webnovel

Please, Laniel

A transexual woman's story

pencoloredman · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
18 Chs

VI.

"SERYOSO?! Talagang dumating siya rito tapos pinuntahan ka?" bulalas nito.

"Oo nga. Ulit-ulitin pa ba?" inis na sagot ko rito.

Tinapunan ako nito ng nakakalokong tingin at ngiti pero hinayaan ko ito na magsawa at mangawit. Sumubo na lang ulit ako ng isang kutsarang kakanin.

Tumayo ako para kumuha ng maiinom naming dalawa at hinayaan ko siya na basahin ang ilan ko pang libro.

"Hello?"

Halos maitapon ko ang isang pitsel na hawak-hawak ko ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"What the hell are you doing here?!" bulyaw ko rito.

Inilapag ko ang hawak kong pitsel at napatakbo sa kuwarto ni mama— wala siya kaya naman tumakbo akong muli papunta sa bakuran at nakita ko si mama na naninigarilyo.

"O, my god!" bulalas ko rito. Napatingin si mama sa akin at ngumiti ito.

"Enjoy ka," mapang-asar na sabi ni mama.

Pumasok ako at hindi na nag-abalang sagutin siya. Gusto ko tuloy pumatay ngayon ng tao. Bumalik ako sa kusina para kuhanin na ang pitsel na kaninang hawak-hawak ko pero nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Is these serious? Laniel is having conversation with Risza?

"O, you're here," Risza said. "Hindi mo naman sinabi na may isa ka pang bisita bukod sa akin."

"Para ngang kabute, e. Bigla na lang sumusulpot," inis na sagot ko rito.

"Mas mainam na nandito siya. May itatanong ako sa kaniya tungkol sa inyong dalawa," nakangiti nitong sabi saka kinuha ang pitsel na kanina lang ako ang dapat na kukuha.

Lumapit ako kay Laniel at binantaan siya. "Kapag may sinabi kang hindi maayos, hindi na kakalat ang lahi mo."

Pumasok ako sa kuwarto ko at iniwan si Laniel dahil alam kong susunod siya sa akin. Bakit ba ganito kamala sang araw ko ngayon? Una, naibigay nga ang mga papeles para sa pag-alis ko pero hindi naman ako kaagad makakaalis. Pangalawa, ito? Ano bang trip ng mundo sa akin ngayon?

"Maupo ka, Laniel. Huwag ka diyan tumayo dahil masyado ka ng matangkad para magpatangkad ulit," ani Risza.

Lumapit si Laniel sa kinauupuan ni Risza pero nang paupo pa lang ay napigilan na siya ni Risza. "Hindi rito sa tabi ko. Doon ka kay Carina," sabi nito saka ngumuso sa kinauupuan ko. Kung hindi ko lang matalik na kaibigan si Risza ay baka nasa kulungan na ako at tinatawag na murderer.

Nang makaupo na si Laniel ay nag-umpisa ng magtanong si Risza.

"So, kahapon nagkita kayong dalawa, Laniel?" panimula nito. Tumango si Laniel bilang sagot. Pinanlakihan ko ng mata si Risza pero hindi tumalab.

"So, saan kayo pumunta?" muli nitong tanong.

"Sa Senior Mab and Yuan Restaurant," mabilis na sagot naman ni Laniel.

"Cool. Nabalitaan ko na masarap ang pagkain doon at too romantic ang aura," maligalig na sabi nito. "Bakit doon mo siya dinala?"

Naramdaman kong umusog si Laniel sa akin kaya medyo nasikipan ako pero hindi ko naman siya pinansin dahil nakakaakit ang amoy niya na sobrang tapang dala ng kaniyang pabango.

"Dahil mahal ko siya?" patanong na sagot ni Laniel.

Napaarko ang kilay ni Risza sa narinig. "So, basically, hindi lang si Carina ang dinala mo roon?"

Risza can slay Laniel with her sharp words.

"Siya lang naman ang minahal ko ng totoo, so, siya pa lang ang naidadala ko roon."

"So, bakit mo pala hinayaan na paghiwalayin kayo ng mga magulang ni Carina way back eight years ago?" mabilis na pagpapalit ng tanong ni Risza. Hindi ito ang Risza na matalik kong kaibigan. Ibang-iba siya kung magsalita.

"Dahil takot ako noon pero ngayon— I can prove them that Carina is the only woman can feed my soul."

Nanigas ang katawan ko nang maramdaman ko ang kamay nito sa kamay ko. Ramdam na ramdam ko rin ang sinseridad na mayroon siya ngayon.

"So, madaling salita, kaya mo siyang ipaglaban sa buong Sargo?" tanong nito. Hindi kaagad nakasagot si Laniel sa sumunod na tanong ni Risza.

"Answer me. Gusto ko kasing malaman kung paano mo mahalin ang bestfriend ko," ani Risza. She is now torturing Laniel's mind.

"Hindi mo na kailangan sagutin. Risza, it's enough," apila ko rito.

Ngumiti si Risza. "Okay, bes."

"Yes. Ipaglalaban ko si Carina. Hindi man madali pero gagawin ko para sa kaniya." Nanlaki ang aking mata sa narinig ko maging si Risza. Tinignan ko siya at nakayuko ito. Ang dalawang kamay nito ay nakapatong sa uluhan.

"My family is too conservative. Actually, naka-arrange marriage ako sa isang babae na hindi ko naman gusto. Nagdesisyon silang ipakasal ako sa hindi ko naman gusto. Gusto kasi nilang manatili ang property ng Sargo Company dahil alam nilang lumulubog na ang kompanya. Laila is not my thing. She doesn't know how to deal with commitment. She's too immature. A childish girl na walang alam gawin kun'di ang guluhin ako sa pang-araw-araw na ginagawa ko simula ng dumating ako sa Pilipinas. Two days na akong pumupunta rito dahil lumalayo ako sa kaniya at gusto kong makasama ang tunay na nagmamay-ari ng puso ko. Compared with Carina. She's matured enough to handle love life. She's too smart. I love her the way she smiles. Her laugh is like a music that calms me. The reason why I came here is because I want to see Carina's face, again," mahabang litanya nito.

Walang gusting magsalita sa amin ni Risza. Magkatinginan kami at walang salitang gustong kumawala sa aming mga bibig.

"Hey! The both of you are okay?"

Natauhan kami ng marinig namin si Laniel na muling nagsalita. He has teary-eye. Ngayon ko lang siya nakitang halos maiyak mula noong magkahiwalay kaming dalawala, walong taon na ang nakalilipas.

"Oo naman. Nakikinig kami. 'Di ba, Risza?" sagot ko rito.

"Oo naman."

Muling naaig ang katahimikan sa loob ng kuwarto. Masyadong mabigat ang ang mga sinabi ni Laniel at damang-dama ko ang sakit at kirot na dulot nga arrange marriage na naganap sa kanilang dalaw ni Laila. Hindi ko alam na ganito pala kabigat ang dinadala ng lalaking ito. Wala akong kaideideya sa nangyayari sa kaniya. He is good. Masyadong mabait si Laniel para maranasan ang ganitong pangyayari. Kung matutuloy man ang pagpapakasal nila no'ng Laila ay habang buhay niyang pagsisisihan na pumayag siya gano'n din ang aking gagawin— pagsisisihan ko rin na hinayaan kong mapasakamay ng babaeng iyon si Lnaiel. Makokonsensya ako na binaon ko sa hukay si Laniel dahil lang sa pagiging makasarili ko.

"Kailan ba ang kasal niyong dalawa noong Laila?" Basag na tanong ni Risza sa katahimikang namamagitan sa aming tatlo.

"Sa susunod na buwan na," maikiling sagot nito pero ramdam ko ang bigat na dinadala niya.

Muling natahimik ang bawat isa.