snail! Nilagay ko sa likod nang karwahe ang mga maleta nila.

Balak ko na sanang bumalik sa loob nang tawagin na naman ako nang reyna. "Wala ang karwahero kaya ikaw nalang. Bilisan mo nang hindi kami mahuli!"

Ako ang naging karwahero nila. Kahit papano alam ko naman kung paano magpatakbo nang karwahe. Mabilis kaming nakarating sa paaralan. Halos lahat nang mga importanteng tao ay nandoon na. Ang council, headmaster, principal, vice principal, at mga guro. Naroon ang mga estudyanteng iba-iba ang uniporme. Galing sa iba't-ibang paaralan.

Pumasok kami sa loob. Dala dala ko ang mga kagamitan nang mga prinsepe. Halos mapilay ako sa bigat nito. Bakal ba ang nandito sa loob nang mga bagaheng ito? Halos mapamura ako nang makita ang dami nang tao. Napakaimportante nang araw na ito para sa kanila. Sila lang naman ang may halaga eh.

Nagsimula na ang programme na kanina pang hinihintay nang mga tao. Inunahan ito nang maikling pagwewelcome nang headmaster. Ngayon naman ay ang pag-alam kung ilan ang mga makapasok sa taong ito. Pumunta sa entablado ang head nang council na may dalang isang papel.

Inayos nito ang salamin sa kanyang mata bago nagsalita,"Magandang umaga sa inyong lahat. Iaanunsyo ko kung ilan ang mga makapasok at makapag-aral sa DHL: School for Geeks ngayong taon. Simulan natin sa South."

Tila naghanda na ang lahat. Ang mga estudyanteng nasa loob ay naghanda na.

"Mula sa bayan nang Firoed!" tumayo ang anim na estudyante. Pinalakpakan sila nang mga tao. Tatlong babae at tatlong lalaki ang nag excel sa pag-aral nang Sridden sa bayan nang Firoed.

"Mula naman sa bayan nang Leshia!" tumayo ang dalawang estudyante. Parehong babae ang mga ito. Kagaya kanina, pinalakpakan din sila.

"Mula naman sa Rilles!" tumayo ang apat na estudyante. Tatlo ang lalaki at isa lang ang babae.

"Ngayon naman ay dumako tayo sa West. Mula sa Mrikk!" tumayo ang apat na estudyante. Dalawang lalaki at dalawang babae.

"Mula naman sa Rajan!" tumayo ang pitong estudyante. Apat na lalaki at tatlong babae.

"Mula naman sa Uai!" tumayo ang tatlong estudyante. Pareho itong mga lalaki.

"Mula sa Snaiss!" tumayo ang dalawang estudyante na puro babae.

"Mula sa Freos!" tumayo ang isang estudyante. Lalaki.

"Ngayon naman sa East. Mula sa Myrx!" tumayo ang limang estudyante. Dalawang lalaki at tatlong babae.

"Mula sa Huppesa!" tumayo ang dalawang estudyante. Isang lalaki at isang babae.

"Mula naman sa Odsill!" tumayo ang anim na estudyante. Apat na babae at dalawang lalaki.

"Mula sa Kunnwa!" tumayo ang isang lalaki na estudyante.

"Mula sa Crisrrimm!" tumayo ang dalawang lalaking estudyante.

"Mula sa Savpreh!" tumayo ang isang babaeng estudyante. Natapos na ang sa East kaya ang North nalang ang wala pa.

"Ngayon naman ay dumako tayo sa North. Mula sa Priume!" tumayo ang apat na estudyante. Tatlong babae at isang lalaki.

"Mula sa Astreuin!" tumayo ang apat na estudyante na puro lalaki.

"Mula sa Brillza!" tumayo ang anim na estudyante. Tatlong babae at tatlong lalaki.

"Mula sa Mrielle!" tumayo ang apat na estudyante na puro babae.

"Mula sa Sczeroull!" tumayo ang dalawang estudyante. Isang lalaki at isang babae.

"Mula sa Larusse!" tumayo ang apat na estudyante. Dalawang lalaki at dalawang babae.

"At mula sa Kirr!" tumayo ang tatlong estudyante na may dalawang babae at isang lalaki. Naroon si Amanda na nakangiti.

"Base sa mga records, ngayong taon ang may pinakamaraming papasok sa prestihiyosong paaralan na ito kung saan matutunan ang Rizzle. Ito ay ang paghasa sa bawat isa sa inyo. Pressure is going to be your partner,everyday. This year has 69 enrolls! 37 are girls and 32 are boys. At napagkasunduan din nang council ang bagay na ito. Sumang-ayon ang reyna na isagawa ito."

Halos puno nang mga bulungan (na maririnig mo naman) ang buong hall.

"May magaganap na draw sa isang pangalan na kokompleto sa ating mga enrolls ngayong taon." Linabas ang isang lalagyan. Pina-ikot ito nang tatlong beses bago kumuha ang head nang council.

Nasa kamay na nang council ang pangalan. Walang gumawa nang kahit anong ingay. Tila nararamdaman nang ibang tao ang tensyon at kaba.

Tumikhim muna ang head nang council bago nagsalita,"Antonio Cartridge, ang bubuo sa ating mga enrollees. Congratulations!"

Teka. Tinawag ba ang pangalan ko? Halos mabingi ako sa palakpakan nang mga tao. Hinanap nila kung nasaan si Antonio. Nandito po ako sa gilid at walang pakialam kung ako ang inyong nabunot. Kahit pinangarap kong makapasok sa paaralang ito, nagdududa ako sa mga pangyayari. Paano nasali ang pangalan ko?

Lumingon-lingon silang lahat. Tila hinahanap kung sino at nasaan si Antonio. Hinahanap din ako ni Amanda, alam ko 'yon. Kinuha nang reyna ang mikropono at nagsalita,"Ating palakpakan si Antonio Cartridge!" tinuro niya kung saan ako naroon. Hindi ako makapaniwala! Anong gusto niyang mangyari?

Wala akong ibang nagawa kundi ang paglakad papunta sa harap nang entablado. Nakayuko akong naglakad. Ano pa bang magagawa ko?

Pinaupo ako sa isang upuan sa harapan. Maraming matang nakatutok sa akin. Wala akong pakialam lalo na't hindi ako nandadaya. Nakapasok ako sa paaralan ito, ang paaralang pinangalan sa akin.

*****

Nasa loob ako nang opisina nang headmaster. Nakaupo ako sa isang upuan, pinagpawisan nang madami.

Ngumiti ang headmaster sa akin. Kasalukuyan siyang nagbabasa sa isang papel. "Antonio Cartridge. Anak ka nang isang mangangaso sa bayan nang Rajan."

Saan kaya niya nasagap ang mga impormasyon na yan? Walang bahid na katotohanan!

"Ang sabi dito matagal mo nang natapos ang Sridden. Hindi mo nagawang makapag-aral dito dahil wala kang--" naputol anh sasabihin niya nang pumasok ang head nang council nang Ethiopa at ang reyna.

Yumukod nang kunti ang headmaster. Tumayo ako at yumukod din. Ngumiti silang dalawa. Matamis na ngiti ang binato nang reyna sa akin. Pero hindi parin ito totoong ngiti. Ano bang pinaplano nila?

"Bukas ang pormal na klase, Antonio. Kaya dapat maghanda ka na. Para sa iyo, libre lahat nang mga gastusin mo," tanging sabi ni Cornelius, ang head nang council.

Kalmado ang naging boses nang reyna nang ito'y nagsalita. "Sana iyong pagbutihin." Bumaling siya sa headmaster. "Mauna na kami," yumukod muli ang headmaster. Umalis na ang reyna at si Cornelius.

Alam kong lahat nang ginawa nila ay pagpapanggap. Hindi ako tanga! Ang hindi ko lang alam ay kung ano ang binabalak nila. Hindi magawa ni Savana na maging mabait sa akin, dahil una palang ayaw nya sa akin. Siguro isa ito sa plano niya. Ang pagwala ko sa kanilang landas. Ang pagwala ko sa Ethiopa.

Natapos ang pag-uusap namin nang headmaster. Sinabi nya sa akin ang mga importanteng gagawin. Gaya nang, dapat naka uniporme sa bawat oras. May mga silid na para sa mga estudyante. Ngayon ay ang pagbubukas nang ika 27th taon nang DHL: School for Geeks.

Marami pang binilin sa akin ang headmaster. Mag umagahan sa hall sa gitna nang paaralan, kung saan lahat nang estudyante ay naroroon. Hindi magsimula ang umagahan kung hindi kompleto lahat. Ang pananghalian ay magaganap sa isang hall malapit sa opisina nang headmaster. At ang hapunan ay sa hardin nang paaralan.

*****

Linibot kaming lahat sa paaralan. Ida lang ang masasabi ko malaki ito kumpara dati nang ipinasyal ako dito nang aking ama at ina. Matagal nilang naipatayo ang paaralang ito. Akademiya nang Ethiopa, yun ang naging pangalan nito pero binago ito nang nabalitaan ang pagkamatay ko daw. Malaki kasi ang nagawa nang aking ama para sa pagbabago nitong imprastaktura kaya ito ipinangalan sa akin.

Isa ang mga prinsepe sa mga nakapasok dito. Sa Astreuin sila nag-aaral nang Sridden. At hinahangaan sila nang ibang mga babae dito.

Patuloy ang pagpasyal namin sa lugar. May naramdaman akong sumabay sa akin.

"Hindi mo sinabi na sumali ka pala sa draw na iyon," tanging sabi niya.

Hindi ko siya tiningnan. Kung sinadya kong isali ang pangalan ko sasaya sana ako. Pero,hindi! Masyadong nakakapanghinala ang mga pangyayari. Gusto kong sabihin kay Amanda iyon, pero nakatali ang aking dila. Hindi ko kayang sabihin sa kanya.

"Siguro sinwerte lang."

*****

Pinayagan kaming lumabas muna sandali. Sa labas nang paarlan. Pag nagsimula na kasi ang pag-aaral nang Rizzle hindi na kami pwedeng umalis. Depende nalang kung kinailangan o may misyon. Ang misyon ay parte nang pag-aaral nang Rizzle, para mahasa ang iyong kakayahan.

Nandito ako ngayon sa Leshia. Sa bahay ni Serene. Kinuwento ko sa kanya lahat nang pangyayari. Sa mga panahong ganito siya nalang ang maasahan ko. Tinanong ko din sa kanya kung may matanda bang palaging naririto. Sinagot niya ako na wala daw. Kung ganoon saan galing ang matandang iyon? Kung galing siya sa ibang panig ay masyadong malayo. Parehong malayo ang Firoed at Rilles para lakarin niya. Imposibleng galing siya sa kagubatan....pero posible din ito.

"May binabalak na masama ang reyna kaya dapat mag-iingat ka sa paaralan," paalala ni Serene.

Minsan nag-iisip ako kung ano talaga ang plano ni Savana. "Alam ko Serene. Siguro pagtuonan ko nalang nang pansin ang pag-aaral nang Rizzle at hintayin ang unang galaw nang reyna."

"Wag kang masyadong makampante Dylan. Hindi natin hawak ang utak ni Savana. Pati na rin nang sinasabi mong si Cornelius, ang head nang council," sabi ni Serene. Alam ko Serene.

Tumingin ako sa orasan sa dingding nang bahay ni Serene. Ilang minuto nalang at 'call time' na.

"Mauna na ako Serene. Susulatan kita kapag may napapansin akong kahinahinala."

Lumabas ako sa bahay ni Serene. Nagsimulang maglakad. Tumingin ako sa bukana nang kagubatan. Kung titingnan ito, napakapayapa nito. Binalik ko ang tingin sa daan.

Napitlag ako nang may nagsalita,"Mag-iingat ka sa mga gagawin mong desisyon." Ang matanda!

"Anong...anong kailangan niyo?" tanong ko sa matanda.

Sumagot itong muli,"Makilala mo ako, hindi ngayon pero sa tamang panahon." At bigla na naman siyang nawala.

*****

Nakabalik na ako sa paaralan. Siguro tama na din itong pag pasok ko sa paaralang ito. Natakasan ko ang mga pananakit sa kastilyo.

Kasalukuyan kaming kumakain nang hapunan sa hardin nang paaralan. Anim na mesa ang naroon. Lima sa mga estudyante at ang isa ay sa mga opisyales nang paaralan at mga guro.

Natapos ang hapunan at bumalik na kami sa aming mga silid. Humiga ako sa kama. Huminga ako nang malalim.

Kung panaginip man ito sana magising na ako sa katotohanan. Ayaw kong umasa!